3 ANGGULO TINUTUTUKAN SA PINASLANG NA BRODKASTER

(NI NICK ECHEVARRIA)

AGARANG ipinag-utos ni Central Visayas PNP Director P/BGen.Val de Leon ang masusing imbestigasyon sa ambush-slay ng isang  radio blocktime broadcaster sa Dumaguete City, nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, tatlo ang posibleng motibo sa krimen ang tinututukan ngayon sa pananambang sa 67-anyos na si Dindo Generoso.

Isa sa mga anggulo ang pagiging  hard-hitting radio broadcaster umano ng biktima na posibleng may nasagasaan sa kanyang programa sa radyo, gayundin ang paghahain nito ng kandidatura sa mayoralty election noong 2016, subalit idineklarang nuisance candidate, at ang land dispute sa pamilya ng biktima.

Si Generoso na isang blocktime broadcaster sa 96.7 dyEm FM Station sa Dumaguete, ay tinambangan at napatay habang minamaneho ang kanyang kotse (YKU 946) papasok sa kanilang himpilan ng radyo bandang alas-7:30 ng umaga sa Brgy. Piapi, Huwebes ng umaga.

Pitong basyo ng kalibre .45 baril ang narekober ng mga nagrespondeng pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

“We are now cooperating with the Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) for the immediate solution of this. We will not stop until those involved are brought to justice,” pahayag ni de Leon.

Si Generoso ang ika-15 sa bilang ng mga miyembro ng media na napatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

ANAK NAPATAY NG TATAY NA PULIS

(NI ANNIE PINEDA)

SABOG ang bungo ng isang dalaga nang barilin ito ng kanyang sariling ama na kasapi ng Philippine National Police (PNP) matapos umanong magkaroon ng sagutan, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Dumaguete City.

Kinilala ang biktimang si April May Ricaña Ege, 22, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si PSSG Levi Ege, 54 ,nakatalaga sa Dumaguete City Police Station at kapwa residente ng Purok Boguinvilla, Sitio Canday-ong, Brgy. Calindagan, Dumaguete City .

Batay sa report ng Dumaguete Police Station, dakong ala 1:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama sa nasabing lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat, dumating ang suspek sa kanilang bahay galing sa trabaho saka kumain ng tanghalian.

Ilang saglit, nagkaroon umano ng sagutan ang mag-ama hanggang sa barilin ng suspek ang biktima sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Kaagad naman rumesponde ang mga kasamahan pulis ng suspek at dinakip ito na ngayon ay nahaharap sa kasong parricide.

Nakuha sa suspek ang service firearm nitong 9MM na baril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

BOARD MEMBER BINARIL SA LABAS NG OSPITAL

crime12

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa Negros Oriental matapos nitong ihatid lang sa ospital ang may sakit na anak, Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Board Member Miguel Dungog, na dead on arrival sa hospital na pinagdalhan sa anak, bunsod ng tig isang tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon sa pulisya, dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang bumaril sa biktima dakong alas-4:30 ng hapon sa Barangay Daro, Dumaguete City.

Si Dungog ay kasalukuyan ding presidente ng Philippine Councilors League Negros Oriental Chapter at umuupong ex-officio member ng provincial board.
Bago ang pamamaril, dinala umano ni Dungog ang kanyang may sakit na apat na taong gulang na anak sa ospital. Pasakay na umano ang biktima sa sasakyan nang lapitan ng isa sa mga suspect na sakay ng motosiklo at barilin ito.

Napag-alaman na si Dungog ay nakatakdang kumandidato bilang board member ng third district ng Negros Oriental ngayong 2019 midterm elections.
Posible umanong politika ang isa sa mga motibo sa paglikida sa naturang opisyal.

Please follow and like us:
Read More