EL NIÑO

ENSO

 PAANO NAKAKAAPEKTO ANG ENSO SA KLIMA

(Ni Edzer Lanuza / Huling bahagi) 

NATALAKAY sa u­nang bahagi ng special report ang ilang impormasyon hinggil sa El Nino na kilala sa tagalog bilang tagtuyot kung saan bihira ang pag-ulan kung kaya’t nagkakaroon ng malaking epekto sa ekonomiya lalo na sa mga magsasaka.

Naapektuhan ng El Nino-Southern Oscillation (ENSO) ang klima sa malaking baha­gi ng mundo at maging ang ilang rehiyong malayo sa tropical Pacific Ocean.

Ang Abnormal Tropical Pacific SSTs ay simula lang ng kuwento sa mga epekto ng  ENSO. Kapag nagaganap ang El Niño, ang Central at Eastern Tropical Pacific Ocean ay nagiging  mas mainit kaysa karaniwan.

Kapag tumataas ang  SST, mas maraming nagaganap na thunderstorm activity o pagbagyo na sanhi ay pagdagdag sa temperatura at pagkatuyo sa hangin sa ibabaw ng mainit na tubig.

Ang mainit-init, mamasa-masang hangin ay tumataas at nag-aanyong ulap na natutuloy sa bagyo. Ang prosesong ito ay pinagmumulan ng tagong pag-init sa upper atmosphere: ang init mula sa pinainit na paligid ng karagatan ay napapakawalan kapag ang water vapor ay lumalapit sa mga ulap at ulan.

Dahil sa kaguluhan, ang upper atmosphere ay mas nagiging mainit kaysa dati. Ang naturang mas mainit na panahon ay pinagsisimulan ng mga paggalaw,  pero higit sa  paparating pang mga serye may mahahalang epekto.

Ang ENSO ay nakakaapekto sa  sea surface temperature (SST) sa mga lokalidad kung saan  pangi­ngisda ang major industry sa ilang mga bansa.

Isa sa kilalang halimbawa ay ang pangingisda sa  northwest coast ng Peru. Nang maganap ang El Niño, ang mainit na waters ay nakaka­pinsala sa mga isda.

Ang mga isda ay tumatakas sa kanilang kinalalagyan para maghanap ng mas malamig na katubigan kaya nagresulta na kawalan ng huli na Malaki ang epekto sa ekonomiya ng Peruvia.

Ang kawalan ng pagkain o malinis na tubig na maiinom ay nakakaapekto sa bawat aspeto ng  buhay ng tao saanmang sulok ng mundo.

Sa East at Southern Africa, ilang milyong mga kabataan ang nangangailangan ng lunas dahil sa laganap na acute malnutrition kaugnay sa  El Niño-linked drought.

Para sa mga kabataang ito, ang paraan upang magamot at literal na isang  mas mahalagang bagay  para sa buhay o kamatayan. Ang kakulangan sa tubig ay nagiging sanhi rin para lisanin ng mga tao ang kanilang lugar.

Naghahanap sila ng pa­raan para mapunan ang pangunahing mga pangangailangan, naiiwanan ang kanilang edukasyon at kabuhayan at mas lalong nalalagay sila sa mas malaking panganib.

Ang kababaihan at kabataang babae ang madalas naaapektuhan dahil sila ang karaniwang responsable sa pagkuha ng tubig, naglalakbay sa malayo at sumasagupa sa ekspolytasyon kapalit ng pagkain.

Tagtuyot sa Pilipinas sanhi ng El Niño, lalawig pa

Dahil sa epekto ng El Niño, ilang mga probinsya pa ang inaasahang makakaranas ng  tagtuyot o kawalan ng pag-ulan sa susunod pang dalawang buwan.

Dahil dito nagbabala si Ana Liza Solis, hepe ng climate monitoring and prediction section ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng pagdanas ng nasabing sitwasyon.

Sinabi niyang tiyak pang maaapektuhan ng  tagtuyot ang Occidental at Oriental Mindoro, Palawan, Ilocos Sur gayundin ang La Union.

Nakararanas na ang Ilocos Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao at Cebu ng tagtuyot simula Pebrero, ayon kay  Solis.

Ang drought-hit a­reas ay naganap noong 22 ng Abril,  ang Zamboanga City ay idineklarang nasa state of calamity dahil matinging dulot ng  El Niño.

Pinagtibay ng city council ang rekomendasyon ng  local Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) matapos mahigit sa 55 ektaryang lupa, tinatayang may P1.265 milyong halaga, ang naapektuhan tagtuyot.

Nauna rito,  iniulat ng city agriculture office  na nasa P7 milyong halaga ng mga bigas, mais at gulay ang na­pinsala dahil sa matinding tagtuyot.

Ayon kay Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) chief Elmeir Apolinario, tinatayang nasa P13 milyon ang nailalaan para makatulong sa matinding epekto ng tagtuyot.

Tinukoy ng PAGASA ang tagtuyot ay tatlong magkakasunod na mga buwan ng kakaunting ulan , halos walang ulan o 60 porsiyentong pagbaba sa karaniwang ulan.

Ang bansa ay nakararanas na kaunting pag-ulan at mas mainit na panahon dahil sa  “mahina”  ang El Niño, na nagsimula noong Marso at inaasahang magtatagal pa ngayong Mayo o sa Hunyo.

Nakahanda na ring ianunsyo ng state weather bureau ang pagsisimula ng   tagtuyot. Idedeklara ang tagtuyot sa sandaling maging isang mainit na mainit na temperatura sa bansa ang mainit na hangin mula sa Pasipiko.

Please follow and like us:
Read More

EL NIÑO 

EL NIÑO

(Ni EDZER LANUZA)

ANG El Niño ay isang pattern o gabay ng klima na naglalarawan sa hindi karaniwang pag-init  ng  ibabaw ng katubigan sa eastern tropical Pacific Ocean.

Ito rin ang “warm phase” ng larger phenomenon na tinatawag na El Nino-Southern Oscillation (ENSO). Samantalang ang La Nina, ay ang “cool phase” ng ENSO.

Gabay ang La Nina sa paglalarawan sa di karaniwang paglamig sa isang panig sa ibabaw ng katubigan.  Ang El Niño at La Niña ay ikinukunsiderang  ocean part ng ENSO.  Habang ang Southern Oscillation ay ang atmosphe­ric changes nito.

Pero ang pagkakataong makapanaig ang El Niño sa loob ng darating na mga buwan ay nabawasan.  Kasama rito ang mga epekto gaya ng mataas na temperatura at dry conditions sa mga bansa.

Ang intensity ng El Niño ay maaari ring mag-iba-iba ng scale, may mas malakas o mas mahina kaysa sa iba.  Isa sa pinakamatinding dahilan kaya lumalakas ang El Niño ay dahil sa  puwersa ng lower-level winds sa central Pacific.

Bagaman di lahat ng El Niño ay magkakapareho. May ibang natural climate pheno­mena na nakikipag- interact din sa El Niño, na nagbubunga ng malawak na seasonal impacts sa mundo.

Ang mahinang El Niño ay magpapatuloy sa Northern Hemisphere ngayong summer  2019 (65% chance) at posibleng bumagsak  (50-55% chance).

Maaari ring makalikha ang mahihinang kaganapan ng katamtaman o malakas na temperatura o precipitation impacts sa ilang mga lugar, at hindi sa lahat ng panahon ng weak events.

Tumataas naman ang ENSO dahil sa mga pagbabago sa tropical Pacific Ocean. Ang Pacific Ocean ang pinakamalaki at pinakamalalim na oceanic divisions ng Earth.

Ang Pacific Ocean ay humahanggan mula  sa Arctic Ocean sa north hanggang  Southern Ocean (Antarctica) sa south at bumabaybay sa Asia at Australia sa west at sa East America.

Kasama sa Pacific Ocean ang ilang mga karagatan. Pinakamalalaki ang Celebes Sea, Coral Sea, East China Sea (East Sea), Philippine Sea, Sea of Japan, South China Sea (South Sea), Sulu Sea, Tasman Sea, at Yellow Sea (West Sea of Korea).

Ang Pacific Ocean ang halos may pinakamaraming isla sa buong mundo. Tinata­yang  25,000 ang mga isla rito.  May volume na 50.1 percent sa world’s oceanic water, o 714 million cubic kilometers.

Ang surface water temperatures sa Pacific ay nagbabago, mula sa −1.4 °C (29.5 °F), ang freezing point ng  sea water, sa poleward areas ay nasa 30 °C (86 °F) malapit sa equator.

Sa tropical at subtropical Pacific, ang El Niño Southern Oscillation (ENSO) ay nakakaapekto sa weather conditions. Para matukoy ang phase ng ENSO, kinakalkula ang pinakahuling three-month sea surface temperature  nito.

Ang Pacific Ocean ay hindi laging mapayapa 

Maraming tropical storms ang humahampas sa mga isla ng Pacific Ocean. Ang mga lupa sa paligid ng Pacific Rim ay puno ng mga bulkan at madalas apektado ng  earthquakes.

Winawasak ng tsunami, na sanhi ng underwater earthquakes, ang maraming mga isla at sa ilang mga kaso ginigiba at pinipinsala ang buong sambayanan.

Ang Pacific ay isa sa  most natural disaster prone regions sa bansa. Ang  Pacific Islands Countries (PICs), na may combined population ng mahigit 10 milyong katao, ay  highly exposed sa natural di­sasters.

Kagaya ng floods, droughts, tropical cyclones, earthquakes, volcanic eruptions, at tsunami. Alinman sa mga panganib na ito ay maaaring magresulta ng disaster na makakaapekto sa buong ekonomiya, mga tao , at  kapaligiran ng bansa.

Simula 1950, ang natural disasters ay nakaapekto sa 9.2 milyong katao sa Pacific Region, sanhi ng 9,811 reported deaths. Ang exploitation ng Pacific’s mineral wealth ay hinadlangan ng napakalalim na karagatan.

Nakukuhang benepisyo sa Pacific Ocean

Taliwas sa mga panganib, may mabuti ring naibibigay ang malawak na Karagatan ng Pasipiko. Ang mababaw na katubigan, sa baybayin ng Australia at  New Zealand, ay pinagkukunan ng petroleum at natural gas.

Nakakaani naman ng mga perlas sa mga aplaya ng  Australia, Japan, Papua New Guinea, Nicaragua, Panama, at Philippines.

Isda ang pinakamahalagang  economic asset sa Pacific. Ang mas mababang baybayin ng katubigan sa mga kontinente at payapang mga isla ay nagbibigay ng tamban, salmon, sardinas, alsis, isdang espada, tuna, at shellfish.

Please follow and like us:
Read More

EPEKTO NG EL NINO: PRESYO NG GULAY TATAAS

gulay123

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY ED CASTRO)

NAGSIMULA nang maramdaman ang epekto ng El Nino sa produktong agrikultura matapos ihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na inaasahang pagtaas ng presyo ng gulay.

“Gulay talaga iyong binabantayan natin because of the drought now happening in several regions in the country,” pahayag Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Siniguro naman ni Usec. Castelo na babantayan nila ang presyo ng gulay sa mga pamilihan upang hindi  makapagsamantala ang mga negosyante at maprotektahan ang kapakanan ng publiko.

“The National Price Coordinating Council will particularly do a close watch on the effects of El Niño on the price and supply of agri products,” diin Castelo.

Matamang binabantayan ng economic managers ng administrasyong Duterte ang lawak ng pinsalang dulot ng tagtuyot sa mga produktong agrikultura upang malapatan ng karampatang hakbang.

Naunang tinaya ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maliit lamang na porsyento ang magiging epekto ng El Nino sa produksyong agrikultura.

“El Niño would slash a mere 0.2 percentage points from the country’s full-year gross domestic product (GDP) growth,” saad NEDA.

Inasahan din ng NEDA na manatili sa 2 hanggang 4 porsyento ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin o pangangailangan bunsod ng El Nino.

Samantala, bilang tip, lagyan ng asin at suka ang lulutuin upang hindi agad masira at humantong lamang sa basura ang mga pagkain. Mainam din na ilagay sa refrigator ang mga tirang pagkain at painitan mula bago ihain.

“Ito ay para hindi tayo magtapon ng pera (na pinambili natin),” ayon  isang ginang na may karinderya sa San Juan.

Naiulat na umabot sa 39 degrees Celsius ang init factor sa Metro Manila nitong Miyerkoles.

 

Please follow and like us:
Read More

PINSALA NG EL NIñO LUMOBO

el nino122

(Ni FRANCIS SORIANO)

SA pagpasok ng kasagsagan ng tag-init ay lalo pang lumobo ang pinsala na dulot ng El Niño na umaabot na sa P4.35 billion.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa dating P2.68 billion ay naging P4.33 billion na ang halaga ng napipinsala na binubuo ng mahigit 233,000 metric tons mula agrikultura.

Mayroong 138,859 na mga magsasaka at mangingisda ang umaaray dahil sa matinding tag-tuyot kung saan isa ang Cordillera Administrative Region (CAR) matapos na maitala ang 149,494 ektarya ng mga lupain naaapektuhan.

Bunsod nito,  tali pa rin ang mga kamay ng mga tanggapang may sakop na ahensiya para tumulong dahil sa umiiral na Comelec Omnibus Election Code XXII section 261 na ipinagbabawal ang mag-donate o magbigay sa loob ng 45 days bago ang nakatakdang botohan sa Mayo 13.

Please follow and like us:
Read More

5 BAYAN SA NORTH COTABATO NASA ‘STATE OF CALAMITY’

el1

KORONADAL CITY – Limang bayan sa North Cotabato ang isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding init na nararanasan bunsod ng El Nino phenomenon.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Warning at Action officer Engineer Arnulfo Villaruz, ang nabanggit na mga bayan ang kinabibilangan ng Alamada, Aleosan,Mlang, Tulunan at Pikit sa probinsya ng Cotabato.

Napabilang na ang Region 12 sa low amount of rainfall at halos lahat imano ng munisipyo ay apektado na ng matinding init, ayon sa monitoring ng Pagasa.

Problemado na din ang maraming magsasaka sa rehiyon dahil natutuyot ang kanilang pananim at tiyak umanong apektado ang kanilang pagbuhay.

Tiniyak naman ang pamimiga ng tulong sa naturang mga bayan na apektado ng El Nino.

Please follow and like us:
Read More

El NIñO RAMDAM NA SA MINDANAO

el1

KORONADAL CITY – Nararamdaman na umano sa ilang bahagi ng Mindanao ang nakapainit na panahong banta ng El Nino, ayon sa pagmomonitor ng Philippine Atmospheric Geographical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni PAGASA forecaster Benrio Beñon, nasa estado aniya sila ng El Niño watch lalo na sa Region 12 na isa sa mga maaapektuhan ng dry spell.

Sa pagtatapos ng Pebrero inaasahang papasok ang El Nino at posibleng tumagal ng limang buwan.

Posibleng tamaan ang mga probinsya ng South Cotabato, Sarangani, North Cotabato, Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental, Davao del Sur, at iba pang mga kalapit na lugar.

Kaugnay nito, ngayon pa lang ay nangangamba na ang mga rice farmers lalo na sa SOCSKSARGEN (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, General Santos City) dahil malaking banta ito sa produksyon ng bigas sa rehiyon na posibleng maging dahilan upang magkaroon na naman ng krisis sa pagkain.

 

 

Please follow and like us:
Read More