6 BATA NAKALIGTAS SA PAGDUKOT SA CAMSUR

foil

(NI JG TUMBADO)

LIMANG kalalakihan na umanoy nagtangkang dumukot sa tatlong elementary pupil ang tinutugis ng mga awtoridad sa bayan ng Iriga, sa Camarines Sur Biyernes ng umaga.

Dumulog sa himpilan ng pulisya kasama ang kanilang mga kaanak upang ipagbigay alam ng mga biktima ang sinapit ng mga ito sa hindi pa makilalang mga suspek sa tangkang pagkidnap.

Base sa inisiyal na imbestigasyon ni PO2 Marisol Paloma ng Iriga City police, naglalakad lamang umano ang tatlo papasok sa eskwelahan bago mag alas 6 ng umaga nang harangin umano sila ng isang kulay puting van kung saan lumabas ang mga suspek.

Pero nagawa umanong makatakbo ang isa sa tatlong bata habang ang dalawang naiwan ay sapilitang isinasakay ng mga suspek papasok sa loob ng van.

Ilang saglit pa ay nagawa rin umanong makawala ang dalawang biktima nang kapwa kagatin nila ang mga kamay ng suspek at mabilis din na tumakbo palayo mula sa kanilang abductors.

Naglatag na ng mga checkpoints ang pulisya sa ilang mga lugar na pinaniniwalaang daraanan ng mga suspek.

Please follow and like us:
Read More