SELOSONG EX-LOVER NAPATAY NG GINANG

(NI SIGFRED ADSUARA) TULUYAN nang tinapos ng isang 34-anyos na negosyanteng ginang ang pagiging seloso ng kanyang dating live-in partner nang barilin at mapatay nito nang  sumugod sa kanilang bahay matapos na pagselosan ang kanyang driver, sa Imus City, Cavite. Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Roderick Linazan, driver  ng Green State Subd., Brgy. Malagasang 1F, Imus City, Cavite dahil sa tama ng bala sa katawan habang ginagamot sa Ospital ng Imus si Rolly Ayop, 32, may-asawa ng  Green Valley Subd. Brgy San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite dahil sa…

Read More

P2-M SHABU NASAMSAM; DRIVER ARESTADO

(NI JG TUMBADO) NASA P2 milyong halaga ng high grade shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office-7 Central Visayas at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Barangay Calamba, Cebu City. Nakilala ang suspek na si Patrick Fred Amaya Caballero, 26, ng Epra Street,  Barangay Guadalupe. Sa report kay Central Visayas Regional Police Director Debold Sinas, isinagawa ang operasyon laban kay Caballero pasado alas 6 ng gabi ng Biyernes sa V. Rama Street. Nakuha ng pulisya sa…

Read More

3 MIYEMBRO NG PAMILYA, DRIVER PATAY SA AKSIDENTE

PATAY ang tatlong miyembro ng pamilya at driver habang siyam katao ang sugatan matapos ang karambola ng mga sasakyan sa Barangay Malay Lopez, Quezon, ayon sa ulat ngayong Biyernes. Kinilala ng Quezon Provincial Police ang mga nasawi na sina Raymundo Acebuche, misis na si Maryjoy Claire, at ang 20-anyos na anak na si Raquel. Patay din ang driver na si Paterno Carnate Jr. Sakay ang mga biktima ng Toyota Hiace van. Sugatan naman ang dalawa pang anak ng mag-asawa na sina Roselyn, 24, at 20-anyos na si Rafael. Ayon sa…

Read More

MAG-DYOWANG DRIVER LAGLAG SA BUY BUST

arrested

(NI ALAIN AJERO) ARESTADO ang sinasabing mag-dyowang pedicab at tricycle driver na bagito sa pagtitinda ng shabu sa isang buy-bust operation sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw. Ayon sa pulisya, wala pang dating record sa pagtutulak ang mga dinakip na sina and Regina Herrera, 32, pedicab driver, ng Barangay 27, Caloocan City at Johndale Mamasigan, 31, tricycle driver; ng Barangay 185, Tala, ng lungsod. Ngayon ay magkakabahid na ang pangalan ng dalawa dahil kakasuhan sila ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. Alas-2:30 ng madaling-araw nang isagawa ang…

Read More

DRIVER LUMUWA ANG BITUKA SA SAKSAK; ISINIKSIK SA LIKOD NG TAXI

stab100

(NI CHERCK BALAGTAS) ISA na namang taxi driver na tadtad ng saksak ang natagpuang patay sa back seat ng pinapasadang taxi sa Lungsod ng Caloocan, Miyerkoles ng madaling araw. Sa ulat ni Caloocan police deputy chief for administration P/Lt. Col. Ferdie Del Rosario, kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Pablo Damot, Jr. ng Bocaue, Bulacan. Nadiskubre siya ng isang streetsweeper na si Clarita Castro, 59, ganap na alas- 4:30 ng madaling araw sa kahabaan ng C-4 Road, Barangay 8, ng nasabing lungsod. Ayon sa nakasaksi, napansin…

Read More

DRIVER SINUWAG NG SARILING TRAK

crime

(NI NILOU DEL CARMEN) NASAWI ang isang driver matapos maipit ng kanyang truck sa Barangay Poblacion, San Juan, Batangas, nitong Huwebes. Kinilala ang nasawi na si Raymund Añora, 36, residente ng Barangay Concepcion, Batangas City. Batay sa report ng San Juan police, nakatayo ang biktima sa unahan ng kanyang nakahintong truck na nakaparada sa paibabang bahagi ng kalsada. Bigla na lamang umanong umarangkada ang kargadong trak at nasalpok ang biktima hanggang sa maipit ito sa kongkretong pader. Agad isinugod ang biktima sa San Juan Doctor’s Hospital matapos  maialis sa pagkakaipit…

Read More