GAERLAN BAGONG SC ASSOCIATE JUSTICE

Justice Samuel Gaerlan

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Court of Appeals Justice Samuel Gaerlan bilang Associate Justice ng Supreme Court.

Kinumpirma ito mismo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Matatandaang isa si Gaerlan sa inilabas na shorlist ng Judicial and Bar Council (JBC) na mga nominado para maging bagong associate justice ng Korte Suprema.

Sa liham ng JBC kay Pangulong Rodrigo Duterte, nagsumite ito ng anim na pangalan na maaring mapagpilian ng pangulo para italagang bagong mahistrado.

Kabilang sa mga ito sina: Manuel Barrios, Samuel Gaerlan, Ramon R. Garcia, Jhoseph Y. Lopez, Jose Midas Marquez, at Eduardo Peralta Jr.

Papalitan ng hihiranging associate justice ang pwesto ni Justice Diosdado Peralta na ngayon ay punong mahistrado na. (CHRISTIAN DALE)

Please follow and like us:
Read More