UMIWAS SA FAKE NEWS

novel coronavirus

Apela ng DOH sa publiko kaugnay ng kumakalat na virus

UMAPELA ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasang magpakalat o maniwala sa mga maling balita kaugnay sa novel coronavirus.

Kasabay nito ay muling iginiit ng DOH na nananatiling novel coronavirus (2019-nCov) free ang Pilipinas.

Ayon sa abiso ng DOH, kahapon ay wala pang kumpirmadong kaso ng naturang virus sa bansa.

Kasabay nito, pinag-iingat ng ahensya ang publiko sa lahat ng kanilang mga kinakain, partikular na ang mga tinatawag na “exotic food.”

Ang payo ni Health Secretary Francisco Duque III ay sa harap na rin ng mga naglalabasang ulat na maaaring paniki at ahas ang pinagmulan ng 2019 NCoV na namiminsala na ngayon sa iba’t ibang bansa, partikular sa Wuhan, China.

Paglilinaw naman ni Duque, wala pang kumpirmasyon sa naturang mga report ngunit mabuti na aniyang maging maingat ang lahat.

Sa kabilang dako, nanawagan din si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa mga gumagamit ng social media platform tulad ng Facebook at Twitter na huwag magpakalat ng hindi naberipika, nakalilito o mapanlinang na impormasyon patungkol sa coronavirus.

Partikular na pinansin ng alkalde ang ilang “post” sa Facebook na nagsasabing nakapasok na raw ang coronavirus sa Pasay at inilagay sa quarantine ang Pasay City General Hospital.

Sa ulat ni  PCGH Head Dra. Lou Ocampo kay Mayor Calixto-Rubiano, pinabulaanan nito ang kumalat na balita. DAHLIA S. ANIN, DAVE MEDINA

Please follow and like us:
Read More

MARIKINA NAKATUTOK SA PAGSUGPO SA DENGUE

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY ITOH SON)

PINATUTUTUKAN ni Marikina Mayor Marcelino  “Marcy” Teodoro ang nakamamatay na dengue sa kanilang lungsod.

Sa pagbisita ni Mayor Teodoro sa Amang Rodriquez Memorial Medical Center, hiniling nito kay Director, Dr. Imelda Mateo, na ipagkaloob ang lahat na medical attention sa mga pasyente dito kung saan nailista na sa 26.

“I told the director of the hospital to accommodate all dengue patients, even they are not residents of Marikina City,” pahayag Mayor Teodoro. “Also, I told the hospital administrators to take good care of the dengue patients and to strictly monitor their conditions, and to provide all necessary help that they could give.”

Naunang idineklara ng Department of Health (DoH) ang national dengue epidemic matapos maitala sa 146,062 kaso simula Enero taon kasalukuyan saan mahigit anim na raan nang nasawi. Magagamit na ngayon ng mga LGUs ang kanilang Quick Response Fund para kalusugan ng mamamayan.

Bukod sa clean up drive, nagbabahay-bahay ang mga barangay officials at health workers para sa malawakang anti-dengue information campaign.

Please follow and like us:
Read More

GRADE 3 PUPIL PINURGA SA SCHOOL , PATAY, 2 NAOSPITAL

surigaodelnorte1

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG binawian ng buhay ang isang batang babae na mag-aaral habang dalawa pa ang ginagamot sa ospital matapos umanong uminom ng pampurga sa paaralan, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Surigao del Norte.

Kinilala ang biktimang si Rhea Mae  Guibo, grade 3 pupil ng San Isidro Elementary School sa bayan ng Gigaquit, Surigao del Norte at residente ng Purok 5, Barangay Villaflor ng nasabing bayan habang ginagamot naman sa Caraga Regional Hospital Surigao City ang dalawa pang grade 5 pupil ng nasabing paaralan.

Batay sa report ng Police Regional Office (PRO)-13, dumulog sa himpilan ng pulisya ang tiyuhin ni Rhea na si Ruel Guibo, para ipa-blotter ang pagkamatay ng kanyang pamangkin.

Kuwento ni Ruel, umaga pagpasok sa paaralan ng kanyang pamangkin ay pinainom ng pampurgang “Albendazole” pagdating ng pananghalian ay umuwi ito para kumain.

Pero, bigla na lamang siyang uminda ng pagsakit ng kanyang tiyan at pagkawala ng paningin hanggang sa bigla na lang itong bumulagta.

Mabilis naman dinala sa Gigaquit District Hospital si Rhea pero idineklara na rin itong patay ng doktor.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente katuwang ang Department of Health (DoH) Caraga para alamin ang tunay na pangyayari at isasailalim na rin sa otopsiya ang bangkay ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT NG DoH SA HEAT STROKE

heat121

(NI DAHLIA ANIN)

NAGBABALA sa publiko ang Department of Health (DoH) laban sa heat stroke.

Sa panayam kay Health Secretary Francisco Duque III, pinapayuhan niya ang publiko na umiwas muna sa mga aktibidad na gagawin sa ilalim ng napakainit na sikat ng araw dahil maari itong magresulta sa heat exhaustion at pagkatapos ay heat stroke.

Ang pag-inom ng maraming tubig ay isang mabisang paraan upang makaiwas dito. Dagdag pa niya, iwasan muna ang paglabas at paggawa ng mga ehersisyo mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon dahil ito ang pinakamainit na oras sa panahong ito.

Inilahad din ng ahensya ang sintomas ng heatstroke tulad ng pagkahilo, pagsakit ng ulo, mataas na lagnat, mabilis na tibok ng puso at pagkahimatay.

Pinayuhan din ni Duque na magpadala agad sa  inakamalapit na ospital kung sakali makaramdam ng mga ganitong sintomas upang malapatan agad ng lunas bago pa ito magkaroon ng ibang komplikasyon na maaring ikalala nito at ikamatay ng pasyente.

Nagpaalala rin si Duque sa mga pagkain, dahil ngayong tag init ay madaling mapanis ang ilang pagkain kaya siguruhing, maayos at malinis ang pagkakaluto nito at maging maingat sa pagkain kapag nasa labas ng bahay.

 

Please follow and like us:
Read More

DASMARINAS CITY, CAVITE, NANGUNA SA KASO NG DENGUE 

dengue12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NANGUNA ang Dasmarinas City, Cavite sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue sa buong CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon).

Sa ipinalabas na pinakahuling datos ng Department of Health (DoH)-CALABARZON, mula January 1 hanggang March 27, 2019, nagtala ang Dasmarinas City ng 355  kaso sumunod ang Bacoor City (275); Imus City (224)  General Trias City (176); Carmona (120) Silang (100) Trece Martires City (90);Tanza (78); Rosario (78); Gen Mariano Alvarez (78); Naic (77) at Kawit (45).

Naalerto naman si  DoH-CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo sa pagtaas ng kaso ng dengue sa naturang lungsod kung saan ipinag-utos nito  pagpapakalat ng  Regional Vector Control spraymen sa barangay kung saan napaulat na mataas na kaso ng dengue.

“We have deployed Regional Vector Control spraymen to barangays with high incidence of dengue cases and also trained sanitary inspectors and spraymen  and the top 10 municipalities/cities with dengue cases on the preparation and application of insecticides for dengue control such as misting/fogging and residual spraying, for outbreak response,” ayon kay Janairo

Ipinag-utos rin ni Janairo na magsagawa ng pagsasanay ng mga  spraymen  kung papaano ang tamang paraan ng paghalo nang kemikal at tamang oras  ng pag-spray at tamang kasuotan ng mga spraymen upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan laban sa masamang epekto ng mga ginagamit na insecticide.

Target ng DoH ang may 70 participants sa isinasagawang training na tututok sa pagpuksa ng lamok kung saan noong Martes ay nagtapos ang 35 na mga sanitary inspector at spraymen sa isinagawang Training on the Insecticide Application and Introduction of Degue Indoorand Outdoor Residual Spraying.

Hinikayat din ni Janairo ang LGUs  na ipagpatuloy ang pagpapatupad at pagpapalakas  ng Enchance 4S – search and destroy mosquito breeding sites, secure self-protection, seek early consultation at  support fogging/spraying para maiwasan ang pagkalat ng outbreak.

Please follow and like us:
Read More

DRUGS, ORGY: DOKTOR, VARSITY PLAYER HULI SA CONDO

sex22

(NI TJ DELOS REYES)

ARESTADO ang isang doktor ng Department of Health (DoH), isang varsity player ng unibersidad kabilang na ang apat na kasamahan ng mga ito sa isinagawng buy-bust operation ng Philippine Drug Enforecement Agency (PDEA) kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Mandaluyong.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang nadakip na si Dr. Vanjoe De Guzman 44 anyos, nakatalaga sa DOH-NCR, Letran University Student Varsity Keanu Andrea Flores, 21, at music festival organizer Francis Fajardo 26, Mark Echauz 22, Macheal Tan 27 at isang alyas Boy Kulot.

Base sa ulat, dakong 1:00 ng madaling araw nang isagawa ang drug operation sa condominium ng doktor sa M. Domingo St. corner  Guevarra St, Barangay Highway Hills Mandaluyong City.

Lumalabas na halos dalawang buwan din na isinailalaim sa surveillance ang mga suspek bago isagawa ng operasyon. Narekober mula sa mga suspek ang anim na pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P340.000 , anim na ibat ibang uri  ng botelya na pinaniniwalaang liquid ecstasy.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Service (SES) Director Levi Ortiz, si Fajardo ang nagdadala ng party drugs kung saan ang pwesto ni De Guzman ang ginagawa namang drug den.

Sa nakumpiskang mga video footages, makikita si De Guzman na nag-iinject ng shabu.

Napag-alaman na  matapos na gumamit ng droga ang mga nasabing indibidwal ay nagsasagawa sila ng sex orgies base na rin sa mga videos at larawan na narekober sa mga suspek.

Todo tanggi naman si De Guzman at mga kasamahan nito na sila  ay nagbabenta ng droga.

 

Please follow and like us:
Read More

LIBU-LIBONG BATA BABAKUNAHAN SA BULACAN

tigdas

(NI FRANCIS SORIANO)

TINATAYANG sa 42,000 ang tuturukan ng bakuna kontra Tigdas (Oplan-Ligtas Tigdas), mula anim na buwan hanggang limang taon gulang nang mga barangay health workers sa upang maiwasan ang paglobo pa ng sakit na tigdas sa buong lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Gob. Wilhelmino Sy Alvarado,  base sa tala ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), nasa 286 na pinaghihinalaang kaso ng tigdas mula Enero 1 hangang Pebrero 2, 2019 o may katumbas na 3,985 porsyentong pagtaas kumpara sa pito lamang sa kaparehong panahon.

Ang Lungsod ng San Jose del Monte ang may pinakamaraming kaso ng tigdas na may 48 na sinundan ng Baliwag 33, Bocaue na may 32 at sa bayan ng Marilao, 21.

Dahil dito ay hinikayat ni Gob. Alvarado sa harap ng mga doktor, narses, barangay health workers at mother leaders na mabigyan ng bakuna ang mga bata laban sa nasabing sakit at huwag dapat matakot ang mga magulang na mabakunahan ang mga anak o apo dahil ito anya ang pinakamabisang panlaban sa tigdas at iba pang mga sakit tulad ng polio, pertussis, pulmonya at iba pa.

Samantala, sinabi ni Provincial Health Officer Dra. Jocelyn Gomez na nagsagawa na rin ng Ligtas Tigdas Plus ang Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Department of Health kung saan nakapagbakuna ito ng 17,030 na mga bata na nasa edad anim na buwang gulang hanggang limang taon.

Ang tigdas ay isang nakahahawang sakit na naisasalin sa pamamagitan ng mga patak mula sa ilong, bibig at lalamunan ng mga taong maysakit nito.

Karaniwang lumalabas ang mga sintomas 10-12 araw matapos magkaroon ng impeksyon gaya ng mataas na lagnat, sipon, at namumulang mata. Nagkakaroon ng pantal makalipas ang ilan pang araw na nagsisimula sa mukha at kumakalat pababa

Please follow and like us:
Read More

TAUHAN NG BFP NAGLINIS SA MANILA BAY

bf16

(PHOTO BY NORMAN ARAGA)

MGA bumbero naman ang lumahok ngayong Linggo sa isinasagawang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Linggo ng umaga ay umaabot sa 175 bombero ang naglinis ng makasaysayang bay. Gamit ang mga pala, binunot ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Metro Manila ang mga dahon at basurang nakabara sa drainage ng look na sakop ng Pasay.

Tone-toneladang basura na ang nahakotng mga government workers at volunteers mula nang magsimula ang rehabilitasyon ng Manila Bay at mga kalapit na lugar nitong Enero 27.

Nagsimula nang bumuti ang kalidad ng tubig sa lugar pero hindi pa rin ito ligtas upang pagpaliguan, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.

Maaaring abutin ng ilang taon at P47 bilyon ang paglilinis ng Manila Bay, sabi ng ilang eksperto.

Nilagyan din ng Department of Environment and Natural Resources (DEN             R) ng pansamantalang bakod ang baybayin ng Manila Bay upang maiwasang maligo ng publiko. Gayunman, tinanggal ito ng mga pasaway at hindi napigilang maligo sa dagat.

Nagbabala na rin ang Department of Health (DoH) na hindi pa maaaring paliguan ang dagat dahil sa taas ng antas ng coliform na nakita sa tubig nito na lubang delikado sa kalusugan.

 

 

Please follow and like us:
Read More

FIRECRACKER RELATED INJURIES UMAKYAT NA SA 319 – DOH

PAPUTOK-3

SA huling araw ng monitoring ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado, nakapagtala ng 12 bagong biktima ng paputok ang ahensiya kaugnay sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Umabot na sa 319 ang biktima na naitala sa firecracker related injuries na nagsimula ang monitoring noong December 21, 2018.

Ang mga bagong biktima ay mula sa Region 7 na may tatlong biktima, habang dalawa sa Metro Manila, Region 6, Region 10 at tig-isa sa Region 1, 4a at 5.

Ang nasabing bilang ay mas mababa pa rin ng 38 porsyento kung ikukumpara ang mga firecracker related injuries noong 2018 na umabot sa 513 ayon sa DOH.

Please follow and like us:
Read More