3 NPA PATAY SA NILUSOB NA TRAINING CAMP

cppnpa12

(NI CYRILL QUILO)

NAPATAY ang tatlong  miyembro ng New People’s Army sa engkwentro bandang ala-1:30 ng hapon sa Sitio Mawan, Panaytayan, Mansalay Oriental Mindoro.

Sa pinagsanib-pwersa ng 4th Infantry Battalion (4IB),76th Infantry Battalion ,203rd Brigade at Philippine National Police Mindoro, nasukol ang kuta ng makakaliwang grupo sa pinagdarausan ng kanilang training para sa mga bagong recruit na miyembro ng NPA.

Ayon kay Brig. Gen. Marcelino Teofilo, Commander ng 203rd IB Mindoro Province, isang impormante ang nagbigay ng tip sa mga sundalo na isang grupo umano ng mga terorista ang nagsasanay sa kanilang lugar.

Tumagal ng 2 1/2 oras na palitan ng putok ang mga militar at tatlo sa hanay ng NPA na KLG MAV SRMA 4D ang napatay. Ilan din sa kanila ay sugatan dahil sa mga bakas ng dugo habang sa 1 sa tropa ng militar ang nasugatn sa tenga na agad namang nalapatan ng lunas.

Narekober sa kalaban ang 3 M16 rifle, 1 AK-47,1 cal.45, magazines,1 grenade,1 grenade launcher tube, 2 Improvised Explosive Devices at switch,3 blasting caps,2 mobile phone at iba’t ibang bala.

Kinukumpirma pa kung isa din sa kanilang mataas na lider ang kasamang napatay, ayon naman kay Lt. Col. Alexander Arbolado, Battalion Commander ng 41 Infantry Battalion.

Ayon naman kay Brig. Gen. Elias Escarcha, 2nd Infantry Battalion, ang matagumpay na sunud-sunod na operasyon ay isang manipesto na malapit na matapos ang laban sa mga NPA.

”Hindi namin pinupuri ang pagpatay sa kapwa Pilipino,”dagdag pa ni Escarcha.
Dahil sa pagpapakalat ng mga K-9 units nagsagawa ng follow-up operation ang mga militar at nasundan pa ng isang engkwentro nitong Hunyo 13 bandang alas-11:30 ng umaga sa Sitio Catmon, Brgy.Villa Nacaob, Lopez, Quezon sa pangunguna ng 21st Division Reconnaissance Company.

Ilan sa grupo ng terorista ay sugatan habang sa tropa ng militar ay walang nasugatan.

Please follow and like us:
Read More

AGAWAN NG LUPANG SAKAHAN: 3 PATAY

crime

(NI BONG PAULO)

NASAWI ang tatlo katao makaraang sumiklab ang labanan sa pagitan ng Islamic Liberation Front (MILF) at mga armadong sekyu ng isang plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong sa Datu Abdullah Sangki (DAS), Maguindanao, Lunesng hapon.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Ronald Briones, nagkasagupa ang grupo nina Kumander Tommy at Adrex Cali sa plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong ng naturang bayan, alas-2:30 ng hapon.

Ang mga nasawi sa panig ng MILF ay kinilalang sina Datu Ila Mohammad at Toy Taha, habang ang nasawi sa panig ng mga armadong security na pinamumunuan ni alias Kali ay hindi pa tukoy.

Sugatan naman ang isang Tanto Abdul, isang civilian security volunteer, na dinala sa Isulan Provincial Hospital sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Nabatid na personal na alitan sa pamilya dahil sa pinag-aagawang lupang sakahan at plantasyon ang dahilan ng bakbakan.

Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig kaya naman daan-daang mga sibilyan ang lumikas patungo sa mas ligtas na lugar.

Humupa lamang ang engkwentro nang dumating ang mga pulis at sundalo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mapayapang negosasyon ng mga lokal na opisyal sa bayan para resolbahin ang gulo ng dalawang grupo.

Please follow and like us:
Read More

NAWAWALANG BANGKAY NG MISTER, NAHANAP NG MISIS SA BUNDOK

batangas12

(NI NILOU DEL CARMEN)

NAREKOBER ng isang misis ang bangkay ng kanyang mister na umano ay miyembro ng New People’s Army nang matunton ang libingan sa isang hukay sa mabundok na bahagi ng San Juan,  Batangas nitong Linggo.

Sa pahayag ni Josephine Razo sa San Juan police station, may nakapagbigay umano sa kanya ng impormasyon na ang kanyang nawawalang mister na si Domingo Razo, 56,  ay nasugatan umano sa engkwentro sa pagitan ng militar at mga rebelde sa Sitio Kalabasahan, Barangay  Quipot noong April 29.

Dinala umano ng mga tumakas na rebelde ang sugatang asawa subalit nalagutan din ito ng hininga at inilibing sa Sityo Mambog sa katabing barangay ng Sampiro.

Agad nagsagawa ng search operation ang mga tauhan ng Army at San Juan PNP sa lugar Linggo ng umaga  hanggang sa matunton ang hukay na pinaglibingan sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

2 TUMANGGI SA CHECKPOINT, PATAY SA ENCOUNTER

crime

MATAPOS atrasan ang checkpoint at makorner ng mga pulis, dalawang lalaki ang patay nang mauwi sa engkuwentro ang habulan, sa Legazpi City, Albay.

Namatay noon din sina Glenn Abellano at Leo Esquivel, mga residente ng Daraga, Albay.

Nabatid na isang Comelec checkpoint ang inilatag ng Daraga Municipal Police sa Barangay Salvacion, Daraga, Albay nang makitang parating ang mga nasawi.

Sa halip umanong huminto, bumuwelta umano ang dalawang magkaangkas sa motor dahilan para habulin ito ng mga pulis.

Nang maabutan, agad nagpaputok ang angkas ng motorsiklo dahilan para gumanti ng putok ang mga humahabol na pulis.

Agad bumulagta ang dalawa sa mga tama ng bala sa katawan.

Nabawi sa mga ito ang .38 kalibre at ilang pakete ng shabu.

Please follow and like us:
Read More

BATA PATAY SA ENGKWENTRO 

shooting6

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG engkwentro sa pagitan ng pulis at umano ay isang wanted person ang naganap na naging sanhi ng kamatayan ng isang anim na taong gulang na batang lalaki matapos tamaan ito ng ligaw na bala sa ulo, sa Lungsod ng Caloocan, Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Gian Habal, grade 1,  na nasawi habang ibinibiyahe patungong Caloocan City Medical Center North, habang ang lola niya na si Elsa Montañez, 65, ay nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital matapos tamaan naman ng bala sa paa.

Sa ulat ni Caloocan City police deputy chief for administration P/Lt Col. Ferdie Del Rosario, naglalaro umano sa labas ng kanilang bahay sa A. Mabini Street, Sto Niño, Barangay 178, ang biktima nang maganap sa lugar ang engkwentro sa pagitan ng isang suspek na wanted at nakilala lamang sa Alyas ‘Botchok’ at alagad ng batas na si P/Cpl. Rocky Delos ganap na alas 4:00 pasado ng hapon.

Nakita na lamang umanong tumumba ang bata at mabilis na pinuntahan ng kanyang lola.

Ayon pa sa mga awtoridad, nagpapatrulya si Delos Reyes nang masaktuhan ang suspek na may standing warrant of arrest.

Nagkaroon umano ng barilan sa pagitan ng dalawa hanggang bumagsak na duguan ang biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS, 2 PA, PATAY SA DRUG BUST

BARIL-9.jpg

NAUWI sa engkuwentro ang ikinasang buy-bust operation ng mga pulis matapos manlaban ang mga inaarestong drug suspects sa Antipolo City, Martes ng gabi.

Kinilala lamang sa mga alyas na ‘Echay’ at ‘Laon’ ang mga nasawing suspects gayundin ang pulis na si Patrolman Ariel Dapyawen na namatay sa ospital.

Isa pang pulis, si Police Staff Sgt. Joseph Monjardin ay ligtas na sa ospital matapos tamaan ng bala sa tiyan.

Nabawi sa pinangyarihan ng krimen ang isang shotgun at kalibre 38 na umano’y armas ng mga suspek.

Sinasabing nagkasa ng buy bust kina Echay at Laon na umano’y kilalang mga drug pusher sa lugar.

Please follow and like us:
Read More

UTOL, ANAK NG BIFF LEADER, 2 PA PATAY SA ENCOUNTER

maguindanao map12

(NI JG TUMBADO)

NAPASLANG ng militar ang apat na umanoy miyembro ng ISIS terror-linked na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa naganap na engkuwentro sa bayan ng Datu Unsay, Maguindanao Huwebes ng umaga.

Ayon kay Major General Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division-Philippine Army, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kanyang mga tauhan at ng nasa 60 bilang na mga BIFF fighters sa bulubunduking bahagi ng Barangay Pamalian.

Nakipagsagupaan umano sa tropa ang mismong sub commander ng teroristang grupo na si Ali Abdul Malik, isa sa apat na napatay.

Si Ali ang umano’y kapatid ng BIFF commander na si Abu Turaife.
Bukod kay Ali, kabilang din sa napatay ay ang anak ni Abu Saiden, ang sub commander din ng BIFF.

Nasa 12 miyembro naman ng mga terorista ang nasugatan ayon kay Sobejana.

“Four dead saka 11 wounded, marami pa ‘yan actually… nagkakalat-kalat ngayon. Very deliberate lang kami kasi ang daming improvised explosive devices,” ani Sobejana.

Dalawang sundalo naman ang iniulat na nasugatan.
Sinabi ni Sobejana na nag-umpisa ang sagupaan nang maglunsad ng airstrikes at ground assaults ang tropa ng pamahalaan sa hinihinalang pinag kukutaan ng teroristang grupo sa nabanggit na lugar.

“Hinahalughog namin lahat ng suspected hideouts nila, tapos nag-indirect fire kami, ‘yun nga nasapol ‘yung location nung brother ni Abu Turaife at ‘yun nga nadali si Ali Abdul Malik,” dagdag pa ni Sobejana.

Please follow and like us:
Read More

MARIJUANA PLANTATION NG NPA NATUNTON

mj

(NI Nick Echevarria)

ISANG marijuana plantation ng New People’s Army (NPA) ang nilusob ng mga tauhan ng pinagsamang pwersa  ng Police Regional Office (PRO) 12 at Armed Forces of the Philippines (AFP), Linggo ng umaga sa Brgy. Nalus, Kiamba,  Sarangani Province.

Ayon sa  ulat ni PRO 12 Regional Director P/CSupt. Eliseo Tam Rasco na nakarating sa Camp Crame, ikinasa ang pagsalakay matapos ang koordinasyon sa PDEA 12 ganap na alas-6:00 ng umaga at natapos bandang alas-7:00 ng gabi.

Sa isinagawang joint operation, naka-engkwentro ng mga tauhan ng pamahalaan bandang alas-11:00 ng umaga ang hindi mabatid na bilang ng mga  NPA sa ilalim ng isang kumander Gorio/Toto na tumagal ng 15- minuto bago  nagsitakas ang mga rebelde.

Nabawi sa lugar ng engkwentro ang .30 cal carbine rifle, cal. 38 pistol, bandolier na may 8 magazines ng cal .30 ammo, subersibong dokumento, at isang bandila ng NPA.

Ganap na alas-3:30 ng hapon nang matunton ng mga awtoridad ang plantasyon ng marijuana dahil sa kanilang patuloy na pagtugis sa mga nagsisitakas ng rebelde.

Ilang mga pinatuyong dahon at tangkay na lamang ng marijuana ang inabutan ng mga tropa ng pamahalaan habang hinihinalang naani na ng mga NPA ang karamihan sa mga tanim na marijuana.

Please follow and like us:
Read More

HOLDAPER PATAY NANG KUMASA SA PULIS

crime

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI ang isang lalaking nangholdap sa isang dalaga matapos na ito ay makipagbarilan sa mga humahabol na pulis sa Calamba City Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Eleazar Matta, Laguna police director, nangyari ang engkwentro sa Barangay Pansol, kungsaan naabutan ng mga pulis ang hindi pa nakikilalang holdaper pasado alas:12:00 ng hatinggabi.

Unang hinoldap ng suspek ang biktimang si Bernadette Reyes habang naghihintay ng pampasaherong jeep sa highway sa harap ng isang resort dakong alas 11:40.

Kasabay ng pagtutok ng baril, kinuha ng suspek ang bag ng dalaga na naglalaman ng mobile phone, cash at iba pang gamit saka naglakad patungo sa direksyon ng Pansol.

Nakapagsumbong naman ang biktima sa mga pulis na agad nagsagawa ng hot pursuit operation.

Subalit nakipagplitan ng putok ang suspek matapos na ito ay masukol hanggang sa mapuruhan ito.

Isinugod pa ito  sa JP Hospital subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor.

Nabawi dito ang mga gamit na tinangay mula sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

2 PULIS PATAY SA MINDORO ENCOUNTER

san jose1

(NI JUN V. TRINIDAD)

CAMP NAKAR, Lucena City – Dalawang pulis ang napatay sa enkwentro laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa sagupaang naganap sa San Jose, Occ. Mindoro araw ng Sabado.

Sa report ni Capt. Patrick Jay Retumban, public affairs chief ng Army 2nd Infantry Division, natodas ang dalawang pulis sa pangalawang sagupaan sa Sitio Imbrasan sa Barangay Mapaya dakong 9:40 ng umaga.

Hindi binanggit sa report ang pangalan at lugar ng assignment ng mga pulis na napatay.

Unang naganap ang bakbakan sa Sitio Barungbong bandang alas-6:00.

Umatras ang tinatayang 10 NPA pagkatapos ng 15 minutong barilan at naiwan ang isang magazine at bala para sa caliber .30, dalawang mobile phones at SIM cards, medical kits at mga personal na gamit.

Ayon sa report, may mga sugatan at patay din umano sa mga rebelde batay sa maraming bakas ng dugo sa lugar ng sagupaan.

Pagkalipas ng dalawang oras pagkatapos ng bakbakan sa Imbrasan ay muling nagsagupa ang tropa ng gobyerno at mga tumatakas na rebelde sa isa pang lugar sa nasabing barangay.

Hanggang sa oras ng pagpapadala ni Retumban ng report dakong 3:30 ay patuloy pa rin ang habulan na may kasamang barilan.

Ayon sa report ni Marcelino Teofilo, commander ng Army 203rd Infantry Brigade na may hurisdiksyon sa Mindoro, ang mga nakasagupang NPA ay ang mga hinahabol ng mga sundalo pagkatapos ng engkuwentro sa Mansalay, Orr. Mindoro noong Huwebes.

Dalawang rebelde ang natodas sa nasabing labanan.

Nagpahatid ng pakikidalamhati sa pamilya ng dalawang napatay na pulis si Major Gen. Rhoderick Parayno, commander ng Army 2nd ID.

Nangako si Parayno na hindi makakawala sa tropa ng mga sundalo ang mga tumatakas na mga rebelde.

Patuloy ang pagtugis ng tropa ng gobyerno sa mga tumatakbong komunistang gerilya.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

NAPASLANG NA ‘NPA REBEL’, UPLB STUDENT

laguna14

UNDERGRADUATE student umano ng University of the Philippines Los Banos (UPLB) ang sinasabing New People’s Army (NPA) rebel na napatay sa umano’y encounter ng military, ayon sa mga kasamahan nito.

Kinilala ang napatay na si John Carlo Capistrano Alberto, undergraduate student ng College of Veterinary Medicine at vice chairperson ng Anakbayan, ayon sa kanyang Facebook account.

Si Alberto na pumasok sa UPLB noong 2013, ay nagtapos sa Pandan School for Arts and Technology sa Pandan, isang liblib na lugar sa Catanduanes province.

Ayon sa mga kapwa estudyante na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil sa seguridad, umanib umano si Alberto sa kilusan noong nakaraang buwan. Sinabi ni Captain Patrick Jay Retumban, information officer of the Amy’s 2nd Infantry Division, sa isang statement, na ang engkuwento ay naganap bandang alas-9:30 ng umaga sa Sitio Pinamintian, Barangay San Buenaventura sa Luisiana, Laguna.

Dalawa pa umanong babaeng rebelde ang sugatan sa engkuwentro.

Kasabay nito, nakubkob ng military ang kampo ng NPA at nakasamsam ng mga pampasabog, detonator, magazine, tents, walong mobile phone at computer tablet na may training materials.

Sinasabi na ang grupo ni Alberto ang responsable sa panununog ng mga construction equipment sa Infanta, Quezon noong Huwebes.

Please follow and like us:
Read More

‘AJANG-AJANG’ MEMBER PATAY SA ENGKUWENTRO

ajang6

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Special Action Force (SAF) ang isang miyembro ng kilabot na ‘Ajang-Ajang’ group ng Abu Sayyaf makaraan itong makipagbarilan sa Jolo, Sulu.

Sa report na nakarating kay CIDG Director Chief Supt. Amador Corpus, inilunsad ang manhunt operation laban sa suspek na si Alex Habbibondin alyas Amah Alex sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder nito na inilabas ng korte sa Jolo.

Natunton umano ng mga awtoridad ang kinaroroonan ni Habbibondin sa Sitio Barrio Militar kaya agad silang nagkasa ng operasyon Miyerkoles ng madaling araw.

Gayunman, nauwi sa operasyon ang pagsisilbi sana ng arrest warrant matapos manlaban si Habbibondin na dahilan ng pag neutralize sa kanya.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng suspek ang isang caliber 357 magnum na ginamit sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad.

Nabatid sa report na si Habbibondin ay sangkot sa ilang serye ng engkwentro kasama ang ASG  sa pagitan ng mga military sa Jolo, Sulu noong February 2 at kabilang ito sa mga kasamahan sa ‘Ajang-Ajang’ group na nasa likod ng malagim na pagpapasabog sa Jolo cathedral.

Please follow and like us:
Read More

PAROJINOG HITMEN PATAY SA ENCOUNTER

parojinog

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY sa engkwentro ng pulisya ang dalawang lalaking mga tinaguriang notoryus na ‘hitmen’ ng mga Parojinog at kapwa miyembro umano ng illegal drug at gun-for-hire syndicate sa Zamboanga Del Sur.

Naganap ang shootout sa bahagi ng National Highway sa Barangay Culo, bayan ng Molave.

Tinukoy ni Chief Insp. June Lawingan, hepe ng Molave Police, ang dalawang nasawing suspek bilang sina Melvin Louie Bongabong alyas Bobong at si Ernesto Briones.

Ayon kay report ng pulisya, nagsagawa umano ng operasyon ang mga awtoridad matapos makatanggap ng ulat na nasa bisinidad ang dalawang suspek habang sakay sa isang kulay pulang kotse.

Nang dumating ang mga pulis sa lugar ay agad silang sinalubong ng sunud sunod na putok mula sa tumatakas na mga suspek.

Dito na nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga suspek at pulisya hanggang makorner na ang mga ito at tuluyang napatay.

Nakuha sa dalawa ang dalawang kalibre 38 na revolver at mga bala.

Sina Bongabong at Briones ay bahagi umano ng Parojinog crime syndicate na kung tawagin ay ‘Quiapo’boys.

Ang ‘Quiapo’ boys ay nasa listahan ng pulisya bilang high-value target group sa Ozamiz City dahil sa pagkakasangkot sa mga insidente ng robbery, carnapping, illegal drugs at contract killing.

Please follow and like us:
Read More

ENCOUNTER: INTEL CHIEF, SUSPEK PATAY

GUN FIRE-3

KAPWA bumulagta ang hepe ng Intel section ng Pasay City Police at ang suspek na kanya sanang aarestuhin nang mauwi sa barilan ang operasyon kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng follow-up operations ang grupo na pinamunuan ni PSr. Insp. Manuel Taytayon para arestuhin ang suspek na si Marc Delemios na tumakas mula sa Pasay City Jail.

Natunton ng mga pulis ang pinagtataguan ng suspek sa Don Carlos Revilla Village sa Barangay 148, Pasay City ngunit natunugan nito ang pagdating ng tropa ni Taytayon.

Bago pa man makalapit ang mga pulis ay namaril na ang suspek dahilan para tamaan si Taytayon.

Kahit sugatan, nakaganti ng putok ang opisyal at kanyang mga kasama na ikinabulagta rin ng suspek.

Patay agad si Delemios habang idineklarang dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital si Taytayon na tinamaan ng ilang bala sa katawan.

Please follow and like us:
Read More