GASTUSIN SA MGA BIKTIMA NG PLANE CRASH SAGOT NG LION AIR

(NI DAVE MEDINA) TINIYAK ng Lion Air, may-ari ng medical evacuation plane na bumagsak sa resort sa Calamba City, Laguna,  na handa nilang bayaran ang gastusin sa ospital at pagpapalibing sa mga biktima ng aksidente. Gayunman, uunahin umano nilang maibigay sa mga kaanak ang labi ng mga biktima, at mabigyan nang maayos na medical attention ang mga sugatan at nasaktan. “So far right now, we’re managing all of the funeral expenses. The rest of the expenses…corporate will have more answers,” sabi ni Atty. Lester Ople, abogado ng Lion Air sa…

Read More

9 PATAY, 2 SUGATAN SA EROPLANONG BUMAGSAK SA RESORT SA LAGUNA

(NI CYRILL QUILO) (UPDATE) SIYAM ang patay at dalawa ang iniulat na sugatan sa bumagsak na eroplano sa isang private resort sa Barangay Pansol, Calamba, Laguna, nitong Linggo ng hapon. Kinilala ang mga namatay na sina Capt Jesus Hernandez (pilot); First Officer Lino Cruz Jr.(co-pilot); Dr. Garret Garcia – MD; Kirk Eoin Badiola – Nurse;  Yamato Togawa- Nurse; Ryx Gil Laput;  Raymond Bulacja- FM;  Tom Carr- pasyente; Erma Carr – misis ng pasyente samantalang sugatan naman ang dalawang nabagsakan na sina Johan Rey Roca, 19, at Malou Roca, 49. Ayon…

Read More

ZAMBO DEL NORTE NILINDOL

zambo

NIYANIG ng 5.4 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Western Mindanao. Naitala ito kaninang alas-11:11 ng umaga. Natukoy ang epicenter sa layong 22 km hilagang kanluran ng Baliguian, Zamboanga Del Norte. May lalim itong 35 km at tectonic ang pinagmulan. Dahil dito, naramdaman ang sumusunod na intensities: Intensity V – Siocon, Zamboanga del Norte Intensity IV – Zamboanga City; Liloy, Zamboanga del Norte Intensity III – Sindangan & Labason, Zamboanga del Norte Intensity II – Dipolog City; Manukan, Zamboanga del Norte

Read More

FB GAMIT SA TRANSAKSIYON SA DROGA

shabu

SOCIAL media ang gamit ng mga arestadong pusher para makakuha ng parokyano subalit hindi ito dahilan para hindi sila maaresto ng mga pulis sa Dipolog City. Matapos tanggapin ang P500 mula sa mga pulis na nagpanggap na bibili ng shabu, agad inaresto at balik selda ang dating inmate na si Joshua Villarubis, alias Vietcong, matapos ituro ni Van Cliff Martalla. Si Villarubis umano ay dati nang nakulong ngunit nakalaya at bumalik sa pagbebenta ng droga gamit ang ibang strategy sa social media. Gumagamit umano sila ng messenger sa Facebook para…

Read More