DISKWENTO CARAVAN NG DTI ARANGKADA NA

DTI12

(NI ROSE PULGAR)

HINIMOK ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko, lalo na ang mga magulang, na bumili ng school supplies sa “Diskwento Caravan” ng ahensya.

Ito ay bunsod ng nalalapit na pasukan ng mga estudyante sa Hunyo 3, batay sa school calendar 2019-2020 na inisyu ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa DTI, sa kanilang Diskwento Caravan, makabibili ng mga murang gamit pang-eskwela gaya ng mga bag, notebooks, lapis, ballpens , pad at iba pa.

Sinabi ng DTI sa Metro Manila, ang mga Diskwento Caravan na maaaring dayuhin sa mga lugar ng Pasay City Hall, na nag-umpisa na nitong Mayo 15 hanggang Mayo 16.

Habang sa Parañaque City Hall, mula Mayo 15 din  hanggang sa Mayo 17.

Sa Navotas City Hall naman ay sa darating na Mayo 29 at sa Taguig City Hall, mula Mayo 30 at 31.

 

Please follow and like us:
Read More

EPEKTO NG EL NINO: PRESYO NG GULAY TATAAS

gulay123

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY ED CASTRO)

NAGSIMULA nang maramdaman ang epekto ng El Nino sa produktong agrikultura matapos ihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na inaasahang pagtaas ng presyo ng gulay.

“Gulay talaga iyong binabantayan natin because of the drought now happening in several regions in the country,” pahayag Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Siniguro naman ni Usec. Castelo na babantayan nila ang presyo ng gulay sa mga pamilihan upang hindi  makapagsamantala ang mga negosyante at maprotektahan ang kapakanan ng publiko.

“The National Price Coordinating Council will particularly do a close watch on the effects of El Niño on the price and supply of agri products,” diin Castelo.

Matamang binabantayan ng economic managers ng administrasyong Duterte ang lawak ng pinsalang dulot ng tagtuyot sa mga produktong agrikultura upang malapatan ng karampatang hakbang.

Naunang tinaya ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maliit lamang na porsyento ang magiging epekto ng El Nino sa produksyong agrikultura.

“El Niño would slash a mere 0.2 percentage points from the country’s full-year gross domestic product (GDP) growth,” saad NEDA.

Inasahan din ng NEDA na manatili sa 2 hanggang 4 porsyento ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin o pangangailangan bunsod ng El Nino.

Samantala, bilang tip, lagyan ng asin at suka ang lulutuin upang hindi agad masira at humantong lamang sa basura ang mga pagkain. Mainam din na ilagay sa refrigator ang mga tirang pagkain at painitan mula bago ihain.

“Ito ay para hindi tayo magtapon ng pera (na pinambili natin),” ayon  isang ginang na may karinderya sa San Juan.

Naiulat na umabot sa 39 degrees Celsius ang init factor sa Metro Manila nitong Miyerkoles.

 

Please follow and like us:
Read More

BSP, DTI NAGBABALA VS TEXT SCAMMERS

text200

NAGBABALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko at mag-ingat upang huwag maloko ng sindikato.

Sinabi ng BSP na ang mga scammer ay nagpapadala ng text messages sa random phone numbers upang manloko at makahingi ng pera, makahingi ng prepaid load o makakuha ng personal na impormasyon.

Nagpapanggap ang mga scammer mula sa mga kilalang kompanya o government agency at nagsasabing ini-refer sila ng kakilala o kamag-anak.

Sinabi ng BSP na ang message ay scam kung ang notification ay nagsasabing nanalo ka sa raffle gayong wala ka namang sinasalihan lalo’t hindi kilala ang number, o kaya ay minamadali kang utusan para kunin ang yung prize.

Isa pang scam ay kung pinagdedeposito ka ng pera sa kanyang account o pinapapasa ka ng load o shipping fees.

May mga message din nahinihingi ang personal information tulad ng username, password, account number o credit card details.

Kung may mga ganitong mensahe, huwag na umanong patulan, ayon pa sa BSP.

Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang lalong talamak ang ganitong scam ngayong Pasko dahil alam mga sindikato na maraming pera ang mga tao dahil sa Christmas bonus.

“Maging mas aware lang tayo. Mas maging mapanuri. Hindi lahat ng nare-receive natin na text ay paniniwalaan natin. I-verify nila ang sales promo permit number na nakalagay sa text sa DTI website,” ayon kay Usec. Ruth Castelo of the Consumer Protection Group, DTI.

Please follow and like us:
Read More