HEPE SINIPA SA DUGYOT NA PRESINTO

eleazar12

(NI MAC CABREROS)

INALIS sa puwesto ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Major General Guillermo Eleazar ang commander ng isang istasyon ng pulisya sa Pasig City dahil sa maruming presinto.

Sa isinagawang sorpresang inspeksyon, agad sinipa ni Director Eleazar si Capt. Eleno Ilustrisimo matapos makitang nagkalat ang mga basura sa presinto.
“Strike two na,” diin ni Director Eleazar sa pagtanggal kay Capt. Ilustrisimo na wala sa kanyang opisina.
Pinagalitan din Eleazar ang desk officer at administrator ng himpilan ng pulisya.
Nabatid na nagsagawa rin ng inspeksyon si Director Eleazar sa presinto ng pulisya sa Quezon City upang imulat sa mga kapulisan ang kahalagahan ng kalinisan sa kapaligiran.

“Gusto nating ipakita na mahalaga ang kalinisan ng kapaligiran at maibalik ang magandang pagtingin at pagtitiwala ng publiko sa pulisya,” sabi ni Eleazar sa panayam ng media.

Please follow and like us:
Read More