KATHDEN MAG-PROMOTE SA EAT BULAGA HABANG ANDOON SI MAINE

kathden1

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

NOONG Sabado, May 18 lang pala ang last shooting day ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang saya raw ng last shooting day nila na kung saan may pa-T-shirts pa si Alden sa mga staff doon at  siguro may pakimkim pa  yan.

Ang nakakatuwa, dumaan din doon si Daniel Padilla para dalawin lang si Kathryn at matagal-tagal din daw siyang nakipagtsikahan doon.

Bago nga umalis si Daniel, nagkatsikahan din daw sila ni Alden kaya ang gaan lang daw ng feeling doon sa set.

Natapos ang movie na ito na maayos, walang intrigahan, walang gusot. Kaya sana maganda ang kalalabasan di ba?

Dapat nga kasali pa diyan ang isa kong alagang si Benjie Paras, pero hindi pumuwede sa schedule niya dahil may ginagawa rin siyang isang pelikula sa Star Cinema.

Excited ako sa pelikulang ito ha? Dati mga pelikula lang ni Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz ang pinapanood ko, ngayon papanoorin ko itong sa kanilang dalawa.

Ang bait kasi ni Alden at pati na rin si Kathryn, kaya gusto ko suportahan yan!

Ang dinig ko mga end of July daw ang showing nito, kaya maplano pa nila nang mabuti ang promo nito.

Siguro naman papayagang mag-promote si Alden sa ABS-CBN 2, at ganundin si Kathryn.

Ang saya siguro pag mag-promote sila sa Eat Bulaga, at nandun din si Maine Mendoza. Bongga yan!

    ALDEN IPAPALIT KAY REGINE BILANG HOST NG THE CLASH 2ND SEASON 

Si Alden Richards daw pala ang matunog na pinag-uusapang maghu-host ng The Clash na nasa second season na.

Nagsisimula na kasi ang audition ngayon ng The Clash at sabi ni direk bert de Leon na isa sa screening panel, umaasa raw silang makakahanap ng kakaibang talent sa musical competition na ito.

Marami nga ang nagtatanong kung saan na ba ang first grand winner na si Golden Canedo.

Alam ko may single na siya sa GMA Records pero siguro dapat push pa nang bongga para makilala siya.

Magaling naman ang batang yan eh!

Tuluy-tuloy na raw ang audition nila. Katatapos lang sa Dagupan City at meron pa sila sa Gen. Santos City, sa Davao, Bacolod at marami pang lugar.

Maganda nga kung si Alden ang mag-host para ibang-iba talaga ang look kung ikumpara sa unang season na si Regine Velasquez ang host.

Pero ang mga judges daw sina Aiai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha pa rin.

BIRTHDAY  KO TODAY.  WAIT AKO SA BAHAY NG PADALA NINYONG GIFTS

you pala sa mga nakaalala na sa birthday ko at naibigay na ang regalo nila in advance.

Feeling ko tuluy-tuloy pa ang dating ng regalo sa akin kaya waiting na lang ako ngayon sa bahay.

Sabi raw ni Mayor Lani Mercado, dapat na magpa-party daw ako ngayon.

Sinabi ko kasi noon na gusto ko lang magpa-party pag nakalabas na si Bong Revilla. Eh nakalabas na nga at nanalo pa sa election kaya dapat na nga sigurong magpa-party.

Pero parang mas type kong get na lang nang get ng regalo at sabi ko nga  kina Lani at Bong, sa halip na ipa-party ko, perahin na lang nila no!

Sa totoo lang nagkasakit na nga ako sa katututok sa bilangan ng boto.

Nung binasahan ng verdict si Bong sa Sandiganbayan na kung saan ‘not guilty’ nga siya, nagkasakit din ako dun sa sobrang tensyon siguro.

Ngayon, sumama rin ang pakiramdam ko sa kapupuyat para bantayan lang sa TV ang update sa bilangan ng boto.

Na-tense din ako nang husto habang binabantayan kong makakaakyat siya sa magic 12.  Kaya hindi na ako magpa-party! Rest na lang ako sa bahay habang hinihintay ko ang pagdating ng mga regalo sa akin.

Kaya padala nyo na birthday gift nyo sa akin no!

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BUSOG ANG FANS KAY ALDEN NGAYONG HOLY WEEK

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

KAHIT nasa HongKong si Alden Richards para sa tuloy-tuloy na shooting ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo, ang “Hello, Love, Goodbye” ay busog ang mga fan niya ngayong Holy Week kay Alden sa telebisyon.

Nauna na ang “Bulawan” episode nila sa Eat Bulaga lenten special noong Lunes. Ang daming natutuwa kay Alden kapag nagda-drama ito, obvious lang na nami-miss talaga siya ng mga tagahanga niya sa drama.

At sa Black Saturday, si Alden pa rin ang tinap ng APT Entertainment para sa kanilang lenten special.

For 20 years, kilala na ang APT sa pagpu-produced ng mga special for Holy Week tungkol sa courage at hope. Ilan na sa mga nagbida sa mga Lenten special ng APT ay sina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Barbie Forteza at Dingdong Dantes.

Ngayong Black Saturday, ang Pambansang Bae ang bida sa “The Journey” set in an apocalyptic era. About Adrian, played by Alden kunsaan ang mga tao noon ay naging barbaric at mamamatay tao. Ang means of survival niya lang ay maging isang hermit. Pero isang araw, may dumating na abandoned baby sa pangangalaga niya at kailangan niyang gawin ang misyon na madala ito sa ligtas na lugar.

Ang director ng The Journey ay si Direk Michael Tuviera. Ayon dito, “This year, we want to make our APT Lenten more special because it is our 20th year of making movies for this season.”

Kasama rin sina Max Collins, Kristoffer Martin, Vaness del Moral, Rodjun Cruz, Jennica Garcia-Uytingco, Nonie Buencamino, Irma Adlawan, and Ricky Davao. “The Journey” will be shown on April 20, Black Saturday at 7:00pm on GMA-7.

BOYFRIEND ANG KASAMA SA LA UNION NGAYONG HOLY WEEK

Sa La Union daw mag-i-spend ng kanyang Holy Week vacation ang isa sa mga bida ng horror movie na “Maledicto” na si Jasmine Curtis-Smith.

Siyempre, kasama nito ang non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega. Hindi naman itinanggi ni Jasmine na napag-usapan na rin nila ang tungkol sa kasal, pero nothing serious and final daw.

Galing sa pamilya ng mga pulitiko si Jeff sa Isabela. Kaya may chance pasukin nito

“Ano siya, parang extra arm ng family nila. Hindi siya directly involved.”

At dahil nga nasa family line na ng boyfriend ang pulitiko, tila expected naman ni Jasmine ang posibilidad na sa future, pasukin din ito ng boyfriend.

Ang tanong, susuportahan niya ba ito sa pulitika?

“If that’s her calling, support. The same way na calling ko is to act and he’s supporting me.”

Yun nga lang, alam daw niyang ibang mundo na ang politics kumpara sa showbiz.

“I guess, dahil medyo unfamiliar ang world, may apprehension. Siguro yung apprehension comes dahil wala nga akong alam sa mundong yun. Kailangan na lang niya kong tulungan kung dumating ang time na yun.”

Pero hindi pa raw niya nakikita at natatawang biro niya, “Mala-Heart Evangelista? Eh, ‘di dapat ganun din ang aking dating, outfit, ile-level-up ko na lahat ‘pag dumating ang time, we’ll see, we’ll see.”

Pero still, nilinaw niyang wala pa talaga sila sa marriage.

“I’m very honest naman with him na ako, I still have things that I want to do. Ang dami ko rin gusto pa, ang dami ko pang dreams na dapat ma-accomplish pa.”

Sa isang banda, sa May 1 na ipalalabas ang unang FOX Original Productions Filipino movie na Maledicto at isang madre ang karakter ni Jasmine dito.

Puring-puri si Jasmine sa naging pagganap niya sa Sahaya and in fairness, sa halos mga past projects naman niya ay palagi siyang napapansin bilang aktres. Kaya siguradong ang Maledicto ay isa na namang pelikula niya na dapart i-look forward.

 

 

Please follow and like us:
Read More

EAT BULAGA MAY SANCTION DAHIL SA HALIKAN NG 2 LALAKI?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HONESTLY Tito KC, hindi namin napanood ang show noong araw na iyon. Hindi namin nakita iyong dalawang lalaking biglang naghalikan. Hinahanap namin ang video nang may magsabi sa amin tungkol sa mga bagay na iyon, pero wala rin kaming nakita eh.

Ang account ng mga nakapanood, mukhang maging ang host na si Vic Sotto ay nabigla at nawalan na lang ng kibo nang biglang maghalikan ang dalawang lalaki. Ang lalaking naghalikan ay kinilalang isang John Patrick Drizz, at ang sinasabing boyfriend niyang si Paul Cervantes. Ang dalawa diumano ay “talents”, ibig sabihin iyan iyong lumalabas sa mga bit roles sa telebisyon, saan mang network.

Nang malaunan may social post iyong si Driz, inamin na bakla nga siya at si Cervantes daw ay mahigit isang taon na niyang boyfriend. Humingi siya ng paumanhin kung may na-offend sa kanilang halikan pero siguro nga para sa kanilang dalawa normal lang iyon. May relasyon sila eh.

Hindi naman inasahan  ng sino man sa show na sila ay maghalikan in public. Siguro nga ang nangyari ay nakatuwaan lamang nilang gawin. Walang kasalanan ang Eat Bulaga sa nangyaring iyon. Alam naman ninyo ang mga live show, hindi mo alam kung ano ang mangyayaring kasunod talaga.

Mali naman yatang patawan ng kahit na anong sanctions ang show dahil sa nangyaring iyan. Live telecast kasi iyan eh. Kung iyan ay isang taped show, baka inalis nila iyon. Pero live nga eh,

Sa panahong ito, hindi na rin naman maituturing na isang iskandalo kung maghalikan man ang dalawang lalaki, ganoon din naman kung maghalikan ang dalawang babae. Wala namang bastos na ibig sabihin ang paghahalikan. Expression of love iyan eh. Ang masama kung naghipuan sila sa harap ng camera. Kung ganyan lang, huwag na ninyong gawin issue iyan.

Ang issue, iyong sinasabing may inggit na inggit sa show habang naghahalikan iyong dalawa.

KIM TUMAKBO NG ISANG KILOMETRO PARA SA EVENT

KIM CHIUNaghahabol daw ng isang event ang aktres na si Kim Chiu, at natiyempo naman siya sa matinding traffic noong Sabado. Kung sa bagay wala namang araw na walang traffic eh, at saka iyang Makati, talagang nagpupunta lang kami diyan kung Linggo, dahil sa ibang araw, imposible ang traffic diyan.

Eh iyong event, bayad siya roon. Naipit siya sa traffic. Aba eh hindi niya maikakatuwiran na naipit siya ng traffic kaya hindi siya nakasipot. Ang ginawa ni Kim Chiu, bumaba siya sa kanyang sasakyan, tumakbo siya hanggang makarating sa event venue.

Hindi na rin niya inabot ang dapat sanang number niya, pero umabot siya kahit na sa finale lang ng event. At least hindi masasabing hindi siya sumipot. Hindi man siya umabot, masasabi naman niyang ginawa niya ang lahat ng posibleng magagawa para umabot siya. Isipin iyong tumakbo siya sa gitna ng traffic ng ilang kilometro rin.

AMINADONG BADING IN PRIVATE

In private, inaamin naman pala ng isang male star na dreaming of being a matinee idol na siya ay bading. Inaamin din naman niya na may boyfriend siyang nasa London. Nagkakilala daw sila ng kasalukuyan niyang boyfriend nang magtrabaho rin siya sa abroad.

Pero basta nasa Pilipinas, ipinaglalaban niyang totoong lalaki siya. Itinatanggi niyang minsan siya ay naging ‘Annie Batungbakal ng Malate’. Itinatago rin niya ang pictures niyang nakadamit babae. Nagpa-opera na rin siya para lumiit ang kanyang  ‘breast’ na binalak niyang palakihin noong una.

Please follow and like us:
Read More

MAINE ‘DI TINANGGAL, LUMUTANG NA SA EB

maine12

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

AYAN! Napanood nyo na si Maine Mendoza sa Eat Bulaga nung Sabado! Ang saya nga nilang lahat, at okay naman sila si Alden Richards.

Kaya siguro titigil na ang mga nang-iintrigang tinanggal o sinuspinde si Maine pagkatapos mag-aminan nila ni Arjo Atayde.

Nilinaw naman ni Malou Fagar na walang tinanggal. Hindi lang talaga pumuwede sa schedule niya, kaya hindi siya nakakapasok at pati sa taping nila.

Nauna ngang umalis si Maine pabalik ng Maynila, dahil meron pa siyang ibang commitments.
Kaya okay na talaga!

Kung gusto mang mag-date nina Maine at Arjo Atayde sa Star City, hayaan na rin natin sila.

O di ba? Nagpakamasa na sila?

Diyan nga ako bilib kay Maine eh. Wala talaga silang pakialam sa sasabihin ng mga tao, basta ang mahalaga masaya sila ni Arjo, na wala naman silang inaagrabyado.

Kaya naman, yung mga AlDUb fans bumuo na raw ng ArMaine fans club? Hay naku! Hindi naman natin maku-control kung ano at sino ang gusto ng mga fans! Ang mahalaga masaya tayong lahat no!

 

  BOSSING AT PAULEEN NAKABUO NG KASUNOD NI ALING TALI SA HOLY LAND?

 

Heto pa nga ang masaya dahil isa raw sa pinaka-memorable na biyahe ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna itong Holy Land nila.

Masaya silang lahat dahil kumpleto silang mga Dabarkads doon, at nagkaroon pa ng chance na mag-renewal of baptism sa Jordan.

Ang isa pa nga sanang gustong gawin ng mag-asawa ay mag-renew ng kanilang marriage vows sa Cana.

Di ba alam naman natin ang kuwento ng Wedding at Cana?

Sabi ni Pauleen, kung nakapunta raw sana sila roon, malamang na magkakaroon ng renewal of vows sila. Pati na rin sina Mr. and Mrs. Tuviera siyempre.

Tanong ko nga kay Pauleen, doon kaya nila nagawa ang kasunod kay Talitha?

“Bahala na po si Lord,” sabi lang ni Pauleen.

Kasi gusto na rin nilang sundan si Talitha. Pero waley pa nga! Kaya waiting na lang sila, at ayaw na lang magpa-pressure.

 

 JASMINE & SNOOKY VS. MARICEL

 

In fairness, maganda ang feedback sa pilot week ng Sahaya ha?

Ang pinuri nang husto rito si Jasmine Curtis-Smith na siyang gumanap na Nanay ni Sahaya, na kung paano siya nabuntis at iniluwal si Sahaya.

Kahit nga si Anne Curtis ay puring-puri sa kapatid niya, kaya nanawagan talaga siya sa GMA 7 na sana mabigyan daw ng ganun pang project si Jasmine.

True naman talaga! Magaling na artista si Jasmine, kaya maganda ang kinalabasan ng pilot ng Sahaya.

Starting next week ay naglakihan na ang mga pangunahing karakter, at doon na lalabas sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Si Jasmine ay naging si Mylene Dizon na, kaya todo pa rin ang promo nila.

Nasa Eat Bulaga nga sila nung Sabado, para i-promote ang paglabas na nila sa mga susunod na episode ng Sahaya.

Ang isa pang aabangan ang mga bonggang eksena ay ang kay Snooky Serna.

Pinuri rin siya sa pilot episodes ng Sahaya, kaya hindi mapigilan ang mga

Nasa General’s Daughter naman kasi si Maricel at magkatapat nga sila.

Ayan! Pinagkumpara  na naman sila, at gusto pang intrigahin.

Marami ang nagsasabing mas magaling na raw ngayon si Snooky, na ayaw naman ng aktres ng ganun dahil ginagawa lang daw niya ang trabaho niya.

Tapos na raw yung banggaan nila ni Marya, kaya huwag na raw intrigahin no!

Magaling naman si Maricel sa General’s Daughter, kaya huwag na raw silang  pagsabungin.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAINE ABSENT SA EB DAHIL KAY ARJO?

arjomaine12

(NI ED DE LEON)

AYAW sana naming diretsahin Tito Kc dahil paniwala namin, noong masalubong namin sina Maine Mendoza at Arjo Atayde doon sa Star City, private moments naman nila iyon. Pero mayroon silang mga fans, na ang tawag sa sarili nila ay ArMaine, na nag-post din sa social media na nakita sila.

May issue nga kasi na hindi nakakasipot si Maine maski na sa Eat Bulaga “dahil masyado siyang busy” eh tapos nga kung makikitang ganoon na panay lang pala ang pasyal, baka masama ang isipin ng mga tao.

In fairness naman, kung minsan at ganoon na lang nang ganoon ang ginagawa mo araw-araw, nagsasawa ka rin. Naghahanap ka rin ng diversion kaya kailangan mamasyal naman. Maglakwatsa rin naman. Maski kami nararanasan namin iyang ganyan eh, iyon pa kayang gaya nina Maine at Arjo na mga bata pa at natural na naghahanap ng kasayahan.

 

Please follow and like us:
Read More