DIAZ, DIDAL NAMUMURO SA 2020 TOKYO OLYMPICS

(NI ANN ENCARNACION)

MALIBAN kina pole vaulter Ernest John Obiena at artistic gymnast na si Carlos Edriel “Caloy” Yulo na pasok na sa 2020 Olympics, namumuro na rin na sumunod sa kanila sina weightlifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal.

Ayon kay Philippine Sports Institute (PSI) chief at Philippine Sports Commission (PSC) National Training Director Marc Edward Velasco, konting tulak na lang ang kailangan  nina Didal at Diaz upang magkuwalipika sa kada apat na taong multi-sports tournament.

“Hidilyn (Diaz) needs to participate in two more international tournament to be assured of a slot, and so with Margie (Dida),” ani Velasco.

Ang 28-anyos na Olympic silver medalist na si Diaz na at Asian gold medalist na si Diaz ay sariwa pa mula sa kanilang gold-medal finish sa katatapos na 30th Southeast Asian Games, na isang Olympic qualifying tournament na may karampatang Olympic qualifying points.

Sa kasalukuyan ay nasa ikalimang puwesto sa International Weightlifting Federation sa women’s 55kg division ang Pinay weightlifter, na nakatakdang sumabak sa Rome World Championships at IWF Asian Championships sa Kazakhstan.

Halos abot-kamay na rin ni Didal ang isang silya sa Olympics matapos mapanalunan ang nakalipas na dalawang international tournaments na isa sa mga daan patungo sa Tokyo.

Sumali na sa Olympic qualifying tournament si Didal subalit nabigong makumpleto ito kaya’t naunsiyami ang kanyang pangarap. Ngunit ngayon ay desidido siyang ituloy ang kanyang inaasam na 2020 Tokyo Olympics.

Please follow and like us:
Read More

DIDAL BACK-TO-BACK CHAMP

(NI ANN ENCARNACION)

HINAKOT ni Margielyn Didal ang dalawang nakatayang korona sa magkahiwalay na sinalihang torneo sa The Netherlands at California bilang pagpapakita ng kanyang kahandaan sa pagsabak sa 30th Southeast Asian Games at mapasama sa 2020 Tokyo Olympics Qualifying Tournament.

Muling ipinakita ni Didal ang husay sa skateboarding na nagbigay sa kanya ng gintong medalya sa 18th Asian Games at 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships nang pagreynahan ang Ladies Day Skate competition sa The Berrics na ginanap sa The Netherlands, at 2019 Exposure All Women’s Skateboarding Championships sa Huntington Beach, California, USA.

Ang Ladies Day Skate competition at The Berrics ang isa sa pinakapopular na skateboarding hub sa mundo na nagsagawa ng dalawang events sa isang araw.

Ang kambal na panalo ay nagpatatag sa hangarin ni Didal at kinabibilangang Skateboarding and Roller Sports Association in the Philippines na makadagdag ng medalya sa darating na 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ang mas magandang balita, makakatulong ang dalawang bagong napanalunang titulo sa kanyang kampanya para sa Olympic ranking competition ngayong Nobyembre 10 sa Rio de Janeiro, Brazil bago siya bumalik sa bansa para sa SEAG na gaganapin sa bagong gawang Skate Park sa Tagaytay.

Please follow and like us:
Read More

WOMEN’S BATTLE AT THE BERRICS: DIDAL, MEANS PAMBATO NG PHL

(NI ANN ENCARNACION)

SASABAK ang mga pambato ng Pilipinas sa skateboarding na sina Margielyn Didal at Christiana Means sa isasagawa sa unang pagkakataon na Women’s Battle At The Berrics na magsisimula sa Oktubre 19 sa Deutschland, Germany.

Napili sina Didal at Means mula sa mga sumali sa buong mundo na nagpadala ng kanilang video footage sa pinakabagong world skateboarding competition.

Ilan sa mga makakalaban ng dalawang Pinay skateboarders, na kapwa naghahangad din na magkuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics, sina Lacey Baker, Leticia Bufoni, Alexis Sablone at Mariah Duran.

Kilala ang Berrics bilang isang pribadong indoor skatepark na binuo ng mga professional skateboarders na sina Steve Berra at Eric Koston at popular ang kanilang “Battle At The Berrics series”. Unang pagkakataon naman na isasagawa ang women’s-focused competition.

Magsasagupa ang pares ng mga kalahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan kada round ay dalawa ang magpapagalingan sa isang H.O.R.S.E.-style game na flat ground skating hanggang hindi na makayanan ng isa na makapagpatuloy.

Ang magwawagi sa unang round ay uusad sa ikalawang yugto para harapin ang isa pang challenger at kapag nanalo ay sasabak na naman sa susunod na edisyon hanggang sa isa na lang matira.

Please follow and like us:
Read More

DIDAL ALANGANIN SA OLYMPICS

Margielyn Didal-2

(NI ANN ENCARNACION)

NANGANGANIB na maagang mapatalsik ang Olympic medal hopeful at 2018 Asian Games gold medalist na si Margielyn Didal makaraang bumaba ang rankings nito sa mga skateboarder sa buong mundo.

Mula sa dating No. 10 ay dumausdos sa ika-13 si Didal, ayon sa World Skateboarding Ranking.
Hindi nakalahok ang 20-anyos na Pinay skateboarder mula Cebu sa 5-star International Skateboarding Open sa Qingfeng, China noong Setyembre 3 hanggang 8 dahil sa kawalan ng panggastos.

Samantala, tumapos lamang siya na pang-15 mula sa kabuuang 20 na nakapasok sa semifinals ng SLS World Championships noong Setyembre 19 – 22 sa Sao Paulo, Brazil.

Nagawa ni Didal okupahan ang ikawalong puwesto pagpasok sa semifinal round ng Women’s Street Skateboarding subalit kinapos sa Olympic qualifying points kaya’t hindi tuluyang nalaglag sa kompetisyon.

Please follow and like us:
Read More