EO 51, DOLE – DO 174 WALANG SILBI

END ENDO-4

(Ni Nelson S. Badilla / Ikalimang na bahagi)

ISA sa mga ipinangako noong halalan 2016 ng tumatakbo sa pagka-pangulo na si Davao City ­Mayor Rodrigo Duterte ay ang pagpapatigil ng kontraktuwalisasyon o ang tinatawag na “end of contract (endo)” sa bansa.

Kumbinsido si Duterte na mali ang sistemang ito ng pagrerekrut ng mga manggagawa na tumatagal lamang ng limang buwan sa kompanyang kumuha sa kanila.

Dahil sa paglalagay niya sa kontraktuwalisasyon bilang isyu sa panahong ng kampanya sa pagka-pangulo ng bansa ay maraming Pilipino ang natuwa, sapagkat paniwala nila na totoong “change is coming” kapag si Duterte ang magiging pangulo ng Pilipinas.

Ngunit, nang maging pangulo na si Duterte ay lumabas ang katotohanan na hindi naging pangunahing adyenda nito ang pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon.

Walang silbi ang EO 51

MISMONG opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nagdeklara sa media na sa esensya ay walang silbi ang ­inilabas na Executive Order No. 51 ni Duterte at ang DOLE – Department Order No. 174 na inisyu naman ni Secretary Sylvestre Bello III.

Ayon kay Director Benjo Benavidez ng Bureau of Labor Relations (BLR) ng DOLE, ang tanging papel ng EO 51 ay “reinforces existing provisions [of the Labor Code of the Philippines]. So if you notice, there are provisions… in the executive order [of President Duterte] that are already found in the Labor Code of the ­Philippines.”

Ipinaalala at inilinaw pa ni Benavidez na ang “very nature of an executive order is to execute and implement ­existing laws, rules, and regulations. It (the EO) cannot amend or supplant existing provisions of law.”

Gayunpaman, ibinida ng opisyal na mayroong bago sa EO 51.

Aniya, ang EO 51 ay “reinforcement [of the existing labor law] because we added some provisions” at ito ay ang nilalaman ng Seksyon 4 tungkol sa kapangyarihan ng DOLE na mag-inspeksyon sa mga kompanya.

Walang paglabag sa pagkopya ng nakasaad sa batas, sapagkat ito naman ay “consistent with Article 128 (Visitorial and Enforcement Power) of the Labor Code,” diin ni Benavidez.

DO 174 paglilinaw ng mga termino sa DOLE

GALING mismo sa bibig ni Benavidez na wala ring saysay ang DOLE – DO 174 sa pagsugpo ng kontraktuwalisasyon sa Pilipinas.

Aniya, ang maganda sa DOLE – DO 174 ay higit na malinaw at malawak ang mga kahulugan at mga paliwanag ng mga terminong ginagamit sa umiiral na kontraktuwa-lisasyon sa bansa.

Matatagpuan ito sa Seksyon 6 ng DO 174 tulad ng “contractors/subcontractors repeatedly hiring employees after the end of a contract of short duration… and emplo-yees of contractors/subcontractors doing the same job as the principal’s regular emplo-yees,” saad ni Benavidez.

Karagdagan ito sa mga uri ng kontraktuwalisasyon sa bansa na tinukoy sa kautusang inilabas ni Bello noong 2017.

Matatandaang inilibas ni Bello ang DO 174 upang mapahupa ang umiinit na isyu ng kontraktuwalisasyon noong 2017, sapagkat walang tigil ang paniningil ng mga orga-nisasyon ng mga manggagawa sa ipinangako ni Duterte noong nangangampanya pa lamang siya sa pagkapangulo ng bansa.

Kumbinsido ang Federation of Free Workers (FFW) na hindi sapat ang Labor Code, EO 51 at DOLE – DO 174 upang mapahinto nang tuluyan ang endo sa bansa.

Ani Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng FFW, “Yes. Kulang na kulang ang kasalukuyang batas, kasali ng DO 174 at EO 51 para ­matuldukan ang endo.”

Sa parusa pa lang nga kapag napatunayan ang kapitalista na linalabag nito ang mga probisyon ng mga batas laban sa kontraktuwalisasyon ay P1,000 hanggang P10,000 lamang ang parusa, tugon ni Matula.

“Kaya, hindi takot ang mga negosyante na balewalian ang mga batas, [sapagkat kaya nilang bayaran ang P1,000 hanggang P10,000,” banggit ni Matula.

Mahigit 25 milyon sa ilalim ng kontraktuwalisasyon

BATAY sa datos ng Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU – TUCP), umaabot sa mahigit 25 milyon lahat ang mga manggagawang walang regular na trabaho dulot ng kontraktuwalisasyon.

Ani Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU – TUCP, sila ay matatagpuan sa industriya ng paggawa, serbisyo at maging sa agrikultura.

Ang regular sa mga kontraktuwal ay ang paghahanap ng trabahong mapapasukan matapos silang tanggalin bago sila umabot sa anim na buwan sa mga kompanyang kanilang pinapasukan.

Ang iba ay mag-aaplay uli sa parehong kompanya, ngunit panibagong kontratang aabot lang sa ilang buwan.

Malinaw ang nakasaad sa batas-paggawa na dapat ­gawing regular ang mga manggagawa kapag ­naka-anim na buwan na sila rito.

Sa ganitong sistema, ­maliban sa minimum na suweldo kada buwan ay ­magiging miyembro na sila ng Social Security System (SSS), Philippine Health Corporation (PhilHealth), Pag-Ibig at iba pa upang makakuha sila ng kaukulang benepisyo sa mga institusyong ito sa kalaunan.

Ngunit, hindi sila makakakuha ng benepisyo kung ang kanilang mga amo ay hindi inihuhulog ang kanilang buwanang ­kontribusyon sa mga naturang ahensiya.

Ang hulog ng mga manggagawa ay galing sa kanilang suweldo na kinakaltas kada buwan ng kompanya at may katapat na hulog ang mga kompanya, alinsunod sa itinakda ng mga batas na ­ naging dahilan kung bakit mayroong SSS, PhilHealth, Pag-Ibig at iba pa.     (Itutuloy)

Please follow and like us:
Read More

MARAMING UMAASA SA EO 51 NI PRRD

manggagawa-3

(Ni Edzer Lanuza /Huling bahagi)

SA kabila ng kaliwa’t kanang pagpapatupad ng matalinong employers sa endo, marami pa rin ang umaasa sa  Executive Order No. 51 na inisyu noong May 1, 2018 nagbabawal sa illegal contracting at subcontracting.

Kinikilala nito ang karapatan ng  workers sa security of tenure. Ang paglagda sa EO 51 ay bahagi ng katuparan sa pagwawakas ng illegal contractualization na “end of contract” at labor-only contrac­ting.

Sa Labor Code,  nagpapahintulot sa  job contrac­ting at fixed- term employment contracts, at project o seasonal workers.

Pero sa nasabing legal form ng contractualization, tumitiyak sa protection  ng labor rights at beneficial sa ating bansa na nagtatangkang sumuhay sa manufacturing sector .

Sinasabi ring ang tulu­yang pagpuksa sa lahat ng uri ng contractualization, ay may pang-ekonomiyang kahihinatnan partikular sa firms’ hiring decisions at sa employment level, nagpapahinang mara­ting ang  mabilis,  inclusive, at pagpapanatili sa economic growth.

Ang  katawagan sa mga manggagawa:

Casual workers – sila ang mga manggagawang ang trabaho ay hindi kadalasang mahalaga at kanais-nais sa karaniwang negosyo o gawain ng employer.

Contractual/project-based workers – mga manggagawang ang  employment ay nakapirmi sa isang specific project o trabaho, ang completion o termination ay ipinapatupad sa takdang panahon ng pinagkasunduan.

Seasonal workers – sila ang mga manggagawang ang employment, partikular sa  ti­ming at duration, ay may malaking impluwensya sa seasonal factors.

Probationary workers – mga manggagawang sa kanilang trial period ang emplo­yer ang magsasabi kung sila’y fit o qualify para sa regular employment, base sa reasonable standards.

Apprentices/Learners – sila ang mga manggagawang sakop ng TESDA apprenticeship/learnership programs. Hin­di kasama rito ang apprentices o student on-the-job trainees na walang regular compensation.

Kuwalipikasyon para sa benepisyo ng ‘Magic 87’

Ang retirement sa ilalim ng RA 660 kilala bilang ‘Magic 87’, ay maaaring makuha ng members na  52 years old na nagtrabaho sa gobyerno sa loob ng  nagdaang 35 taon.

Pumasok sa government service sa o bago ang May 31, 1977;

Ang last three years sa service bago ang retirement ay kailangang tuloy-tuloy, maliban sa kaso ng pagkamatay, disability, abolition, at phase- out ng posisyob dahil sa reorganization;

Ang appointment status ay kailangang permanente;

Nasa age at service requirements sa ilalim ng “Magic 87” formula. Base sa  formula, ang edad ng retiree at mga taon sa serbisyo ay kailangang na­dagdagan at nasa  total na 87.

Pero hindi lahat ng mga kumpanya ay tumutupad sa kauutusan.

Marami sa  contractual jobs ay maaaring mauwi sa permanent positions kung ang empleyado ay nagpapakita ng mabuting work performance.

Contractual jobs, kaila­ngang may kaparehong benepisyo at terms ng employment bilang permanent positions.

Kaila sa marami, ang ating gobyerno ay gumagawa ng mga hakbang para matiyak  na ang contractual employees ay protektado ng batas bilang permanent employees.

Noong  2011, ipinalabas ng Department of Labor and Employment ang Department Order 18-A, Series of 2011, kung saan nakatala ang lahat ng employees’ rights (Section 8) na ang contractual employees ay entitled sa, gayundin ng guidelines para sa employment contract.

Narito ang mga karapatan ng isang contractual employee:

  1. Kaligtasan at nakakapagpalusog na working conditions

Kahit ang iyong posisyon ay  isang desk job o nagtatadhana ng maraming  physical labor, kailangang matiyak ng iyong employer na ang kalusugan mo ay hindi nakokompromiso sa trabaho.

Kailangang gumawa ng mga hakbang ang iyong employer para mapangalagaan ang iyong kalusugan at pagkatao habang nasa tungkulin.

  1. Service incentive leave, rest days, overtime pay, holiday pay, 13th month pay, at separation pay

Maliban sa suweldo, kailangan bigyan ka ng paid time off, gayundin additional pay para sa anomang trabaho na ginawa mo sa labas ng iyong contract’s work hours, 13th month pay at separation pay kung ang iyong employment ay maagang nagwakas.

  1. Retirement benefits sa ilalim ng SSS o retirement plans ng contractor, kung mayroon

Kung ang iyong  employer ay may retirement plan para sa kanilang permanent employees, kailangan mo ring mapagkalooban ng kaparehong benepisyo.

  1. Social security at welfare benefits

Kailangan ka ring mabigyan ng iyong employer ng SSS, PhilHealth, at Pag-Ibig benefits, gaya ng iba pang permanent employee.

  1. Self-organization, collective bargaining at peaceful concerted action

Ang contractual emplo­yees ay maaarinng umanib o magtatag ng  employee unions, collective bargaining agreements, at join peaceful demonstrations o protests.

Please follow and like us:
Read More