BIGTIME DRUG PUSHER NAKORNER

ARESTADO ang isang hinihinalang bigtime pusher ngunit nakatakas ang kanyang kasama, sa ikinasang drug buy-bust operation ng Las Piñas City Police, noong Sabado ng  umaga.

Nakuha sa suspek na si Daniel Fernandez ang tinatayang 300 gramo ng umano’y shabu na nagkakahala-ga ng P2,040,000 at nakumpiska ng mga tauhan ng Las Piñas City  Special Operations Unit Follow-Up Section (SOU-FUS), sa ilalim ni Chief of Police  Col.  Segundo Lagundi, ang 50 bala ng .45 kalibreng baril.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon dakong alas-9:20 ng umaga noong Sabado sa Rosendo St., Saint Joseph Subd., Brgy. Pulang Lupa 2 sa nabanggit na lungsod.

Samantala, nakatakas naman ang kasama ni Fernandez na si Edgardo Enriquez nang matunugan na may mga pulis sa lugar kanilang transaksyon.

Ang nakuhang mga ebidensya mula sa suspek ay dinala sa SPD Crime Lab para sa chemical analysis habang si Fernandez ay idinetine sa Las Piñas City Police Station Custodial Facility.

Ang nasabing suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (DAVE MEDINA)

Please follow and like us:
Read More

PUSAKAL NA TULAK NIRATRAT SA BILYARAN

crime1000

(NI JUN V. TRINIDAD)

QUEZON – Isang pusakal na drug pusher ang niratrat ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang naglalaro ng bilyar sa bayan ng Candelaria, sa lalawigang ito noong Linggo.

Sa report ng pulisya, libang na libang sa pagtumbok sa bola ng bilyar ang biktimang si Christopher Banayo nang biglang lapitan ng suspek at ratratin ng putok gamit ang kalibre 45 baril.

Mabilis na tumakas ang salarin pagkatapos ng insidente.

Naganap ang pagpatay sa isang bilyaran sa Barangay San Isidro bandang 10:00 ng umaga.

Isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital subalit hindi na ito umabot nang buhay sanhi ng mga grabeng tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa record ng pulisya, sumuko na noon ang biktima sa mga awtoridad bilang drug pusher ngunit muling nagbalik sa pagbebenta ng shabu at ngayon ay kabilang sa listahan ng mga notoryus na tulak sa nasabing bayan.

Ilang beses na rin na nagsagawa ng operasyon ang pulisya upang masakote ang biktima subalit palagi itong nakatatakas.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang makilala ang salarin at alamin din kung ano ang motibo sa likod ng pamamaslang.

 

Please follow and like us:
Read More