QCPD WALANG NAHUHULING DRUG LORD

SHABU-ARRESTED

(Ni Nelson Badilla / Huling Bahagi)

MISMONG rekord ng Quezon City Police District (QCPD) ang makapagpapatunay na wala itong pinalalampas na araw at oras sa paglulunsad ng operasyon laban sa iligal na droga.

At sa araw-araw na operasyon ng iba’t ibang yunit ng QCPD ay lumilitaw na “literal” na hindi nauubos ang mga tulak at adik sa maraming lugar sa lungsod.

Dahil dito, nakagugulat ang mga tulak at adik sa Quezon City, sapagkat mistulang wala silang takot sa mga pulis ng lungsod.

Tila wala rin silang pakialam kahit nakabase pa sa Que­zon City ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang pangunahing makinarya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Walang mahuling drug lord sa QC

Aminado ang hepe ng Public Information Office (PIO) ng QCPD na si Capt. Rohaina Asalan na walang nadadakip ang alinman sa labindalawang police station (PS) ng QCPD na drug lord.

Ito’y dahil, ayon kay Asalan, walang nakukuhang impormasyon ang QCPD hinggil sa kinaroroonan ng mga drug syndicate.

Sanabi pa ni Asalan, “actually po with regard sa mga drug syndicate na nagdidispose ng illegal drugs sa Quezon City, eh wala pa kaming (QCPD) direct knowledge or lead”.

“Most of the drug perso­nalities that [the] QCPD – SDEUs (Station Drug Enforcement Units) [have] arrested where just on the bottom of the syndicate, which have no knowledge or limited [information about the drug syndicates that have long been operating in Quezon City],” patuloy ni Asalan.

Inamin din ni Asalan na walang nakukuhang impormasyon ang PIO mula sa intelligence unit ng QCPD hinggil sa drug syndicate na kumikilos sa Quezon City.

Sa kabila ng kahinaang ito, ipunto ni Asalan na hindi nagpapabaya ang distrito sa pamumuno ni Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr. sa trabaho, tungkulin at obligasyon nito sa National Capital Region Police Office (NCRPO), sa partikular, at sa Philpipine National Police (PNP), sa pangkalahatan, hinggil sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Naging direktor si Esquivel ng QCPD noong Abril 2018.

Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1988.

Street pusher lang kayang hulihin ng QCPD

Hanggang ngayon ay walang ibang kayang banggain ang QCPD kundi pawang “street pusher,” banggit ni Asalan sa kanyang ipinarating na text messages sa manunulat na ito.

Ganito ang pahayag ni Asalan: “[S]treet pushing po usually po [ang] nahuhuli ng mga SDEU (Station Drug Enforcement Unit) po mostly ito po ‘yung mga tao [na] wala po sila direct connection sa [drug] syndicates.”

Kabisado ng mga bete­ranong mamamahayag at mga beteranong pulis na nakadestino sa lungsod na ang tulak sa kalye ay itinuturing na “small time” sa mundo ng iligal na droga.

Kaya ganyan ang kanilang kategorya, maliitan ang halaga ng ibinebenta nilang shabu o marijuana sa mga gumagamit nito.

Ang pangunahin nilang kliyente ay mga mahihirap.

Ngunit, hindi binabalewala ng mga SDEU ng QCPD ang mga street pusher na ito, sapagkat posibleng may makuha sa kanilang impormasyon, wika ni Asalan.

“[O]ur police [are] trying to extract information from these street pushers so that we [could] obtain information about drug syndicates. [But then] again po wala mostly sa kanila direct contact [with the drug syndicates],” patuloy ng hepe ng PIO.

Nakadakip din ng drug dealer

Sa kabila ng pagkukulang ng QCPD na makatisod ng drug lord, iginiit ni Asalan na hindi palpak ang distrito laban sa iligal na droga.

Aniya, “I don’t think we failed po, kasi ‘di po tumitigil [ang QCPD] sa paghuli kahit ng maliit na pusher until ma­kilala po o maabot ang drug syndicates.”

“Tuluy-tuloy po sa trabaho ang mga operatiba natin, lalo na ang intel [ng QCPD] para masabat sila… Tuluy-tuloy din po ang trabaho ng mga SDEU natin. [Ngunit, ang] maaaring rason [kung bakit hindi nahuhuli ang mga lider at kasapi ng drug syndicates] is wala po sa area ng Quezon City ang drug syndicates,” paliwanag ni Asalan.

Isa sa patunay ng pahayag ni Asalan ay ang operasyon ng SDEU ng QCPD – PS 6 nitong Hunyo 24.

Batay sa ulat ng PIO, nadakip ng mga tauhan ng SDEU ang 27-taong-gulang na si Efren Zafra.

Ayon sa impormasyon inilabas ng PIO, si Zafra ay kilalang “drug dealer” sa Barangay  Payatas.

Nadakip si Zafra, kasama ang pitong kasamahan niya, sa isang bahay sa Lansones Street, Area B sa Barangay Payatas.

Umabot sa P2.04 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa nasabing bahay.

Ang iba pang nasakote ng SDEU ng QCPD – PS 6 ay sina Jane Mariano, 25, Teofilo Zaf­ra, 52, Elmer Huit , 32, Vina Baldovina 27, Mercylinda Miron 37, John Erick Tupaz (19) at isang 17-taong-gulang na lalaking residente ng Bulakan.

Ipinasa na sa Social Welfare Department ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang naturang menor de edad, alinsunod sa itinakda ng batas.

Batay sa rekord ng QCPD, hindi lang si Zafra at ang kanyang mga kasapakat sa pagbebenta ng iligal na droga ang mga nadakip ng mga tauhan ni  P/Lt. Col. Joel Villanueva , hepe ng QCPD – PS 6,  kundi napakarami na, dahilan upang maisalarawang “notoryus” ang bentahan ng iligal na droga sa Payatas.

Nakasaad din sa parehong rekord na hindi nagpapabaya si Villanueva at ang kanyang mga tauhan sa SDEU na pinamumunuan ni P/Major Sandie Caparroso.

Please follow and like us:
Read More

CEBU ‘DRUG LORD’ PATAY SA QC

drug lord12

KINUMPIRMA ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ng umano’y Cebu drug lord Franz Sabalones na binaril at napatay sa Barangay Scout Triangle in Quezon City madaling-araw ng Huwebes Santo.

Sinabi ng Criminal Investigation and Detection Unit na unang kinilala ng pulisya ang biktima na isang Jerome Cabilao, ng Calle Zaragosa Catillo, Talon Dos sa Las Piñas City, base sa ilang identification cards na nabawi sa wallet nito.

Gayunman, bandang alas-11:45 ng umaga ay lumutang ang pinsan nito at kinilala ang bangkay na si Franz Sabolanes, ng San Fernando, Cebu.

Sinabi ng pulisya na si Sabolanes ang may hawak ng droga sa naturang lugar at una nang sumuko kay dating PNP Chief Ronald dela Rosa noong 2016.

Si Sabalones ay galing umano sa isang bilyaran sa Timog Avenue sa Quezon City nang barilin ng hindi pa kilalang suspect.

Please follow and like us:
Read More