BAGONG PBA RECORD NI JUNE MAR FAJARDO 

fajardo12

(PHOTO BY MJ ROMERO)

 

GUMAWA na naman ng bagong record sa PBA si June Mar Fajardo makaraang magposte ng 31 rebounds sa Game 7 ng Phlippine Cup Finals kung saan muling tinanghal na kampeon sa ikalimang sunod na pagkakataon ang San Miguel Beer matapos talunin ang Magnolia Hotshots Miyerkoles ng gabi sa  Mall of Asia Arena.

Sa ikatlong pagkakaataon din ay hinirang si Fajardo na Honda PBA Finals MVP ng PBA Press Corps matapos ang 17 puntos at PBA-record 31 rebounds performance niya sa 72-71 win ng Beermen kontra Hotshots.

Natabunan  ng gentle Cebuano giant ang longest-standing PBA record na 29 rebounds ni Marcelo Simbulan ng 7-Up na naitala noong season 1975.

Wala naman pagsidlan ng tuwa si San Miguel coach Leo Austria sa panibagong achievement niya at pinuri ang kanyang players na pinagmumukha umano siyang magaling na coach.

“Sa mga players, maraming, maraming salamat sa inyo. Nagmukha akong magaling na coach dahil sa inyo,” nangingiting sabi nito.

Ito ang ikapitong careeer championship ni Austria bilang coach ng San Miguel Beer.

Hindi naging madali para sa Beermen na makuha ang ikalima nitong championship. Sa loob ng tatlong quarter ay nilamangan sila ng Magnolia at umabot pa ito hanggang sa 17 puntos, 43-26.

Ngunit nabuhayan ang Beermen nang pumasok ang tres ni Alex Cabagnot at mula rito ay unti-unting hinabol ang kalamangan ng Hotshots.

Pinuri naman ni Austria ang Magnolia na lumaban hanggang sa huli. “Both teams are deserving to win a championship. We are just so lucky tonight,” sabi pa ng coach ng 2019 Philippine Cup champions.

 

Please follow and like us:
Read More

2019 PBA PHILIPPINE CUP: BEER O GASOLINA

fajardo12

(NI ANNE ENCARNACION)

AMINADO si Phoenix Pulse Fuelmasters coach Louie Alas na hindi porke topnotcher sila sa 2019 PBA Philippine Cup elimination round ay magiging madali na para sa kanila ang makarating sa finals lalo’t ang makakaharap nila sa semifinal round ay ang four-time Filipino Cup defending champ San Miguel Beer.

“Facing SMB is like facing the national champion. Ganu’n sila kabigat… at kalalim,” ani Alas.

“Defensive at offensive, kumpleto sila,” dagdag niya. “Pati sa experience, hinog na hinog na sila samantalang kami ay bubot pa at una pa lamang sasampa sa semis. Maliban siguro kay Calvin, halos bagito pa kami.”

Para kay Alas, pinakamalaking problema nila ay ang five-time PBA-MVP na si June Mar Fajardo. “Still figuring out how to contain Fajardo. Can’t stop him. Just contain him.”

Bukod kay Fajardo, nariyan din sina Chris Ross, Marcio Lassiter, Terrence Romeo, Alex Cabagnot, Christian Standhardinger, Von Pessumal, Kelly Nabong at Ronald Tubid.  “Of course, Arwind (Santos), their two-way player.”

Pero sa kanilang lahat, si Fajardo pa rin ang pinakamalaking balakid sa landas ng Fuel Masters lalo’t nag-average ang  6-10 center ng 22.09 points at 12.45 rebounds kada laro.

Sa kabila nito mas uhaw sa kampeonato ang Fuelmasters na maganda ang naging simula sa season-opening sa kanilang limang magkakasunod na panalo na sinundan pa ng pagwawagi kontra Beermen, 96-93, sa kanilang paghaharap sa Panabo City noong Marso 16.

Ito ang unang beses na nag-No. 1 ang Fuel Masters matapos ang elimination round at kinailangan lang ng isang panalo para patalsikin ang nakalabang Alaska, 91-76, bago umabante sa quarterfinals.

Subalit may sapat na dahilan si Alas para hindi magkampante kontra San Miguel Beer na bagama’t pumasok na fifth-place sa semifinals ay dinaig ang palaban din na TNT KaTropa sa Game 3 ng kanilang best-of-three matches, 96-86, noong  Miyerkoles.

“They (Phoenix) beat us in the eliminations… but I think we have a good chance to get to the next step, to defend our title,” kumpiyansang sabi ni SMB coach Leo Austria.

“I hope na yung motivation namin for this (TNT) game madala namin for the Phoenix series. Hopefully, maka-pag adjust kami,” sabi pa ni Austria na target akayin ang SMB sa panlimang kampeonato.

Please follow and like us:
Read More