SIRANG DIKE BUMIGAY; 2 MAG-UTOL NADAGANAN, PATAY

dike12

(NI JG TUMBADO)

DALAWANG batang lalaki ang nasawi nang madaganan ng gumuhong dike ng flood control project sa Bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya, araw ng Miyerkoles.

Tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga biktima na magkapatid na sina Kevin Jose, 10 anyos at Mike Jhon Yadao, 8, habang nakaligtas naman ang isa pa nilang kapatid na apat na taong gulang na si Justine Sean.

Batay sa naisumiteng report kay Nueva Vizcaya Provincial Police Office (NVPPO) Director Police Lt. Col. Leumar Abugan, naglalaro ang magkakapatid na Yadao malapit sa sirang bahagi ng dike sa Barangay Macate nang bigla itong gumuho at madaganan ang dalawa.

Napag-alaman na katatapos lamang umanong mamulot ang magkakapatid ng tuyong mga tangkay ng puno sa ilog malapit sa dike at sumilong sa sirang pader ng dike para maglaro.

Sinasabing lumambot ang pundasyon at haligi ng dike sa paglipas ng panahon at una na itong nasira noong taong 2017.

Please follow and like us:
Read More