‘PATERNITY LEAVE’ NI JL LAGPAS 1 TAON NA

(NI ED DE LEON)

ONE year old na pala si Elias Modesto, ang anak na panganay nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Parang kailan lang iyong ginagawa pang palaisipan kung buntis nga ba si Ellen o hindi, ngayon one year old na ang anak nila at hindi na nila itinatago. Ayaw nga lang siguro nilang pati ang kanilang anak ay matangay sa publisidad.

Siguro nga matagal na rin naman iyong mahigit na isang taong “paternity leave” ni John Lloyd sa kanyang trabaho, at siguro masasabi rin namang sapat na ang naging pagba-bonding nila ng kanyang anak kaya sinasabing handa na siyang magtrabaho ulit.

Kung sa bagay, hindi naman nawalan ng trabaho si John Lloyd dahil sinasabi ngang noong panahong hindi siya nag-aartista, nagpipinta naman siya. Pero magkano nga lang ba ang kikitain niya sa paintings? Aba eh paglaki ng anak niya, lalaki rin ang gastos niyan.

 

Please follow and like us:
Read More

BEAUTY NAG-CELEBRATE NG BDAY KASAMA SI ELLEN

ellen32

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

MAINTAINED ang closenesss ng magkaibigang matalik na sina Ellen Adarna at Beauty Gonzales.

Nag-celebrate ng birthday niya si Beauty sa beach and obviously, ang pinili niyang makasama sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan ay ang bff na si Ellen. Kasama naman ni Ellen ang live-in partner na si John Lloyd Cruz at ang anak nila na si Elias Modesto. Kasama rin naman ni Beauty ang kanyang mag-ama.

Sinadya o dedma na lang si Beauty,pero isa sa IG stories nito ay may batang lalaki na madaling iisipin na siyang anak nina John Lloyd at Ellen.

Cute ang bagets at malaki-laki na rin.

Sa ngayon, namamayagpag si Beauty na hindi lang sunud-sunod ang mga serye sa ABS-CBN pero isa rin sa hinahangaan at inaabangan sa panghapong serye na Kadengang Ginto.

Habang si Ellen ay ‘di pa rin nagbabalik showbiz tulad ni Beauty.

 

Please follow and like us:
Read More

I ADMIRE ANG PAGIGING REAL NI ELLEN ADARNA — IVANA ALAWI

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

PASABOG ang kaseksihan at pagiging daring ng dating Star Struck alumna na ngayon ay isa na talagang Kapamilya star na si Ivana Alawi.

Si Ivana ang nagbibigay ng “init” sa pang-hapong serye ng ABS-CBN na “Sinong May Sala? Mea Culpa.” Palaban kasi itong si Ivana na isa rin sa mga PPL artist.

Palagi nitong sinasabi na ang peg niya sa kaseksihan ay ang ina ng anak ni John Lloyd Cruz na si Ellen Adarna.

“I admire her talaga and yung pagiging real niya,” sey ni Ivana.

Pero mukhang sa pagiging daring ay puwede pa yatang higitan ni Ivana ang iniidolo. Kahit sa serye nila, marami itong ginulat sa mga daring scene nila ni Kit Thompson.

When asked kung may limitasyon ba siya sa pagpapaseksi, “Well, okay lang ako na magpakita ng skin, kissing scene, bed scene pero ‘wag lang yung talagang hubo’t-hubad na, yun lang yung limitation talaga.”

Graduate ng dalawang kurso si Ivana. Fashion Design at Culinary at single raw siya sa kabila ng naiintriga ito na ang karelasyon ay ang dating actor at ngayo’y elected na Governor ng Laguna na si Dan Fernandez.

“Well, we’re just friends. Matagal na kaming magkaibigan and family friends talaga.”
Sa mga hindi nakakaalam, si Ivana ay kapatid ng dating Kapuso child star na si Mona Louise Rey.

Please follow and like us:
Read More