3 PULIS-MAGUINDANAO, HULI SA DRUG BUST

(NI JG TUMBADO)

TATLONG aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakadestino sa Police Regional Office-12 (PRO12) ang dinakma ng mga awtoridad sa isinagawang drug bust operation sa Parang, Maguindanao.

\Nakilala ang nasakoteng mga pulis na sina Patrolman Sandiali Mangundacan Manalao, Staff Sgt. Fahmi Bangon Como, at Master Sgt. Monjel Nassal Aradais na pawang nakatalaga sa Lanao del Sur Provincial Police Office (LDSPPO).

Ikinasa ang nabanggit na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng LDSPPO-Inteligence Branch; Provincial Drug Enforcement Unit; Parang Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Bangsamoro Autonomous Region) sa Barangay Nituan, alas-9 ng gabi ng Miyerkoles.

Batay sa isinumiteng report kay Police Regional Office-12 Director Brig. General Alfred Sotto Corpuz, agad sinunggaban ng mga nakaantabay na operatiba ang tatlong pulis ng pagbentahan ng mga ito ng shabu ang undercover agent.

Bukod sa ilang pirasong sachet na naglalaman ng shabu ay nakumpiska din mula sa kotse ng tatlong pulis ang ilang piraso ng baril, ilang plaka ng sasakyan, ilang piraso ng police ID at kanilang mga police uniform.

Matagal na umanong minanmanan ng mga awtoridad ang mga pulis na una ng itinuturong sangkot sa ilegal na kalakalan ng shabu sa lugar.

Please follow and like us:
Read More

GYM INSTRUCTOR, 2 PA HULI SA DRUG BUST

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY–Tatlong lalaki, isa sa kanila ay gym instructor, ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad dito sa lungsod, alas 12:40 ng madaling araw, Linggo.

Kinilala ang gym instructor na si Elnor Paraiso Magali, alyas “Dodong”, 27, Purok Islam, dalang Lopez Jaena sa Brgy. Zone 1.

Ang pangalawang suspek ay nakilalang si Christian Roy Daug-Daug alyas “Roy”, ng Purok Gemelina, Brgy. San Jose ng lugar.

Nahuli rin ang isang Amerodin Mangandong Imam, ayon kay Provincial Drug Enforcement of Davao Sur (PDEA) sa pagpanguna ni IA III Meldred Driz-Romero.

Isinagawa ng Digos City Police Office (DCPO) ang naturang operasyon sa Purok Anahaw, Mabini Ext., Brgy. San Miguel.

Ayon sa PDEA, nakuha sa posisyon ni Magale ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu, P2,000 marked money at mobile phone na gamit umano sa transaksyon.

Sa posisyon naman ni Imam nakuha ang dalawang pakete ng shabu at ilang drug paraphernalia at ang sinasakyang kulay pula na Honda wave motorsiklo, na may plakang LA51278.

Habang si Daug-Daug ay nakunan lamang ng mga drug paraphernalia.

Ayon sa mga otoridad, may timbang na .04 gramo ang nakuhang druga at may street market value na P4,000.00.

Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o comprehensive anti-illegal drugs act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

INTEL AGENT NG NBI NANG-ARBOR NG DRUG SUSPECT, HULI

(NI DAVE MEDINA)

NAHAHARAP sa kasong obstruction of justice at paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isang nagpakilalang intelligence agent ng  National Bureau of Investiggation ( NBI) sa drug buy bust operation, Lunes ng gabi sa Makati City.

Agad inaresto ng Makati City Police ang suspek na si Monakiram Batabor matapos tangkaing arborin ang kaniang tiyuhin na nadakip sa ikinasang drug buy-bust operation ng Makati Police sa Brgy. Guadalupe Nuevo.

Nakita pa sa surveillance video ng Makati City Police ang pagpiprisinta ni Batabor ng kaniyang NBI ID at  iba pang ID sa mga pulis at nakikiusap na arborin ang kaniyang tiyuhin na hindi agad natukoy ang pangalan.

Kinumpiska kay Batabor ang kanyang service firearm na kalibre .45 at sa pag-iimbestiga pa ng mga pulis ay nabatid na nakatalaga ito sa CARAGA Region.

Nauna rito ay kasama sa pitong nadakip ang tiyuhin ng suspek

sa San Jose St., Brgy Guadalupe Nuevo, Makati City, ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng  Makati City Police Station (MCPS) na pinamumunuan ni PLt Jeson Vigilla matapos maaktuhang gumagamit ng ilegal na droga sa isang hinihinalang drug den.

Please follow and like us:
Read More

GINANG NA BIGTIME TULAK LAGLAG SA MALL

(NI KOI HIPOLITO)

NALAGLAG ang isang ginang na bigtime na tulak at nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang entrapment drug buy-bust operation ng mga pinagsanib na operatiba ng Pdea-National Capital Region (RO-NCR) Southern District Office at ng Pasay City Police Station, dakong alas-5:30 ng hapon nitong Biyernes sa Pacific Drive ng SM Mall of Asia (MOA) sa lungsod ng Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Jeneper Baniaga, 42, residente ng Dasmarinas City, Cavite.

Base sa report na ipinadala ni PDEA-NCR Director Joel B. Plaza kay Pdea Director Gen. Aaron Aquino, naaresto ang suspek na si Baniaga matapos na makipagtransaksyon sa isang undercover agent at nagkasundo na magkita sa nasabing lugar sa Pasay City.

Nang maiabot ang droga ay agad na nagpakilalang otoridad ang poseur buyer at inaresto ang suspek.

Nakuha mula dito ang dalawang pakete ng mga hinihinalang shabu na may bigat na 200 grams na nagkakahalaga ng P1.360 milyon gayundin ang dalawang bundle ng P1000 marked money.

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Violation of Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II of RA 9165  (Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act.of 2002) ang suspek.

Please follow and like us:
Read More

NOT ONCE BUT TWICE: EX-SEX BOMB DANCER, TIMBOG SA DROGA

(NI NILOU DEL CARMEN)

MULING naaresto ng mga operatiba ng PDEA 4A at mga tauhan ng Drug Enforcement Team ng San Pablo police at Laguna PNP  ang dating miyembro ng sexbomb dancers at ang kalive-in nito sa drug buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna Martes ng gabi.

Kinilala ang San Pablo City police ang suspek na si Sheena Joana Roño Uypico, alyas Sheena, 34,  at ang kinakasama nito na si Elmer Panaligan Señoreses, 40,

Batay sa report, isinagawa ang buy bust sa Barangay San Nicolas, alas 6:45 ng hapon matapos dumating ang mga suspek sakay ng isang  kulay asul na kotseng  Toyota Corolla.

Agad pinosasan ang mga ito matapos iabot sa poseur buyer ang ilang sachet ng shabu kapalit ng buy bust money.

Inaresto rin ang kapatid ng ex-dancer na si Melrose Roño Uypico, 32, na kasama sa sasakyan.

Nakumpiska sa mga ito ang anim pang sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40,000.00.

Ito na ang ikalawang pagkahuli sa magka-live in sa kasong iligal na droga, na unang naaresto noong November 2018 sa buy-bust operation sa bayan ng Bay subalit pansamantalang nakalaya matapos makapaglagak ng piyansa.

 

Please follow and like us:
Read More

P1-M SHABU ‘STOCK’ SA BAHAY; 1 ARESTADO

(NI ROSE PULGAR     )

HULI ang isang binata at nakumpiskahan ng P1 milyong halaga ng shabu sa loob ng kanyang bahay matapos pasukin ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics at Special Drugs Enforcement Unit (SWAT-SDEU) ng Taguig City Police, Linggo ng gabi sa Barangay New Lower Bicutan ng lungsod.

Sa pamamagitan ng search warrant, dakong alas-11:50 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng SWAT at SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Jesus Padua, hepe ng Police Community Precinct (PCP)-2,  ang bahay ng suspect na nakilalang si John Daryl Pili, 22, binata, at naninirahan sa no. 40 San Diego St. Barangay New Lower Bicutan.

Habang nakatakas naman ang kasamahan nito na si Christian Busa, nakatira din sa nasabing lugar.

Hindi na nakapalag ang suspect na si Pili nang pumasok ang mga pulis na bitbit ang search warrant.

Nakumpiska mula sa suspect ang 53 pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu  na nagkakahalaga umano ng P1 milyon.

Ayon kay Police Col. Alexander Santos, hepe  ng Taguig City Police, umaabot sa 18.0281 grams ng shabu na may street value na mahigit sa isang milyong piso. Sinabi pa ni Santos, bukod sa nakumpiskang shabu, nakakumpiska din sila ng tatlong plastic sachet ng pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P1,000 at mga drugs paraphernalia.

Ang suspect ay nakakulong at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9166 o comprehensive dangerous drug act of the 2002.

Please follow and like us:
Read More

HEPE, 9 PULIS-RIZAL ‘FLOATING’ SA BATANG NAMATAY SA DRUG BUST

BUY-BUST-2.jpg

PANSAMANTALANG inalis sa tungkulin ang hepe at 19 na tauhan ng Rodriguez, Rizal, epektibo nitong Miyerkoles, ayon kay Calabarzon Police Regional Director Eduardo Carranza.

Hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon ay mananatiling floating si Police Col. Resty Damaso, at ang 13 niyang tauhan, at 6 na personnel ng intelligence unit ng Rizal Provincial Police. Ito ay matapos mamatay ang isang 3-anyos na bata na iginiit nilang ginawang human shield ng tatay nitong drug suspect sa ikinasang drug bust. Inilagay muna ang mga pulis sa personnel and holding accounting unit habang gumugulong ang imbestigasyon.

Tinaggalan din ang mga ito ng service firearms para isailalim sa ballistics exam at matukoy kung sino ang nakabaril sa bata.

Sa naunang report, sinabi na iniharang ng drug suspect na si Renato Ulpina, alyas Kato, ang anak bago siya napaslang ng raiding team, Sabado ng umaga.

Tinamaan ng bala sa ulo ang bata.

Please follow and like us:
Read More

PARAK , 2 DRUG SUSPECT PATAY SA BUY BUST

BUY-BUST-2.jpg

(NI KNOTS ALFORTE)

NAGING madugo ang pag-aresto sa dalawang hinihinalang drug pusher matapos itong gumanti ng putok sa pulis na huhuli sa kanila.

Patay ang dalawang drug suspect gayundin ang pulis na nakipag-transaksiyon sa mga ito sa Rodriguez, Rizal, Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawi na sina Renato Dolorfina, alyas Kato, at kasama nito na hindi pa nakikilala.

Namatay naman habang ginagamot si  PSMS Conrado Cabigao, miyembro ng Rodriguez Police.

Nabatid na isinagawa ang buy bust operation sa mga suspect sa Pines St. Brgy San Jose, Rodriguez, Rizal, alas-7:40 ng umaga.

Ayon sa report na nakarating kay Rizal Police Provincial Director P/Col Lou Frias Evangelista ni P/Lt.Col Resty Damaso Chief of Police ng Rodriguez, Rizal, ikinasa ang buy bust sa shabu ngunit nakatunog si Dolorfina at agad nitong pinaputukan ang pulis. Nagawa pang makaganti ng putok ang nasawing pulis at tinamaan sa batok at katawan ang mga suspect.

Isang bata rin ang ginawang panangga ni Dolorfina.

Nang bumulagta ang mga ito ay agad isinugod sa ospital ang pulis ngunit namatay din.

Please follow and like us:
Read More

DRUG SUSPECT ARESTADO SA P6.5-M SHABU

arrested88

(NI BONG PAULO)

KALABOSO ang isang kilabot na tulak sa droga makaraang maaresto at makuhanan ng abot sa P6.5 milyong halaga ng shabu sa ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. West Poblacion sa bayan ng Balo-i sa lalawigan ng Lanao Del Norte, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Jalil Akil Linog, alyas Malik, na natiklo ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Balo-i Municipal Police sa isang gasolinahan sa Brgy. West Poblacion, alas-3:30 ng hapon.

Sa ulat ni PDEA Region X Director Wilkins Villanueva, nakumpiska sa suspek ang 10 plastic na naglalaman mg shabu na may bigat na isang  kilo at P6.5 milyon ang halaga.

Nakuha rin sa suspek ang P1,000 buy-bust money, cellphone at motorsiklo.

Bukod sa mga nabanggit ay nasamsam din kay Linog ang mga cell phone na ginagamit nito sa pakikipag transaksiyon sa illegal na droga at isang unit ng motorsiklo.

Sinabi naman ni Agent Benjamin Recites, hepe ng Plans and Operations Division ng PDEA Region-10, ang suspek ay bagong personalidad na minamanmanan nila ng ilang buwan bago tuluyang nahulog sa kanilang bitag.

“Napag-utusan lang po akong ibigay doon sa naka-park na sasakyan at meron din siyang ibigay at kunin ko daw”, sabi ng suspek.

Sa ngayon ay isinailalim na sa tactical interrogation ang suspek para malaman kung sino pa ang mga kasamahan at grupo nito.

 

Please follow and like us:
Read More

3 TULAK TODAS, 9 HULI SA BULACAN

arrested88

(NI GINA BORLONGAN)

TATLONG hinihinalang tulak ng bawal na gamot ang napatay habang siyam na iba pa ang naaresto sa buy-bust operations na isinagawa ng mga pulis sa Bulacan, Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan PNP, napatay sina Marlon Cagampang, residente ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria; Ljel Fabros at Christian Marcos sa San Jose Heights, Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, pawang sa Bulacan.

Nabatid na nag-operate ang mga pulis laban kay Cagampang sa pagkakasangkot sa pagtutulak ng shabu sa Brgy. Poblacion, San Gabriel at Caysio, Sta. Maria.

Isang police asset ang bumili ng shabu dakong ala-1:30 kay Cagampang nitong Hunyo 21 ngunit nakatunog ito na pulis ang kanyang binentahan kaya nagpaputok at napatay nang gantihan ng mga pulis.

Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .45 pistola, 16 sachet ng shabu, markadong pera at isang kulay asul na motorsiklo na walang plaka.

Dakong ala-1:55 naman nitong Hunyo 22 nang magsagawa ng busy-bust operation at napatay sina Fabros at Marcos.

Nakumpiska sa mga ito ang 19 sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .38 Smith and Wesson, isang 9mm revolver Black Widow, markadong P500 bill  at isang itim na Suzuki Raider 150 motorcycle na walang plaka na tinagka nilang gamitin sa pagtakas.

Naaresto naman ang siyam na hinihinalang tulak ng shabu sa buy-bust operations sa Balagtas, Bustos, Bocaue at Malolos City kung saan sila idineretso sa Camp Alejo Santos para masampahan ng kaukulang mga kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-PCG OFFICER HULI SA DROGA

ARRESTED-3

(NI KEVIN COLLANTES)

KALABOSO ang isang dating Philippine Coast Guard (PCG) officer, nang bentahan umano ng ilegal na droga ang isang undercover cop, sa isang buy-bust operation sa gilid ng isang pampublikong paaralan sa Binangonan, Rizal, nitong Biyernes.

Kinilala ni Rizal Provincial Director P/Col. Lou Frias Evangelista ang suspek na si Petty Officer 3 Herbert Velasco, alyas ‘Kuya,’ 38, at residente ng Block 164, Lot 11, Purok-II New Lower Bicutan, Taguig City.

Nabatid na si Velasco ay isa umanong AWOL PCG officer, at kabilang sa drug watch list ng pulisya na may kategorya bilang drug pusher.

Batay sa ulat ng Provincial Intelligence Branch (PIB), nabatid na bago ang pag-aresto ay nakatanggap sila ng tip mula sa isang confidential informant na sangkot ang isang alyas ‘Kuya,’ sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa Mahabang Parang, sa Angono, Rizal.

Kaagad na nakipag-transaksiyon ang mga awtoridad sa suspek at nagkasundong magkikita sa gilid ng Tayuman Elementary School, sa Barangay Tayuman, Binangonan, Rizal, kung saan naaresto ang suspek dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang 21 pirasong transparent heat sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang walang lamang transparent plastic sachet, P500 na buy-bust money at P500 na hinihinalang drug money.

Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng Binangonan Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL HULI SA P4-M SHABU BUY-BUST SA ALBAY

arrested134

ARESTADO ang magkapatid matapos  masamsaman ng P4 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Tabuco, Huwebes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nanggagaling pa umano sa Metro Manila ang supply nilang droga saka magkatulong na ibinebenta sa kanilang lugar.

Dahil sa nakuhang impormasyon ay dito na minanmanan ng pulisya ang magkapatid, at nang makumpirma ay nagsagawa ng buy-bust operation na naging dahilan ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Nasamsam ang kalahating kilo ng pinaniniwalaang shabu na nakabalot pa ng plastic sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mgakapatid.

Ayon naman sa kaanak ng dalawa, alam nilang gumagamit ng droga ang isa sa kanila pero hindi nila inaasahang masasangkot ang mga ito sa pagbebenta ng shabu.

Ayon naman kay Police Col. Felix Servita, director ng Naga City Police Office, malaking tulong ang pagkakaaresto sa dalawa.

“Malaking bagay ito kung bumaba sa streets ang ganito karaming droga kaya pasalamat tayo dahil masisipag ang mga operatives natin,” sabi ni Servita.

 

Please follow and like us:
Read More

EX-TRAFFIC CHIEF, BULAGTA SA DRUG OPERATION

crime43

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI ang dating hepe ng traffic enforcer   ng bayan ng Siniloan,  sa buy-bust operation sa Pagsanjan,  Laguna, Linggo ng gabi.

Kinilala ng Pagsanjan police ang suspek na si Leodigario Recide, alyas Odec.

Isinagawa ng mga tauhan ng Laguna PIB /DEU , PDEA 4A at Pagsanjan police ang operasyon sa tinutuluyang apartment ng suspek sa Jubillee Subdivision,  Barangay Sampaloc, alas 6:15 ng gabi.

Subalit, nauwi sa engkwentro ang operasyon matapos magpaputok ang suspek nang makatunog na pulis ang ka-deal.

Dead on the spot ang suspek na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Si Recide na tubong Siniloan ang responsable umano sa paglaganap ng iligal na droga sa mga bayan sa 4th district ng Laguna, partikular sa Pagsanjan at Siniloan, kung saan nakapag bebenta ito ng nasa 50 gramo ng shabu linggo-linggo.

Please follow and like us:
Read More

BUMBERO KULONG SA DROGA; 2 TULAK KUMASA, PATAY!

arrest22

(NI DANN RIVERA)

QUEZON-  Arestado ang isang aktibong miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isinagawang drug buy bust operation ng Lucena PNP Intel/DEU na pinamumunuan ni Police Col. Reydante Ariza at PDEA, sa isang hotel sa Brgy. Isabang, Lucena City.

Kinilala ni Col Ariza ang suspek na si Alain Evangelista,52.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas 4:45 ng hapon nang magsagawa ng buy bust ang mga awtoridad sa KM 127 Hotel na nagresulta sa pagkakadakip sa bumbero kung saan nakuha sa posesyon nito ang mga heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at marked money na ginamit ng pulis.

Samantala, kasabay nito ang pagkakapatay sa dalawang tulak ng droga sa magkahiwalay na lugar sa siyudad ding ito na umano’y nanlaban sa mga pulis sa isang  drug bust operation.

Nasawi si Leo Basa, alyas “Tuga”, 33,  matapos makipagbarilan sa pulis sa may Purok Sta. Theresa, Brgy. Dalahican. Nakuha sa posesyon nito ang shabu at caliber .38 revolver at sa bahagi naman ng Purok Rosal 2, Brgy.10 napatay si Oscar Perlada, alyas “Oca”, 41. Nakuha rin sa pag-iingat nito ang mga droga at sumpak na ginamit  sa pamamaril sa pulis.

Please follow and like us:
Read More

TULAK BULAGTA SA DRUG BUST

crimeshoot

(NI CYRILL QUILO)

PATAY ang isang tulak nang manlaban sa operatiba ng Laguna Police Provincial Office / Drug Enforcement Unit (LPPO/DEU) sa isinagawang drug buy bust operation sa Bgy. Prinza, Calamba City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Police Lt. Col. Jac Malinao, hepe ng Calamba City Police ang nasawing suspek na si Eduardo Dumasing, residente sa naturang barangay.

Si Dumasing ay kabilang sa Directoriate Intelligence watchlist ng Calamba police.

Sa imbestigasyon ni Pat. Robinson Manaig, may hawak ng kaso, naganap dakong alas 2:30 ng hapon ang isinagawang buy bust operation sa hideout nito kung saan nakatunog na pulis ang katransaksiyon at nauwi sa barilan ang bentahan ng droga.

Nabawi ng operatiba ng pulisya ang isang heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .45 pistol, marked money at tatlong piraso ng fired cartrige.

Ayon sa pulisya , ang pagkapatay kay Dumansing ay patunay lamang na nababawasan sa lungsod at karatig na mga barangay ang talamak na iligal drug trade.

Please follow and like us:
Read More

PASOK SA BITAG; LALAKI TIKLO SA PASAY BUY-BUST

muslim drug suspect12

(TEKSTO/PHOTO BY KOI HIPOLITO)

ARESTADO ang isang suspek na nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng PDEA PRO 4-A, Pasay City Police Station Police Community Precint (PCP-11) nitong Miyerkoles ng tanghali sa Marina Way corner Seaside Blvd. MOA Complex, Brgy. 76, ng Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Sarifi Uday Mama, residente sa No.384 Globo De Oro St., Golden Mosque, Quiapo Manila.

Base sa report na ipinadala ni PDEA Team Leader Agent Floro Katangkatang kay PDEA Director General Aaron Aquino, nadakip ang suspek matapos na makipagtransaksyon sa isang undercover agent at napagkasunduan umano na magtagpo sa lugar na sakop ng lungsod ng Pasay. Nang magpositibo ang transaksyon at maiabot ang droga ay agad ng inaresto si Mama.

Nakumpiska sa posisyon ng suspek ang 21 piraso  ng small heat sealed plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may timbang na isang kilo (1kg.) at estimated market value na P6.2 milyon, isang Yamaha MIO 125 motorcycle na kulay itim, isang identification card at ang ginamit na boodle money.

Dinala na sa opisina ng Pdea National Capital Region Office ang suspek at sasampahan ng kaso ng paglabag sa Sec.5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Laws on Drugs Act. of 2002).

Please follow and like us:
Read More

‘DRUG SUSPECT’ PATAY SA CAINTA SHOOTOUT

crime143

(NI KEVIN COLLANTES)

PATAY ang isang drug suspect nang manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad  sa engkwentro sa Taytay, Rizal nitong Biyernes ng gabi.

Dead on arrival sa Taytay Emergency Hospital ang biktimang si Jojo Sandigan, alyas ‘Muslim,’ 43, residente ng Block 37, Sitio Damayan, Barangay San Juan, Taytay.

Lumilitaw sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, na alas 7:45 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek sa Barangay San Juan, matapos na makatanggap ng tip hinggil sa illegal nitong aktibidad.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at naisagawa ang palitan ng shabu at P1,000 buy-bust money.

Gayunman, bago pa man naaresto ang suspek ay nakahalata ito na mga pulis ang kanyang ka-transaksiyon kaya’t kaagad na nagbunot ng baril at nagpaputok sa direksiyon ng mga alagad ng batas.

Nakaramdam ng panganib sa kanilang buhay, gumanti ng putok ang mga alagad ng batas na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang kalibre .45 pistola, isang pakete ng shabu, 1 bag ng hinihinalang marijuana, na di batid ang halaga at buy-bust money.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO, ANAK, APO, HULI SA MAKATI DRUG-BUST

shabu kulong 12

HINDI inakala ng isang 64-anyos na lolo na mga drug operatives ang kanyang napagbentahan ng shabu kaya hindi na ito nakapalag nang arestuhin sa Makati City, Martes ng gabi.

Nang lusubin ang bahay ng lolo, naaktuhan sa kanyang bahay ang drug session ng siyam katao, kabilang ang kanyang anak na babae at lalaking apo sa Barangay Comembo, Makati City.

Sinabi ni Police Col. Roger Simon, chief ng Makati City police, halagang P300 ang ikinasa nilang buy-bust sa lolo.

Nasamsam ang may P25,000 halaga ng umano’y shabu at drug paraphernalia sa bahay ng mga ito.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Please follow and like us:
Read More

2 DRUG DEALER,TODAS; 26 TIMBOG SA BULACAN BUY-BUST

crimeshooting

(NI GINA BORLONGAN)

DALAWANG drug dealer ang napatay, 26 ang naaresto at 434 katao ang tinanong sa simula ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan Police, nitong Martes.

Ayon kay P/Col. Chito G. Bersaluna, director ng Bulacan Police, napatay sina Bartolome Dela Cruz, alyas Bobby at nakalista sa PDEA/BADAC Drugs watchlist ng Brgy Graceville, San Jose del Monte City, at Christian Dungo, alyas Chris, ng NIA Road, Brgy. Banga 1st, Plaridel, Bulacan.

Sinabi ni Bersaluna na nakatunog sina Dela Cruz at Dungo na mga pulis ang ka-transaksiyon nila sa droga kaya nanlaban at napatay ng mga nagsiganting pulis. Nakumpiska kay Dela Cruz ang isang Smith and Wesson cal. 38 revolver na may dalawang bala, 11 plastic sachet ng shabu at buy-bust money at kay Dungo ay nakumpiska ang isang kalibre 38 revolver, siyam na plastic sachet ng shabu, P500 buy-bust money at tricycle na ginagamit niya sa pagbebenta ng droga na may body number Agnaya 195.

Ang 26 naaresto at 434 kinuwestiyon ay dinalang lahat sa Camp Alejo Santos sa Malolos City.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS SUGATAN SA DRUG BUST, SUSPECT, 1 PA TODAS

crime100

(NI NILOU DEL CARMEN)

SUGATAN ang isang pulis habang patay ang isang bystander at ang drug suspek sa buy-bust operation sa Biñan City, Laguna, Linggo ng madaling araw.

Ayon kay Superintendent  Danilo Mendoza, hepe ng Biñan City police, sumailalim na sa operasyon  sa ospital ang pulis na si  PO1 Alric Natividad matapos na ito ay mabaril sa tiyan ng suspek na si Maburak Cabugatan.

Batay sa report, isinagawa ang buy-bust laban kay Cabugatan sa Barangay San Jose dakong alas 12:05 ng hatinggabi at nakabili ng shabu ang poseur buyer.

Subalit nakatunog ang suspek at  tumakbong papasok ng kanyang bahay at kumuha ng baril saka  pinaputukan ang mga awtoridad.

Gumanti ang mga pulis na ikinasawi nito.

Nahagip din sa barilan ang isang hindi tinukoy na bystander na nasawi rin habang ginagamot sa hospital.

Narekober sa suspek ang isang kalibre .38 baril at anim pang sachet ng shabu na may timbang na 50 gramo  at tinatayang nagkakahalaga ng  P340,000.

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 PDEA AGENTS, DRUG SUSPECT SUGATAN SA BARILAN

pdea

(NI LYSSA VILLAROMAN)

DALAWANG ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kapwa sugatan  gayundin ang suspect na inaaresto matapos kumasa ang huli at paputukan ang dalawang ahente. Isa rin ang tinamaan ng ligaw na bala, Miyerkoles ng umaga sa Pasay City.

Sanhi ng tama ng bala sa katawan ay parehong ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktimang sina PDEA Agent 3 Charlemaine Tang,  at PDEA Agent 2 Richard  Seure, 44.

Ang sugatang suspek na nakilala lamang na alias “Boy” at ang kahera ng Unioil gasoline station na tinamaan ng ligaw ng bala ay nakilala lamang sa pangalang Justine ay kapwa isinugod sa Adventist Hospital.

Ayon kay Pasay City chief of police, Sr. Supt. Bernard Yang, ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng umaga  sa Unioil gas station sa Buendia-Harrison St., ng nasabing lungsod.

Nabatid na nagkasa ng buy-bust operation ang operatiba ng PDEA laban sa suspek at kasama nito matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na gawain ng mga ito.

Natunugan naman ng mga suspek na miyembro ng PDEA ang kanilang ka-transaksiyon dahilan upang bumunot ito ng baril at pinutukan ang mga ahente.

Makalipas ang tatlong minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga awtoridad at mga suspek  ay nakitang duguan ang dalawantg operatiba ng PDEA maging ang suspek  na si “alias  Boy” pati na rin ang kahera ng nasabing gasoline station.

Ang kasama naman ng duguang suspek ay mabilis na nakatakas.

Please follow and like us:
Read More

SK KAGAWAD SA DRUG WATCH LIST ARESTADO

MARIJUANA

(NI JG TUMBADO)

NALAMBAT ng pulisya ang isang 22-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad sa ikinasang anti-drug bust operation sa Rosario, Cavite, madaling araw ng Linggo.

Kakasuhan sa paglabag sa ilalim ng Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 ang suspek na si Henry D. Oyao Jr., residente ng Barangay Muzon Dos, kasalukuyang SK kagawad at ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Elmer De Guia, alyas “Agler”, 27, at ang 16-anyos na babae na itinago sa pangalang “Nicole”.

Ayon kay PO1 Ricardo Mendoza Jr., ng Rosario Municipal Police Station, nasa parehong puwesto bilang ikalawa sa listahan ang barangay official at si De Guia na mga bagong talang drug pusher sa lugar.

Batay sa report, alas 4:30 ng madaling araw nang ilatag ng Rosario Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa grupo ni Oyao sa Barangay Muzon Dos.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa posesyon nina Oyao ang apat na pirasong plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P600.

Nasa kustodiya na ng station custodial facility sina Oyao at De Guia habang ang menor de edad naman na suspek ay nai-turn over na sa Municipal Social Welfare and Development para sa pangangalaga nito.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NANLABAN SA DRUG BUST, PATAY

MAKATI BUST

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY JACOB REYES)

Dead-on- the-spot ang isang umano’y tulak ng ipinagbabawal na droga sa buy bust operation sa Barangay West Rembo, Makati City Sabado ng umaga.

Ayon kay Chief Insp. Gideon Ines, nasa gitna ng operasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa E. Jacinto/ J.P. Rizal Street, Barangay West Rembo, Makati City nang manlaban umano ang suspek na isang alyas August, notoryus na miyembro ng Norman Manite Group na responsable sa pagpapakalat ng mga ipinagbabawal na gamot sa lugar ng Makati City at Taguig City.

Natunugan umano ni alyas August na pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya tumakbo ito sa eskinita bandang riverside.

Nakorner ang suspek ng mga pulis ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Makati City Police Station na pinamumunuan ni Police Chief Inspector Gideon T. Ines pero sa halip na sumuko, pinili ni alyas August ang lumaban at makipagpalitan ng putok gamit ang baril na kalibre .38 na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Narekober ng mga elemento ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na pinamumunuan ni Police Chief Inspector Gerald Vilar, ang isang itim na belt bag na naglalaman ng 10 maliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang baril na kalibre .38.

Please follow and like us:
Read More

BIFF MEMBER ARESTADO SA RESTO DRUG-BUST

ARRESTED-2

(NI BONG PAULO)

ARESTADO ang isang barangay secretary sa inilatag na P340,000 drug buy-bust operation ng mga otoridad sa kilalang restaurant sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Samin Agao Kusain, 36, na residente ng Katidtuan sa bayan ng Kabuntalan, Maguindanao. Nakuha sa kanya ang 50 gramo ng hinihinalang shabu.

Base sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon nang masakote ang suspek sa isang kilalang restaurant sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City kung saan isinagawa ang bilihan sa pagitan ng suspek at PDEA agent na nagkunwaring buyer.

Ayon kay PDEA-ARMM Deputy Director Marlon Santos, matagal na umano nilang sinusubaybayan ang suspek hanggang sa makakuha ang sapat na mga ebidensya at pagkakataong matimbog ito.

Napag-alaman na miembro rin ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF ng MILF si Kusain base sa mga ID na nakuha mula sa kanya.

Please follow and like us:
Read More