NURSE, 1 PA SA BENTAHAN NG SEX, DROGA SA QC, KALABOSO

arrested12

(NI LILY REYES)

ARESTADO ang dalawang lalaki na umano’y  hindi lang pakikipagtalik ang ibinibenta  kundi  pati na rin droga, sa buy-bust operation na ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD), Miyerkoles ng gabi sa Proj. 4, Quezon City.

Kinilala ni QCPD-Proj. 4 Police Station 8 Commander, PCol  Jeffrey Bilaro, ang mga suspek na sina Rowell Pagsolingan, 34, binata, isang nurse, ng  58 D A.  Luna St.,  cor  Datu  Sumakwel St.,  Brgy.  Bagumbuhay, Proj. 4, Quezon City at  Ralph Duran,  33, binata,  ng 65  Delnacia Drive Brgy.  Talipapa, Quezon City.

Sa imbestigasyon  ay nabatid  na ang buy bust operation ay naganap bandang alas 11:00 Miyerkoles ng gabi matapos  makatanggap ng impormasyon ang Station Anti-Illegal Drugs ng PS-4 na may bebentahan ng droga sa tapat ng 58-D A. Luna St.,  Datu Sumakwel St., sa nasabing lugar.

Sa pamamagitan ng isang pulis na nagpanggap na buyer, nalaman ng otoridad ang “chemfun” o yung pakikipagtalik na may kasamang paggamit ng droga.

Dahil ditto, ikinasa na ang buy-bust operation kung saan target ang isang male nurse

ang naaresto at nasamsaman ng 4.05 gramo ng shabu  na nagkakahalaga ng P27,540. Si  Pahsolingan at Duran ay kapwa  sinampahan ng kasong   Violation of Sec. 5 at 11 ng  RA 9165 at kasalukuyang nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

SEX ORGIES, DRUGS SA PRIVATE PARTIES 

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

“TOTOO, ilang beses din akong nakumbida sa mga private parties nila. Aaminin ko na kadalasan umaabot iyon sa sex, pero kahit na minsan hindi ako gumamit ng droga,” pag-amin ng isang sexy male star model na noon ay madalas matsismis na kasali sa mga gay orgy parties na madalas ganapin sa ilang mga private places sa bandang Ortigas.

“Binabayaran lang kami bilang mga guest,” pag-amin pa niya. Sinabi niyang may ilang mga male stars at gay stars na nakita rin niya sa mga parties na napuntahan niya. Hindi rin niya tiniyak kung gumagamit ang mga iyon ng droga. Ang sabi lang niya, “siguro kasi normal ang mga party drugs sa mga ganoong parties.”

Sinabi niyang hindi na raw siya sumasama sa mga ganoon ngayon, pero aminado siya na marami pa ring parties ang nangyayari sa banda ng Ortigas at maging sa BGC.

 

Please follow and like us:
Read More

DATING BJMP EMPLOYEE HULI SA DROGA, PEKENG PERA 

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang dating kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)- Bicol sa ginawang buy bust operation at nakuhanan ng mga pekeng pera, sa probinsya ng Legazpi.

Kinilala ang nadakip na si ex-JO1 Reynante Dayto, 45, at residente ng Barangay Pigcale, Legazpi City.

Ayon sa Legazpi City-PNP, nasa Rank No. 10 sa drug watch-listed personalities si Dayto nang magpositibo ito sa iligal na droga dahilan pagkakatanggal sa serbisyo taon 2015.

Ikinasa ang operasyon laban sa suspek at nakuha mula sa kanya ang isang pakete na pinaniniwalaan naglalaman ng iligal na droga, buy-bust money, at mga pekeng pera.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of False Treasury or Bank Notes and Other Instruments of Credit si Dayto.

 

Please follow and like us:
Read More

BALIK-BISYO, BALIK-SELDA

(NI KEVIN COLLANTES)

ISANG dating drug surrenderee, na bumalik umano sa kanyang ilegal na aktibidad at ginawa pang selling point ang kanyang tahanan, ang naaresto ng mga awtoridad sa San Juan City, Linggo ng madaling araw.

Kasalukuyan nang nakapiit ang naarestong suspek na si Jason Servania, alyas ‘Ivler,’ 30, ng 16T, Road 5, Brgy. West Crame, San Juan City. Kasama si Servania sa drug watchlist ng pulisya.

Sa ulat ni San Juan City Police chief P/Col. Jaime Santos, kay Eastern Police District (EPD) Director P/BGen. Johnson Almazan, nabatid na si Santos ay inaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pamumuno ni P/Capt. Edwin Malabanan, dakong 1:00 ng madaling araw sa kanyang tahanan, matapos na makatanggap ng impormasyon na muling bumalik sa kanyang ilegal na aktibidad si Servania at ang kanyang tahanan pa ang ginagamit nitong selling point.

Armado ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Danilo Cruz, ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 152 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sinalakay ng mga pulis ang tahanan ni Ivler, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng may 12 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Santos, si Servania ay notoryosong drug pusher sa lugar at matagal nang sangkot sa naturang ilegal na aktibidad.

Noong 2016 ay sumuko aniya ito sa Oplan Tokhang ngunit bigong maipagpatuloy ang community based-drug rehabilitation program na ‘Rehab sa Barangay,’ na proyekto ng lokal na pamahalaan ng San Juan para sa mga drug users at pushers na boluntaryong sumusuko sa mga pulis.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-ACTRESS DEBORAH SUN, ANAK, 2 PA HULI SA DROGA  

(NI LILY REYES/PHOTO BY JACOB REYES)

HULI sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD)  ang  dating aktres na si Deborah Sun at anak nito, kasama ang dalawa pa, Linggo ng madaling araw, sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Nakapiit sa Police Station 8 ng QCPD  ang aktres na si  Jean Louise Salvador,  lalong kilala sa pangalang Deborah Sun, 60, ang anak nitong si  Angela Salvador, 45, Gonzalo Gonzales, 49,  at Gerald de Guzman, 53, kapwa mga nakatira sa  Unit 803 Royal Mansion Mont Real St., Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Ayon kay  QCPD-PS-8 Commander, P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, nakatanggap umano sila ng impormasyon na ang mga suspek ay  may  ginagawang iligal sa nasabing unit kung kaya agad sila nakipag-coordinate sa  PDEA-NCR  at agad na ikinasa ang buy bust operation.

Nang matiyak na nasa loob na ng nasabing unit ang mga suspek ay  agad  na isinagawa ang buy bust operation kung saan ay  naaktuhan ang  suspek na  si De Guzman na nakikipag-abutan ng droga sa poseur buyer  na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga  suspek.

Nakumpiska  mula  sa mga suspek ang humigit sa isang gramo ng shabu na tinatayang nasa P6,800  at ang  P1,000 marked money.

Sinampahan ng mga kasong  Violation Of Sec.  11 and 12 ang apat na suspek  na bukod sa Sec. 11 and 12 ay may kasama pang Sec. 5 ang suspek na si De Guzman.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-ARMY, 3 KAANAK, HULI SA DROGA

(NI ROSE PULGAR)

ISANG retiradong Philippine Army at tatlo pa ang naaresto at nakumpiskahan ng 25 pirasong plastic sachet ng shabu sa isinagawang buy- bust operation ng mga tauhan ng Makati City Police, Martes ng gabi sa lungsod.

Kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe  ng Makati City Police ang mga naarestong suspect na sina Jaime Zinampal, 64, retired army, Angelo Acbuche, 19, Arlyn Zinampal, 35, at Jennifer Acbuche, 33, pawang mga naninirahan sa no. 165 V-20th St. Avenue , Barangay East Rembo Makati City.

Habang nakatakas naman ang isa pang suspect na si Jaypee Zinampal alyas “Black Superman” na kamag-anak ng retiradong army.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang maaresto ang mga suspect sa loob umano ng bahay ni Zinampal sa 20th St. Avenue sa nasabing lugar na kung saan ginagamit na drug den.

Ayon kay Simon, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa paggamit ang pagbebenta ng droga sa bahay ng retiradong army.

Nang positibo ang natanggap na impormasyon, dito na nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng SDEU sa pangunguna ni Police Lt. Jesson Vigilla at isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer para bumili ng halagang P500 ng droga sa mga suspect.

Nang iabot na ng mga suspect ang naturang droga, dito na dinakma ng mga nakaantabay pang mga pulis ang mga suspect.

Narekober mula sa mga suspect ang 25 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may street value P8,100, drugs paraphernalia , P500 marked money na ginamit sa buy bust operation at 3 cellular phones .

Agad naman dinala ang mga suspect sa nasabing himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5, 6, 11 and 12 at Republic Act 9165  o Comprehensive Dangerous Drug Act  of 2002 sa Makati City Prosecutor’s Office.

 

 

Please follow and like us:
Read More

SK CHAIR HULI SA BUY BUST 

(NI ANNIE PINEDA)

SHOOT sa kulungan ang isang tserman ng Sangguniang Kabataan (SK) makaraan mabilhan ng iligal na droga sa buy bust operation, nitong Biyernes sa Molave, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang nadakip na si Melky Jan Alvarez, SK chairman sa Barangay Lower Usagan, Tambulig Zamboanga del Sur.

Batay sa report ng Molave Police, inilatag ang operasyon laban sa suspek kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Isa sa mga ahente ng PDEA ang nagpanggap na buyer at nang makabili kay Alvarez ng shabu sa halagang P8,000 ay agad itong pinosasan.

Dinala sa nasabing himpilan ng pulisya si Alvarez at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG DUMALAW SA PARTNER SA BILIBID, PINASLANG

crimeshooting12

(NI KIKO CUETO)

PATAY sa pamamaril ang isang babae nang tambangan ng riding-in-tandem sa labas mismo ng istasyon ng pulis malapit sa gate ng Bureau of Jail Management and Penology.

Kinilala ang biktima na si Crystal Faith Jastava, 24, residente ng Bago City, Negros Occidental.

Sa imbestigasyon ng pulis, dakong 11 ng umaga noong Linggo nang bumisita ang babae sa kanyang live-in partner na nakulong dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Gumamit umano ang biktima ng pekeng pangalan para makapasok sa BJMP Male Dormitory.

Sinabi ng pulis na may dalawang ID card ang biktima at kabilang na rito ang isang pass sa loob ng BJMP facility.

Nakuhanan naman ng video ang paglabas at pamamaril sa biktima.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na droga na ang nasa likod ng krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

CARNAP GANG LEADER PATAY SA ENGKUWENTRO

(NI ROSS CORTEZ)

NAPATAY sa engkuwentro ang kilabot na Nagtahan road rampage suspect at carnap gang leader matapos salakayin ang bahay nito, Miyerkoles ng gabi sa Silang, Cavite.

Sinabi ni Cavite Criminal Investigation Group Provincial Officer Police Major Warly Bitog na ihahain sa suspect na si Frankie Mark Serrano, alas-6:00 ng gabi sa bayan ng Silang Cavite, ang warrant of arrest laban sa suspek, para sa kasong grave threat na nangyari noong 2017, ngunit pagpasok ng mga operatiba sa bahay, itinulak ng suspek ang kanyang live in partner na si “Jessie” sa pintuan para magsilbing human shield at harangan ang mga operatiba

At dahil naantala ang pagpasok ng mga operatiba sa harapan ng bahay, tinangka ng suspek na dumaan sa likurang pintuan bitbit ang kanyang cal 38 revolver

Ngunit bumulaga sa kanya ang mga nakapaligid na operatiba sa likod, kaya pinagbabaril niya ang mga ito habang hawak sa isang kamay ang granada

Gumanti ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa pagbulagta ng suspek, hindi agad nakalapit ang mga operatiba dahil sa hawak na granda ng suspek na bagama’t tinamaan ay posibleng buhay pa

Nang matiyak na hindi sumabog ang granada, dito na pumasok ang mga operatiba at nadatnan ang duguang katawan ng suspek at nag iiyak na live in partner nitong 4 na buwang buntis pa

Ayon kay P/Major Bitog, nangupahan ang suspek sa studio type apartment na pag-aari ng barangay captain sa lugar may dalawang buwan na ang nakakalipas

Naging kaibigan ng suspek ang caretaker sa bahay na tauhan rin ng kapitan kaya’t nagawa niyang ipakita rito ang mga itinatago niyang baril at granada.

Lingid sa kaalaman ng suspek, nakuhanan ng litrato sa cellphone ang mga armas niya, na ipinakita ng caretaker sa barangay captain.

Hindi rin umano nalabas ng bahay ang suspek at live in partner nito at laging sarado ang bahay, nalabas lang raw ang mga ito sa pagitan ng alas-12 ng hatinggabi at nabalik din bago mag-alas 5:00 ng umaga.

Ipinagtataka rin ng mga residente sa lugar na sa mga alanganing oras naglalabas pasok sa bahay ng suspek ang iba’t ibang personalidad na hindi nila kilala sa lugar

Nakilala lamang ang suspek nang aksidente nitong mabangga ang mobil patrol ng barangay gamit ang kanyang asul na Honda Civic

Dito siya namukhaan ng mga residente na nagbigay daan para maipaalam ito sa mga kinauukulan.
Mas gusto rin sana ni P/Maj Bitog kung nakuha nila ng buhay ang suspek dahil maraming kaso ang mareresolba

kabilang ang umano’y Grab driver na pinatay at ibinaon nito sa hindi pa malamang lugar, pati na rin ang pamamaril nito sa dalawa katao sa harap ng gasoline station sa lungsod ng Imus, Cavite.

Tumanggi namang humarap sa kamera ang live in partner ng suspek, pati na rin ang tatay nito na umano’y minsan ng pinagbantaan ng suspek na papatayin niya

Kwento ni “Jessie” nakilala lang niya sa social media ang suspek noong huling linggo ng Marso 2019, at kasama umano siya sa loob ng kotse ng maganap ang Nagtahan road rampage

Sa katunayan, sugatan raw siya dahil sa pagbato ng galit na galit na mga concerned citizen, at inabandona pa siya ng suspek sa loob ng kotse.

Nakahingi lang daw siya ng tulong sa mga pulis ng halos mawalan na siya ng malay sa dami ng dugong tumagas sa ulo nya.

Matapos ang Nagtahan incident, umuwi siya sa kanyang Tatay sa Cavite, ngunit minessage siya ng suspek na kung hindi siya babalik sa poder nito ay papatayin ang kanyang Tatay at mga kaanak niya

Sa takot ni “Jessie” napilitan siyang makisama uli rito, at pansamantala silang nagtago sa Olongapo, bago bumalik ng Cavite at nangupahan sa bayan ng Silang.

Bagama’t napatay ang suspek, nagpapasalamat na rin si “Jessie” dahil nakalaya na siya sa pagmamalupit nito, lagi umano siyang pinagbubuhatan ng kamay, sinasaktan, pinapalo ng bakal at baril at kahit duguan na ay binabalewala lang siya.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cavite CIDG ang live-in partner na si Jessie at Tatay nito para sa kanilang seguridad.

Narekober naman sa crime scene ang 2 rifle grenade, 1 hand grenade, cal 38 ng suspek, samu’t saring mga bala at mga drug paraphernalia.

 

Please follow and like us:
Read More

‘FAITH HEALER’ NA TULAK TIMBOG SA DROGA

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang kilalang “faith healer” na umano’y isa ring drug pusher ang inaresto ng pulisya sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito noong Biyernes.

Sa report ng pulisya, kinilala ang suspek bilang si Reymundo Gatdula, 43, residente ng Barangay Bocboc.

Natimbog ang suspek pagkatapos niyang pagbentahan ng shabu ang isang ahente ng pulis sa iskoran na naganap sa nasabing barangay noong Biyernes ng umaga.

Nakumpiska kay Gatdula ang apat na plastic sachets ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,360.

Batay sa impormasyon ng pulisya, ang suspek ay isang kilalang manggagamot o faith healer sa nasabing lugar.

Subalit napag-alaman ng awtoridad mula sa ilang residente at nakumpirma ng lokal na “asset” ng pulisya na ang suspek ay nagbebenta rin ng shabu kasabay sa kanyang panggagamot.

 

Please follow and like us:
Read More

AWOL NA PULIS TIMBOG SA DROGA

(NI KNOTS ALFORTE)

MAITUTURING na malaking isda sa Antipolo City ang pagkakadakip sa isang Awol na pulis habang gumagamit ng droga kasama ang iba pang parokyano sa bahay nito sa  Purok Sumulong Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Hindi na nakapalag si Robert Lauigan, alyas Don Robert Charlie Lauigan, 53, nang salakayin ang kanyang hideout.

Ayon sa report kay Rizal Police Provincial Director P/Col Renato Sanao Alba ni Antipolo Chief of Police P/Lt.Col Alvin Consolacion, dakong alas-2:15 Miyerkoles ng hapon nang isagawa ang operasyon ng Police Antipolo at SWAT team sa bisa ng warrant of arrest sa suspek.

Naaktuhan ito na gumagamit ng shabu at ang kanyang mga parokyano sa kanyang bahay. Kinilala ang mga nahuling ka-jamming na sina Mark Sison, 22, Armida Manalastas, 24, at Monica Morales, 27, pawang ng Brgy. Dela Paz,  Antipolo City.

Nakuha sa kanila ang umaabot sa 50 gramo ng shabu na may street value na P350,000, isang 9MM Cal. pistol at isang 38 cal. revolver at mga bala nito at  isang fragmented hand grenade.

Dinala na sa Antipolo lock-up jail ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Please follow and like us:
Read More

BUY BUST: LIVE IN PARTNERS NAKIPAGBARILAN; 1 PATAY

(NI CYRILL QUILO)

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang live-in partner nang makipagbarilan sa mga pulis matapos pumalpak ang buy bust operation sa Brgy. Niyugan, Laurel, Batangas hanggang sa Brgy. Anuyong Alfonso, Cavite, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa report ni PCPT Garry Abregunda ng Laurel Municipal Police Station kay Batangas Provincial Director PLt. Col. Edwin Quilates, kinilala ang mag live in partners na sina Reinier Ambion, ng Brgy.1 Amadeo Cavite at Marygrace Casulang, residente ng Sarrido Salitran 3 Summerwind Phase 2 Excess Lot Dasmarinas Cavite.

Nakatunog ang dalawang suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya’t nagmadaling tumakas gamit ang puting kotseng Chevrolet na may Plate number ZAG 607, bandang ala 1:40 ng hapon.

Matinding habulan habang nagbabarilan sa daan ang mga suspek mula Laurel Batangas na nagtapos sa Alfonso Cavite. Humantong sa pagkamatay si Ambion samantalang si Casulang ay dinala sa Tagaytay Medical Hospital upang gamutin.
Kamakailan lang nag plea bargaining ang magkalive-in dahil nasangkot na din sila sa droga.

Nakuha ang limang plastic sachet na hinihinalang  shabu na may bigat 25 grams, isang 38 cal. revolver at ilang bala sa loob ng kanilang sasakyan .

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More

ABOGADO ARESTADO SA DROGA

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang isang abogado matapos mahulihan ng iligal na droga sa ginawang buy bust operation ng mga awtoridad, iniulat Martes ng umaga sa sa Ilocos Norte.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Atty. Michael Llaguno, 43, residente ng Barangay 1, Ricarte , Batac, City.

Batay sa report ng PNP-Laoag, nadakip ang suspek sa Barangay 5 ng nasabing lungsod ng pinagsamang puwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), at nakuha mula sa suspek ang tatlong paketeng na naglalaman ng hinihinalang shabu ; P1,000; tooter; lighter; kaha ng sigarilyo; wallet; at P200.

Sinasabing taon 2016 ay nasa listahan ng Laoag-PNP si Llaguno at 2017 ay isinama na ito sa national level.

Mariin naman itinanggi ng suspek na akusasyon laban sa kanya at sinabing karamihan sa hinahawakan niyang kaso ay may kinalaman sa iligal na droga.

Nakatakda naman sampahan ng kasong paglabag sa iligal na droga ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNDALO HULI SA BUY BUST SA QC

(NI JEDI PIA REYES)

KALABOSO ang isang aktibong sundalo gayundin ang dalawang iba pa sa anti-illegal drugs operation sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Natukoy ang suspek na sundalo na si Staff Sergeant Rector Baguioso, miyembro ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army at kasama niyang dinampot sina Don Samson at Marilyn Gomez.

Nabatid mula kay Quezon City Police District Station 11 Commander Police Colonel Alex Alberto, target ng operasyon sina Samson at Gomez na una nang nabilhan ng pinaniniwalaang shabu ng isang poseur buyer sa bahagi ng Leo Street ng nasabing barangay.

Gayunman, naabutan din na bumibili umano ng ilegal na droga ang sundalong suspek kaya’t maging siya ay dinampot.

Nasamsam mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Maaaring maharap sa kasong administratibo maliban sa kasong kriminal ang suspek na sundalo.

 

Please follow and like us:
Read More

GINANG NA BIGTIME TULAK LAGLAG SA MALL

(NI KOI HIPOLITO)

NALAGLAG ang isang ginang na bigtime na tulak at nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang entrapment drug buy-bust operation ng mga pinagsanib na operatiba ng Pdea-National Capital Region (RO-NCR) Southern District Office at ng Pasay City Police Station, dakong alas-5:30 ng hapon nitong Biyernes sa Pacific Drive ng SM Mall of Asia (MOA) sa lungsod ng Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Jeneper Baniaga, 42, residente ng Dasmarinas City, Cavite.

Base sa report na ipinadala ni PDEA-NCR Director Joel B. Plaza kay Pdea Director Gen. Aaron Aquino, naaresto ang suspek na si Baniaga matapos na makipagtransaksyon sa isang undercover agent at nagkasundo na magkita sa nasabing lugar sa Pasay City.

Nang maiabot ang droga ay agad na nagpakilalang otoridad ang poseur buyer at inaresto ang suspek.

Nakuha mula dito ang dalawang pakete ng mga hinihinalang shabu na may bigat na 200 grams na nagkakahalaga ng P1.360 milyon gayundin ang dalawang bundle ng P1000 marked money.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Violation of Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II of RA 9165  (Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.of 2002) ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

LADY TEACHER HULI SA DRUGS 

arrested12

(NI KIKO CUETO)

ILOILO CITY– Huli sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Santa Cruz, Arevalo ang isang guro.

Ang guro ay nakilalang si Jonaseth Aguirre, 45-anyos, Teacher I ng A. Mirasol Memorial Elementary School sa Q. Abeto Mandurriao, Iloilo City at residente ng Sta.Cruz, Arevalo, IloIlo City.

Naaresto ang suspek ng mga pulis nang mabilhan siya ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P5,000.

Nakuha rin sa kanya ang 10 sachet pa ng umano’y shabu.

Ayon naman sa guro, planted ang mga nakumpiskang droga, bagay na itinanggi ng mga operatiba. Nagulat na lamang umano siya nang biglang pumasok ang mga operatiba sa kanyang bahay at hinalughog ang mga kagamitan niya.

Pero ayon sa pulis, nadakip noong Marso ang live-in partner ng guro na itinuturing na isang drug personality.

Aminado rin ang guro na palagi niyang binibisita ang live-in partner sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa section 10 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang guro.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL NAGKAMALI NG INALOK NG SHABU; DRUG DEN NILUSOB

SHABU-ARRESTED

(NI SIGFRED ADSUARA)

NABUKING ang isang drug den na tambayan ng mga adik matapos alukin ang isang pulis sa kanilang “puwestuhan” na nagresulta sa pagkakasamsam ng tinatayang mahigit sa P200,000 halaga ng shabu at pagkakaaresto na anim na katao sa Rosario, Cavite.

Kasong paglabag sa  Sec. 5, Sec 26, Sec 11, Sec 13 at Sec 14 Article II of R.A 9165 ang isinampang kaso laban kina Sherland Adriano, 23, at utol nitong si Rodland Adriano, 20, ; Romelaine Africa, 19,; Robert Santiago, 32, Jordan Custodio, 39, mangingisda at Kennedy Reyes, 25, , pawang residente ng Dona Conching Brgy. Bagbag I, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Ellezer Tagalog ng Rosario Municipal Police station, nagsagawa ng buy bust operations ang mga elemento ng Stations Drug Enforcement Unit (DEU) ng Rosario MPS sa ilalim ng superbisyon ni PMaj Dherry Punzalan, hepe ng Rosario MPS at PEDEA Cavite  dakong alas -2:30 Miyerkoles ng madaling araw sa Dona Conching Brgy. Bagbag I, Rosario, Cavite.

Nauna rito, binentahan  ng magkapatid na Adriano at  Africa ng P500 halaga ng shabu ang poseur buyer at matapos napasakamay ng huli ang droga ay inalok ito na pumasok sa bahay  ng magkapatid na tinatawag na “puwestuhan” isang lugar kung saan nakalaan sa kanilang mga customer.

Matapos pumasok ang poseur buyer sa “puwestuhan” ay dito niya naabutan ang tatlo pang suspek na nagsasagawa ng shabu session kaya dito na nagbigay ng signal ang pulis na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nang kapkapan ang mga ito, nakuha kay Sherland ang 11 gramo ng shabu habang kay Africa ay 13 gramo, kina Santiago, Custodio at Reyes ay  kabuuang 19.5 gramo ng shabu o may kabuuang 43.5 gramo at may street value na P294,400.

Narekober sa kanila ang mga sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

 

Please follow and like us:
Read More

NAGLAHONG PANGARAP

(NI DAVE MEDINA)

NAGLAHO nang parang bula ang pangarap na pagsusundalo ng isang tindero ng pagkain nang maaresto dahil sa  ipinagbabawal na droga sa New Lower Bicutan, Taguig City, Linggo ng gabi.

Sa bisa ng  search warrant, nilusob at hinalughog ng mga operatiba ang bahay ni alyas Don,  22, aplikante sa Philippine Marines at isa ring tindero.

Nakumpiska kay alyas Don ang 53 sachet ng hinihinalang shabu, tatlong sachet ng hinihinalang marijuana at iba pang  drug paraphernalia.

Nagnegatibo sa pagkakasangkot sa krimen ang suspek nang siyasatin ang rekord ng pulisya.

Sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, isinuplong si Alyas Don ng mga kapitbahay sa illegal activity nito kaya agad na nagsagawa ng test buy ang mga awtoridad sa suspek na nagpositibo kaya nakakuha sila ng search warrant.

Pero sa testimonya ng suspek ay itinanggi naman na kaniya ang mga nakuhang illegal drugs gayundin ang paggamit o pagbebenta ng kontrabando.

Nahaharap ngayon sa  kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek at imposibe nang matupad ang pangarap na maging miyembro ng Philippine Marines.

Please follow and like us:
Read More

PEÑA BROTHERS SA MAKATI, 1 BEBOT TIMBOG SA DROGA

arrested88

(NI DAVE MEDINA)

PINAGDADAMPOT ng mga pulis-Makati City ang tatlong notorious na magkakapatid na lalaki at isang babae sa isinagawang drug buy bust operation Lunes ng alas 5:25 ng hapon sa Gabaldon St., Bgy. Poblacion, Makati City.

Ayon kay Makati City Police Col. Rogelio Simon, dati nang nakulong dahil sa ipinagbabawal na droga  ang Peña brothers na sina Sundy Frilles, 47; at Alfredo, empleyado sa Barangay; at Wilfredo, 50, pero nakalaya at nagbalik-operasyon sa droga.
Kasama ring dinakip ng mga pulis ang babaeng suspek na si Cinderela Hipolito Togere makaraang magpositibo sa pagbebenta ng shabu sa halagang P300 ang apat  sa police poseur buyer.

Umaabot sa 35 sachet ng shabu at paraphernalia ang nakumpiska mula sa grupo.

Ang lahat ng nakumpiskang droga ay tinatayang may street value na P5,000.

Ang mga suspek ay pawang nasa drug watchlist dahil sa kasong kinakaharap na paglabag sa RA 9165.

Panibagong kaso ng paglabag sa Section 5, 13, 14 at 26 ng RA 9165 ang kakaharapin ng apat na suspek sa Makati City Prosecutors’ Office makaraang maisaayos ang kaukulang dokumento laban sa kanila ni PCpl. Tingpee Merdeguia.

Please follow and like us:
Read More

2 NIRATRAT SA VAN

CRIME12

(NI NILOU DEL CARMEN)

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nitong nagmamaneho sa van matapos pagbabarilin habang tumatakbo  sa national highway, Pagsanjan, Laguna Lunes ng hapon.

Dead on arrival sa Pagsanjan Medical Center ang biktimang si Jojo Perez samantalang ginagamot pa si Wenny Bautista.

Ayon sa report ng Pagsanjan police, kapwa nakasakay  ang dalawa sa itim na Innova van  mula sa bayan ng Sta Cruz, nang pagsapit sa Barangay Biñan ay biglang tumapat ang mga naka-motorsiklong suspek sa kanang bahagi ng sasakyan.

Pinaulanan ng mga ito ng bala ang nakaupo sa passenger seat na si Perez.

Nahagip naman ng mga bala ang nagmamanehong si Bautista.

Mabilis na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at ang impormasyon na ang biktimang si  Perez ay sangkot sa iligal na droga sa Pagsanjan at mga karatig bayan.

 

Please follow and like us:
Read More

DRUG SURRENDERER BINARIL SA MATA

crimeshooting12

NORTH COTABATO– DEAD-on-arrival sa ospital isang drug-surrenderer matapos pagbabarilin ng riding criminals sa Purok Orchids, Poblacion 8, Midsayap, ng lalawigang ito,  Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si Hedric Magbanua, 30, residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, nasa gilid ng daan ang biktima habang naglalaro ng kanyang cellphone nang biglang lapitan ng riding in tandem suspect at pagbabarilin alas-8:30 ng gabi.

Tinamaan ang biktima sa kanyang mata na dahilan ng kanyang kamatayan.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival.

Narekober sa crime scene ang tatlong bala ng caliber .40 habang tinangay naman ng mga suspek ang kanyang cellphone.

Nabatid na si Magbanua ay isang drug surrenderer at pinaniniwalaang sangkot pa rin sa iligal na droga.

Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP.

Isa ang onsehan sa droga sa mga tinututukang anggulo sa pagpatay sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

BAHAY NILUSOB; LALAKI NIRATRAT SA HARAP NG PARTNER

crime

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Isang lalaki na hinihinalang sangkot sa operasyon ng iligal na droga ang binaril at napatay sa loob ng kanyang bahay sa lungsod na ito noong Huwebes.

Sa report ng pulisya, masayang nagkukuwentuhan sa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Christian Nuera, 28, at ang kanyang live-in partner na si Chris Chenery Datinguinoo, nang biglang pumasok sa loob ng tahanan ang dalawang lalaki na armado ng hindi pa matiyak na kalibre ng baril na parehong may suot na maskara.

Batay sa testimonya ni Datinguinoo, inutusan umano si Nuera ng dalawang armadong bisita na ilabas ang iligal na droga na nasa pag-iingat ng biktima.

Nang hindi sundin ang utos ay bigla na lang binaril sa ulo ang biktima na siya nitong dagliang ikinamatay.

Iniwan ng mga namaril si Datinguinoo na hindi naman sinaktan.

Hindi kinumpirma sa report kung may talagang kinalaman ang biktima sa lokal na sindikato ng droga.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang kilalanin ang mga pumatay.

 

Please follow and like us:
Read More

4 SA 7 NAKAPUGA, BALIK-PRESO; 1 NAKATAKAS SA ESCORT

huli

(NI KEVIN COLLANTES)

NAIBALIK na ng mga tauhan ng Antipolo City Police sa piitan ang apat sa pitong preso na unang nakatakas matapos na lagariin ang rehas na bakal ng kanilang piitan noong Linggo ng madaling araw, habang isa pang preso ang nakatakas mula sa kanyang police escorts nang tumalon mula sa mobile car habang ibinibiyahe patungo sa presinto, Martes ng gabi.

Kinumpirma ni Antipolo City Police chief, P/Lt.Col. Villaflor Bannawagan na naaresto nang muli ng kanyang mga tauhan ang apat na pugante na sina Edward Magalo, na may kasong illegal drugs; Benedict Belmonte at Russel Martinez, na may kasong robbery at Dominic Gabanez, na may kasong carnapping, sa isinagawa nilang follow-up operations nitong mga nakalipas na araw.

Patuloy pa rin naman aniyang tinutugis ang tatlo pang pugante na sina Adrian Demetrio at Angelo Roberto, na kapwa may kasong paglabag sa Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002); gayundin si Murphy Sison, na may kaso ring Robbery.

Ang mga bilanggo nakatakas sa piitan dakong alas-3:30 ng madaling araw noong Linggo, sa pamamagitan nang paglagare sa rehas na bakal ng bilangguan ng Police Community Precinct 2.

Kaagad namang sinibak ni Bannawagan ang hepe ng PCP-2 at ang natakasang duty jail officer habang isinasagawa pa ang imbestigasyon sa insidente.

Samantala, iniulat na rin ng Antipolo City Police, na isa pa ng preso na nakilalang si Marvin Nuñez, ang nakapuga mula sa kanyang police escorts, nang tumalon sa sinasakyang mobile car habang ibinibiyahe pabalik sa piitan matapos na isailalim sa inquest proceedings Martes ng gabi.

Lumilitaw na bago nakatakas ay isinakay umano ng Intel operatives ng PCP-2 sa kanilang mobile si Nuñez, at pitong iba pang preso, at dinala sa piskalya upang isailalim sa inquest proceedings, bago idiniretso sa Antipolo City Police para sa CIRAS requirements ng mga ito.

Gayunman, habang ibinibiyahe na ang mga preso pabalik sa PCP-2 ay bigla na lang umanong tumalon si Nuñez mula sa mobile car, pagsapit sa Sitio Maagay 1 Padilla, sa Barangay Inarawan, at kumaripas ng takbo dakong alas-8:30 ng gabi.

Hinabol ito ng mga police escorts ngunit bigo silang maaresto itong muli.

Naglunsad na ang mga awtoridad ng manhunt operation para madakip muli si Nuñez at maibalik sa piitan.

 

Please follow and like us:
Read More

DATING BANK MANAGER TINAMBANGAN PATAY

crime32

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang isang dating bank manager nang tambangan ito sa harap mismo ng kanilang tahanan  ng dalawang hindi nakikilalang suspek, Martes ng umaga, ayon sa ulat ng pulisya sa Davao City.

Sa report ng Davao City Police Office, nasawi sa pamamaril si Eduardo Te, 50, ng Jade Valley Subdivision, Barangay Buhangin ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon, sakay ng  kanyang kotse at paalis na sana ang biktima nang tabihan ng isang puting kotse na may lulang dalawang suspek at pinagbabaril.

“Nakita ko talaga ang nangyari, tinabihan siya ng isang sasakyan at binaril dalawang beses, tapos sumigaw siya, tapos bumaba ang isang lalaki sa backseat ng kotse at binaril pa siya ng  tatlong beses,” ayon sa kapithbahay na nagsilbing saksi sa krimen.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa droga ang naganap na pamamaslang dahil dati na umano itong sumailalim sa drug rehabilitation.

Sinasabing  sumasailalim sa community-based drug rehabilitation ang biktima sa Barangay Tigatto may limang taon na ang nakalilipas.

Apat na basyo ng kalibre 45 na baril ang nakuha sa crime scene.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

Please follow and like us:
Read More