JR. NI NAVARRETE BINARIL, PATAY

gensan12

(NI ANNIE PINEDA)

BAGSAK ang isang anak ng boksingero matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek habang una ay naglalakad papuntang tindahan, Lunes ng gabi sa General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Rolando Navarrete II, alyas Tuko, 24-anyos, obrero at residente ng Carcon Village, Barangay Lagao, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Lagao PNP, dakong alas 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Patungo sana ang biktima sa kalapit na tindahan nang bigla lamang umalingawngaw ang magkakasunod na putok ng baril at bumulagta ang biktima.

Naglabasan naman ang mga residente at dito na nila nakita ang biktimang naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay.

Habang mabilis naman nakatakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente nakapulot sila ng basyo mula sa .45 kalibre na baril na posibleng ginamit sa krimen.

Ang biktima ay anak ng sikat na 62-anyos na boksingerong si Rolando Navarrete na nakapagtala ng 74 na laban kung saan 56 ang panalo at 15 ang talo.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek.

 

 

Please follow and like us:
Read More

5-ANYOS NAKITANG PATAY SA KOTSE

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG binawian ng buhay ang isang batang babae nang matagpuan ito sa loob ng pribadong sasakyan, iniulat kaninang umaga sa General Santos City.

Dead-on-arrival nang idating sa ospital ang 5-anyos na batang babae na hindi pinangalanan ng Bgy. Tambler, General Santos City.

Ayon kay Dr. Jette Oco, city health office ng nasabing lungsod, lumabas sa kanilang pagsusuri na namatay ang bata sa suffocate o nawalan ito ng hangin sa loob ng sasakyan na nakasarado ang buong pintuan nito.

Paniwala ng mga awtoridad, posibleng nakatulog ang bata sa loob ng sasakyan at ilang minuto ang makalipas ay nawalan na ito ng hininga.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

BATANG BABAE NATUPOK SA SUNOG

fire

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY-Patay ang isang 6-anyos na batang babae matapos tupukin ng apoy ang may 60 kabahayan sa Purok Islam, Barangay Dadiangas South sa lungsod ng General Santos City, ngayong Martes.

Kinilala ang namatay na si Baynor Putian matapos marekober ng otoridad ang mga buto nito sa loob ng nasunog nilang bahay.

Sa ulat ng General Santos City police, napag-alaman na dakong alas 5:00 ng madaling araw nang mag-umpisang sumiklab ang sunog sa tinatayang 60 mga bahay na paupahan sa lugar.

Naiwang mag-isa ang bata sa loob ng kanilang boarding house dahil tulog ito nang mangyari ang sunog sa palibot ng isang Moske.

Napag-alaman na maagang umalis sa kanilang bahay ang ama ng biktima upang mag-trabaho sa pamilihang bayan habang isang overseas Filipino worker (OFW) ang ina nito.

Ilang residente rin ang nasugatan at isang motorsiklo ang tinupok din ng apoy.

Ayon sa mga residenteng nakakita sa sunog isa umanong mala-impyerno ang nangyari dahil sa laki ng apoy na mabilis kumalat sa mga kabahayan.

Una na ring nangyari ang malaking sunog noong nakaraang buwan sa katabi rin ng nasabing lugar.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

Please follow and like us:
Read More

NANAY UMAYAW SA SEX: 3-ANYOS PINATAY SA SAKAL NI TATAY

gensan12

(NI ANNIE PINEDA)

KAAWA-AWA ang sinapit ng tatlong taon na gulang na batang babae sa kamay ng kanyang sariling ama na adik sa droga matapos itong bugbugin at sakalin nang hindi umano pagbigyan ng kanyang misis na makipag-sex, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng General Santos City.

Kinilala ang biktimang si Carla Jean Tobio habang naaresto naman ang ama at suspek na si Raldy Boy Tobio, kapwa residente ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang bata ng kanyang ina na si Rowena na malamig na bangkay .

Ayon sa ina, bago ang insidente, nagpupumilit ang suspek na makipagtalik sa kanya, pero tinanggihan niya ito dahil pagod siya sa trabaho hanggang sa ito ay nakatulog na.

Kinaumagahan, nakita na lamang niya ang anak na nanghihina at may mga pasa, dahilan para kanya itong tanungin dito na nagsumbong ang bata tungkol sa pananakit  sa kanya ng ama.

Sa pag-akalang simpleng sakit lamang ang nararamdaman ng anak, di na agad ito nadala sa ospital dahil na rin sa kawalan ng sapat na pera, paglipas ng isang araw nakita na lamang niya ang anak na wala nang buhay.

Sinabi pa ni Rowena, na matagal na silang sinasaktan ng asawa at gumagamit ng iligal na droga.

Nadiskubre rin na may warrant of arrest sa kasong homicide sa Pigcawayan, Cotabato si Raldy Boy.

Isasailalim na rin sa otopsiya ang bangkay ng bata para alamin kung nagalaw rin ito ng kanyang ama.

Desidido naman si Rowena na magsasampa ng kaso laban sa kanyang asawa.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SA INVESTMENT COMPANY NAHULIHAN NG BARIL

ARRESTEDHAND12

(NI KIKO CUETO)

GENERAL SANTOS CITY– Pinasok ng mga pulis, Huwebes ng gabi, ang isang bahay ng empleyado ng investment group sa Barangay San Isidro, General Santos City.

Sa bisa ng search warrant laban sa target nilusob ang bahay ng suspect na sinasabing may itinatagong matataas na kalibre ng baril.

Pero ayon sa report, pagpasok pa lang ng raiding team, agad nang isinuko ng target ang kalibre .45 na baril na nakalagay sa isang sling bag.

Nakita rin sa loob nito ang mga bala.

Sinabi naman ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 12, na may nagsumbong sa kanila na may hawak na baril ang target.

Mayroon namang ipinakitang dokumento ang target, pero hindi umano ito lisensiya at rehistro kaya ilegal ang baril nito.

Hinalughog ng mga pulis ang bahay ng target, pero wala nang makita pa.

Depensa ng target, ibinigay lang umano sa kanya ang baril. Inakala raw niyang ang hawak niyang dokumento ay sapat na.

Gayunman, nakahanda siyang harapin ang isasampang kaso na illegal possession of firearm and ammunitions.

 

Please follow and like us:
Read More