BABAENG ANAK NG EX-MAYOR TIGOK SA PAMAMARIL

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang isang 53-anyos na babae na anak ng dating mayor  matapos pagbabarilin sa harap ng kanilang bahay sa Calamba City, Linggo ng hapon. Mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si Maria Rosario Delmo Tan, residente ng Barangay 6. Ang biktima na isa ring negosyante at nagmamay-ari ng sabungan sa lungsod ay anak ng dating mayor ng Calamba City na si Salvador Delmo. Batay sa report ng Calamba City police, pahinto na ang sinasakyang Toyota Fortuner ng biktima sa harap ng kanilang bahay…

Read More

BANGKAY NG MISIS NG EX-MAYOR, LUMUTANG SA ILOG

crime500

(NI ANNIE PINEDA) PALAISIPAN ngayon sa mga awtoridad ang pagkakatagpo sa bangkay ng misis ng dating alkalde na nagpalutang-lutang sa ilog, malapit sa kanilang bahay, sa Mandulog River, Iligan City. Kinilala ang biktimang si Salma Theresa Bersales Gerona-Quijano, ng Manadulog, Iligan City. Batay sa report ng pulisya, bago ang insidente, nauna nang ipina-blotter na nawawala ang ginang noong Hunyo 27, 2019 at makalipas ang isang buwan ay isa na itong bangkay nang matagpuan. Sinabi naman ni dating Iligan City mayor Franklin Quijano na may problema sa pag-iisip ang kanyang maybahay.…

Read More

EX-MAYOR, KONSEHAL, 2 PA PATAY SA NEGROS

MULING dumanak ang dugo sa Negros Oriental matapos paslangin ang dating mayor, ang pinsan nito gayundin ang konsehaL at barangay captain sa dalawang magkakahiwalay na lugar sa lalawigan, Sabado ng umaga. Umaabot na sa 11 ang bilang ng mga nasasawi sa loob lamang ng anim na araw. Kinilala ang biktimang sina Edsel Enardecido, 60, dating mayor ng Ayungon town, pinsan nito na si Leo, 45; Canlaon City Councilor Bobby Jalandoni at Ernesto Posadas, barangay captain ng Panubigan village chief sa Canlaon. Tulad ng mga naunang istilo ng pagpaslang, pinasok ng…

Read More

EX-MEDELLIN, CEBU MAYOR NIRATRAT SA OSPITAL

cebu22

BINARIL at napatay ng hindi pa kilalang gunmen ang dating town mayor sa loob ng isang pribadong ospital sa Medellin, Cebu, Miyerkoles ng gabi. Si ex-Medellin mayor Ricardo ‘Ricky ‘ Ramirez, 55,  ay nagtamo ng mga tama ng bala at nakitang patay sa loob ng comfort room ng kwarto ng ospital, ayon kay Police Master Sgt. Winston Esdane, ng Medellin Police Station. Nilusob umano ng  may 10 armadong kalalakihan na nakasuot ng bonnet ang private hospital at pinagbabaril ang biktima habang kinuha naman ng ilan ang mobile phones ng staff…

Read More

SORSOGON EX-MAYOR KINASUHAN NG GRAFT SA SANDIGAN

sandigan1

(NI JEDI PIA REYES) IDIIIN ng Office of the Ombudsman sa kasong katiwalian ang dating alkalde ng bayan ng Bulan sa Sorsogon dahil umano sa pagpigil sa paglalabas ng terminal leave benefits ng isang kawani nito. Kinasuhan sa Sandiganbayan ni Graft Investigation and Prosecution Officer II Eleanor Saguil Payao si dating mayor Marnellie Ballesteros Robles ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Si Robles ay inakusahan nang pag-ipit sa terminal leave benefits ng isang Helen de Castro na aabot ng mahigit P846,000 simula nuong Agosto 30,…

Read More

DATING MAYOR BINARIL SA PALENGKE

mayor

Patay ang isang dating alkalde nang barilin ng hindi pa kilalang salarin sa Cagayan de Oro City Sabado ng umaga. Sinundan ng mgs suspect ang biktima na ngayon ay isa nang negosyante na si Jolito Jakosalim Talaid, dating alkalde ng bayan ng Kadilingan, Bukidnon, nang maganap ang insidente. Papasakay na sa kaniyang sasakyan ang biktima nang paputukan ng salarin na sakay ng isang motorsiklo sa pamilihan sa Masterson Avenue sa Barangay Carmen bandang alas-9 ng umaga. Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaslang habang nagsagawa naman ng pursuit…

Read More