PULIS NAGPOSITIBO SA DRUG TEST

DRUG TEST-4

NANGANGANIB masibak sa serbisyo ang isang police corporal na nakatalaga sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, matapos magpositibo sa paggamit ng shabu.

Ito ang inamin ni P/BGen. Debold Sinas ng National Capital Region Police Office (NCRPO)  sa isang press briefing.

Kinumpirma ni Sinas, na nagpositibo sa droga si P/Cpl. Anthony B. Romano, ng Regional Intelligence Division ng NCRPO  sa resulta ng kanilang  surprise drug test nitong Enero 14, at sa isinagawang confirmatory test.

Umamin naman ang nasabing pulis na talagang gumagamit ito ng ilegal na droga at mayroon pa umano itong ka-jamming na isa ring pulis. Agad namang dinisarmahan ang nasabing pulis at inilagay sa holding unit ng NCRPO matapos paaminin ni Sinas kung saan ito humahango ng droga sa loob ng tatlong taong paggamit nito.

Nahaharap ngayon sa kasong administratibo si Romano at nanganganib na masibak sa serbisyo. NICK ECHEVARRIA

Please follow and like us:
Read More

DRUG TEST RESULT NG ABS, GMA TALENTS GUSTONG MAKITA NG PDEA

channel talents12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

AYON sa isang radio broadcast, ang gustong mangyari ni PDEA Director Aaron Aquino ay ilabas ng ABS-CBN  at ng GMA7 ang resulta ng isinagawang drug tests ng dalawang networks sa kanilang mga artista. Tinatanong din niya kung ang drug testing ba ay under the supervision ng PDEA o ng PNP. Ibig bang sabihin ay walang report sa kanya ang mga tauhan niya kung nandoon sila?

Ano ba ang nangyayari sa ganyan? Simula noong ipatupad ng mga networks na kailangang ang lahat ng mga talents ay sumailalim sa drug testing, ang nangyari riyan, sila mismo, kanya-kanya ang nagpapa-drug test sa mga medical laboratories. Puwede naman iyon, pero dahil nagpa-test sa kanila ang mga artista, ang mga medical laboratories ay natalian na rin ng patients’ privacy agreement. Hindi nila maaaring sabihin kahit na kanino kung sino man ang addict na nagpa-test sa kanila.

Ang mga networks, alam nila iyan, pero kung ang lumabas bang positive sa droga ay isang big star, kakanta kaya ang network? Kung mataas ang ratings ng mga serye, kumikita ang pelikula, maraming fans, sisirain ba ng network ang kanilang artista?

In the first place, bakit hihintayin ng PDEA na ang mga networks ang maglabas ng listahan ng mga artistang addict. Hindi ba sila ang malakas ang loob na nagsabing may listahan sila? Eh di i-validate nila iyong listahan nila at sila ang maglabas. Trabaho naman nila iyon. Bakit kailangang ang mga networks ang asahan nilang mag-validate ng listahan nila? Iyong “anti drug enforcement”, trabaho iyan ng PDEA, hindi ng mga networks kaya huwag sila ang asahan ninyo.

Ang interest nila sa drug testing ay dahil ayaw nilang sumakit ang ulo nila sa mga artistang addict na maaaring makakuha pa ng trabaho sa kanila. Pero papaano nga kung sikat?

 

Please follow and like us:
Read More

PNP DRUG TEST KAY FAELDON JR: NEGATIBO

faeldonson

INILABAS na ng PNP laboratory ang resulta sa drug test sa inarestong anak ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief  Nicanor Faeldon. Ang resulta: negative.

Nabatid na walang nakitang bahid ng methamphetamine (shabu) at tetrahydrocannabinol (cannabis) kay Nicanor Faeldon, Jr. Subalit, tatlo sa kasama nitong naaresto sa drug raid sa Naga City, ang positibo sa droga.

Sinabi ni Faeldon na naniniwala siyang malinis ang kanyang anak at nasabit lamang ito dahil nakatira ito sa bahay ng kanyang girlfriend sa Naga City. Ang tatay umano ng  girlfriend ni Faeldon Jr ang target ng drug raid at isinama lamang ang batang Faeldon para kuwestiyunin.

Please follow and like us:
Read More

2 PARAK LAGOT SA PAG-ESKAPO SA DRUG TEST

DRUG TEST-4

TAGILID ang karera ng dalawang miyembro ng Manila Police District (MPD) makaraang malaman ng direktor nito na tumakas ang mga ito sa drug test noong Lunes.

Binigyan ng pagkakataon ni Senior Supt. Vicente Danao Jr. ang dalawa na magpaliwanag sa kanilang pag-eskapo.

“I am giving them a chance to show up as part of due process but they will be charged with AWOL (absence without leave) if they don’t report immediately,” banta ni Danao.

Ayaw banggitin ni Danao ang pagkakikilanlan ng dalawang pulis, ngunit sinabi niyang isa sa kanila ay nakatalaga sa district holding at accounting unit.

Ang pagbabalewala ng dalawang pulis-Maynila sa random drug test matapos ang flag raising ceremony noong Lunes ay nagbigay ng pahiwatig na posibleng humihigop ang mga ito ng shabu.

Pero, ayaw munang magbigay ng konklusyon ni Danao.

Kaya, binigyan muna ng MPD district director ng pagkakataon ang dalawa na magpaliwanag hinggil sa kanilanbg pag-eskapo.

“No police official will be happy if they know that theIr men are into drugs. Imagine, you’re a policeman, how can you serve and protect if you are considered a problem of the society,” tugon ni Danao.

Simula nang maging hepe ng MPD, naglunsad na ng random drug test si Danao sa lahat ng kasapi ng MPD upang makasiguro siya na walang gumagamit ng iligal na droga sa kanyang mga tauhan.

Ang ginagawa ni Danao ay alinsunod sa atas ni Diretor Guillermo Lorenzo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na ang layunin ay matiyak nba walang adik sa lahat ng yunit ng pulisya na nasa ilalim ng NCRPO.

Please follow and like us:
Read More