EX-COP TUGIS SA PAGPATAY SA CEO NG INVESTMENT COMPANY

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY–Aalamin ngayon ng Davao City Police Office (DCPO) ang nakuhang impormasyon na ang suspek sa pagpatay sa chief executive officer (CEO) ng Crown Royals Real Estate Services, na si Armando Oppus, ay isang dating pulis sa lungsod.

Ito ang lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Police Regional Office (PRO)7-Central Visayas base sa impormasyon ng Balamban Municipal Police Office, sa pangunguna ng kanilang hepe na si Police Major Christian Torres.

Ayon sa pulisya, may nag-private message umano sa kanilang Facebook page na nagsasabing ang pulis na nag-absent without official leave (AWOL) ang siyang suspek sa pamamaslang kay Oppus at ito ngayon ang kanilang iimbestigahan katulong ang Balamban Police Station.

Sinabi rin ni Davao City Police Office (DCPO) spokesperson Police Captain Ma. Theresita Plaza-Gaspan na kung mapag-alaman na isang dating pulis sa lungsod ang pumatay sa CEO ay agad silang tutulong sa Balamban PNP sa imbestigasyon.
Dagdag ni Plaza-Gaspan na malaki ang tsansa ng kaso na maisampa sa Cebu dahil doon nangyari ang krimen.

Ngunit hindi na umano masampahan ng kasong administratibo ang pulis dahil kung mapatunayang AWOL ito ay mawawala na rin ito sa serbisyo.

Matatandaang si Oppus, kasama ang dalawa pang kasamahan na sina Edmond Bariga Quinones at Judy Ann Dalatina-Estrella ay tumakas matapos tangayin ang may P400 milyon ng investors ng kompanya sa Davao Region noong Hulyo 27.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na may kinalaman sa kasong large-scale estafa ang motibo ng pagpatay sa CEO.

Napag-alamang naisampa na sa korte ang kaso ngunit wala pa umanong lumalabas na warrant of arrest laban sa mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NG EX-COP VS KIDNAP NI-RAID:  P1.3-M CASH, ARMAS NAKUHA

(NI DAVE MEDINA)

NAKAKUMPISKA ang mga awtoridad ng P1.3 milyong halaga ng pera at ilang armas sa bahay ng isang dating pulis na umano’y sangkot sa kaso ng kidnapping sa limang Chinese national sa Las Piñas City.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga tauhan ng Las Piñas City Police at Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang bahay ni dating Staff Sgt. Magdaleno Fernandez Pacia Jr. at live-in partner nitong si Andrelyn Gayumali Naldoza sa Barangay Pulang Lupa Uno alas 5:00 ng madaling-araw ng Biyernes.  Naaresto si Naldoza  sa kanilang bahay sa Pulang Lupa Uno ngunit wala si Pacia nang magsagawa ng operasyon ang pulisya.

Maliban sa pera, nakuha rin sa tinitirhang bahay ni Naldoza ang 9mm pistol,  dalawang kalibre .45 na baril, ilang bala para sa iba’t ibang uri ng baril,  granada at ilang cellphone.

Kasamang nasamsam ang police uniform ni Pacia na may name plate, bull cap at mga badge na may logo pa ng National Bureau of Investigaton (NBI).

Nakuha rin sa bahay ang 30 piraso ng credit card , 150 card ng Visa at pitong identification card na may pangalang Angel Vertucio.

Dating nakatalaga si Pacia sa Southern Police District (SPD) pero nasibak sa puwesto noong April 2018 dahil sa kasong pagnanakaw at illegal possession of explosives.

Please follow and like us:
Read More

EX-COP PATAY SA TANDEM

trike12

(NI KOI HIPOLITO)

Dead on the spot ang isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo, Sabado ng hapon sa Antonio Arnaiz Avenue, Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Darwin Cruzin, 44, ng Tramo Street, Brgy.64 sa Pasay.

Ayon sa report, lulan ng minamanehong tricycle ang biktima nang sabayan ng isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek at pinaputukan ng sunud-sunod sa likod ang biktima na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay.Tumakas ang dalawang salarin patungo sa direksyon ng Edison Street sa Makati City.

Narekober sa crime scene ang isang piraso ng basyo ng bala para sa cal.45 na baril nagpapatuloy ang isinasagawang technical investigation ng SPD-SOCO at naglatag na ng follow up investigation ang Station Investigation and Detection Management (SIDMB) at inaalam na ang motibo sa nangyaring pamamaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

EX-COP HULI SA MURDER NG KALAGUYO SA OLONGAPO

pnpsuspect12

(NI KOI HIPOLITO)

NALAGLAG sa kamay ng mga pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Division (RID-NCRPO), Regional Drug Enforcement Unit (RDEU-NCRPO) at ng Police Station 1 ng Olongapo City Police Station ang dating pulis na Absent without leave o (AWOL) na sinasabing suspek umano sa pagpaslang sa tiyahin ni dating world champion billiard hall of fame Efren “Bata” Reyes matapos itong matiyempuhan ng mga otoridad dakong alas-11:00 ng umaga nitong Lunes sa West Bajac, Olongapo City.

Nakilala ang suspek na si dating Patrolman Elias Gamboa, 45, na na-recruit noong 1999 ng Phillipine National Police (PNP) at dating naka-assign sa Meisic Police Station 11 ng Manila Police District (MPD) at tubong Concepcion East, Nueva Ecija at itinuturing na National Most Wanted Person at may monetary reward na P145,000.

Nadismis sa serbisyo ang suspek noong 2006.

Base sa panayam kay NCRPO Chief P/MGen. Guillermo Eleazar, inaresto ang suspek matapos itimbre ng isang confidential informant na papunta sa nasabing lugar ang suspek para bumoto.

Agad namang sinilbihan ng arrest warrant si Gamboa na inisyu ni Hon. Tita Bughao Alisuag, ng Regional Trial Court Branch 1, National Capital Region sa Maynila, para sa kasong murder na may petsang October 5, 2005 at walang inirekomendang piyansa. Pinatay umano ng suspek si Victoria Pangilinan, 60, alyas Nanay noong March 20, 2005.

Ayon sa anak ng biktima, nagkaroon umano ng relasyon ang suspek at ang biktima at madalas umanong bigyan ng pabor o tulong ni Pangilinan si Gamboa, subalit nagkaroon umano ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa pagtatalo at pananaksak ng 19 na beses ng suspek sa biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Simula noon ay nagtago na ang suspek sa iba’t ibang lugar at nagtrabaho bilang tricycle driver.

Nakakulong ngayon sa RSOU Custodial Facility ang suspek habang inihahanda sa korte ang kanyang kaso.

Please follow and like us:
Read More

LOLA PATAY, MISTER SUGATAN SA BALA, TAGA NG EX-COP

crime100

(NI JAY-CZAR LA TORRE)

IDINEKLARANG dead-on-arrival ang isang lola habang sugatan naman ang dalawa pa nitong kaanak matapos umanong pagbabarilin at pagtatagain ng kaalitang dating pulis sa Sitio Lamban, Barangay Apostol sa bayan ng San Felipe, Zambales noong Linggo.

Kinilala ni Police Captain Horace Zamuco, hepe ng San Felipe Municipal Police Station ang mga biktima na sina Erlinda Arriola, 72, Rogelio Arriola, 76, at Jaime Facelo, 71, lahat ay pawang mga residente ng Barangay Amagna sa naturang bayan habang ang suspek naman ay nakikalang si Randolf Cambe, 48,  binata, dating pulis at residente ng Sto. Niño sa parehong bayan.

Nabatid na dakong alas-8:45 ng umaga ay kinompronta ng mag-asawang Arriola si Cambe patungkol sa pagkasira ng kanilang gulayan na isinisisi ng mga ito sa mga inaalagaang kambing ng suspek. Nauwi sa mainitang pagtatalo ang pagsugod nina Arriola sa suspect.

Batay pa sa ulat, habang nagkakainitan ay bigla umanong pinagbabaril ni Cambe ang mag-asawa. Dumating ang kaanak nitong si Jaime na nagtangkang umawat subalit binaril din ito ng suspek sa hita at ng maubusan ng bala ay kinuha naman nito ang kanyang itak at saka niya pinagtataga ang magbayaw na biktima.

Nagtamo ng tama ng bala sa sikmura ang mag-asawang Arriola habang malalalim na sugat sa leeg, mukha at balikat naman ang tinamo ni Facelo mula sa pagkakataga. May tama din ng taga si Rogelio sa kanyang braso.

Agad namang naisugod sa San Marcelino District Hospital ang mga biktima bago nailipat sa James L. Gordon Memorial Hospital kung saan ay kasalukuyan pa ring inoobserbahan ng mga doktor ang kanilang kalagayan maliban kay Erlinda na tuluyang nasawi habang lulan ng ambulansya bago pa makarating sa naunang pagamutan.

Pinaghahanap pa rin ng kapulisan ang suspek na tumakas sakay ng motorsiklo.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

19-TAON ANG NAKALIPAS, PULIS ARESTADO SA TORTURE NG PRESO

torture1

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

NAKAMIT din sa wakas ang hustisya — matapos ang 19 taon  paghihintay – nang madakip ang isang pulis na sangkot sa pagtorture sa bilanggo ng Police Community Precinct sa Tondo, Maynila.

Inaresto si PO1 Nonito Binayug, sa kanyang bahay sa Tondo, Maynila nang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Unang naaresto ang kapatid nitong si dating Sr.Insp. Joselito Binayug na noon ay Block Commander ng  Manila Police District -Asuncion PCP, na sakop ng Station 2. Kasalukuyan itong nakatalaga sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Nabunyag ang pagpapahirap na ginawa ng mga ito nang lumabas sa telebisyon ang sinasabing pagtorture sa isang bilanggo.

Base sa ulat ni Atty. Emeterio Dongalo, hepe ng  NBI -Special Action Unit (NBI-SAU) noong 2010 pa naganap ang pagtortyur kay Darius Evangelista.

Dahil dito, nahaharap  ang mag-utol sa  paglabag sa Republic Act 9745 o Anti-torture Act.

Matatandaang kumalat ang  video ng torture kay Evangelista kung saan makikita ,  habang nasa loob ng PCP sa Tondo ,  inilalabas ang ari nito at hinila ng ilang ulit gamit ang tali.

Please follow and like us:
Read More

EX-COP TUMATAKBONG KONSEHAL, PATAY SA LOOB NG BAHAY

masbate

(NI JG TUMBADO)

ISANG dating pulis na kumakandidato bilang konsehal sa Caitangan, Masbate ang patay makaraan itong pagbabarilin Sabado ng gabi.

Tinukoy ng pulisya ang biktima na si Romeuel Medina, 40, residente ng Barangay Poblacion.
Napag-alaman sa ulat na pasado alas-7:00 ng gabi nang pasukin ng dalawang armadong lalaki ang bahay ni Medina sa naturang lugar at ng madatnan ito ay sunod sunod itong pinagbabaril.

Mabilis na sumakay ang suspek sa nakaabang na motorsiklo sa labas ng bahay ng biktima na minamaneho ng isa pang lalaki.

Nasawi si Medina habang dinadala sa Cataingan District Hospital.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung saan politika umano ang isa sa nakikitang motibo sa krimen.

Please follow and like us:
Read More

EX-COP NILASING, PINATAY

crime

(NI SAMANTHA MENDOZA)

NASAWI ang dating pulis ang inanyayahang mag-inuman ng grupo ng mga kalalakihan ngunit matapos nito ay pinagsasaksak hanggang mamatay sa Tondo, Maynila.

Nabatid sa imbestigasyon ng Manila Police District -homicide section,  nadala pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ,ang biktimang si dating PO1 Jose Igig, 42, at residente ng  Building 19, Unit 411, Vitas, Tondo,  pero idineklarang patay ng mga doctor dakong 8:35 ng gabi, dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PCInsp. Rommel Anicete, hepe ng MPD-hs, dakong 8:05 ng gabi nang madiskubre ang biktima ng kanyang pamangkin na duguan nang nakahandusay sa Road 10, Scarborough, Katuparan sa Vitas.

Isinugod ang biktima sa pagamutan pero hindi na naisalba pa ng mga doktor. Huling nakitang buhay ang biktima habang nakikipag-inuman sa ilang kaibigan. Nang magtungo ang mga awtoridad sa crime scene, nakarekober ng mga ebidensiya na posibleng makapagturo sa mga salarin gaya ng mga basag na bote ng alak, isang orange na kitchen knife, at isa pang kutsilyo na may itim na hawakan.

Si Igig ay dating pulis-Quezon City na nasibak sa serbisyo dahil sa kasong grave misconduct na kinaharap sa Office of the Ombudsman noong 2010. Patuloy naman inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo ng pagpaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More