LIVE-IN PARTNERS BALIK-SELDA SA DROGA

JAIL-1

DAVAO City – Balik-selda ang isang mag-live-in partner na dating nakulong dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa lungsod na ito. Huli sa akto ang mga suspek nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust operation sa Sitio Sto. Niño, Brgy. 76-A,  Bucana, nitong lungsod, alas-8:00 ng gabi noong Martes. Ikinasa ng mga tauhan ng Talomo Police Station at Regional Special Operating Group-Regional Police Drug Enforcement Unit (RSOG-RPDEU) XI, ang operasyon laban sa mga suspek na sina Arlene Lapiña Brigole at Edilberto Siblos Parilla. Nasabing operasyon, ilang pakete ng umano’y…

Read More

P98.5-M  DROGA NAKUMPISKA SA REGION 9

droga9

MAHIGIT 98 milyong pisong halaga ng mga ipinagbabawal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Region 9 sa ilalim ng ipinatupad na  Anti-Illegal Drug Campaign Plan Double Barrel ng Philippine National Police (PNP). Umaabot sa P98, 519,365.268   ang kabuuang halaga ng 1, 518.5404 gramo ng mga pinatuyong dahon ng marijuana at 14, 461.34418 gramo ng shabu na nasakote ng mga tauhan ni Police Regional Office (PRO) 9 director P/BGen. Froilan F. Quidilla mula sa 4,321  mga naarestong  suspek. Idagdag pa rito ang 126 na ibat-ibang uri ng mga armas…

Read More

P136-M DROGA NADISKUBRE SA BAGAHE

DROGA-2

SORSOGON – Aabot sa P136 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa tea bags, ang natagpuan ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa loob ng isang bagahe sa Matnog Port. Umaabot  sa 20 piraso ng tea bags ang kinumpiska nang madiskubre na hinihinalang shabu ang laman nito, na pumapalo sa 20 kilo. Sinasabing pagmamay-ari ang mga ito ng dalawang arestadong mga suspek na kinilalang sina Irish dela Peña at Jose Lani “Dong” Racaza. Sinabi ni PDEA Bicol Regional Director Christian Frivaldo, ito ay resulta nang pinalakas nilang…

Read More

2 TULAK HULI SA P.4-M DROGA

ARRESTED

CAVITE – Tinatayang P.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam at dalawa katao ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lungsod na ito. Sinampahan ng kasong paglabag sa Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Robert Cayabyab, 47, ng Block 83, Lot 8, Brgy. San Nicolas 2, Dasmariñas City,  at Michael Malabanan, 47, may asawa ng City Homes Subdivision, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City. Sa ulat ni Corporal Lorenzo Cawalig ng Dasmariñas City Police  Station, dakong alas-9:30…

Read More

LIVE-IN PARTNERS TIKLO SA OPLAN GALUGAD

SHABU PUSHER

ARESTADO ang live-in partners na umano’y kapwa tulak ng ilegal na droga, sa ikinasang Oplan Galugad ng mga pulis sa Las Piñas City dakong madaling araw nitong Miyerkoles. Natiyempuhan ng mga pulis sa operasyon dakong alas-3:00 ng madaling araw sa akto umanong nagtutulak ng ilegal na droga ang mga suspek na sina Litoross Canda, 35, ng 1317 Bayabas St., Brgy CAA, Las Piñas City, at Caselyn Mendreza, 31, ng 1208 Aratilis St., Brgy CAA ng nasabi ring lungsod. Ayon sa intelligence report, magkakaibang address ang ginagamit ng mga suspek upang…

Read More

4 BEBOT KULONG SA DROGA 

ARRESTED WOMAN

(NI ANNIE PINEDA) KULUNGAN ang kinabagsakan ng apat na babae makaraan madakip ang mga ito ng otoridad sa ginawang buy bust operation, iniulat kaninang umaga sa Davao City. Kinilala ang mga nadakip na sina Jomaira Casanguan, 27, ng  Purok 3B, Isla Verde, Boulevard;  Lalaimie Sarap Ibrahim, 18, ng Boulevard;  Joan Lasaca, 25, residente sa SIR, Matina ; at Girly Gooran, 18 anyos, residente sa Boulevard ng nasabing lungsod. Batay sa report ng Sasa PNP, inilatag ang operasyon laban sa suspek na matagal na nilang minamanmanan hinggil sa pagbebenta ng iligal na droga.…

Read More

SHABU SA STUFFED TOY BAG, BUKING

HINDI nakaporma ang live-in partner nang mabisto ang pagtatago ng nasa 40 gramo ng hinihinalang shabu sa loob ng monkey stuffed toy bag sa buy-bust operation sa Barangay 148, Pasay City, Sabado ng madaling-araw. Hindi agad nakapagsalita ang 52-anyos na si alyas ‘Roman’ at kinakasama nitong 26-anyos. Nabatid kay Police Capt. Deni Pedrozo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit, na dati na ring naaresto si Roman sa pag-iingat ng droga. Ikanasa ng pulisya ang surveillance sa live-in partner na umano’y nagbebenta ng shabu sa Baclaran area. Nahirapan pa ang pulis…

Read More

SUNDALO, BEBOT, HULI SA DROGA

arrested12

(NI BONG PAULO) ARESTADO ang isang miyembro ng sundalo na sinasabing High Value Target at ang isa pa nitong kasamang babae matapos ikasa ng mga operatiba ng pulisya ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa Barangay New Bunawan, Tulunan, North Cotabato, Biyernes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Sgt. Oscar Dapriza, detachment commander sa Barangay Lampagang, Tulunan, sa ilalim ng Delta Company ng 39th IB, Philippine Army, at ang isa pa na si Myrene Ferino, 45, ng Glan, Sarangani Province. Ang operasyon ay inilunsad alas-2:45 ng hapon…

Read More

GURO KULONG SA DROGA

(NI ANNIE PINEDA) KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang guro sa pampublikong paaralan matapos mahulihan ng droga sa buy bust operation ng mga awtoridad, sa probinsya ng Bukidnon. Kinilala ang nadakip na suspek na si Rey Sungahid, guro sa Old Damulog National High School at residente ng Purok 2, New Compostela, Damulog, Bukidnon. Batay sa report, inilatag ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency region 10, Bukidnon Provincial Office at Damulog Bukidnon Municipal Police Station sa nasabing lugar. Nakuha mula sa suspek ang apat na pakete ng…

Read More

4 NA TULAK SA GENSAN, KALABOSO

shabu12

(Ni DONDON DINOY) GENERAL SANTOS CITY – APAT na kalalakihan ang nasakote ng mga operatiba sa magkakahiwalay na operasyon na nagbebenta ng iligal na droga noong Sabado, Oktubre 5. Ayon kay Police Major Rexor Canoy, tagapagsalita ng General Santos City Police Office, unang naaresto ng mga otoridad ang isang Mark John Beguiso,30-anyos, binata, residente ng KPS, Barangay Labangal ng nabangit na lungsod. Pangalawang natimbog ang isang Ely Talaib, 32-anyos, binata na residente sa Purok 6, Barangay Conel. Sunod na nadakip ang isang Christopher Masucol, 27-anyos na residente ng Ondok Gawan,…

Read More

PDEA AGENT, 1 PA, NADAKMA SA ILIGAL NA BARIL, DROGA

(NI NILOU DEL CARMEN) NATIMBOG ng awtoridad ang isang umano ay agent ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kasama nito dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril at makuhanan ng  nasa P100,000 halaga ng illegal drugs  sa operasyon sa San Pedro City, Laguna, Sabado ang hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Joseph Martin Patrick Borjal, 39, residente ng Brgy. Pacita 1, San Pedro City; at IO1 Richard Gaufo y Reyes, 39, residente ng San Fernando City, Pampanga, at  PDEA agent na nakatalaga sa Police Regional Office ng Cordillera…

Read More

AWOL NA PULIS HULI SA DROGA SA CAVITE

arrested12

(NI SIGFRED ADSUARA) MATAPOS na-AWOL , luminya sa pagtutulak ang isang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos itong naaresto sa isang buy bust operation sa Indang, Cavite. Nakakulong ngayon sa Indang Custodial Center ang suspek na si Corporal Paul Jason Sanchez, 35, dating nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB) ng Brgy. Banaba Cerca, Indang, Cavite Sa ulat ni PMSg Marvin Camerico ng Indang Municipal Police Station, dakong alas-7:45 ng Miyerkoles nang maaresto ang suspek sa isang buy bust operation sa Brgy Banaba, Cerca, Indang, Cavite, kung saan…

Read More

VICE MAYOR HULI SA P1.3-M SHABU, ARMAS

maguindanao map12

(NI BONG PAULO) ARESTADO ang vice mayor ng Datu Unsay, Maguindanao sa inilunsad na Law Enforcement Operation ng pinagsanib na pwersa ng AFP, CIDG-BARMM, PNP at PDEA-ARMM sa tahanan ng dating opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Sitio Ameril, Barangay Manggay, Talitay Maguindanao, Lunes ng madaling araw. Kinilala ni PDEA BARMM Director Juvenal Azurin, ang nadakip na si Datu Unsay Vice Mayor Bai Janine Ameril. Nabatid na target sana ng ikinasang operasyon si Mike Sittie, alyas Kumander Mike, na nahaharap sa patong-patong na mga kasong kriminal at may warrant of arrest. Unang pinasok ng…

Read More

DROGA IPINADADALA SA GRAB, NABISTO

DROGA-GRAB

(NI MAC CABREROS) Nabisto ng awtoridad ang bagong modus ng pagbebenta ng droga na ipinadadala sa pamamagitan ng Grab sa Pasig City. Naaresto si Allan Antonio y Lacdan, 44, habang nagpapadala ng droga sa isang mo-torcycle rider ng Grab alas-2:30 ng hapon kamakalawa sa kahabaan ng Doña Juana Subdivision, Brgy. Rosario, Pasig City. Sa ulat, nagpapadala si Antonio kay Lane Lagazo, Grab rider, ng isang envelope na may tatak ng Manila Water at Mark Yosores na naka-address sa Parañaque City. Napansin ni Lagazo na may kahinahinalang plastic sachet sa loob…

Read More

P200-K DROGA NASAMSAM SA ANTIPOLO

(NI KNOTS ALFONTE) HINDI na nakaporma pa ang isang lalaki nang silbihan ng arrest warrant sa kasong RA 10591 na inisyu ni Judge Cynthia Marino-Ricablanca ng RTC Branch 27 Sta. Cruz, Laguna. Kinilala ang suspek na si Bryan Dela Paz, 33, isang construction worker, ng Sitio Broadway, Brgy. Dela Paz, Antipolo City. Ayon sa report na nakarating kay Rizal Police Provincial Director P/Col Renato Sanao Alba mula kay Antipolo City Chief of Police P/LtCo Alvin Consolacion, dakong ala-1:20 ng tanghali ng Martes nang dakpin ang naturang wanted person  ng pinagsanib…

Read More

P3.4-M DROGA NABAWI SA LIVE-IN PARTNER

ARRESTED-9

HULI ang maglive-in partner matapos silang ituro bilang mga supplier ng mga naunang naarestong pusher sa Quezon City. Sa follow-up operation ay nahuli ang mag-live in sa Barangay Manggahan, Pasig City kung saan nasamsam ang nasa kalahating kilong hinihinalang shabu. Hindi na nakaporma pa sina alyas Mark, 28, at live-in partner nito na si alyas Patricia, 18 anyos. Nabatid na ikinasa ang follow-up operation matapos silang inguso ng dalawang suspect sa Barangay Kaunlaran, Cubao, Quezon City. Nang magpositibong nasa lugar si Mark ay bumili ang poseur ng halagang P22,000 shabu…

Read More

ISA PATAY, GYM INSTRUCTOR ARESTADO SA ARMAS, DROGA

SHABU121

(NI DAVE MEDINA/PHOTO BY RAFAEL TABOY) NAPATAY sa mismong lugar ng krimen  ang isang lalaki makaraang mauwi sa engkwentro ang pagsisilbi ng search warrant sa Flores Compound Brgy. 176 Malibay,  Pasay City, Huwebes ng umaga. Nabaril ng mga pulis ang suspek na kinilalang si Ferdinand Lerit makaraang piliin nitong makipagbarilan sa mga Intelligence Operatives ng Pasay City Police sa halip na sumuko na lamang. Samantala, arestado rin ang dalawang suspek, sina Ernie Tulta at kapatid ng suspek na si Dwight Lerit na isang gym instructor Nag-ugat ang police operation laban…

Read More

FISH VENDOR NA ‘TULAK’ PATAY SA TANDEM

GUN FIRE-3

(Ni  BONG PAULO) PINANINIWALAANG onsehan sa droga ang dahilan sa pagpatay sa isang fish vendor na nagtutulak umano ng ilegal na droga matapos na barilin sa National Highway bandang 8:50 ng gabi noong Miyerkoles (Enero 16) sa Brgy. Saguing, Makilala North Cotabato. Kinilala ang nasawi na si Sangotin Molok Ampuan, 53-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon sa imbestigasyon ng Makilala PNP, binaril umano ng naka-bonnet na gunman ang biktima habang abala sa pag-aayos ng kanyang multicab. Sa salaysay ng mga saksi, binaril ng ‘di pa kilalang suspek si Ampuan…

Read More

5 BUWANG BUNTIS, TIKLO SA BUY-BUST

BUNTIS ARRESTED

(Ni ROSS CORTEZ) TIKLO ang isang babaeng 44-anyos na 5 buwang buntis sa isang buy-bust operation alas:11:00 ng gabi sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas Cavite. Giit ng suspek na nakilalang si Jennifer Martinez, may dalawang buwan na siyang huminto sa pagbebenta at paggamit ng droga mula nang makilala ang kinakasama niyang si Dennis Azarcon na nauna nang naaresto ng pulisya may anim na araw pa lang ang nakalilipas dahil din sa pagbebenta ng droga. Narekober sa buntis na suspek ang 3 pakete ng hinihinalang shabu at 300 peso marked money.…

Read More

EMPLEYADO NG LTO NA NUMBER 2 SA DRUGS WATCHLIST, NILIKIDA

LTO by BONG PAULO

(Larawan at Istorya ni BONG PAULO) KIDAPAWAN CITY – Illegal na droga ang tinitignang anggulo ng mga otoridad kaya pinatay ang isang kawani ng Land Transportation Office (LTO) Kindapawan sa National Highway partikular sa Purok 1 Barangay Kisante, Makilala, North Cotabato. Nakuha sa biktimang kinilalang si Orville Abalos Obledihon, 39-anyos, may- asawa at residente ng Magsaysay, Davao Del Sur, ang isang pouch ng sunglass na may plastic empty sachet na pinaghihinalang shabu. Sa ulat na nakarating kay PCI Johnny Rick Felongco Medel, hepe ng Makilala PNP, binabagtas ng biktima ang…

Read More

MISTER MAY ‘PASALUBONG’ NA DROGA KAY MISIS SA KULUNGAN, ARESTADO

SHABU-17

(Ni CHE ALMADIN) ISANG lalaki na dumadalaw sa kanyang misis sa kulungan ang inaresto ng pulisya matapos mahulihan ng shabu sa Caloocan City. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek na si Bernardo Padilla, 37-anyos, ng Phase 4B, Package 9, Block 78, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Sa ulat ng Caloocan City Police Community Precint III, alas-12:00 ng tanghali nang dumalaw ang suspek sa kanyang misis, na hindi na pinangalanan, na nakakulong sa Caloocan City Detention Cell dahil sa…

Read More

2 LASENGGO HULI SA INUMAN AT DROGA

drugs

DALAWANG lalaki na kapwa walang trabaho ang nasakote ng pulisya habang nag-iinuman sa kalsada sa Lungsod ng Makati Huwebes ng madaling araw. Bukod sa paglabag sa ordinansa ng lungsod dahil sa pag-inom ng alak sa kalsada, nakuhaan din sina Romulo Libao (29-taong-gulang) at Ericson Baribar (31) ng dalawang sachet na naglalaman ng shabu. Nahuli sila ng mga tauhan ng Police Community Precinct – 8 dakong 3:45 a.m. sa 13th Avenue sa Brgy. East Rembo. Bukod sa shabu, nakuha rin sa dalawa ang isang bote ng alak, 1 stainless glass, 2…

Read More

15-ANYOS DAMPOT SA DROGA

SHABU-15

KAKASUHAN ngayong araw sa piskalya ng Taguig City ang 15-taong-gulang na nasakote ng mga pulis sa anti-drugs operation Linggo ng hapon. Ang suspek ay nahuli ng mga tauhan ni Senior Insp. Jonathan Arribe sa Loazanes St., Brgy. Cen-tral Bicutan dakong 4:40 p.m. Pitong sachet na 1.2 gramong shabu ang kabuuang nilalaman ang nakumpiska sa minor de edad. Ang suspek ay residente ng Brgy. Maharlika, pamayanan ng mga Muslim sa Taguig City. Bagamat kakasuhan ng paglabag sa ilang probisyon ng Republic Act 9165, ang suspek ay nasa kustodiya ng social welfare…

Read More

TRICYCLE DRIVER PINATAY DAHIL SA DROGA?

DRUGS_BLOODY

(Ni CHE ALMADIN) PALAISIPAN sa pulisya kung bakit tinadtad ng bala ang isang tricycle driver kamakalawa sa Lungsod ng Caloocan. Ang biktimang si William Macalintal, alyas Willy (49-anyos), ay inaayos ang kanyang tricycle upang iparada ito sa isang gilid sa Navarro St., Barangay 177 sa Camarin nang biglang pagbabarilin ng suspek na nakasakay sa motorsiklo. Tama sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang tinamo ni Macalintal, nangangahulugang matindi ang galit ng nagpapatay sa kanya. Sabi ng mga saksi, naka-face mask umano ang mga salarin, kabilang ang driver ng…

Read More