2 NASAKTAN SA NASUNOG NA BUS

(NI ALAIN AJERO)

DALAWA katao ang sugatan nang magliyab ang isang pampasaherong bus sa bahagi ng EDSA na nasasakop ng Caloocan City, Huwebes ng hapon.

Nasugatan sa kanang siko at kanang binti si Marcyden Resuello, 24; habang nabugbog si Joy Marfil, 18, sa tinatayang P1 milyong pinsala ng sunog.

Napag-alamang tumakas ang driver at konduktor ng AC Trans bus na may plakang TXY 780 matapos ang insidente.

Nabatid na alas 2:20 ng hapon ay binabagtas ng bus ang southbound lane ng EDSA sa Barangay 95, Bagong Barrio Caloocan City nang biglang magliyab ang unahang bahagi nito at naapula matapos ang 20 minuto.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagliyab.

Please follow and like us:
Read More

PULIS BINARIL SA EDSA

police12

(NI NICK ECHEVARRIA/PHOTO BY JG TUMBADO)

PATAY ang isang pulis makaraang barilin ng mga suspek na riding in tandem sa  San Juan City, Martes ng hapon.

Nakilala ang biktima na si SPO2 Solomon Cugay, nakatalaga sa  National Capital Region Police Office (NCRPO) na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan na nagresulta sa dagliang pagkamatay nito.

Ayon kay P/SSupt. Florendo Quibuyen, Deputy Director for Administration ng Eastern Police District (EPD), naganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Connecticut St.,  Barangay Greenhills bandang alas-3:30 na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

“Traffic is super heavy as Scene of the Crime Operatives (SOCO) are processing the crime scene. Almost half of EDSA was closed so we could process the site of the incident,” pahayag ni Quibuyen.

Sinabi ni Quibuyen na sakay si Cugay ng kanyang   Yamaha scooter sa  southbound lane ng EDSA nang dikitan ng isang motorsiklo.

Please follow and like us:
Read More

TASK FORCE BINUO SA YULO SLAY

yulo

(PHOTO BY ARTURO SON)

MASUSI pang iniimbestigahan ng Eastern Police District ang pananambang at pagpatay sa isang businessman at driver nito gayundin ang pagkakasugat sa babaeng kasama sa loob ng van, Linggo ng hapon sa Mandaluyong City.

Anggulo ng negosyo umano ang tinututukan ng kapulisan matapos mabatid na maraming negosyo sa Maynila at Laguna ang biktimang si Jose Luis Yulo, 63.

Si Yulo, kasama ang  driver na si Nomer Allan Santos ay hindi na umabot nang buhay nang isugod sa katapat na VRP Hospital sa Barangay Highway Hills, Edsa, Mandaluyong. Binaril ang mga ito ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Edsa matapos magpagasolina sa gilid ng ospital.

Nakasuot umano ng itim na jacket at kapwa naka-helmet ang mga suspect.

Kritikal naman si Esmeralda Ignacio na kasama ng mga biktima sa van nang tambangan bandang alas-3:00 ng hapon.

Galing sa drag race ang biktima sa Pampanga at pauwi na sa Ayala, Alabang nang maganap ang krimen. Bumuo na ng special investigation task group ang EPD upang mapabilis ang paglutas sa insidente.

Kinakalap na din ng task force ang mga CCTV sa paligid upang makita ang buong pangyayari.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BUS VS JEEP SA EDSA: HIGIT 20 NASAKTAN

timog10

HINDI bababa sa 20 pasahero ang nasaktan nang magsalpukan ang pampasaherong bus at jeep sa intersection ng Timog Avenue at Edsa, Linggo ng umaga.

Sinabi ni Alfred Bingco, sector commander ng Metro Manila Development Authority at first responder sa aksidente, nasa 18-20 na pasahero ng jeep, habang limang pasahero ng bus ang nasaktan.

Sa report, sinabi ni Ignacio Cadayday, driver ng jeep, na nasa kalagitnaan na umano siya ng Edsa nang abutan ng dilaw na traffic light at hindi inakalang babanggain siya ng bus.

Sinabi naman ng bus driver na si Allan Marino, naka-go na ang traffic light sa kanilang linya. Hindi rin niya napansin ang jeep at nabulaga siya dahil sa bilis ng takbo nito.

Patuloy na iniimbestigahan ang aksidente. Natanggal na sa kalsada ang tumagilid na jeep at nadaraanan na ang intersection matapos ang isang oras.

Nangako naman ang kompanya ng bus na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot ng pasahero.

Please follow and like us:
Read More

TRAFFIC ENFORCER DINIBDIBAN NG SINITANG DRIVER

mmda

(NI ROSE PULGAR)

ISANG traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dumanas ng pananakit mula sa isang bus driver nang sitahin ng biktima ang huli dahil sa paglabag sa batas trapiko kahapon ng umaga sa EDSA.

Kinilala ang biktima na si MMDA Traffic Constable Jonathan Baingan at ang driver naman ng Ismael Bus Line ay si Ronald Gonzaga na kapwa nasa hustong gulang.

Ayon sa report na natanggap ni MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, naganap ang insidente sa EDSA Southbound lane sa Boni Avenue, na nasasakupan ng Mandaluyong City.

Nabatid, na sinita  umano ni Baingan ang minamanehong bus ni Gonzaga  dahil nagpasakay at nagpababa umano ito  sa hindi itinalagang loading at unloading area sa naturang lugar.

Tangkang tatakas sana si Gonzaga nang akma nitong paaandarin ang minamanehong bus, dahilan upang tapikin ang likuran ng bus ng nabanggit na traffic enforcer.

Kung kaya’t bumaba ang driver  at dinibdiban umano nito ang nasabing traffic enforcer bagay na nakaagaw ng atensiyon ng grupo ni Nebrija.

Dahil dito, dinala ng grupo ni Nebrija sa Manadaluyong City Police Traffic Sector ang driver dahil sa pananakit, ngunit hindi umano kinatigan ng pulisya ang reklamo dahil sa

“technicality”.

Dahil dito inihahanda na ng MMDA ang isasampang kaso laban sa driver na si Gonzaga.

Please follow and like us:
Read More