FAKE NEWS ANG KASALANG MEGAN-MIKAEL

(NI ED DE LEON)

NGAYON, siguro nga maliwanag na hindi totoo na nagpakasal na ang dating Miss World na si Megan Young sa kanyang long’time boyfriend na si Mikael Daez. Pareho silang nagsabi na hindi totoo ang suspetsa ng ilan na nagpakasal na sila sa Europe, kasi nga magkasama sila sa kanilang bakasyon na kung ilang buwan din namang tumagal.

Noong magbalik naman si Megan sa Pilipinas pagkatapos ng Miss World, nasabak agad siya sa trabaho. Natural sinamantala naman ng kanyang mga producers na sariwa pa sa isip ng mga tao na siya nga ay Miss World, dahil malakas ang batak noon sa audience.

Kaya nang makakita sila ng ilang buwang bakante rin naman para kay Megan, doon sila gumawa ng desisyon na subukan namang mamasyal on their own at mag-enjoy sa buhay.  Pero dahil napatagal nga ang kanilang bakasyon, na silang dalawa lamang ang magkasama, may nag-isip na siguro nga nagpakasal sila, o baka kasal na sila bago pa man nagbakasyon at iyon na ang kanilang honeymoon.

Kung nagpakasal man sila sa abroad, kailangang kumuha pa rin siya ng marriage license sa Pilipinas dahil pareho silang pinoy. Kung basta kasal lang doon, walang kuwenta iyon dahil kasal outside the jurisdiction of the solemnizing officer iyon. Wala rin namang report sa ating embassy na nagpakasal nga roon ang dalawang pinoy. Kaya nga mahirap ring paniwalaan na nagpakasal nga sila.

Ang sinasabi nga namin, kung kasal na sila dito at nag-honeymoon lang, puwede iyon, pero nasaan ang papeles na magpapatunay noon?

SI DANIEL PADILLA LANG ANG TUNAY NAGPUNO SA ARANETA

Napuno ba ni Senador Manny Pacquiao ang Araneta Coliseum noong siya ay mag-concert?

Siguro nga hindi naman masasabing solo concert niya iyon dahil sa dami ng guests, nagmukha na tuloy isang musical-variety show. Kulang na nga lang nilagyan din ng comedy skit. Pero ganoon pa man kung napuno niya iyon, at siguro alam mo naman Tito KC dahil naroroon ka at nanood kasama ng maraming fans ng senator-boxer, aba matindi iyan. (WALANG TAO SA BLEACHERS. LOWER AT UPPER BOX NGA  KAKALOG-KALOG KAMI-ED.)

Ang sinasabing talagang nakapuno lang nang todo niyang Araneta Coliseum na local talent ay si Daniel Padilla. Kahit na nga iyong mga huling concerts ng malalaking singers kagaya ni Sharon Cuneta hindi naman napuno nang ganoon ang big dome.

Pero sana, pabayaan na ni Pacman sa mga tunay na singers iyang pagkanta, tutal ang dami na niyang pinagkakakitaan.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

JUDY ANN, SUNSHINE, OBISPO BIKTIMA NG PEKE SA SOCMED

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

TALAGANG maraming fake news sa social media. May panahong nagreklamo si Sunshine Cruz, dahil ginagamit ang kanyang picture para sa endorsement ng isang skin care, samantalang ni wala siyang alam tungkol doon at sinasabi nga niya na isang dermatologist lang ang nag-aalaga sa kanya at maging ang personal dermatologist niya hindi niya ine-endorse.

Mayroon siyang ine-endorse na beauty products, at iyon lang iyon.

Ngayon si Judy Ann Santos naman ang pumalag dahil may lumalabas na endorsements niya sa iba’t ibang social media platforms ng isang produktong ginagamit diumano sa pagbabawas ng timbang.

Natural pumalag si Juday dahil hindi naman niya ginagamit ang produktong iyon. Ni hindi pa raw niya nakikita ang produktong iyon.

Hindi ka naman makapag-demanda agad, dahil hindi mo alam kung sino ang gumagawa ng produkto at kung sino ang gumagawa ng fake na endorsement. Ang magagawa mo lang ay ipaalam sa mga tao na iyon nga ay isang fake endorsement, at hindi nila dapat tangkilikin ang mga produktong ganoon.

Sa ngayon, talagang halos walang proteksiyon hindi lang ang mga artista kung di kahit na sino riyan sa mga abuso sa social media. Maski nga ang obispo ng Cubao, si Bishop Honesto Ongtioco, iisipin ba ninyong ginamit sa social media, at nagpadala ng e mail kung kani-kanino na kesyo ang obispo ay may tinutulungang isang cancer patient at nanghihingi ng donasyon.

Hindi binanggit kung sino ang cancer patient, at basta pinadalhan mo ng message, ang sasabihin lang sa iyo ay ipadala mo ang pera mo sa dalawang messenger service. Dapat talaga masugpo na iyang mga ganyang raket sa internet.

Maski rin iyang mga fake news, hindi kayo magiging biktima niyan kung mga lehitimong diyaryo lamang ang inyong binabasa, hindi iyong sa internet lang.

 

Please follow and like us:
Read More

VIRAL VIDEO NG ‘BARILAN SA CALOOCAN’, FAKE NEWS

peke121

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

FAKE news  ang isang viral na post sa social media ukol sa pamamaril at pagkapatay na naganap sa kalsada na sinasabing sa Caloocan City.

Matapos mag-imbestiga, sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi sa Caloocan naganap ang pamamaril, bagkus ay sa Dwarka, New Delhi, India, noon pang nakaraang buwan

Sa 10-segundong video ay makikita ang dalawang lalaking binabaril ang mga pasahero ng isang kulay puting kotse

Binigyang-diin ng pulisya na sa isang tarpaulin sa video, ay nakasaad ang mga titik na “DICS,” na ayon sa mga awtoridad ay patalastas ng Delhi Institute of Computer Science (DICS).

Bukod dito, nasa unahan ang plaka ng isang motor na makikita sa video, kaya’t malabo umanong sa Pilipinas nakunan ang video.

Dagdag ng pulisya, hindi na makikita sa online ang video dahil posibleng inalis na ito ng nag-post o ginawang pribado.

Bagama’t inamin ng pulisya na may mga krimeng natulungang malutas ng mga aktibo sa social media, hinikayat naman nito ang publiko na beripikahin muna ang mga datos at iwasan ang “dagdag-bawas” sa impormasyon sa kanilang mga ulat dahil maaari itong mas makasama kaysa makabuti.

 

Please follow and like us:
Read More

FAKE NEWS…. FAKE NEWS…

FAKE NEWS-4 copy.jpg

Balitang nasa Cardinal Santos hospital si Pangulong Duterte at nasa critical condition ay gawa-gawa lang ng isang dating anchor ng isang TV station na nakabase sa QC.

Ang katotohanan, ayon sa source ng Newsblast Online na doktor mismo sa nasabing ospital, ay nagpa-checkup ang Pangulong Duterte isang araw matapos ang halalan, pero umuwi rin agad.

“Gabi na noon nang nakasalubong ko si Digong na naglalakad at nalaman kong nagpa-checkup… pero makalipas ang ilang oras ay nakita kong pauwi na sjya at mga kasama,” pahayag ng doktor, na nagsabi pang “siguro napagod noong mga araw ng kampanya hanggang noong araw ng botohan.”

Idinagdag pa ng nasabing doktor na isang kilalang malapit na kaibigan ng dating TV anchor ang nag-usisa sa ilan tauhan ng ospital kaninang umaga lang tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng Pangulong Duterte.

Ang TV anchor at ang kanyang kaibigang nag-usisasa ospital ay kilala umanong “dilawan.”

Please follow and like us:
Read More

ICE SEGUERRA BUNTIS? FAKE NEWS

ice1

(NI GORGY RULA)

NAGULAT si Ice Seguerra na namis-interpret ng iba ang balitang pag-harvest

ng eggs ng singer, bilang paghahanda sa  pagkakaroon nila ng baby.

Maayos namang naipaliwanag ng FDCP Chairperson Liza Dino na first step pa lang ng isang mahabang proseso na pagdadaanan nila para magka-baby lang. pero wala pang katiyakan iyun para magka-baby.

Isang malinaw na fake news nga iyung ikinakalat ng ibang bloggers na si Ice ang buntis.

Kaya ipinost ni Ice sa kanyang Instagram account ang maling balitang iyun na ikina-react ng mga followers niya.

Medyo mahirap pa at hindi pa gaanong pumapasok sa kamalayan ng masang Pinoy itong gagawin nina at Liza at Ice para magkaanak.

Nung ipinost kasi ni Liza ang pag-harvest ng eggs ni Ice at nabanggit na rin niyang may nakita na raw silang sperm donor, iba ang dating at pagkakaintindi ng iba.

Ang akala nila si Ice ang magbubuntis mismo kay Liza.

Meron ding nag-aakalang si Ice ang mabubuntis.

Kaya dapat na maipaliwanag nila ito nang mabuti.

Pero hindi na bago ang prosesong ito, dahil aware naman tayo nan aka-walong anak na ang negosyanteng si Joel Cruz mula sa prosesong iyun na pinapagawa niya sa Russia.

Di ba ito rin ang kuwento nila tungkol kay Scarlet nina Dra. Vicki Belo at Dr, Hayden Kho? Kaya hindi na rin bago ito sa iba.

Medyo madugo nga lang at sinasabi ng iba na hindi biro ang gastos dito ng mag-asawang Liza at Ice.

Pero sabi naman ni Liza nang nakausap namin sa telepono, mabuti at hindi naman daw sila gaanong namahalan.

Yung nang step na ginawa nilang pag-harvest ng eggs ni Ice, ay umabot daw ng 300 thousand pesos ang ginastos nila.

Mura na raw iyun sa mahigit isang milyon sa mga unang inquiry nila.

Kaya nga panay daw raket ngayon ni Ice para meron silang pantustos sa pinapagawa nila ngayon para magka-baby.

“Medyo nakaka-survive naman kami ngayon sa mga gig ni Ice. Pero yung next stage, panibagong bayad na naman siya.

“Hindi katulad nung mga in-inquire namin sa ibang bansa, talagang kailangan may 1.5M kami agad o 1M so, hindi realistic sa amin.

“So ngayon talaga naghahanap siya ng gigs,” pakli ni Liza.

Hindi naman iniisip na nina Liza kung gaano ito kamahal. Ang idinadalangin na lang nila na maging successful itong proseso na pinapagawa nila ngayon.

* * * *

Maaring bago matapos ang buwan ng Pebrero ay posibleng matuloy na rin ang contract-signing ni Derek Ramsay sa GMA 7.

Ilang beses ko ring tinanong ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong, ayaw muna niyang magbigay ng sapat na impormasyon tungkol sa pagpirma sa Kapuso network.

Pinabulaanan lang niya ang napabalitang si Kim Domingo raw ang unang makakasama ni Derek sa drama series na gagawin niya sa GMA 7.

Wala pa raw napag-usapang projects, dahil ilalatag daw kay Derek ang mga gagawin nito pagkatapos niyang pumirma.

Inaayos lang daw ang detalye ng kontrata, at hanggang dun lang muna ang puwede niyang masagot sa akin.

Kaya mukhang tuluy-tuloy na ang pagiging Kapuso ni Derek.

At least madagdagan na rin ng mga posibleng magbibida sa mga bagong programang pinaghahandaan ngayon ng Kapuso network.

Ang dinig ko kasi, maraming mga naka-line up na projects, pero kulang ng mga artistang magbibida kaya malaking bagay itong pagpasok ni Derek Ramsay.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

SHOOT NI HEART SA CRAZY RICH ASIANS FAKE NEWS

heart

(NI ED DE LEON)

ANO ba iyan, nauna na naman ang mga pra la la. May nagsabing umalis na si Heart Evangelista papuntang China dahil sa shooting ng sequel noong Crazy Rich Asians, at sinasabi pa sa pra la la na major role ang gagawin ni Heart. Hindi siya kagaya ng iba na “nadaanan lang ng camera”. Ibig sabihin Tito KC, hindi masasabing para lang siyang “talent ni Josie Shoemaker Tagle”.

Bukod kay Heart, may isa pang nag-selfie sa airport dahil papunta na rin daw sa China at kasali rin sa pelikulang iyon.

Iyon pala sa isang taon pa ang shooting ng pelikula. Hindi pa raw tapos ang script, at lalong hindi pa final ang casting. Ano ba naman iyan?

Maski kami naniwala eh, akala namin totohanan na. Hindi pa pala. Iyon siguro nagsisimula na sila sa kanilang pre-production. Siguro nga may isinasagawa na silang mga auditions para sa mga roles sa pelikula, pero wala pang final sa usapan. Ganoon naman talaga ang mga malalaking pelikula. Huwag mong sabihing kilala kang artista, sasailalim ka pa rin sa audition.

Huwag na nating unahan, minsan nakakahiya eh. Kagaya nga noon hindi ba, nagyayabang may may mahalagang role, iyon pala iyong sinasabing mahalagang role, aba eh kayang-kayang gawin ng kahit na sinong talent ni Josie Shoemaker Tagle. Ano bang talent ang kailangan doon sa dinaanan ka lang ng camera at nakita ka ng fifteen seconds lang.

Pero alam naman ninyo ang mga pra la la, lalo na kung ang paraan ng pagbabalita ay “masyadong relevant” sa panahon. Iyon na iyon. Pero oras namang ipalabas dito sa  atin  katawatawa, kakahiya?

DI BIRO ANG TRABAHO NI CATRIONA

Grabe pala ang trabaho ni Catriona Gray sa New York bilang Miss Universe. Nagsisimula raw siyang maghanda alas kuwatro ng umaga, dahil may mga early morning appearances siya, kagaya noong isang araw nang lumabas siya sa Good Morning America. Tapos nakakapagpahinga siya ng mga alas sais na ng hapon. Aba mahigit na labindalawang oras na trabaho iyan.

Pero wala naman siyang reklamo dahil trabaho talaga iyon ng Miss Universe, at katungkulan niyang gampanan iyon nang isang buong taon. Pero may mga breaks naman. Papayagan naman daw siyang umuwi sa Pilipinas sa isang “official homecoming”. Iyon naman kasing nauna niyang uwi sa Pilipinas hindi official iyon, kaya nga wala siyang suot ng korona ng Miss Universe. Kasi nga hindi bahagi iyon ng official function niya.

Pag-uwi niya ulit sa susunod na buwan, iyon na iyon.

PROFESSIONAL MANGGAGANTSO SI NEWCOMER

Ang lakas daw ng loob na mangutang ng isang male newcomer. Marami siyang alam na drama. Kesyo kulang ang pambayad niya sa school. Kesyo hindi siya makakuha ng dorm dahil wala pang pera ang mama niya. At siyempre mangungutang siya sa mga “kaibigan” niya.

Pagkatapos na makautang, simula na ng panibagong game. Hide and seek na ang laro. Hindi na siya magpapakita, makikipag-usap, at basta nagsimula ka nang maningil blocked ka pati sa social media account niya. Aba professional.

 

Please follow and like us:
Read More