BABAENG CHINESE NAGREKLAMO VS 2 NANGGANTSONG KABABAYAN

ARRESTED-2

(NI ROSE PULGAR) PORMAL na nagharap ng reklamo ang isang babaeng Chinese national laban sa dalawang kababayan makaraang magantso ng mga ito sa loob ng Okada Manila, sa Paranaque City, Biyernes  ng gabi. Isa sa dalawang suspect ang naaresto na kinilala ni Police Col. Robin Sarmiento, hepe  ng Paranaque City Police na si Lin Yuan, 30, isang tourist  at pansamantalang nanunuluyan sa Victoria Condominium ng nasabing lungsod. Habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat na si Liu Chang. Base sa pahayag ng biktimang si Quiyu Zhang , 31, isa ring tourist…

Read More

MIYEMBRO NG INVESTMENT SCAM SYNDICATE ARESTADO

arrested134

(NI RENE CRISOSTOMO) WALANG piyansang inilaan  sa isang  babaeng buntis na inakusahang nanloko ng tao, kabilang ang mga pulis sa investment scam, nang mamataan ito sa harap ng gate ng National Bureau of Investigation sa Taft Avenue, iniulat ng pulisya. Nakilala ang suspek na si Ma. Lysa Soler, ng 134 CRMA Avenue, BF Homes Almanza , Las Pinas City. Batay sa ulat ni P/Lt. Col, Ariel Caramoan , Station Commander ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, bandang alas 3:35 ng madaling araw nitong Martes  nang arestuhin si Soler sa bisa arrest…

Read More

MISIS NG AKTOR NA SI MATT EVANS HULI SA ESTAFA 

(NI ROSE PULGAR) ARESTADO ang umano’y misis ng aktor na si Matt Evans dahil sa kasong estafa sa Makati City, Miyerkoles ng hapon. Nasa custody ngayon ng Makati City Police ang suspect si Riza Katrina Favis Evans, 32, negosyante, ng Farinas Transit, 1238  Lacson Avenue at Laong Laan Road, Sampaloc, Maynila. Lumalabas sa report, dakong alas-5:30 ng hapon nang madakip ng mga kagawad ng Warrant and Subpoena Unit ng Makati City Police, sa pamumuno ni Police Lt. Edward J. Maranan, ang akusado sa 14th floor, Makati City Hall Building, Brgy. Poblacion…

Read More

PEKENG PSC EMPLOYEE HULI SA REKLAMO NG 6 SA ‘SEA GAMES’ 

(NI ROSE PULGAR) ISANG 48-anyos na lalaki na nagpakilalang kawani ng Philippine Sports Commission (PSC) ang naaresto makaraang tangayin ang salapi ng anim na katao na kanyang pinangakuan ng trabaho sa nagaganap na South East Asian (SEA) Games na katumbas ng malaking sahod, Martes ng hatinggabi sa Makati City. Kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe  ng Makati City Police, ang nadakip na si Rhoderick Malubago na nakatira sa no. 1224 Batangas St. Barangay San Isidro. Ayon kay Simon, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin ng kanyang mga tauhan…

Read More

P500-M NG OFWs NAKULIMBAT; NOTORIUS SCAMMER NAARESTO

(NI CYRILL QUILO) NAARESTO ng CIDG Regional Field Unit 4-A ang isang negosyante na may 5 counts ng estafa nitong Nobyembre 29 sa Brgy. Mavalor, Rosario Batangas. Ayon sa report ni Pol.Maj.Russel Dennis Reburiano kay Calabarzon Regional Director PBGen.Vicente Danao Jr.,nagsumbong sa pulisya ang biktimang si Patrick Norman Algenio na nag invest ng P10 milyon sa kompanya ni Elpidio Tanaliga Jr. na ALMASAI Finance and Investment Corp. dahil sa pangakong 5% interest nito buwan-buwan. Ilang OFW din ng Saudi Arabia ang hinimok ng suspek na sumali sa Sangguniang Masang Pilipino…

Read More

BEBOT NAMBOLA SA LOLA, TIMBOG SA SIMBAHAN

ARRESTEDHAND12

(NI ALAIN AJERO) DINAKIP sa entrapment operation ang isang istambay na bebot na nanggantso at muling  tangkaing huthutan ang isang senior citizen na negosyanteng babae, Huwebes ng umaga sa Malabon City. Arestado si Cristina Clarito, 33, ng 47 Emilio Jacinto St., Brgy. Concepcion matapos tanggapin ang P2,500 marked money at original na titulo ng lupa mula kay Claudia Ramirez-Golosino, 62, ng 92 Emilio Jacinto St. sa loob ng Immaculate Conception Church dakong alas- 10:40 ng umaga. Nabatid na nagpakilala si Clarito na kasapi ng TUPAD, isang grupo ng streetsweepers at…

Read More

3 OPISYAL NG INVESTMENT SCAM WANTED SA P400-M ESTAFA

(NI DONDON DINOY) DIGOS CITY- Humingi na ng tulong sa Davao City Anti-Scam Unit ang mahigit 1,000 ng umano’y investment scam victims matapos magtago ang mga opisyal ng Crowd Royals Real Estate Services (CRRES) na nakabase sa Davao Region dala ang kanilang pera. Hindi makapaniwala ang mga investors ng kompanya na matangay ang kanilang pera dahil maayos naman daw ang kanilang pay-out sa loob ng ilang buwan. Pinaghahanap na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong mga suspek na sina Armando “Max” Oppus, ang Chief Executive Officer (CEO), Edmund…

Read More

EX NI IPE ARESTADO SA P10-M ESTAFA

(NI HARVEY PERZ) INARESTO ng mga operatiba ng Paranaque Police ang dating ka-live in ng aktor na si Phillip Salvador dahil sa kasong  estafa na isinampa laban sa kanya ng isa niyang investor, Lunes ng hapon  sa Manila Regional Trial Court, branch 27. Itinurn-over naman ng Paranaque Police  kay PLt. Glenzor Vallejo, hepe ng Manila Police District-Warrant Section si Cristina Bondoc Castillo, alyas Cristina Decena , 56, at residente ng Unit 1Ph2 Le Romphie Condomnium, HV Dela Costa St. Makati City . Nabatid na inirekomenda ni Judge Teresa Soriaso ng Manila RTC, Br. 27,…

Read More

BASURERONG NAGBUHAY-HARI KULONG SA P13-K BILL SA BAR

arested12

(NI ALAIN AJERO) SA selda na tila nagising mula sa isang napakasarap na panaginip ang isang basurerong nagbuhay-hari sa isang restobar, umorder ng kaliwa’t kanang alak at pulutan at bukod doon ay nag-table pa ng bebot nang wala kahit isang kusing na pambayad. Biyernes ng umaga sa Caloocan City. Kalaboso si Arturo Garcia, 36, binata, ng 13 H. Pangasinan St., Brgy. 15, Bagong Barrio, matapos na hindi makabayad sa Magic Land Japanese and Chinese Restaurant sa Biglang Awa St. Brgy. 94, Caloocan City. Alas-10:00 pa lamang ng gabi ay pumasok…

Read More

CHINESE KULONG SA ‘DI MABAYARANG P6-K SERBISYO NG SPA

arrested134

(NI ROSE PULGAR) ARESTADO ang isang Chinese national matapos maghari-harian sa loob ng isang spa at mabigong bayaran ang malaking halaga ng nakonsumong pagkain at serbisyo Huwebes ng gabi, sa Paranaque City. Kinilala ni Police Colonel Rogelio Rosales, hepe ng Paranaque City Police, ang nadakip na suspect na si Xie Bi, 35, pansamantalang nanunuluyan sa C.O.D. Mania, Barangay Tambo nang nasabing lungsod. Lumalabas sa imbestigasyon, inakala umano ni Keno Acapulco, tagapamahala ng Golden Age Spa na nasa Barangay Tambo sa naturang lungsod na may kakayahang magbayad si Xie Bi, sa…

Read More

EX-BUSINESS PARTNER NI KRIS AQUINO AARESTUHIN

krisnico1

(NI ROSE PULGAR) IPINAAARESTO na ng korte ang dating business partner ni Kris Aquino  na si Nicko Falcis dahil sa paggamit nito ng credit card sa ilalim ng kompanya ng actress. Ang warrant of arrest kontra kay Falcis ay inisyu ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) Acting Presiding Judge Felix Reyes, ng Branch 70 dahil sa kasong paglabag sa Access Device Regulation Act of 1998. Nasa P60,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya nito. Inatasan ng korte ang Quezon City Police District (QCPD)  na isilbi ang  warrant of arrest…

Read More