UTOL TODAS KAY UTOL, 1 PA SUGATAN 

crime34

(NI SIGFRED ADSUARA)

HULI na ang  pagsisisi ng isang 31-anyos na mangingisda  nang nahimasmasan sa sobrang kalasingan at nalaman niya na napatay niya ang kanyang nakababatang utol at nadamay pa ang kanyang kainuman  sa Maragondon, Cavite.

Namatay noon din si Kenneth De Guzman, 29, ng Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite habang namatay din habang ginagamot sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH)  si  Mark Aries Mojica, , isa ring Mangingisda ng Bry Patungan, Maragondon, Cavite dahil sa saksak sa katawan.

Nakakulong na sa Maragondon, Custodial Center ang suspek na si Sonnylet De Guzman, 31, isang mangingisda, nakatatandang kapatid ni Kenneth at kapitbahay nito sa Brgy Patungan, Maragondon, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Juviel De Leon ng Maragondon, Municipal Police Station, dakong alas-10:00 ng Martes ng gabi nang naganap ang insidente kung saan nag-iinuman si Kenneth at Mark sa loob ng bahay ng una nang dumating ang nakatatanda nitong kapatid na si Sonnylet na nakainom din.

Agad umanong sumiklab ang galit ng nakatatandang De Guzman dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa nagbunot ng patalim si Sonnylet at itinarak sa dibdib ng nakababata nitong kapatid na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Tinangka namang namagitan si Mark Aries pero siya naman ang binalingan ni Sonnylet na may tama rin sa ulo na hinihinalang nakuha nito habang nakikipambuno sa kanyang kapatid.

Ayon kay De Leon, may matagal na umanong alitan ang magkapatid na sumiklab ito nang nagpang-abot sa bahay ng nakababatang utol.

 

Please follow and like us:
Read More

PEKENG NPA HULI SA ENTRAPMENT; BIKTIMA PUMALAG

cppnpa12

(NI SIGRED ADSUARA)

SWAK sa kulungan ang isang 38-anyos na nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maaresto sa entrapment operation sa aktong na humihingi ng revolutionary tax sa mga mangingisda sa Tanza, Cavite.

Kasong robbery extortion ang isinampang kaso laban sa naarestong  suspek na si Edison Malaras Jr, may-asawa, ng 143 Sta Rosa Ave., Maria Subd., Mabalacat, Pampanga at Tramo St., Brgy Amaya 1, Tanza, Cavite, dahil sa reklamo ng isang Adelfa Lejano, miyembro ng Pamalakaya, isang asosasyon ng mga mangingisda.

Sa ulat ni PSSgt. Darius Dela Vina, ng Tanza Municipal Police station, dakong alas- 3:45 Miyerkoles ng hapon, nang ikasa ng Tanza MPS, POOG-PIB, SWAT Cavite, Naval Intelligence Security Group, NCR Naval Intelligence and Security Force (PN) at  Coast Guard Intelligence Force, Field Station NCR-Central Luzon (PCG) ang pag-aresto sa suspek sa Cesa Road, Bgy Amaya 1, Tanza, Cavite.

Ayon kay Dela Vina, modus operandi ng suspek ang pagpapakilala nitong miyembro ng NPA  at nagpadala ito ng liham sa biktima kung saan humihingi ng P300,000 na revolutionary tax at kung hindi ito magbibigay ay susunugin niya ang ilang bangka na pagmamay-ari ng mga miyembro. Nag-iwan din ito ng contact number para siya tawagan.

Lingid sa kaalaman ng suspek, nakipag-ugnayan ang biktima sa pulisya kung saan ikinasa ang entrapment operation at sa aktong iniaabot ng huli ang  boodle money sa suspek ay inaresto ito.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre .38 na baril at mga bala, wallet na naglalaman ng lisensiya ng isang mangingisda, mga identification cards, cellphone at ang boodle money na P1,500.

Sa pagkakaaresto sa suspek, nabulgar din na siya rin ang dating nagpapakilalang miyembro ng NPA na humihingi ng revolutionary tax sa ilang miembro ng Pamalakaya, partikular sa Amaya 1,  Tanza, Cavite at siya rin ang suspek sa pagsusunog  ng ilang bangka ng mga mangingisda noong January 6, 2019.

Nakakulong ngayon sa Tanza custodial center ang naarestong suspek.

Please follow and like us:
Read More