SCHOOL SA ZAMBO PINASABOG; VCM NASUNOG

zamboangadel sur12

(NI JG TUMBADO)

NIYANIG ng isang malakas na pagsabog ang paaralan sa Zamboanga del Sur na nagresulta sa pagkasunog naman ng isang unit ng Vote Counting Machine (VCM) na nagamit nitong eleksyon noong Lunes.

Nagulantang ang mga residente na naninirahan malapit sa San Pablo Central Elementary School kung saan sinasabing nagmula ang malakas na pagsabog nitong gabi ng Miyerkoles.

Nabatid kay Police Maj. Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, ang pagsabog ay nasundan ng sunog dahilan para matupok ang isa sa siyam na VCM na nakaimbak sa silid-aralan.

Hindi naman napinsala ang iba pang gamit.

Nilinaw naman ni Galvez na ang mga VCM at gamit na nasa silid-aralan ay pawang depektibo at hindi gumana noong nakaraang eleksyon.

Agad din namang naapula ang sunog makalipas ang 10 minuto.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

MGA PAALALA NG CELEBRITIES NGAYONG ELEKSYON

(NI SIR NOEL FERRER)

ARAW ng pagboto, bukas, Lunes. Nasa sarili natin nakaatang ang  responsibilidad na pumili ng ating mga lider.
Sabi nga, hindi sa mga survey nakasalalay ang result, kundi sa ating mga well-informed at pinag-isipan at pinagnilayan talaga na mga boto.

Tinanong natin ang mga kaibigan nating taga-industriya, heto raw ang gabay nila para sa mga pipiliing iboboto.

Sana may mapulot tayong kaalaman at inspirasyon sa mga paalala nila.

ATOM ARAULLO : Matuto na po tayo – ang magnanakaw, para sa kulungan, hindi panghalalan.

NONIE BUENCAMINO: ‘Yung mga may kaso pa o may may kailangan pang ipaliwanag sa bayan, huwag iboboto yan!

SHAMAINE CENTENERA- BUENCAMINO : Una naman – dapat may alam sa batas. At yang mga sipsip at walang sariling isip, huwag nang iboto yan.

JOEL LAMANGAN: Kailangan natin ang isang Senado na lalaban sa political dynasty; isang Senado ha hindi tayo ipagbibili sa China at isang Senado na malaya at hindi sunud-sunuran lang

JOANNA AMPIL: This election, we are voting for Lawmakers, Not law-breakers.
Ang dapat nating hinahalal, mga alagad ng batas. Hindi angat sa batas!

LAURICE GUILLEN: Iboboto natin yung may takot sa Diyos at respeto sa kapwa tao.
Iboto yung hindi lang magaling sa salita kundi sa gawa rin. Leadership by example dapat.

JUAN MIGUEL SEVERO: Salamat sa P5,000 pondo pambili ng boto ko.
Salamat sa pagsauli ng pera ng bayan.
Tatanggapin ko pera mo,
Pero boboto ako ayon sa prinsipyo ko.

HIDILYN DIAZ: Huwag ho kayong maniniwala sa matrix na walang basis;
Di ba sabi ni Lord, wag magsinungaling – kaya wag tayong boboto ng mga nagsisinungaling at nagfe-fake news…
Kasi ang sinungaling daw ay kakambal ng magnanakaw.
Wag din tayo boboto sa mga ganun. Bad yun!!!
Ito po si Hidilyn Diaz, isang taong may takot sa Diyos at tunay na nagmamahal sa bayan.Muli, wag kayong maniniwala sa matrix at sa mga taong nagpapakalat nito.. Sa darating na eleksyon, mag Level up at makonsyensya po tayo!!! GOD BLESS US ALL!

Basta, tulad ng pinagsama-samang boses ng mga kasama natin industriya – Sana pagkatapos ng bilangan, ang panalo ay TAUMBAYAN.

 

 

Please follow and like us:
Read More

EASTERN METRO MANILA HANDA NA SA HALALAN

epd12

(NI MAC CABREROS)

PLANTSADO na ang Mayo 13 election sa Eastern Metro Manila, iniulat ng Eastern Police District Office (EPDO).
Ayon kay EPD director, BGen. Christopher Tambungan, nakipagpulong sila sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa Marikina nitong Huwebes at kanila nang inilatag ang mga karampatang hakbang para sa kaayusan at kapayapaan ng halalan.

Nitong Biyernes ay dinala na sa Pasig City ang 468 ballot boxes na naglalaman ng official ballot para sa May 13 elections.

Inimbentaryo ng Comelec ang ballot boxes bago ibinigay sa Treasurer’s Office na siyang mangangasiwa sa pamimigay sa Station Election Monitoring Action Center.

Nauna nang bumoto sa bisa ng Absentee Voting ang mga kapulisan ng EPD upang matutukan ang kanilang tungkulin na bantayan ang kaayusan at kapayapaan sa araw mismo ng eleksiyon.

Ipinaalaala ng Comelec na magtatapos ang campaign period sa Mayo 11.

 

Please follow and like us:
Read More