ESTAFA CASE NAKATAMBAY SA PISKALYA

RJ JACINTO-SC

LANDBANK INATASAN NG SC NA KASUHAN SI RJ JACINTO

(Ni Nelson S. Badilla / Ikalimang na bahagi)

INIAKYAT ng LandBank of the Philippines (LandBank) ang kasong P464 milyong estafa o paglabag sa Batas Pambansa 22 ni Ramon “RJ” Jacinto sa Supreme Court (SC) noong Agosto 2002.

Naghain ng petisyon ang LandBank sa SC na rebyuhin ang desisyon ng Court Appeals (CA) na ikinatalo at ikinalugi ng LandBank ng P464 milyon dahil sa paborableng desisyon ng huli kay Jacinto.

Jacinto, pinakasuhan ng estafa ng SC noon pang 2010

SA pagsasaliksik ng Diaryo Bomba, nadiskubreng noong 2010 na natapos ng SC ang kaso laban kay Jacinto.

Sa desisyon ng ikatlong dibisyon ng mataas na hukuman, kinatigan nito ang mga argumento ng DOJ laban sa CA.

Ayon sa desisyon na ang naging ponente ay si Associate Justice Martin Villarama, mayroong matibay, malakas at sapat na batayan upang sampahan ng DOJ ng kasong kriminal ang noo’y presidential consultant na si Jacinto kaugnay sa sinasabing paglabag nito sa Batas Pambansa 22 (BP 22) o Bouncing Checks Law o estafa.

Ibig sabihin nito, pinaburan ng SC ang apila ng LandBank na kilalanin at ipatupad ang resolusyon ng DOJ noong Oktubre 25, 2000.

Sa nasabing desisyon ng kagawaran, nagkaroon ng batayan upang sampahan ng kasong paglabag sa BP 22 si Jacinto.

Idiniin ng pontente ni Villarama na hindi lusot sa kaso si Jacinto dahil nagkaroon ng “Restructuring Agreement” ang First Women’s Credit Corporation (FWCC) at ang LandBank noong Hunyo 3,1998 o limang araw bago sumapit ang tinatawag na “maturity date” ng nilagdaan at inisyu ni Jacinto na mga “post-date checks” na ang kabuuang halaga ay P464 milyon.

Si Jacinto ang nakapirma sa tseke, sapagkat siya ang pangulo ng naturang kompanya na pautang ang negosyo.

Ang sinasabing Restructing Agreement ay siyang panibagong kasunduan o kontrata sa pagitan ng LandBank at FWCC kaugnay sa P400 milyong inutang ng FWCC noong 1997 sa nasabing bangkong pag-aari at pinamamahalaan ng pamahalaan.

Tinumbok at binaril ng mataas na hukuman ang argumento ni Jacinto noon sa CA na nabalewala ang kanyang pananagutan o wala na siyang kinalaman sa multimilyong utang ng FWCC sa LandBank, sapagkat ang nautang kontrata ng dalawang partido ay napalitan ng Restructuring Agreement.

Isinaad sa ng dibisyon ni Villarama na: “There was no express stipulation in the Restructuring Agreement that respondent [Jacinto] is released from his liability on the issued checks and in fact the letter-agreement between FWCC and LBP (or LandBank) expressly provide that respondent’s joint and several signatures continue to secure the loan obligation and the postdated checks issued continue to guaranty the obligation.”

Samakatuwid, pasok si Jacinto sa kasong estafa, ipinunto ng ponente ni Villarama.

Pasok si Jacinto sa bagong kasunduan ng FWCC at LandBank

INILATAG at ipinaalala ng SC wala sa siyam na “post -dated checks” na linagdaan at inisyu ni Jacinto sa LandBank ay mayroong petsang Hunyo 8 hanggang Oktubre 30,1998 makaraang magkaroon ng Restructuring Agreement sa pagitan ng FWCC at LandBank.

At tinukoy din ng SC ang isa sa mga mahahalagang nilalaman o probisyon ng bagong kasuduan na tinawag ng dalawang partido na Restructuring Agreement na nagsasabing: “This agreement shall not novate or extinguish all previous security, mortgage, and other collateral agreements, promissory notes, solidary undertaking previously executed by and between the parties and shall continue in full force and effect modified only by the provisions of this agreement.”

Nilinaw at idiniin ng SC na pasok pa rin si Jacinto sa bagong kasunduan ng FWCC at LandBank, sapagkat walang nakasaad sa nasabing bagong kasunduan na hindi na kasama si Jacinto sa panibagong napagkaisahan ng dalawang organisasyon.

Sumang-ayon ang mga noo’y Associate Justices Conchita Carpio-Morales, Lucas Bersamin at Jose Catral Mendoza sa desisyong inakda ni Villarama.

Mahalagang idiniin ang naturang paksa sa desisyon ng SC, sapagkat ito ang mga bumaril at nagpabagsak sa argumento ni Jacinto na nagpanalo sa kanya sa CA laban sa DOJ noong 2002.

P464 milyong estafa case ni Jacinto ‘nakatambay’ sa piskalya

MATAPOS maglabas ng pinal na desisyon ang SC noong Agosto 2010, naghain uli ng reklamo ang LandBank sa piskalya ng Lungsod ng Makati kung saan kasama na si Ramon Jacinto sa kasong P464 milyong kasong estafa.

Inalam ng manunulat na ito kung ano ang kinahinatnan ng kaso mula noong 2010 kung saan nabanggit ng isang opisyal sa tanggapan ng piskalya ng Makati naka-archive ang kaso laban kay Jacinto.

Hindi maaaring maglabas ng anumang detalye ang piskalya sa Diaryo Bomba tungkol sa nasabing kasong kriminal, sapagkat hindi bahagi ng kaso o walang kinalaman sa kaso ang writer na ito.

Kahit tungkol sa status ng kaso ni Jacinto, ay walang karapatan ang manunulat na ito na malaman ang nasabing usapin, diin ng mga opisyal at kawani sa tanggapan ng piskalya ng Makati.

Ang kanilang pahayag ay nakabatay sa Manual of Prosecutors na inilabas ng DOJ.

Ayon sa beteranong propesor ng abogasya at lider-manggagawang si Atty. Jose Sonny Matula, ang Manual of Prosecutors ay nakabatay sa Administrative Circular ng DOJ.

Sa pangungulit ng Diaryo Bomba, inamin na lang isang opisyal sa piskalya na “nasa archive ng prosecutors office” ang kaso ni RJ Jacinto.

Ang ibig sabihin nito ay “nakatabi” o “nakatambay” sa tanggapan ng piskalya.

Please follow and like us:
Read More

KRIS NAKAKITA NG LIWANAG SA ESTAFA VS NICKO FALCIS

kris12

(NI ROSE G. PULGAR)

NAIBASURA man ang kasong theft, nakakita naman ng probable cause ang Taguig City Prosecutor’s Office sa kasong estafa laban sa dating business partner ng actress na Kris Aquino.

Sa inilabas na resolution ni Taguig City Assistant State Prosecutor Claire Eufracia Pagayanan, ibinasura nito ang kasong qualified theft na isinampa ni Aquino laban kay Nicko Falcis.

Inirekomenda rin ng piskalya ang kasong paglabag sa Republic Act 8484  (Access Devices Regulation Act of 1998) matapos itong akusahan ng actress hinggil sa ginawa umano  nitong personal na pag-purchase ng halagang  P1.27 million  gamit ang credit card sa pamamagitan ng Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Sinabi ng piskalya, walang naipakitang ebidensiya ang kampo ng actress  hinggil sa kasong qualified theft kaya ito ibinasura, kung kaya’t estafa ang inirekomenda nila laban kay Falcis.

“There was no personal property which was taken either from Aquino or KCAP. A careful scrutiny of the allegations would show that there is enough evidence to engender a well-founded belief that Falcis converted the corporate credit card extended to him much to the damage and prejudice of Aquino and KCAP,” ito ang nakasaad sa resolution ni Pagayanan.

Naunang ibinasura ni Makati City Senior Deputy City Prosecutor Emmanual Medina ang kasong qualified theft laban   kay Falcis,  na kahalintulad din sa naging akusasyon ng actress.

Please follow and like us:
Read More