300 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG SA PANDACAN

(NI RENE CRISOSTOMO) NAGTAMO ng 2nd degree burns ang isang residente nang malapnos ang katawan nito sa sunog na tumupok sa 150 kabahayan kung saan aabot sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa Pandacan, Manila, Sabado ng umaga. Base sa ulat ng Manila Fire District ng Bureau of Fire Protection,naganap ang sunog ng bandang alas-9:55 ng umaga sa two-storey residential apartment sa Barangay 833, sa Pandacan. Dahil sa pawang gawa sa light material, kumalat ang apoy na umakyat sa ika-5 alarma makalipas ang  kalahating oras,  bandang alas-11: 57 ng…

Read More

3-ANYOS PATAY SA SUNOG; 100 BAHAY NAABO

(NI ROSE PULGAR) ISANG tatlong taong gulang na batang babae ang nasawi habang sugatan naman ang siyam na taong gulang na batang lalaki nang tupukin ng apoy ang 100 kabahayan at 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa isang oras na naganap na sunog sa Barangay Ligid Tipas Taguig City, Sabado ng umaga. Kinilala ni Taguig City Fire Marshall Supt. Randolph Bides ang labi ng paslit na si Prescious Clarisa Parcarey na sunog na ang katawan. Habang ang sugatan na si John Rey Mendibel na nagtamo ng minor injury sa…

Read More

SARILI SINILABAN SA KALSADA

(NI ANNIE PINEDA) NAGING uling ang katawan ng isang lalaki matapos kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagsunog sa sarili nang maligo ito ng gas saka sinindihan, iniulat kaninang umaga sa Cagayan de Oro City. Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa biktima at dinala sa punerarya ang sunog na bangkay nito. Batay sa report ng Macasandig Police Statiaon, naganap ang insidente Sabado ng hapon sa gilid ng kalsada sa Rotonda circle, Macasandig, Cagayan de Oro City. Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nakita na lamang ang biktima…

Read More

LOLA NATUSTA SA SULO

(NI SIGFRED ADSUARA) TULUYAN nang hindi nagising sa mahimbing na pagkakatulog ang isang 78-anyos na Lola nang lamunin ng apoy ang kanyang bahay sa Cavite City. Kinilala ang biktima na si Apolonia Valenzuela,  biyuda,  ng 706 Romualdo St., Brgy 24, Caridad, Cavite City. Sa ulat ni FO1 Julie De Villa, ng Cavite City  Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-2:30 Huwebes ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa barong-barong ni Lola Apolonia at dahil sa gawa lamang sa light materials ay mabilis na nilamon ng apoy at maging ang…

Read More

BABAENG MAY ‘SAYAD’ NANUNOG NG BAHAY 

(NI ANNIE PINEDA) NAGING uling ang bahay ng mag-ina makaraan sunugin umano ng anak na babae na may problema sa pag-iisip na ikinadamay ng apat na katabing bahay nito, iniulat kaninang umaga sa Iloilo City. Sinisisi ngayon ng kanyang mga kapitbahay si Ruth Magarse, sinasabing may deperensya sa pag-iisip at residente ng Barangay Punong, La Paz, Iloilo City. Ayon kay SFO2 Edison Gimoteo, chief arson investigator ng Bureau of Fire Protection-Iloilo, dalawang bahay ang tuluyan natupok ng apoy kasama ang kay Magarse habang tatlo pang kabahayan ang nadamay. Lumabas sa…

Read More

59-ANYOS BABAE PATAY SA SUNOG

NAMATAY sa sunog ang 59-anyos na babae sa loob ng kanyang bahay sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng hatinggabi. Bedridden umano ang biktima at mag-isa lamang sa bahay nang sumiklab ang apoy, ayon kay Bacoor City fire marshal Jude Sumeg-ang. Nasa trabaho ang mga kaanak nang mangyari ang sunog. Ang nag-aalaga naman sa kanya ay iniiwan siya kapag nakatulog na. Nabatid na sa mismong kwarto ng biktima nagmula ang apoy na posible umanong faulty electrical wiring ang sanhi. Kasamang natupok ang tatlong bahay sa subdibisyon na umabot  sa ikatlong alarma…

Read More

6 PATAY, 4 SUGATAN SA PENSION HOUSE FIRE

(NINA ANNIE PINEDA, AMIHAN SABILLO) (UPDATE) ANIM katao ang kumpirmadong nasawi habang apat ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang pension house, kaninang madaling araw sa Bacolod City. Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Ronalyn Daquilla, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong lalaki kabilang ang isang bata at 1 pang babae habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Sanday Romeo Omnos, 28, residente sa Dumaguete City, John Carlo Rivera, 26, residente sa Pampanga, at Miguel Paolo Nuñez, 34, residente sa Victorias City. Sa report ng Bacolod…

Read More

PANCIT FACTORY SA QC NASUNOG

SUNOG-7

MABILIS na kumalat ang apoy at natupok ang pagawaan ng pansit sa Barangay Balon Bato, Quezon City Huwebes ng madaling-araw. Nagsimula ang apoy alas-3 ng madaling-araw at mabilis na iniakyat sa ikalawang alarma, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Nag-umpisa ang sunog sa likurang bahagi ng gusali kung saang may pugon, base sa inisyal na imbestigasyon. Mabilis na lumaki ang apoy matapos umabot ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali na gawa sa kahoy.

Read More

GINANG PATAY SA SUNOG 

SUNOG-7

(NI ROSE PULGAR) PATAY ang isang ginang makaraang ma-trap sa loob ng nagliliyab niyang bahay nang sumiklab ang sunog sa Taguig City, Sabado ng madaling araw. Nakilala ang nasawing biktima na si Rose Franco, 39, may-ari ng nasunog na bahay sa Dimasalang St. Barangay Hagonoy, ng naturang lungsod. Batay sa ulat ng Taguig City Bureau of Fire Protection , dakong ala-1:10 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa Dimasalang St. nang nasabing lungsod. Tatlong bahay ang nasunog kabilang ang bahay ng pamilya Franco. Agad naman nakalabas ng bahay at nakaligtas…

Read More

3 NATUSTA SA GAPO FIRE

sunog

(NI JG TUMBADO) TATLO katao sinasabing magkakaanak ang nasawi sa sumiklab na sunog sa isang residential building sa Rizal Avenue, Barangay West Bajac-Bajac sa lungsod ng Olongapo. Batay sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas 6:00 ng umaga ng Miyerkoles nang mag-umpisa ang sunog. Bigla na lamang umanong nagliyab ang auto supply sa gusali at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay. Sa pahayag naman ni Mayor Rolen “Lenj” Paulino Jr, na-trap ang tatlong biktima sa loob ng gusali dahilan ng kanilang pagkasawi.…

Read More

MANILA FIRE: 2 VOLUNTEER SUGATAN; 200 PAMILYA APEKTADO

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY KIER CRUZ) NAGTAMO ng mga sugat at paso ang dalawang fire volunteer habang may 100 bahay yari sa light materials ang natupok sa nasunog na tatlong palapag na residential house, Martes ng tanghali sa Quiricada, Sta.Cruz, Maynila. Nabatid  kay FSupt. Rodolfo Denaga, ng Manila Bureau of Fire Protection, alas  11:50 ng tanghali  naganap ang sunog sa bahay ni Jennifer Garcia,  sa  1606 Quiricada St.  Sta.Cruz, Maynila. Ang sunog ay umabot sa Task Force Bravo at idineklarang fire control ala 1:36 ng hapon. Mahigit 200 pamilya ang…

Read More

MAG-AMA, CAREGIVER, PATAY SA SUNOG

PATAY ang tatlo  katao sa sunog na tumupok sa isang bahay sa Barangay Blue Ridge A, Katipunan Ave., Quezon City Biyernes ng madaling-araw. Nasawi ang 87-anyos na may-ari ng bahay, kanyang 40-anyos na anak at 35-anyos na caregiver. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy pasado alas-2 ng madaling-araw. Sa lakas ng apoy, bumagsak ang ikalawang palapag at nasunog ang apat na kotse. Kuwento ng nakaligtas na kasambahay, nakarinig siya ng putok bago sumiklab ang sunog sa may kusina. Tumakbo siya sa labas para humingi ng tulong,…

Read More

LASING NAG-YOSI BAGO MATULOG; NATUSTA SA SUNOG

fire

(NI ANNIE PINEDA) NALITSON nang buhay ang isang lalaking umuwing lasing makaraan tupukin ng apoy ang bahay nito dahil sa umano’y napabayaan nakasinding sigarilyo, sa probinsya ng Capiz. Kinilala ang biktimang si John Mark Malones, 48, ng Sitio Cabangahan Daku, Gibato, Dumarao, Capiz. Batay sa report ng pulisya, natagpuan na lamang ang biktima na sunog ang katawan at tupok ang buong kabahayan nito. Lumabas sa imbestigasyon, umuwing lasing ang biktima at nagsindi ng sigarilyo at posibleng nakatulugan niya ito na naging dahilan ng pinagmulan ng sunog. Ayon sa mga kapitbahay…

Read More

BOARDING HOUSE NASUNOG, 4 SUGATAN

(NI HARVEY PEREZ) SUGATAN ang apat katao kabilang ang fire volunteer, habang 150 pamilya ang nawalan ng tahanan, matapos sumiklab ang sunog sa isang dormitoryo ng mga estudyante, Huwebes ng tanghali sa Sylvia St. San Marcelino St. Ermita,Maynila. Nabatid sa Manila Fire Department na  nagsimula ang sunog  alas 12:48 ng tanghali na umabot sa ikalimang alarma at idineklarang fire out pasado alas 3:58. Nalaman na naging mabilis umano ang pagkalat ng apoy dahil sa pawang yari sa light materials ang mga bahay sa lugar. Sinuspinde naman ng pamunuan ng Adamson…

Read More

PASLIT NATUSTA SA 18-MINUTONG SUNOG

(NI ANNIE PINEDA) SA loob lamang ng 18-minutong sunog, nalitson nang buhay ang isang batang lalaki nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay, kaninang umaga sa Cebu City. Kinilala ang biktimang si Mon Harry Anhao, 5, ng Sitio Proper Agus, Barangay Agus, Cebu City. Batay sa report ng pulisya, dakong 9:17 kaninang umaga nang magsimula ang sunog sa isang gymansuim sa likuran bahagi ng bahay ng pamilya Anhao. Kuwento ng ama ng biktima na si Pedy Anhao, hindi niya agad naisalba ng anak dahil nagluluto ito sa isang karinderya sa…

Read More

PALENGKE NILAMON NG APOY 

(NI ANNIE PINEDA) BINALOT ng makapal na apoy ang isang public market nang bigla umanong may sumabog na pinaniniwalaan problema sa linya ng kuryente, kaninang hatinggabi sa Kalibo, Aklan. Sa nakuhang impormasyon mula kay Jessie James Perlas, fire volunteer ng Water Works District,  Kalibo, dakong alas 12:00 ng hatinggabi ng Linggo nang magsimula ang sunog sa loob ng Public Wet Market, sa Roxas Avenue, Kalibo, Aklan. Batay sa paunang imbestigasyon, bigla na lamang umanong nagliyab ang palengke at sunud-sunod na pagsabog na ang narinig na posibleng mga tangke ng liquefied…

Read More

3 MAGKAKAANAK PATAY, 2 BATA SUGATAN SA TONDO FIRE

(NI HARVEY PEREZ) HALOS hindi na makilala ang tatlong magkakamag-anak na kinabibilangan ng mag-ina matapos matusta nang hindi malalabas sa nasusunog nilang bahay, Miyerkoles ng umaga sa Honorio Lopez Boulevard, Tondo,Maynila. Nabatid na  unang napaulat na nawawala ang mga biktimang sina Mara Beneza, 23,  anak niyang si Leo Lance Tequillo, 4, at pamangking si Andrei Tequillo, 5, pero nang maapula  na ang apoy  ay nakita ang kanilang sunog na bangkay  sa loob ng kanilang bahay na magkakayakap. Sinabi ni Fire Insp. John Jalique, hepe ng Intelligence and Investigation ng Manila…

Read More

GINANG NATUSTA SA NASUNOG NA BARUNG-BARONG

(NI KEVIN COLLANTES) ISANG ginang ang binawian ng buhay nang makulong sa nasusunog niyang barung-barong sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, Linggo ng madaling araw. Patay na ang biktimang si Marystel Sotongon, 38, nang matagpuan ng mga kapitbahay at mga tauhan ng Antipolo Fire Station, na nagtulung-tulong upang apulain ang sunog sa tahanan ng biktima sa Sitio Alimogmog, Barangay Sta. Cruz. Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw ay nasa kasagsagan nang mahimbing na pagtulog ang biktima nang sa hindi pa batid na kadahilanan ay…

Read More

LOLA, 2 APO NATUSTA SA SUNOG

fire

(NI ANNIE PINEDA) HALOS hindi na makilala ang sunog na bangkay ng isang lola at dalawang apo makaraan tupukin ng apoy ang gusali habang natutulog ang mga ito, kaninang madaling-araw sa Davao de Oro. Kinilala ang mga nasawi na sina Mariarita Mag-aso, 73; at mga apo na sina Mark Prince Ladroma, 9, at Willy Boy Mag-aso, Grade 8 student, ng Purok 3, Brgy. Poblacion, Davao de Oro. Batay sa report ng Compostela Fire Station, madaling-araw nitong Lunes nang magsimula ang sunog sa isang commercial building sa nasabing lugar kung saan…

Read More

SPECIAL CHILD NATUSTA SA SUNOG

(NI ANNIE PINEDA) NALITSON nang buhay ang isang 16-anyos na dalagitang special child nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay habang natutulog, Miyerkoles ng hapon sa Cagayan de Oro City. Kinilala ang namatay na si Thalia Rocero, ng Barangay Lapasan, Western Kolambog, Cagayan de Oro City. Batay sa report ng Cauayan City Fire District, bandang alas 3:00 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Rocero. Kuwento ng ina ng biktima na si Gemma, natutulog ang bunso niyang anak na si Thalia sa loob ng kanilang tatlong palapag…

Read More

100 KABAHAYAN NASUNOG SA CAINTA

(NI KNOTS ALFORTE) TINATAYANG aabot sa 100 kabahayan o 200 pamilya ang apektado nang sumiklab ang apoy sa informal settlers sa Cainta, Rizal, ngayong Lunes. Agad pinauwi ang mga estudyante dahil kalapit lamang ng nasusunog na kabahayan ang ICCT School, na umabot sa ikatlong alarma ang sunod. Ayon sa inisyal na report, dakong alas-9:10 ng umaga nang may tumawag sa BFP Cainta hinggil sa nasusunog na kabahayan sa Sitio Bagong Sibol, Brgy San Isidro, Cainta, Rizal. Agad na nakalikas ang mga nakatira dala ang kani-kanilang mga gamit habang patuloy sa…

Read More

BABY PATAY SA SUNOG

fire

(NI KEVIN COLLANTES) PATAY ang isang taong gulang na baby nang iwan ng kanyang ina sa kanilang tahanan, ngunit minalas namang matupok ng apoy sa Cainta, Rizal, Miyerkoles ng gabi. Ayon sa Cainta Municipal Police Station, ang bangkay ng biktimang si Andrei Bronosa, ay natagpuan na lamang ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa loob ng kanilang tahanan matapos maapula ang apoy. Nabatid na dakong alas-8:22 ng gabi nang maganap ang sunog sa tahanan ng biktima sa Masipag Street, Riverside 2, Barangay Sto. Domingo, sa Cainta. Sa imbestigasyon,…

Read More

GINANG NA MAY DIPERENSIYA SA PAG-IISIP, PATAY SA SUNOG

fire

(NI ANNIE PINEDA) PATULOY na inaalam ng arson probers kung ang misis na may diperensiya sa pag-iisip ang nanunog ng kanilang bahay at na-trap sa kanyang kamatayan sa Butuan City. Sinabi ng mga kapitbahay na narinig pa nila ang halakhak ng biktimang si Alma Bundia, 49, residente ng Purok 2, Barangay Bonbon bago maglagablab ang kabahayan. Batay sa report ng Bureau of Fire Protection-Butuan City, nagsimula ang sunog dakong alas 3:00 ng hapon at makalipas ang higit isang oras ay idineklarang fireout ang sunog. Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang…

Read More

BABAE NA-TRAP, PATAY SA SUNOG

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY RAFAEL TABOY) ISANG babae na umano’y may problema sa pag-iisip ang namatay matapos na ito ay ma-trap sa loob ng kanilang banyo ng sumiklab ang sunog, Miyerkoles ng madaling araw, sa Pasay City. Ang biktima ay nakilalang si Julie Barrios, 32, nakatira sa P7-06 10th 3rd Street, Barangay 183 Villamor, Pasay City. Ayon sa Pasay City Bureau of Fire Protection, ang biktima ay natagpuang sunog na sunog sa loob ng kanilang banyo matapos ang sunog. Sa pahayag pa ng BFP ang sunog ay nagsimula dakong 4:45 ng madaling…

Read More