‘GENERATION HAPPY’, MGA BABAENG NASA 40s

40s

(Ni Edzer Lanuza)

TILA totoo ang matandang kasabihan na  “life begins at 40” lalo na sa mga kababaihan at  hindi maikakaila na ito ay patungkol sa kanilang sex life.

Iminungkahi sa isang survey, ang mga babaeng nasa kanilang fifth decade ay may mas sapat na panahon sa kama kaysa sa anumang ibang stage ng kanilang buhay.

Napag-alaman din na mahigit sa isang quarter ng married women ang umaming nagkaroon ng affair, kumpara sa tinatayang 18 percent sa mga  lalaking may asawa.

Tiwala sa sarili

Sa survey sa 2,000 kababaihan, ang nasa 40s ay “less self-conscious” tungkol sa kanilang mga katawan at bilang resulta ay mas may tiwala sila sa kanilang sarili pagdating sa kama.

Hanggang 80 percent ang nagsasabi na mas “adventu­rous” sila sa kanilang   partner kaysa noong nasa kanilang  20s, samantalang 60 percent ang nagpahayag na mas nakararamdam sila ng pagiging “mapamilit”.

Ayon sa experts, ito ang edad kung saan ang mga babae ay tumatama sa kanilang ‘sexual confidence’ peak  –  alam nila kung ano ang gusto nila sa kama at di sila natatakot na magtanong.

Satisfied in bed

Sa kabaligtaran, lima sa mga kababaihang nasa 30 pababa ang madalas na nagpapanggap na “satisfied in bed”, kumpara sa 7 porsiyento ng nasa edad 40 .

Nabatid din sa research na 68 percent ng mga babae na nasa kanilang 40s ay mas nakakaalam kung ano’ng love-making technique ang makapagbibigay sa kanila ng higit na kasiyahan, at mas mahigit sa kalahati ang nagsasabi na di sila nahihiyang tanungin tungkol sa sex.

Best sex

Mahigit naman sa 58 percent ang naglahad na sila ay nagkaroon  ng “best sex” sa kabuuan ng kanilang pagsasamang mag-asawa sa edad na 40 pataas, madalas dahil sila ay mas may karanasan.

Mas kakaunti rin ang kanilang pag-aalala kaysa noong sila ay nasa kanilang 20s o 30s, kahit na sa pagtatrabaho o pag-aalaga ng mga anak, kaya sila ay nakapagpapahinga ng tama sa silid.

Long term relationship

Samantala, iginigiit ng mahigit sa 90% ng mga kababaihang nasa 40s na ang katapatan ay mahalaga sa isang long-term relationship  –  pero nakamamanghang ilan ay uma­ming nagkaroon ng relasyon sa iba.

Tanging 5 percent lang sa mga married women ang umaming hindi naging tapat sa kanilang mga asawa, ito ay nang magkaroon sila ng best sex sa iba.

Sa average woman over 40, lima rito ay nagkaroon ng five sexual partners sa kanyang buhay, kumpara sa siyam na nasa average 30-something.

Sexual adventure

Ayon kay Nicola Down, editor ng Top Sante magazine, “Ang tunay na sexual adventure ay nagsisimula kapag ang mga anak ay umaalis na sa kanilang tahanan at ang mga babae ay nagkakaroon ng body confidence at experience na ma-enjoy ang sex higit kaysa sa dati.”

Malinaw umano sa survey, na ang mga married wo­men sa kanilang  40s ang may pinaka-best sex lives. Sila ang mga mas nage-enjoy sa napakasarap na sex life.

Sexual peak

Sa survey ng U. S., lumabas na ang nasa 40s at 50s na mga kababaihan ay mas nakaaabot sa kanilang sexual peak, mas malimit at enjoyable ang kanilang pakikipagtalik.

Sa pag-aaral sa may mahigit 600 women, nailathala sa British Journal of Urology, ang love-making ay nakadepende sa hanay ng mga salik kabilang ang pagtitiwala sa sarili at tibay ng relasyon.

Self-esteem

Nabatid din na ang mga older women ay may mas higher self-esteem at mas nakakaramdan ng kaginhawahan mula sa kanilang mga partner.

Sinasabi ring mahigit kalahati sa mga babaeng nasa mid-40s ay madalas nagtutu­ngo sa club. 71 percent sa survey ang nagsabi sa  sumasama sila sa cocktails kasama ng girls.

Hindi katulad noong sila’y mas bata pa, sila’y mas insecure. Ang independent breed na mga kababaihang ito, binansagang “Generation Happy”, ay sobrang kumpor­table sa sarili at sinasamantala ang financial independence para magsaya.

Marami ang umaming nakikipag- speed-dating para makatagpo ng potential partners. Sa kabila ng kasikatan ng cosmetic surgery, 45 percent ang nagsabing sila ay totally happy sa kanilang hitsura.

Please follow and like us:
Read More