MAYNILA IPINAUBAYA NA NI ERAP KAY ISKO

erap100

(NI HARVEY PEREZ)

IBINIGAY na ni outgoing Manila Mayor Joseph Estrada ang Lungsod ng Maynila sa kanyang katunggali na si incoming Manila.Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at nagwagi sa natapos na national and local elections.

Sa opisyal na pahayag ni Estrada, sinabi nito na nagdesisyon na ang mga mamamayan ng Maynila at mayroon nang bagong liderato na papasok at inihahanda na niya ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa isang maayos na turn-over.

“By June 30, my 50 years in politics and public service will come to an end with sterling colors of honesty and genuine concerns for the poor,”ani Estrada.

Gayundin, pinasalamatan  ni Estrada ang lahat ng nakasama niya at sumuporta sa loob ng limang dekada niya sa pulitika.

Isang panibagong buhay umano ang kanyang haharapin pagkatapos ng kanyang karera sa politika.

“I congratulate the new mayor and I wish him all the best for the good of the people of Manila,” ayon pa kay Estrada.

Hinimok rin ni si Estrada ang kanyang mga supporters na suportahan ang bagong liderato ng Lungsod ng Maynila.

Hangad umano ni Estrada ang tagumpay ng bagong liderato para sa kabutihan ng nakararami.

Idinagdag pa ni Estrada na dahil sa masinop niyang pamamahala, iiwanan umano niya ang Lunsod ng Maynila ng P14 bilyon pondo.

Please follow and like us:
Read More

JANELLA HINDI NAMANA ANG SHOWBIZ BLOOD NG MGA ESTRADA

AKO PA BA NI ROSE GARCIAMAGANDA naman daw ang relasyon ni Vice Mayor Janella Salvador sa kasalukuyang Mayor ng San Juan ngayon na si Guia Gomez.

Sinusuportahan daw siya nito sa kampanya niya bilang hahalili sa posisyon nito.
Ayon kay Janella, “Siya ang mag-endorse sa akin para sumunod na Mayor. Okay naman kami despite the rivalry of the siblings, nagtutulungan naman kami.”

As we all know, si Mayor Guia ay isa sa mga ka-relasyon ng Lolo niya na si Erap Estrada kunsaan, anak naman nila si Senator JV Ejercito.
Malaking bagay para kay Janella na ang ama na si Senator Jinggoy ay nakalaya na. Ibang-iba raw noong una siyang tumakbo sa pagka-Vice Mayor na nakakulong pa ito sa Crame.

“Malaking bagay talaga kasi, noong una, wala siya. Ako lang ang nag-campaign para sa sarili ko, of course, my Mom and my family. Pero siya na may alam, wala, ‘di ba?
“Kaya, medyo mahirap. Pero ngayon, bumabawi naman siya.”

Eh, at the same time, si Senator Jinggoy ay tumatakbo naman muli sa pagka-senador.
Sa kanilang magkakapatid, siya raw talaga over Jullian and Jolo ang talagang may puso sa pulitika.
Hindi raw siya pinilit ng mga magulang.

“Hindi talaga nila ko pinilit. Ako mismo ang nagpaalam sa kanila kung puwede kong pasukin ang public service. Okay naman sa kanya at may mga payo lang siyang binigay sa akin.”

Natawa si Janella nang sabihin namin na yung dugo ng pagiging pulitiko ang nakuha niya sa angkan nila, hindi ang pagiging artista.

Yun pala, pinangarap din niya noong mag-showbiz. In fact, nag-workshop daw siya sa PETA at sa Star Magic.
“Siyempre gusto ko rin, sino ba ang may ayaw?,” natawang sabi niya.
“Hindi kasi pumayag si Daddy noong payat pa ko no’n. Eh, tumaba na ko, wala na.”
Pag-amin pa niya, “Gusto ko talaga. Yun talaga ang unang gusto ko.”

Hindi raw siya pinayagan ng Daddy niya dahil babae siya, yung mga lalaki na lang daw mag-showbiz. Pero ang weird nga raw na sa politics, pumayag.
“Mas magulo nga ang pulitika kesa sa showbiz, so ‘di ko alam,” natawang sabi niya.
Eh, maganda pa raw ang boses ni Janella na nakuha naman nito sa Mommy niya. Kaso yun lang, pagka-graduate niya raw, pinasok na niya ang public service kunsaan, nagsimula siya bilang Konsehal.

Aliw rin si Janella nang tanungin ito kung sakali at puwede siyang mag-guest SA mga TV shows, saan niya gusto.
Mabilis na, “Mga game shows? Yung ganun? Minute to Win It! Ha ha ha!”
Mas gusto raw niya yung ganung show kesa talk show na interview. Kung sa talk show, okey lang din daw sa Gandang Gabi Vice. Eh, close pa naman siya kay Vice na madalas, sumasama rin sa mga events niya tulad ng LGBTQ Pride March ng San Juan.

—-ooo000ooo——

Ngayong araw na ito na ang pilot episode ng bagong afternoon prime ng GMA-7, ang “Inagaw Na Bituin.”
Hindi pa masabi ni Angelu de Leon kung ang character na niya rito ay mabait o masama bilang siya ang makikilalang ina ni Kyline Alcantara.

Pero kung may sobra raw siyang Ikina-excite sa bagong serye, ito ang bumubuo ng cast. Ang bongga naman nga kasi ng line-up from the 90’s na bukod sa kanya, nandiyan sina Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, Gabby Eigenmann at Sunshine Dizon.

“Parang it’s a mixture of everything good,” sey niya.
In a sense, nakikita rin daw niya ang sarili sa mga young stars na kasama nila sa serye tulad nga nina Kyline at Therese. Pero nagbiro siya na tingin daw niya, mas May pressure ang mga ito ngayon dahil konting making ginawa o pinost sa social media, madaling nama-magnify.

“Eh kami nun, parang walang evidence, yung mga sinulat niyo lang sa amin,” natawang sabi niya.
Pero bilib si Angelu kina Kyline at Therese dahil mga palaban din daw sa aktingan.
“As in, palaban din! Actually, minsan nakakatuwang isipin na it’s all natural. Parang hindi nila kailangan ng acting coach.”

Papalitan ng Inagaw na Bituin ang time-slot ng Ika-5 Utos. Yung pinagsanib na puwersa ng cast na nilagay sa Inagaw… plus the story, parang pang-primetime na. Ginastusan pa ang halos lahat daw na gagamitin kanya which is all original.
Kaya hindi maikakaila na may pressure rin na maibalik nila ang bonggang rating ng Ika-6 na Utos noon, huh. (ROSE GARCIA)

Please follow and like us:
Read More