CARETAKER TODAS SA BAWAL NA RELASYON

crimebolo123

(NI DANN RIVERA)

SARIAYA,QUEZON- Duguan at naghihingalong isinugod sa ospital ang isang farm caretaker matapos itong pagtatagain ng isang construction worker sa loob ng Tuna Boys Farm na nasa bahagi ng Purok 6, Brgy.Sto Cristo, bayan ng Sariaya.

Ang dahilan: Selos. Natuklasan ng suspect na si Ariel Matibag, alyas Paeng, 41, na may lihim na relasyon ang kanyang misis at ang biktimang  si Eufrocino Ferrer,47, residente ng Brgy. Concepcion,Palasan.

Batay sa imbestigasyon ng Sariaya PNP, dakong alas 6:30 ng umaga nakita umano ng kasamahan ng biktima na si Edgardo Panaligan ang pagsugod at pananaga ng ilang beses ni Matibag, gamit ang isang itak, kay Ferrer habang ito ay naglalaba ng kanyang mga damit sa kanyang barracks.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang farm caretaker at nagawa pang dalhin ito sa pagamutan subalit binawian ito ng buhay habang ginagamot.

Tumakas naman ang suspect matapos ang insidente.

Please follow and like us:
Read More