E.O. 51, WALANG SILBI?

EO51

(Ni Edzer Lanuza / Unang bahagi)

NOONG 2018, hinimok ni President Rodrigo Duterte ang Kongreso sa kanyang  3rd State of the Nation Address (SONA) na magpasa ng batas kaugnay sa contractualization.

Ang contractualization ay ang pag-upa sa isang worker para makapagtrabaho nang hindi  lalagpas sa limang buwan para sa isang specific job.

Pagkatapos nito, isang bagong worker ang  iha-hire para pumalit sa kanya sa kaparehong gawain, at papalitan ulit ng bagong worker (maaa­ring dating worker) sa iisang trabaho.

Ang cycle ay paulit-ulit sa kaparehong trabaho o tungku­ling gagawin. Ang five-month period ng employment sa isang worker ay sinasadya ng  employer.

Ginagawa ito para iwasan ang  six-month probationary period, kung saan ang isang worker, sa ilalim ng batas, ay kwalipikado na maitakda bilang regular employee at mabayaran ng regular worker’s wage.

Bilang isang regular employee o worker, siya ay entitled ma-enjoy ang vacation leaves, sick leaves, maternity leaves; SSS at Pag-Ibig membership; retirement at lahat ng ibang privileges mayroon ang regular employee sa ilalim ng batas.

Sa pagbabalik sa pangako ng Pangulo, inulit-ulit niya na ang mga mambabatas at hindi ang Malacañang,   ang makapagwawakas sa contractual employment schemes na nagpapahirap sa maraming manggagawa.

“Much as I would like to do the impossible, that power is not vested upon me by the Constitution. And neither will I make both ends meet even if I violate the laws to achieve that purpose. Simply, it is not part of my territory,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

“That is why I add mine to their voices in asking Congress to pass legislation ending the practice of contractualization once and for all,” dagdag pa nito.

Dahil dito, nilagdaan ni Duterte ang Executive Order (EO) No. 51 sa panahon ng Labor Day noong 2018, sa pagtatangkang maipagbawal ang illegal contracting at sub-contracting.

Ang nakatadhana sa EO, labor groups at lawmakers, ay naroroon na sa Department of Labor and Employment (DOLE) Department Order 174 na magpapatupad ng mas mahigpit na mga alituntunin para sa contractualization.

“On May 1 of this year, I signed Executive Order 51, which sought to protect the workers’ right to security of tenure. Read my lips, I understand that this does not satisfy all sectors. I share their sentiment. I truly do,” Duterte said.

Naunang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kailangang may kaparusahang dapat ipataw sa nagkakamaling mga establisimiyentong di mapigil ng EO ang contractualization.

Sa kabila ng Duterte policy, contractualization patuloy

Binabayo pa rin ng protesta ng Labor group Kilusang Mayo Uno at ipinagsisigawang  ‘walang silbi’ ang Labor Department Order and Executive Order 51 ‘nagbabawal’ sa contractualization.

Ayon sa grupo, ang mga patakaran ng Duterte admi­nistration laban sa contractualization ay ‘walang saysay’ dahil patuloy ang paglabag sa paggawa ng mga kumpanya sa bansa.

Pinararatangan nilang tinalikuran ni Duterte ang pag-iimplementa ng pangako nitong  ibasura ang contractualization, na nagreresulta ng malawak na tanggalan.

Ayon kay KMU chair Elmer Labog, bigo pa rin si Presidente Duterte na pahintuin ang  ‘endo’ o pagsasagawa ng contracting workers.

“Yung contractualization talaga isa sa matinding bumabagabag sa aming mga manggagawa,”  sabi nito.

Hindi umano natupad ng Pangulo ang kanyang pangako na wakasan na ang contractua­lization, kung saan sinabi nitong ‘papatay sa skill’ ng Filipino.

Ibinagsak din ni Labog ang  “tagumpay” ng gob­yerno sa pag-regular ng mahigit 125,000 workers noong  2017. Sinabi niyang ang bilang ay sobrang maliit kumpara sa kabuuang dami ng contractual employees sa bansa.

“ Kung totoo man, 0.4% lang ito ng existing contractual labor na nasa 25 million,” kasabay ng pagbanggit niya sa figures ng Trade Union Congress of the Philippines.

Sa kabila umano ng pangako ni President Duterte, ang bilang ng contractual workers sa gobyerno ay tumaas ng mahigit 65,000.

Libu-libong workers nananatiling mga contractual

Ang outsource staffing ay pagsasagawa ng job functions sa labas ng isang kumpanya, sa halip magkaroon ng in-house department o employee na hahawak sa kanila.

Ibig sabihin, umuupa ang kumpanya ng iba pang kum­panya o indibidwal para magsagawa ng tungkulin o humawak sa operations o maglaan ng serbisyo na  kadalasang dapat isagawa ng sariling kumpanya ng empleyado.

Ang outsourcing ay na­ging isang major trend sa human resources sa loob ng nagdaan pang mga dekada. Ang employment rate ngayong April 2019 ay tinatayang nasa 94.9 percent na.

Sa kabila nito, marami pa ring hirap makahanap ng trabaho. Sa National Capital Region (93.6%), Autonomous Region in Muslim Mindanao (93.7%) at CALABARZON (93.9%) ay may lowest employment rates. (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More