29 EVACUEES NALASON SA DONASYON NA PAGKAIN

(NI JG TUMBADO)

NASA 29 indibidwal na pawang mga evacuees ng dalawang magkasunod na lindol sa Mindanao ang iniulat na nalason sa pagkaing rasyon na ipinamamahagi sa loob ng evacuation center sa Barangay Malabuan, Makilala sa Cotabato.

Ayon sa nakarating na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nangyari ang food poisoning nitong ng Lunes, Nobyembre 4, sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, kumain ng pananghalian ang mga evacuees ng ‘pastel’, uri ng pagkain na naglalaman ng manok at itlog.

Makalipas ang limang oras ay dito na nakaranas ng papanakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at bowel movement.

Agad dinala ng Regional Health Unit ng Department of Health ang mga apektadong evacuees sa magkakahiwalay na hospital sa Cotabato Provincial Hospital at Kidapawan City Hospital kung saan 10 sa 29 ay nananatili sa pagamutan.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung saan galing ang ipinamahaging pagkain sa evacuation center.

 

Please follow and like us:
Read More

79 ATLETA NALASON SA MENUDO

(NI JG TUMBADO)

NASA 79 kabataang estudyante na pawang mga atleta ang naisugod sa ospital matapos umanong malason sa nakaing sirang ulam sa bayan ng Candijay sa Bohol nitong Sabado.

Karamihan sa mga nabiktimang atleta mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan na dumadalo sa 3rd Congressional District Athletic Meet ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at diarrhea.

Batay sa ipinarating na report sa Candijay Municipal Police station, dumanas ng matinding sama ng pakiramdam ang mga biktima nang kumain ang mga ito ng inihandang pananghalian na pork menudo.

Nabatid na dalawang baboy ang ipinakatay para sa pagkain ng mga atleta at inihanda ng may 48 kitchen personnel at dalawang student-assistants.

Nasa 12 atleta pa ang nananatili sa ospital simula ng mangyari ang insidente.

Kumuha na ang mga kinauukulan ng samples sa pagkain at ininom ng mga atleta gayundin ang rectal swabs ng ilang piling pasyente para sa pagsusuri.

 

Please follow and like us:
Read More

13 MAG-AARAL ‘NALASON’ SA BIRTHDAY PARTY

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY-– Nasa 13 na mag-aaral ng Grade 4 sa AMA Computer Learning Center sa Malvar nitong lungsod ang isinugod sa pagamutan makaraang magsusuka at manakit ang tiyan matapos na kumain ng pagkain na binili sa isang kilalang fast food chain sa Illustre, nitong Lunes.

Ayon kay alyas Roselle, ina ng isang Grade 4 sa paaralan, sorpresang treat ang kanyang ibinigay sa anak dahil hindi ito nakapagdiwang sa kanyang kaarawan noong Linggo dahil kararating lang niya mula sa ibang bansa kung saan nag-tatrabaho.

Inutusan umano niya ang isa pang magulang na bumili ng packed lunch sa isang kilalang pambata na food chain.

Dumating ito pasado alas 11:00 ng umaga at agad ibinigay sa mga bata ang pagkain.

Ngunit pagkalipas umano ng halos isang oras, isa-isa ng nakaranas ng pananakit ng tiyan at nagsusuka na ang mga bata kaya agad itong dinala sa ospital.

Dagdag ni Roselle, walang ibang kinain ang mga bata kundi ang biniling packed lunch na may lamang pritong manok, kanin at soft drinks.

Napag-alaman na 36 na mag-aaral ang kumain sa packed lunch ngunit nasa 13 nito lang ang nakaranas ng ganong karamdaman.

Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang malaman ang sanhi ng naturang insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

MARUMING TUBIG, YELO SINISILIP SA NALASON NA 40 ESTUDYANTE

(NI ROSS CORTEZ)

KONTAMINADONG tubig o yelong ginamit sa mga palamig na nainom ng mga estudyante mula grade 7, 8 at 9 ng Imus Institute Satellite School, ang sinisilip na sanhi ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka ng higit sa 40 biktima na pawang isinugod sa ospital noong Miyerkoles ng hapon.

Ngayong Biyernes ay personal na nagtungo sa Imus Institute ang team ng DoH Regional Office 4A, Provincial Health Office, Imus City Health Office at Imus PNP, para mag- imbestiga at kumuha ng mga water sample sa loob ng eskuwelahan.

Ayon kay Dr Ernesto Pablo Medina, posibleng sa nainom na mga palamig tulad ng sago gulaman, milktea, iced tea at choco drinks nakuha ng mga biktima ang gastroenteritis.
Kaya naman sumailalim sa water sample ang kanilang mga gripo, maging ang mga tubig na gamit ng kanilang mga concessionaires.

Nailayo na rin ang isyu na posibleng sa nakitang patay sa kabilang subdibisyon nanggaling ang posibleng kontaminasyon sa tubig o yelo.

Imposible raw na maging airborne ang virus na nakaapekto sa posibleng kontaminasyon, at malayo na rin daw sa water source nila ang lugar kung saan nakita ang bangkay ng nakabigting biktima.
Bigo namang makakuha ng sample ng yelo ang Provincial Health Office dahil walang tao sa bahay na pinagkukunan nito.

Mula pa nitong Huwebes ay kanselado na ang klase sa buong eskuwelahan at babalik sa normal na klase sa Lunes.
Inaasahan ding makapagpapalabas ng water sample result ang Provincial Health Office, 18-oras matapos itong isailalim sa pagsusuri.

 

Please follow and like us:
Read More

39 AETA NALASON SA FEEDING PROGRAM NG NGO GROUP

capas1

UMAABOT sa 39 miyebro ng Aeta community sa Capas, Tarlac ang isinugod sa ospital matapos umanong malason sa pagkain sa isinagawang feeding program nitong Sabado.

Sinabi ni Capas Mayor Reynaldo Catacutan na ang mga Aeta mula sa Sitio Bethel sa Barangay Maruglo ay nakaranas ng pagsusuka at pananakit ng tyan at ginagamot sa Tarlac Provincial Hospital.

Nabatid na ang mga nabiktima ay kumain ng pork adobo, pork barbeque at pork menudo na isinilbi sa feeding program ng Bulacan-based non government organization tanghali ng Sabado.

Please follow and like us:
Read More

6 ESTUDYANTE NALASON SA COOKIES, 1 PATAY

cookies

(NI NILOU DEL CARMEN)

ANIM na estudyante ang umano ay nalason  sa kinaing cookies na niluto ng isa nilang  kaklase sa kanilang tahanan sa Brgy. Palico 4, Imus City Martes ng hapon.

Nasawi naman habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isa sa mga biktima na kinilalang si Mark Joseph Tan, 18 anyos.

Batay sa report ng Imus police, nagtungo ang anim sa bahay ng kanilang kaklase na si Daniela Grace Bulo na nag-bakenaman ng kanilang kinaing chocolate cookies.

Subalit matapos kumain, nakaramdam na ang mga biktima ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at nahirapang huminga.

Agad isinugod ang mga ito sa Medical Center of Imus kung saan nasawi rin si Tan.

Nasa maayos na namang kalagayan ang lima matapos malapatan ng lunas.

Kumuha na ang mga awtoridad ng sample na pagkain upang ipasuri at para malaman kung ano ng ikinalason ng mga biktima.

Please follow and like us:
Read More

PAMILYA NG LUMAD NALASON SA PANSIT

lumad

CAGAYAN DE ORO CITY – NASA ospital pa rin at patuloy na inoobserabahan ang ilang pamilya ng mga katutubong Lumad sa Misasmis Oriental na umano’y biktima ng food poisoning matapos kumain ng pansit.

Sinabi ng lider ng Asosasyon ng mga Magsasakang Lumad, nakaranas ng pagsusuka at pagkahilo ang mga katutubo matapos kumain ng  ‘bam-I’ na binili sa isang tindahan. Kabilang umano ang pansit sa mga handa para sa unang linggo ng taon. Nasa J.R. Borja City Memorial Hospital at Northern Mindanao Medical Center pa rin ang mga biktima. Noong nakaraang linggo ay mahigit sa 50 katao rin ang dinala sa ospital na sinasabing nalason sa kinain na pansit.

Please follow and like us:
Read More