MAG-ASAWA, PATAY SA 20-MINUTONG SUNOG  

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI nailigtas ang kanilang buhay ng mag-asawang doktor at nurse nang masunog ang tinutuluyan nilang bahay, Linggo ng madaling-araw sa Calbayog City,  Samar.

Kinilala ang mga namatay na sina Pacifico Maypa, 60, medical doctor, taga Iloilo City at misis nitong si Delie Mae Maypa, 57, nurse, taga Ozamiz City, at kapwa nakatira sa residential building na pag-mamay-ari ng Adventist Hospital sa Barangay P4, San Policarpio, Calbayog City, Samar.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:20 ng madaling araw ng Agosto 31, nang magsimula ang sunog sa tinutuluyang bahay ng mag-asawa.

Kaagad naman sumaklolo ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Calbayog at tuluyan naapula ang apoy bandang alas 4:40 ng madaling madaling araw.

Nang pasukin ang bahay natagpuan ang bangkay ng mag-asawa.

Please follow and like us:
Read More

ACTOR LAGING NASA HOME CLINIC NG BADING NA INTERNIST

hunk

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ALAM mo Tito KC, mukhang masyado ngang health conscious ngayon ang poging male star na may kasamang dentista last week.

May isa pa kasing tsismis, si pogi raw ay dumalaw sa bahay ng isang doctor dahil may clinic din naman iyon sa kanyang bahay. Isang  “internist” ang doctor. Espesyalista sa internal medicine. Inabot din nang magdamag ang check up ng actor sa clinic.

Tinatanong din ng ilan, ano kayang internal organ niya ang kanyang ipina-check. Bading din daw ang internist.

Kung sa bagay mabuti rin naman na nagiging health conscious na ang poging male star ngayon.  At least pinangangalagaan niya ang kanyang kalusugan. Isipin mo nga naman, may asawa na siya at magdadalawa na ang anak niya. Kailangan talaga healthy siya para mas maihanda niya ang kinabukasan ng kanyang mga anak.

Tama ba ako Tito KC?

 

Please follow and like us:
Read More

DOKTOR  NATAGPUANG PATAY SA NAIA T 3

naia3

(NI DAVE MEDINA)

PATAY na nang matagpuan ang  isang lalaking doktor sa Domestic Pre-Departure Area, Terminal 3, Pasay City, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Richard Alexander DL Pareñas, medical doctor, nag-eempleyo bilang Medical Officer III sa Viga District Hospital sa San Vicente, Viga, Catanduanes .

Sa ulat ng mga awtoridad, dakong 8:23 ng umaga nang makita ni John Paul Mortal, building attendant si Pareñas na walang malay sa loob ng  cubicle ng panlalaking comfort room malapit sa FSSCP Domestic Exit.

Agad itong inireport ni Mortal sa security guard na tumawag ng medical team sa NAIA .

Kasalukuyan namang nagsasagawa pa ng proper examination sa katawan ng doktor ang Scene of Crime Operatives upang malaman ang dahilan ng kamatayan ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

SCARF GINAMIT NA PAMBIGTI NG DOKTORA

taguig

(NI ROSE PULGAR)

PATAY ang isang isang doktora matapos na magbigti sa Taguig Martes ng hapon.

Dead on arrival sa Saint Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City ang biktimang si Dra. Therese Narcia Fajardo, 47, nakatira sa #3903 Red Oak Building, Two Serendra ng nabanggit na lugar. Si Fajardo ay medical doctor din sa nabanggit na ospital.

Ayon sa report na natanggap ng hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. Alexander Santos, alas-5:16 nang hapon nang maabutan ang biktima ng kanyang anak na babae na si Sarah Therese sa loob ng banyo ng condo na nakatali ang leeg nito ng kulay green na scarf na nakakonekta sa kurtina at nakabigti.

Kaagad humingi ng tulong si Sarah Therese sa mga nakatalagang guwardya ng Two Serendra upang kalagan ang ina. Agad dinala sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot nang buhay. Iniimbestigahan pa sa ngayon ng pulisya ang dahilan nang pagpapatiwakal ng biktima.

Please follow and like us:
Read More