MISTER VS LOVER NI MISIS: KAPWA SUGATAN SA SAKSAKAN

stab100

(NI KOI HIPOLITO)

NAUWI sa madugong saksakan ang pagtatalo ng dating mag-asawa nang saklolohan ng kinakasam ng babae ang pananakit ng mister sa Pasay City, Linggo ng gabi.

Nabatid na nagtungo si Rodley Warren Delos Reyes, 26, sa bahay ng dating asawang si Rochelle, para paalagaan ang iniwan na anak sa De Guzman St., Malibay, Pasay, bandang alas-10:00 ng gabi.

Habang nag-uusap umano ang dating mag-asawa ay napunta ang usapin sa kanilang relasyon na mahigpit namang tinutulan ni Rochelle.

Doon na umano naging bayolente si delos Reyes at sinakal sa Rochelle.

Humingi ng saklolo ang mga bata sa bagong kinakasama ng babae na si si Brix Alcantara, 21, at doon ay siya ang pinabalingan ng galit ni delos Reyes.

Bumunot ng patalim si Alcantara at nagpambuno ang dalawa dahilan upang kapwa sila nagtamo ng saksak sa katawan.

Isinugod ang mga ito sa ospital at patuloy na inoobserbahan.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SINAKSAK NG DATING ASAWA NG LOVER

stab

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG mister ang nasugatan nang pagsasaksakin ng dating asawa ng kanyang kinakasama, na dati na umanong kaalitan sa Barangay Mauway, Mandaluyong nitong Linggo.

Nilapatan na ng lunas ngunit inoobserbahan pa sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Victor Domingo, 42, habang nakatakas naman ang suspek na si Ronnel Ehiga, dating miyembro ng Bantay Bayan at residente rin ng naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, dakong alas-5:10 ng hapon nang maganap ang insidente habang nakaupo si Domingo sa harapan ng kanilang tahanan sa Block 5, Barangay Mauway.

Bigla umanong dumating ang suspect saka bumunot ng isang ‘Rambo knife’ at ilang ulit na pinagsasaksak ang nabiglang biktima.

Dalawang saksak sa dibdib ang tinamo ng biktima.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa pagamutan.

Nang makapanayam naman ng mga imbestigador ang biktima sa emergency room ng pagamutan,  sinabi nito  na ang suspek ay dating asawa ng kanyang live-in partner.

Dati na umano silang may alitan ng suspek dahil sa kasong kriminal na isinampa niya laban dito, ngunit hindi naman na tinukoy ang pinag-ugatan ng naturang kaso.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek upang panagutin sa krimen.

 

 

Please follow and like us:
Read More