GASTOS KAY EDDIE GARCIA, SAGOT LAHAT NG GMA-7

eddie12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HINDI mo naman masisisi kung may ilang personalities mula sa GMA-7 na medyo napipikon doon sa mga akusasyon na iniiwasan daw ng network ang kanilang responsibilidad sa aksidente ni Eddie Garcia sa pagsasabing nagkaroon iyon ng atake sa puso, ganoong ang totoo ay napatid pala sa cable.

May nagsabi pang umiiwas daw ang network sa pananagutan sa nangyari sa actor.

In fairness, ang pinagmulan naman ng mga naunang detalye ay kinikilalang mga members ng pamilya ng actor. Ungkatin na natin para maliwanag ha. Si direk Eddie ay open naman sa kanyang relasyon kay Lilibeth Romero noon pa man. May dalawang anak si Lilibeth sa naunang asawa, isa si Congressman Mikee Romero na siya ring may-ari ng Global Sports Batang Pier team sa PBA, at ang kapatid niyang si Nikki. Lumaki na ang dalawang batang iyan, kasama si Eddie Garcia at sila ay itinuring na ngang mga anak niya.

Si Nikki ang unang nagsabi na inatake si direk Eddie, dahil iyon ang presumption na nangyari noong una. Wala pang opisyal na medical bulletin. Nagsasagawa pa ng pagsusuri ang medical team ng Mary Johnston Hospital. Natural pagdating sa ER, ang titingnan muna ay kung ano ang physical damage, at pagkatapos at saka gagawa ng mas malalim na pagsusuri sa kalagayan ng pasyente.

Bakit sa isang taxi isinakay si direk Eddie nang ihatid sa ospital? Nasaan ang ambulansiya at wala ba silang ibang sasakyang magagamit?

Iyon daw pong location nila ay medyo makipot na kalye, at ang mga sasakyan ay kailangang iparada sa mas malayong lugar sa set. Mas madali para sa kanila na tumawag ng taxi at madala ang actor sa pinakamalapit na ospital. Wala silang ideya na cervical fracture ang nangyari. Akala rin nila inatake dahil sa init, kaya isinakay nila sa taxi. Iyong location pala nila, sa kalye Katubusan. Medyo sulok na iyon at siguro nga malayo ang mga sasakyan nila para hindi iyon mahagip ng kanilang camera.

Ang mahalaga, iyong commitment ng GMA na pananagutan nila ang lahat.

HINDI NABABAHALA ANG ABS-CBN… IN FACT, PANAY PAPIRMA NILA NG NETWORK CONTRACTS

Doon naman sa kabilang bakod, sa ABS-CBN, ang nababalita ay ang muling pagpapapirma nila ng kontrata sa kanilang mga stars. Parang pahapyaw, sinasabi nilang hindi mangyayari ang ikatutuwa ni Jimmy Bondoc. Maaari namang ang ibig sabihin noon, mangyari man ang kinatatakutan ng marami nilang empleyado, mayroon pa rin silang malilipatan at walang mawawalan ng trabaho, after all may mga internet streaming sites na ang kanilang network kung sakali man.

Sana nga wala namang mangyaring hindi maganda sa kanilang network. Sana nga maayos pa rin nila ang kanilang naging mga problema.

 

Please follow and like us:
Read More

BASHED PATI ACCENT NI DANIEL SA Q&A NG BB. PILIPINAS

daniel222

(NI ED DE LEON)

PINUNA ng mga bashers pati ang accent ni Daniel Padilla nang magtanong siya sa question and answer segment ng Binibining Pilipinas.

Bakit hindi ba naintindihan ang tanong ni Daniel? Si Daniel naman ay isang Pilipino, hindi naman siya Kano. Bakit kailangang hanapin sa kanya ang accent ng isang Kano?

Ang mas nakatatawa iyong masyadong Kano na bano kung magsalita ng Tagalog. Nasa Pilipinas po tayo.

MALUBHA ANG KALAGAYAN NI MANOY

Kuryente, one hundred percent ang sinasabing inatake sa puso si Eddie Garcia doon sa set ng Rosang Agimat.

Nagkakaturuan na ngayon. Wala naman kasing medical bulletin na inilabas iyong Mary Johnston Hospital dahil humingi ng privacy ang pamilya. Iyon pala doon pa lang alam na nila na hindi inatake si Manoy kung di bumagsak nang medyo masama, at nagkaroon ng severe cervical fracture. May nabaling buto sa gawi ng leeg.

Iyan ay naka-konekta sa spinal column, kaya siya nag-comatose. Apektado na ang nervous system ng kanyang katawan. Nang ma-review namin ang video ng aksidente na naka-slow motion, noon namin napansin na mukhang nasabit nga ang paa niya sa isang cable, at nadapa nga siya.

Nagkakaturuan na ngayon, at mismong ang GMA 7 na nagpalabas din ng ganoong balita, ganoon din ang iba pang media entity, ang nagsabing ang source ng kanilang information ay son-in-law raw ni Manoy na ang pangalan ay Nick. Ngayon hindi na lumabas si Nick. Parang na-Bikoy lahat ng tao.

Anyway, malubha ang kalagayang iyan ni Manoy, at iyon ay pinatotohanan na ng kanyang doctor na si Dr.Enrique Lagman. Siya ay nasa ICU ng Makati Medical Center. Iyon ang totoo. Ipanalangin nating sana nga makabawi pa si Manoy.

 

 

Please follow and like us:
Read More

WE ARE PAID TO WAIT –EDDIE GARCIA

eddie12

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

DITO mo talaga nakikita kung gaano kamahal ang isang tao, kapag marami
ang nagdarasal para sa yo.

Talagang dagsa ang post ng mga taga-showbiz na ipagdasal si Eddie Garcia.

Nakikita mo talagang well-loved siya dahil ang daming nag-aalala sa kanya nang napabalita ang nangyari sa kanya sa taping ng bagong drama series ng GMA 7 na Rosang Agimat.

Kasali pa naman diyan ang alaga kong sina Tonton Gutierrez at Amy Austria.

Alam ko si Manoy Eddie ang ama diyan ni Tonton. Marami silang mga eksena, pero nung nakaraang Sabado hindi kasali si Tonton sa taping.

Dapat meron silang taping ngayong Lunes, pero sinabihan na kaming mapa-pack up munat humihingi pa ng dagdag na dasal para sa agarang paggaling ni Manoy.

Sa totoo lang, hindi naman kailangan ni Manoy na magtrabaho eh.

Sabi nga ng mga staff, hindi raw sa pera yan para kumita.

Gusto lang talaga niyang magtrabaho dahil iyun ang nagpapalakas sa
kanya.

Silang dalawa ni Gloria Romero ang hindi pa talaga tumitigil sa trabaho kaya nakakabilib din ang lakas nila talaga.

Nakatutuwa pa nga ang professionalism nilang dalawa. Kay Manoy Eddie ko nga narinig yang linyang “we are paid to wait”. Kaya hindi siya nagrereklamo kapag naghihintay siya sa taping o shooting.

Sa ngayon ay marami pa rin ang nag-aabang sa latest update kay Manoy Eddie, at naglabas na nga ng statement ang pamilya. May mga nagkakalat na kasi ng kung anu-anong balita tungkol sa kanya.

Hindi rin ganun kalinaw kung heart attack ba talaga o aksidenteng napatid siya sa sa kable dun sa set. Kasi kumalat naman yung video ng eksenang kinukunan nang natumba siya.

Hintayin na lang siguro natin ang statement mula sa GMA 7 kung ano talaga ang totoong nangyari doon sa set ng Rosang Agimat.

Sana malagpasan ito ni Manoy Eddie dahil sinasabi niya yan noon pa sa mga interviews na gusto pa niya talaga magtrabaho.

     INSIDE STARSTRUCK STARTS TODAY WITH KYLINE AS HOSTESS

Sa June 15 na pala magsisimula ang Starstruck at marami na ang nag-aabang dahil bago ang line-up ng mga judges na sina Heart Evangelista, Cherie Gil at Jose Manalo.

Pero ngayong araw ay magsisimula na ang online show ito na tinawag nilang Inside Starstruck.
Si Kyline Alcantara ang host nito at tuwang-tuwa nga ang young actress dahil sa kanya raw ito ipinagkatiwala.
Dito sa Inside Starstruck nyo mapapanood ang mga auditons at mga interview ng mga Starstruck hopefuls.

Mapapanood ito sa official You Tube channel ng naturang programa.

Dito mapapanood ang mga behind the scenes at highlights ng talent-reality search na ito.
Kaya mag-subscribe na kayo sa You Tube channel nitong Starstruck para masubaybayan nyo ito.

Bongga naman ang mga nag-audition, lalo na yung mga natirang finalists kaya abangan nyo na yan.

Ngayong araw ang mediacon ng Starstruck, pero ang mga hosts na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, pati mga judges ang haharap. Hindi pa yata yung mga finalists.

Abangan na lang!

 

Please follow and like us:
Read More

EDDIE GARCIA KRITIKAL SA ‘SEVERE HEART ATTACK’

eddie garcia12

(NI HARVEY PEREZ)

PATULOY na inobserbahan at nasa kritikal na kondisyon ang beteranong aktor na si  Eddie Garcia matapos mag-collapse sa kasagsagan ng taping  ng isang teleserye ng isang TV network, Sabado ng hapon sa Tondo, Maynila.

Nalaman na  dumanas ng atake sa puso  ang 90-anyos na aktor  bumagsak habang tumatakbo sa isang action scene sa   taping ng “Rosang Agimat” ng GMA-7, sa Tondo, Maynila pasado alas-3:00 ng hapon.

Kinumpirma  ng kaanak ni Garcia na malubha man ang kalagayan ng aktor ay ginagawa naman ng mga doktor sa isang hospital sa Quezon City ang lahat para mailigtas.

Himingi din ang mga kaanak ni Garcia ng panalangin  sa mga fans at mamamayan para sa aktor.

“Manoy Eddie Garcia was at a taping this Saturday morning when he suffered from a severe heart attack. He is still under critical observation and all his doctors are doing their best to assure that he gets the best care. Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concern and extended prayers. Please continue praying for Tito Eddie’s fast recovery. At 90, he is still doing what he loves most, acting. He is a pillar of the industry and is very passionate about his craft. We would like to request his fans and everyone to pray with us so he could get better the soonest time possible. Thank you. ” ayon sa opisyal na pahayag ng kaanak ng aktor.

Si  Garcia ay matagal na lumabas  sa “Ang Probinsiyano” ng ABS-CBN at sa pagbabalik sa GMA7 ay unang proyekto nito ang “Rosang Agimat” kasama sina Gabbi Garcia, Chanda Romero, Tonton Gutierrez, Thea Tolentino, Gil Cuerva, Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Luz Valdez, Aubrey Miles, Victor Neri, Roi Vinzon at Betong Sumaya.

Please follow and like us:
Read More

MANOY EDDIE, TWICE A MONTH NA SEX SA EDAD 90

eddie123

(NI SIR NOEL FERRER)

MUTLI-AWARDED actor and director Eddie Garcia finally got his Best Actor award from the Metropolitan Manila Development Authority and Metro Manila Film Festival Executive Committee para sa 52nd Annual WorldFest in Houston, Texas noong April 15.

Hindi nakadalo si Tito Eddie sa naturang international film festival dahil  nagshoshooting siya para sa isang pelikula sa Viva with Andrew E.

Pero magpaganunpaman, nagkaroon ng mini-awards session sa presscon kahapon dahil nagkaroon ng pagkakataon ang Team Rainbow’s Sunset para magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikula.

“Marami na akong sinalihan at sinamahang international film festivals, pero dito sa MMDA-MMFF ang pinakamagandang pag-aalagang nakuha namin dahil buong -buo ang suporta nila sa amin habang kami’y nasa Texas,” sabi ng director na si Joel Lamangan.

Naging mas espesyal pa ang award para kay Tito Eddie dahil natanggap niya ang award after he celebrated his 90th birthday last May 2.

At 90, ano ang rule ni Tito Eddie sa healthy at productive na lifestyle?

“Everything in moderation : food, work, even fitness and work out.”

How about sex? “Meron pa naman pero mga twice a month na lang pero existent pa rin,” sabi ng multi-awarded actor.

Kinaya mo, Boss KC?

And I thank you!

 

Please follow and like us:
Read More

EDDIE GARCIA NAGSISILBING INSPIRASYON KAY COCO

eddie garcia1

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NOONG Miyerkoles ay namatay na ang karakter ni Eddie Garcia sa teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ bilang si Senyor Gustavo o Don Emilio. Tatlong taong napanood ang beteranong aktor sa serye kaya siguradong hahanap-hanapin daw niya ito. “ It’s a very good teleserye. We had good rapport. I will miss it. Gano’n talaga sa teleserye. Kapag hanggang doon na lang ang papel mo, hanggang doon na lang,” nakangiting pahayag ni Eddie.

Para naman sa bida at isa sa mga direktor na si Coco Martin ay talagang hinangaan niya si Eddie dahil sa pagiging magaling na artista nito. “Inspirasyon namin siya, lalo kaming mga batang artista sa pagiging professional niya, sa pagiging in character niya sa lahat ng oras. Hindi mo siya kailangang sabihan. Lahat ng requirements alam niya. Tito Eddie, walang kapares, walang katulad mapa-bida siya, mapa-kontrabida, talagang binibigay niya ang lahat. Hindi niya itinuturing na trabaho eh. Makikita mo sa kanya dito ‘yung pagiging passionate niya sa ginagawa niya,” paglalarawan ni Coco.

Umaasa rin si Coco na muli silang magkakatrabaho ng beteranong aktor sa iba pang mga proyekto. “Sana, after ng Probinsyano, sa susunod na proyekto ko makasama ko ulit si Tito Eddie. Sana marami pang proyekto, teleserye at pelikula na makasama namin siya. Iba kapag kasama namin siya. Nakakapagbigay siya sa amin ng guidance at fuel para mas lalo pa naming pagbutihan ang trabaho namin. Nakikita namin na si Tito Eddie nga, gano’n siya sa trabahao niya, lalo na dapat kami,” pagtatapos ng aktor. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More