BIFF NASA LIKOD NG ISULAN BOMBING  — WESMINCON

(NI BONG PAULO) PINANINIWALAANG mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) Dawlah Islamiyah ang nasa likod ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat, Sabado ng umaga. Ito, ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana,  kungsaan extortion ang isa sa mga motibo sa pagsabog na ikinasugat ng walo katao. Sinabi nito na nasa P250,000 extortion money ang hinihingi ng teroristang grupo sa pangunguna ng Dawlah Islamiyah Abu Toraife group. Sinabi ni Sobejana, mismong ang local government ng Isulan ang kinikikilan ng teroristang grupo at dahil hindi ibinigay ang…

Read More

HEPE SA PNP 12 SIBAK SA EXTORTION

pnp extortion12

(NI RHODERICK BENEZ) SINIBAK na sa pwesto ang hepe ng Regional Health Services ng PNP 12 matapos mahuli sa entrapment operation ang isang tauhan nito na nangingikil ng P50,000 sa isang PNP applicant, iniulat nitong Sabado. Kinilala ang pulis na nangingikil na si Police Master Sergeant Arnel Abellera na ngayon ay hawak na ng Kampo Lera kung saan nagpapatuloy ang imbestigasiyon sa kanya. Ang pulis ay inireklamo ng kapatid ng PNP applicant na residente ng Pres Quirino, Sultan Kudarat. Kasabay nito ay sinibak din ang hepe nito na si Lt.…

Read More

PARAK TIMBOG SA EXTORTION

(NI NILOU DEL CARMEN) NAARESTO ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na umano’y nangotong sa isang babae sa Lipa City, Batangas, Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Senior Master Sergeant Darwin Ona, miyembro ng Mataas na kahoy, Batangas police station habang nakatakas naman ang umano’y kasabwat nito na miyembro ng Philippine Air Force. Inaresto ang suspek sa Barangay Inusluban habang bininilang nito ang pera na iniabot ng biktimang babae sa loob mismo ng kanyang bahay. Batay sa imbestigasyon, humingi ng tulong…

Read More

BILL SA KURYENTE IBABABA; 3 TIMBOG

arested12

(NI KEVIN COLLANTES) TATLO katao na inireklamo sa kasong pangingikil ang naaresto ng mga awtoridad sa isang entrapment operation sa Mandaluyong  City, Huwebes ng hapon. Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, ang mga suspek na sina Niño Bermudez, 33; Junaid Comadug, 32; at Mary Jane Nituya, 28, pawang residente ng Bulacan, ay inaresto dakong alas-4:00 ng hapon, sa isang convenience store sa Boni Avenue, kanto ng EDSA sa Barangay Ilaya, Mandaluyong City, matapos ireklamo ng isang residente ng Caloocan City, na nanghihingi umano ng P7,000 kapalit nang pagpapababa ng kanyang…

Read More

SUSPEK SA EXTORTION, TINODAS SA HIGHWAY

crimeshooting

(NI NILOU DEL CARMEN) ISANG umano ay extortionist  at miyembro ng criminal group ang pinagbabaril  hanggang sa mapatay ng mga hindi nakilalang salarin na magkaangkas sa motorsiklo sa Calamba City Huwebes ng hapon. Kinilala ang napatay na si Alfredo Fajardo, miyembro umano ng Marvin Fajardo criminal and drug group na nag-ooperate sa Calamba City at sa iba pang bahagi ng Laguna. Batay sa report ng Calamba City police, sakay ng motorsiklo ang biktima at tinatahak ang national highway sa Barangay Lecheria nang makita na hinahabol ito ng dalawang armadong lalaki na magkaangkas…

Read More

2 PEKENG CUSTOMS OFFICER HULI SA P2-M EXTORTION

customs naia12

(NI JULIE DUIGAN) KALABOSO sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa katao  sa aktong panghihingi ng P2 milyon sa consignee ng shipment sa loob ng restaurant sa Quezon City. Magkasanib na puwersa ng NBI at ng Bureau of Customs (BoC) ,  ang nagkasa ng entrapment operation matapos magreklamo ang consignee ng kompanyang SHACKA Guns and Ammo. Dalawang taon na umanong nanghihingi sa kanila ng P2 milyon ang mga suspect  sa nakabimbin na shipment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Agad nakipag-ugnayan ang Intelligence Group ng BoC sa NBI-Special Action…

Read More

3 ARESTADO SA EXTORTION SA MMDA IMPOUNDING AREA

tow

(NI KEVIN COLLANTES) NADAKIP ng mga pulis ang tatlong tauhan ng isang towing company na inaakusahang nangingikil umano ng pera mula sa mga motorista, kapalit nang hindi paghila ng kanilang sasakyan, sa loob mismo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) impounding area sa Pasig City, Biyernes ng hapon. Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director P/Brig. General Bernabe Balba, kabilang sa mga naarestong suspek sina Mario Ped, 46, umano’y ranked no. 9 sa wanted personalities ng San Juan City Police dahil sa kasong pagnanakaw at residente ng Talipapa, Mindanao Avenue;…

Read More

‘LAGOT KA SA ASAWA MO!’

panga200

ISANG lalaki ang huli sa entrapment matapos kikilan ang babae na kinunan niya ng larawan at pagkatapos ay takutin na ipakikita sa live-in partner kung hindi magbibigay ng pera sa Asingan, Pangasinan. Dating kasintahan ni Julie Marbihar ang babaeng kinikikilan kung saan nagkaroon sila ng mga picture na naghahalikan. Nang malaman nito may live in partner na ang biktima, tinakot umano niya ito na ipakikita niya sa partner niya ang mga litrato nila kung hindi magbibigayng P10,000. Sa takot na maging daan pa iyon ng mga susunod pang extortion, nagdesisyon…

Read More

TESTIMONYA NG DRUG CONVICTS PIPIGILAN NI DE LIMA

DE LIMA

HINILING ng detenidong si Senadora Leila de Lima na pigilan ang 13 drug convicts na magbigay ng testimonya laban sa kanya kaugnay sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drugs. Sa kanyang petition for certiorari and prohibition na inihain sa Court of Appeals noong Nobyembre 19, kinuwestiyon niya ang desisyon ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 Judge Lorna Navarro Domingo na pagbasura sa kanyang hiling na i-disqualify ang 13 drug convicts bilang state witnesses. Giit ni De Lima, illegal na ilagay ang 13 convicts sa ilalim ng witness protection program…

Read More