EDUKASYON, DAAN SA KAPAYAPAAN

EDUKASYON

(Ni MAC CABREROS)

MATAPOS maiulat na nangangalap ang makakaliwang grupo ng kanilang miyembro sa mga unibersidad at kolehiyo hindi lang sa mga lalawigan subalit maging sa Metro Manila at mga kalapit na lugar, isinulong ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang pagsama sa kurikulum ang peace education.

“The gradual integration of peace education in the general curriculum of schools and universities is seen as an effective measure to prevent and counter violent extremism and communist insurgency in the country,” pahayag Peace Adviser Carlito Galvez Jr.

“Peace education should be comprehensive and multi-pronged. First, we have to educate the vulnerable, the orphans, those in the ‘last mile areas,’ and the youth.”

Kaya marami umanong mga estudyante sa kolehiyo at maging sa sekondarya na nahihimok na nakiisa at umanib sa makakaliwang grupo sa pakikibaka ng mga ito laban sa gobyerno ay dahil kulang sa tamang edukasyon kaugnay sa kapayapaan.

Kaya naman ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) ay gumawa ng paraan upang maitaguyod ang Executive Order (EO) 570.

PEACE EDUCATION

Ano ng aba ang peace education? Ito ay proseso kung saan nakukuha ang halaga, kaalaman at pagkakaroon ng saloobin, kakayahan at pag-uugali upang mabuhay sa pagkakasundo at pagkakaisa sa mismong sarili, sa ibang tao at maging sa kapaligiran.

Ang peace education o edukasyong pangkapayapaan ay bahagi ng peace advocacy program ng pamahalaan. Nailunsad ito matapos lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang EO 570 na kilala bilang “Institutionalizing peace education in basic education and teacher education” noong  Setyembre 26, 2006.

Ang peace education ay naging bahagi ng kurikulum ng mga pampublikong paaralang elementarya sa iba’t ibang lugar na naglalayon na maging daan para sa kapayapaan.

Naunang naisama sa kurikulum ang asignaturang edukasyong pangkapayapaan upang tulungang ipamulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mapayapang komunidad bilang panimula ng kaunlaran.

Nang maidagdag ang peace education program sa kurikulum tinawag na “school of peace” ang mga pampublikong paaralan na ito.

Sinanay ang mga guro sa peace-building sa pamamagitan ng mga seminar at conference.

PANLABAN SA TERORISMO

“Peace education will counter the efforts of local terror groups to spread the ideology of violent extremism in the country in the long-term,” pahayag ni Sec. Galvez.

Naiulat na maraming estudyante ng University of the Philippines (UP) ang nahihimok umanib ng CPP-NPA kung saan marami nang napaslang at mayroon ding nabuntis. Naging viral naman ang ‘cheer’ ng UP Visayas na tumutuligsa sa administrasyong Duterte.

Hindi lang sa UP nangaganap ang pangangalap ng mga estudyanteng hinihimok na umanib sa makakaliwang grupo subalit maging sa mga paaralan na pampubliko.

“Peace education will really play an important role in our administration’s program to remove the concept of the ISIS caliphate in the minds of our ­brothers and sisters,” wika pa Galvez.

Samantala, ang mga anak naman ng mga katutubo ng ­Salugpongan School sa Mindanao ay tinuturuan ng mga miyembro ng New People’s Army ‘kung paano magkalas at magbalik sa mga piraso o bahagi ng baril’. Ipinagtatabuyan din ng mga rebelde ang mga guro na nagsasakripisyo upang mabigyang edukasyon ang mga bata na lisanin ang lugar.

Kaya nga sa mga lugar sa Mindanao at sa mga lugar na nais pasukin ng mga rebelde at terorista, edukasyon pa rin ang pinakasagot sa problema.

Malaki ang pangangailangan na mabigyang edukasyon ang  mga mamamayan upang sa ­gayun ay mayroon silang tamang ­kaisipan at ­solusyon sa anumang ­kakaharaping suliranin.

Please follow and like us:
Read More