8 NAMEKE NG EMISSION TEST RESULTS SINUSPINDE

(NI KEVIN COLLANTES)

SINUSPINDE ng Department of Transportation (DOTr) ang walong Private Emission Testing Center (PETC) sa bansa dahil sa umano’y pamemeke ng resulta ng emission test.

Sa inilabas na paabiso ng DOTr, nabatid na kabilang sa mga sinuspinde ay ang MJAS Emission Testing Center na matatagpuan sa 111 Quirino Highway, Barangay Balon Bato, Quezon City; Dumbay Vehicle Emission Testing Center-Pilar, na nasa Panila, Pilar, Bataan; Tarlac Emission Testing Center sa Barangay Dolores, Capas, Tarlac; Clearview Emission Testing Center at RQG Emission Testing Center sa 97 P. Tuazon Boulevard, Kaunlaran, Quezon City; Kanto Motors Davao City Inc., sa Riverside, Ma-a, Davao; 7M Emission Testing Center sa South Villazar, Sipocot, Camarines Sur; at Goldstar Emission Testing Center-Vigan sa Poblacion East, San Ildefonso, Ilocos Sur.

Ayon sa DOTr, epektibo ang suspension order sa loob ng 90-araw o tatlong buwan.

“Advisory: The Department of Transportation (DOTr), through its Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), issued a preliminary suspension order (Department Order 2016-017) against the following Private Emission Testing Center (PETC) for falsification of emission test results,” anunsiyo ng DOTr.

Nabatid na napadalhan na ng kopya ng suspension order ang mga naturang PETCs, gayundin ang kanilang Information Technology (IT) Service Provider.

Binalaan din ng DOTr ang naturang IT Service Provider na mahaharap sa suspensiyon kung babalewalain ang kanilang kautusan, at ipagpapatuloy ang pagproseso ng mga data na ipinadadala ng mga suspendidong PETCs sa kanilang tanggapan.

 

Please follow and like us:
Read More

MRT-3 BALIK-OPERASYON NA; 500,000 MANANAKAY INAASAHAN

mrt312

MATAPOS magsara ng isang linggo nitong Holy Week para sa regular na maintenance shutdown, balik operasyon na ang MRT-3.

Dahil dito, inaasahan na ang maayos na pagtakbo ng 17 tren gayundin ang mga bahagi ng riles at ang sistema ng MRT-3 sa kabuuan, ayon sa Department of  Transportation.

Halos kalahating milyong mananakay ang inaasahan araw-araw sa tren at umarangkada na ang 17 tren bandang alas-7:00 ng umaga na dumarating kada anim at kalahating minuto.

Bago matapos ang Abril ay nakatakda naman ang rehabilitasyon ng MRT na popondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Kapag natapos ang rehabilitasyon ay tatakbo na ito ng 60kph at darating sa bawat istasyon tuwing tatlo at kalahating minuto, ayon kay Kiyo Kawabuchi, JICA Senior Representative for the Philippine Office.

Please follow and like us:
Read More

TANDANG SORA INTERSECTION ISASARA NA SA PEB. 23

tandang16

(NI KEVIN COLLANTES)

SIMULA sa Sabado, Pebrero 23, isasarado na ng Department of Transportation (DOTr) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sa daloy ng trapiko ang Tandang Sora Intersection sa Quezon City.

Batay sa MRT-7 traffic advisory, na ipinaskil ng DOTr sa kanilang social media account, layunin ng closure na bigyang-daan ang demolisyon ng Tandang Sora Flyover, para naman sa isinasagawang konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Magiging epektibo ang pagsasara ng Tandang Sora Intersection ganap na 11:00 ng gabi ng Pebrero 23 at magtatagal hanggang sa tuluyan nang matapos ang konstruksiyon ng MRT-7 Tandang Sora Station, sa huling bahagi ng taong 2020.

Bilang resulta, hindi na muna maaaring daanan ang westbound at eastbound lane ng Tandang Sora Flyover at hindi na rin makakatawid pa sa naturang intersection ang mga sasakyang mula sa Tandang Sora Avenue patungong Katipunan Avenue at pabalik.

“The MMDA and the DOTr MRT-7 Project Traffic Management Task Force would like to inform the public of the closure of the Tandang Sora Intersection effective 11:00 PM, February 23, 2019, to give way to the demolition of the Tandang Sora Flyover for the construction of the DOTr MRT Line 7. Tandang Sora Flyover both westbound and eastbound will no longer be passable as the MRT 7 contractor prepares for its demolition,” nakasaad sa naturang paabiso.

Kaugnay nito, pinapayuhan naman ng DOTr ang mga maaapektuhang motorista na patungong Katipunan mula Tandang Sora, na kumanan sa Commonwealth Avenue at mag- U-turn patungong eastbound sa harapan ng Microtel patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga patungo naman ng Tandang Sora mula Katipunan ay maaaring kumanan sa Luzon Avenue at mag- U-turn patungong westbound sa harapan ng Home Depot hanggang sa kanilang patutunguhan.

Inaasahan na rin ang pagkakaroon ng traffic slowdown sa kahabaan ng proyekto, lalo na tuwing peak hours dahil sa konstruksiyon ng MRT-7 Stations, kaya’t umaapela ang DOTr at MMDA sa mga motorista ng full cooperation, pang-unawa, at mas mahabang pasensiya sa pamamagitan nang pag-obserba sa traffic rules at regulations.

Mas makabubuti rin naman umanong umiwas na lamang sa lugar at humanap ng alternatibong ruta ang mga motorista upang hindi maipit sa masikip na daloy ng trapiko.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

PEKENG FP PAGE NG LTO

scam

(NI KEVIN COLLANTES)

PINAG-IINGAT ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko laban sa isang Facebook page na nagpapanggap na pagma-may-ari ng License Division ng Land Transportation Office (LTO).

Batay sa inilabas na advisory ng DOTr, nilinaw nito na peke at ‘scammer’ lamang ang naturang FB account na Land Transportation Office (LTO)-License Division.

“WARNING: This page, “Land Transportation Office License Division,” is not the official account of the Land Transportation Office (LTO). This page is a SCAMMER,” babala pa ng DOTr.

Sa naturang pekeng FB account, tinatawagan ang mga may-ari ng sasakyan na wala pang plaka na makipag-uganayan sa numerong 0949673137 upang mapagkalooban sila ng kaukulang plaka.

Binigyang-diin naman ng DOTr na ang LTO ay hindi nagsasagawa ng business transaction sa pamamagitan ng courier o SMS.

Hindi rin aniya tumatanggap ang LTO ng anumang bayad sa mga transaksiyon sa Smart Padala, kaya’t hindi dapat na magpaloko ang publiko sa mga naturang kawatan.

Pinaalalahanan pa ng DOTr ang publiko na magtungo na lamang sa tanggapan ng LTO kung mayroon silang transaksiyon doon.

“The LTO does not transact business by courier and/or through SMS. The agency also does not accept payment by SMART Padala. Please visit LTO offices for your transactions,” anang DOTr.

Humingi rin naman ng tulong sa publiko ang DOTr na isumbong ang naturang FB page at mga kahalintulad nitong account na naglalayong makapanloko lamang ng kanilang kapwa.

Please follow and like us:
Read More

11 KAWATAN NG RILES, HULI NG PNR

pnr

(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY DOTr)

MAY 11 ‘kawatan’ ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Railways (PNR) matapos na maaktuhang nagbabaklas at nagnanakaw ng mga bakal at iba pang bahagi ng riles sa PNR Carmona Spur Line sa Cavite, nitong Huwebes.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nagpanggap pa bilang trabahador ng Engineering Department ng PNR ang mga hindi pinangalanang suspek upang makapagnakaw.

Naaktuhan naman ito at kaagad na binitbit sa presinto ng mga tauhan ng PNR Civil Security Office and Incident Response team para sa pagsasampa ng kaukulang kaso ng pagnanakaw.

Kaugnay nito, nanindigan ang PNR na tutugisin ang mga indibidwal at grupong mapatutunayang nagnanakaw ng track materials.

Giit ng PNR, ang naturang ilegal na aktibidad ay hindi dapat na ipagwalambahala dahil maaari itong magresulta sa pagkadiskaril ng mga tren at maglalagay sa panganib sa buhay ng kanilang mga mananakay.

Hinikayat din ng PNR ang publiko na iulat ang mga ganitong insidente sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o kahit mismong sa kanilang tanggapan upang kaagad na maaksyunan.

Nabatid na ang ruta ng PNR Carmona-Dela Rosa Line ay nakatakda nang buksan ng PNR ngayong taon.

 

 

Please follow and like us:
Read More

CORRUPT LTFRB EMPLOYEE SIBAK

ltfrb200

(NI KEVIN COLLANTES)

PATULOY ang ginagawang paglilinis ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga corrupt officials sa kanilang mga tanggapan.

Ayon sa DOTr, isang empleyado ng LTFRB ang nasampolan nila at sinibak mula sa serbisyo dahil sa mga ilegal na transaksiyon.

Nabatid na si Richard Vallecer, nakatalaga sa Message Center ng LTFRB, ay isinumbong ng isang franchise applicant dahil sa umano’y pagtanggap ng pera kapalit ng mas mabilis na transaksiyon.

Nagpakita ang aplikante ng dalawang deposit slips na nagkakahalaga ng kabuuang P45,000, na nang beripikahin ay natuklasang idineposito sa account ni Vallecer.

“Additionally, in a meeting with LTFRB Chairman Martin Delgra III, LTFRB Executive Director Samuel Jardin and LTFRB Administrative Officer 4 Jocelyn Reyes, Mr. Vallecer admitted to have received the amounts of PhP15,000, PhP20,000, and PhP25,000 in exchange for facilitation of applications,” anang DOTr.

Sinabi ng DOTr na ang pag-amin ni Vallecer sa multiple illegal transactions ay labag sa Section 3 ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Section 7 (D) ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

Muli namang nagbabala si DOTr Secretary Arthur Tugade na ang sinumang opisyal at empleyado ng  DOTr at kanilang attached agencies na mapapatunayang sangkot sa korapsiyon ay mahaharap sa sanction.

 

 

Please follow and like us:
Read More