GERALD DEPRESSED SA TINDI NG BASHERS

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ISANG kaibigan ni Gerald Anderson ang nagsabing nade-depress na raw ang actor dahil sa dami ng nagba-bash sa kanya. Isipin mo, sa dinami-dami ng naging syota niyang iniwan, ngayon lang siya nadagukan nang ganyan.

Kasi kung pag-aaralan mo naman, nagsimula iyan sa hindi tamang reaksiyon ng mga tao eh. Nabalita, may nagulat, may nam-bash, aba biglang tumalak na lang ang kampo ni Julia Barretto kasama na ang nanay at pati ang lola. Medyop misguided eh. Siguro kung iyong tatay ang nakialam mas ayos pa eh.

Noong halos tahimik na, tumalak naman ang nanay ni Gerald mismo, eh di tinalakan na naman sila ng mga bashers. Kawawa talaga si Gerald pero ano ang magagawa niya?

 

Please follow and like us:
Read More

2-ORAS HOSTAGE DRAMA: LALAKING DEPRESSED ARESTADO

ARRESTED-3

(NI NICK ECHEVARRIA)

MATAPOS ang tinatayang dalawang oras na negosasyon ng mga nagrespondeng pulis, ligtas na pinakawalan ng hostage taker ang kanyang 12-anyos na biktima sa Boac, Marinduque, nitong Linggo.

Naganap ang insidente bandang alas-8:25 ng gabi sa Brgy. Tampus ng nasabing bayan nang gawing hostage ng suspek na si Trovador Mabitad Buban, 38, ang biktima na kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Boac Municipal Police Station (MPS), alas-6:40 ng gabi nang matanggap nila ang tawag mula sa isang  kahera ng Petron Gasoline Station na nakilalang si Letty Cachombo, kaugnay sa nagaganap na hostage taking.

Agad nagpadala ng kanilang mga tauhan ang Boac MPS para payapain ang hostage taker at makaraan ang tinatayang dalawang oras na negosasyon, ligtas na pinalaya ang biktima habang maayos naman na naaresto ang suspek kasama ang ginamit na armas.

Sa salaysay ng asawa ng suspek sa mga imbestigador ng Boac MPS, dumaranas ng labis na depression ang kanyang mister na nauwi sa hostage taking sa menor de-edad na kanilang kapitbahay.

Isasailalim naman ng Municipal Social Workers Department (MSWD) sa debriefing ang biktima na posibleng na-trauma sa nangyari.

Nahaharap ngayon sa kasong  Serious Illegal Detention, Attempted Homicide kaugnay sa  RA 7610 at paglabag sa  PD 9 na inamyendahan ng  BP 6 ang nadakip na suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

PWD NAGLASLAS GAMIT ANG ITAK, PATAY

crimebolo123

(NI JESSE KABEL)

PATAY na nang madiskubre ang ginawang pagpapakamatay ng isang  33-anyos na babaeng person with disability (PWD) sa dinaranas nitong paghihirap kaya nagpasyang maglaslas ng pulso sa Barangay Calapawan, Dumarao, Capiz, sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report ng Dumarao Municipal Police Station, nagpatiwakal ang   biktima na kinilalang si  Lany Hallarsis ng nasabing lugar dahil sa depresyon.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Dumarao Municipal Police Station iniwan ng kanyang ina na kinilalang si Mila Hallarsis ang biktima para magtungo sa palengke .

Halos himatayin ang ina ng  biktima nang tumambad ang duguang bangkay ng kanyang anak.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na gamit ang isang itak ay nilaslas  ng babae ang kanyang kaliwang pulso hanggang maubusan ng dugo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinasabing, itinakbo pa sa Dumarai Rural Health Unit ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng mga attending physician.

Naniniwala ang pulisya na walang foul play sa pangyayari at sadyang tinakasan lamang ng dalaga ang iniindang sakit.

 

Please follow and like us:
Read More

KELOT KINALASAN NG LIVE-IN PARTNER, NAGBIGTI

suicide

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Pinaniniwalaang matinding kalungkutan at pagkaulila ang dahilan kung bakit kinitil ng isang 36-anyos na lalaki ang sariling buhay matapos matagpuang wala nang buhay sa Purok 1, Barangay Del Carmen, President Roxas, North Cotabato, nitong Linggo.

Kinilala ang nasawi na si Rackie Reginan Alisaje at nakatira din sa nasabing lugar.

Sa ulat ng President Roxas PNP, natagpuan ng kapitbahay ng biktima na nakalambitin ito sa puno ng durian pasado alas 6:00 ng umaga.

Nang makausap ng mga otoridad ang ina ni Alisaje, sinabi nitong isa sa mga posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang anak ay matapos na iwan ito ng kanyang kalive-in dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ilang araw bago nagpakamatay si Alisaje ay tulala na ito at halos hindi na kumakain.

Nagsisiyasat na rin ang pulisya kung may foul play sa pagkamatay nito.

 

Please follow and like us:
Read More

DEPRESSED NA NANAY NAGBIGTI

crime12

(NI ANNIE PINEDA)

DEPRESYON ang nakikitang motibo ng mga anak sa pagsu-suicide ng kanilang ina sa bayan ng Tboli, South Cotabato.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagbibigti ng biktimang kinilala ni P/Maj. Bernie Faldas, hepe ng Tboli PNP, na si Rosita Atam, 43, residente ng Prk. Lugan 3, Barangay Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Ayon sa imbestigasyon, dinatnan ng isang kamag-anak na nakabitin sa grills ng bintana ng kanilang bahay ang biktima.

Bago ito, nagpadala ng text messages ang biktima sa kanyang mga anak na parang nagpapaalam.

Kaya naman nakiusap ang panganay na anak ng biktima sa isang kamag-anak para puntahan ang kanilang nanay at doon na natuklasan ang pagpapatiwakal nito.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulisya ang pangyayari.

 

Please follow and like us:
Read More

THERAPIST TUMALON SA GUSALI NG PGH

crime12

(NI JULIE DUIGAN)

HINALANG depresyon ang dahilan kung bakit ninais na magpatiwakal ang isang 30-anyos na massage therapist makaraang  tumalon sa ikapitong palapag ng gusali ng Philippine General Hospital(PGH) at bumagsak sa roof top ng  ikaapat na palapag  sa annex building , Miyerkoles ng gabi, sa Taft Avenue, Ermita, Manila.

Kinilala ang biktimang si Rico Godoy, ng  5404 M. Curie St. Barangay Palanan, Makati City.

Base sa ulat na isinumite kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:54 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng PGH hospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napagalaman sa kapatid ng biktima na si Catherine na dumaranas umano ng lagnat ang biktima  at dinala nila ito sa Barangay Palanan Health Clinic at binigyan naman ng reseta para sa iinuming gamot, pero ininom ito ng biktima lampas sa dosage na ibinigay sa kanya ng doctor dahilan para  hindi ito maging komportable  at mahirapan sa paghinga.

Ipinasiya umano ng mga kaanak nito na ilipat ang biktima sa St. Claire Hospital kung saan pinayuhan sila na i-confine ang biktima para ma monitor ang kondisyon nito pero tumanggi ang biktima na ma-confine kaya dinala na lamang ito sa bahay ng kanyang kapatid sa Imus, Cavite pero noong sumunod na araw lumala ang kondisyon ng biktima kaya dinala ito sa Our Lady of Pilar Medical Center pero dahil hindi kaya ang gastos ay ini-refer sila sa Philippine General Hospital.

Ini-admit naman  ang biktima kung saan sinabi ni Dra.Vanessa Angelie De La Paz na dumaranas ito ng depresyon.

Miyerkoles ng bandang 8:30 ng gabi matapos ma-interview ang biktima ni De La Paz at paalis na ang doktor nang makita nila na pumunta ng comfort room ang biktima at ini-lock nito ang pinto.

Kinutuban  ang kanyang bayaw na si Redjor Mapano sa posibleng masamang gawin ng biktima kaya niya ito sinundan  at nang buksan ang pinto dito niya nakita ang biktima na tatalon na sa bintana at tinangka niyang hawakan sa kamay ang biktima  pero nakatalon na ito at bumagsak sa roof top ng ikaapt na palapag na  annex building.

Please follow and like us:
Read More

TOMMY: ‘I WAS GETTING VERY DEPRESSED!’

(NI BOY ABUNDA)

boy abunda

KAMAKAILAN ay nagkahiwalay na bilang magkasintahan si Tommy Esguerra at ang modelong si Kelly Day. Tumagal din ng dalawang taon ang naging relasyon ng dalawa.

Sa ngayon ay wala pang bagong kasintahan si Tommy at nasa estado pa umano ang binata ng soul-searching.

“I really needed time away. You know like when you’re so focused on what you’re doing, you almost lose sight of why you are doing it or you lose sight of the perspective of how far you’ve made it, where you’re at in life. I was getting very depressed. This is something I know people don’t talk about or my parents saying I shouldn’t say so much about what I’m going through. Whatever it’s true, it’s real life. I was going through a lot of stuff and I needed a break. My priorities were wrong. I was focusing so much on everything else but myself and what I wanted to do. I lost track of who I was. And when that happens, you’re trying your best but then nothing’s working to make you happy in a relationship. That uneasy feeling is going to come out and is going to affect you. It’s going to affect your relationship. So I had to take a hard look at myself and it’s good,” makahulugang pahayag ni Tommy.

Dumating pa raw sa puntong ayaw nang bumalik ng dating Pinoy Big Brother housemate sa Pilipinas at manirahan na lamang sa Amerika kasama ng pamilya.

“It’s kind of hard not to think about it. Because I got away and I got to relax. It’s like when you’re on vacation and you’re thinking. ‘Can I just live here forever?’ And I was with my family. I got that idea but I also was really excited to come back because I was able to fix myself and come back stronger,” kwento niya.

Huling napanood ang model-actor sa pelikulang ‘Three Words To Forever’ na pinagbidahan nina Sharon Cuneta, Richard Gomez at Kathryn Bernardo noong isang taon. Kung mabibigyang muli ng pagkakataon ay marami pang proyekto ang gustong gawin ni Tommy.

“I want to do acting, I will do it. I wanted to take a break and I did. But I also realized that I’m being blessed with the opportunity that I have. I just have to be able to balance because I need my rocks, things to keep me grounded. So I’m going to do it. I’m going to go try for what I can and join any projects to keep myself active,” pagbabahagi ng binata. -Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

TATAY NAWALAN NG TRABAHO, NAGBARIL SA ULO

crime

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NASA kritikal na kondisyon ang isang 42-anyos na mister nang magbaril  sa sarili matapos magkaroon ng depression nang tanggalin sa trabaho, Lunes ng umaga sa Las Pinas City.

Ang biktima na nakilalang si Kenneth Mirao, ng 14 Dinar St., Camella Homes Subdivision, Barangay Pamplona 3, ay nasa kritikal na kondisyon sa Perpetual Medical Hospital.

Ayon sa pulisya, si Kenneth ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .380 na baril.

Sa pahayag ng anak ng biktima, bago ang insidente ay nasa sala siya samantalang ang kanyang ama naman ay lumabas ng kanilang bahay dakong alas-7:00 ng umaga.

Dagdag pa ng anak ng biktima na bigla na lang itong nakarinig ng putok ng baril kung kaya nagmadali siyang lumabas upang tingnan ang kanyang ama na kalalabas lamang ng kanilang bahay.

Laking gulat ng anak ng biktima nang makitang duguan at nakahundusay sa semento ang kanyang ama.

Agad naman na humingi ng saklolo ang anak ng biktima sa kanyang kapamilya at isinugod sa naturang hospital.

Napag-alaman ng pulisya sa kaanak ng biktima  na  ito ay nagbaril sa sarili dahil dumaranas ng matinding depression  matapos itong tanggalin sa trabaho.

Please follow and like us:
Read More

UTOL SINUNDAN SA HUKAY

suicide

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

ISANG retiradong  manager ng banko ang nagkaroon umano ng depresyon nang mamatay ang kanyang kuya kaya’t nagdesisyon itong sundan sa kabilang-buhay ang kapatid, sa Valenzuela City, nitong Biyernes.

Nadiskubre ang bangkay ni Glenn Brecio Ruiz, 61, ng kanyang pamangkin na si Laarni Jeanne Ruiz, alas-10:00 ng umaga, na nakabitin sa comfort room  ng kanilang bahay sa 35 Sabino Alley Compound, Brgy. Maysan.

Kable ng kuryente na ipinulupot sa leeg ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Kukuha sana ng damit si Laarni sa gilid ng kanilang bahay nang mapansin ang suicide note ng biktima kung saan nakasaad na sa banyo matatagpuan ang kanyang bangkay.

Humahangos na sinabi ni Laarni sa isang tiyahin ang nalaman at inutusan siya nitong humingi ng tulong sa barangay.

Sa  tulong ng mga tanod ay pinuwersa ang pinto ng banyo at bumulaga sa kanila ang bangkay ng biktima.

Diabetic ang biktima at dumanas ng  depresyon  mula nang mamatay ang kanyang kuya.

 

Please follow and like us:
Read More

JODI GUSTONG MAKATULONG SA MGA MAY DEPRESYON

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NANGANGARAP si Jodi Sta. Maria na maging guidance counselor o rehabilitation specialist at magkaroon ng sariling clinic na maaaring makatulong sa mga kababayang nakararanas ng mental problems. Malapit nang makapagtapos ng kursong Bachelor of Science major in Psychology ang aktres sa Southville International School and Colleges sa Las Piñas.

“I’m coming from a place wherein parang I want to be able to use kung ano man ang mga natutunan kong skills and knowledge sa school na magamit ko siya later on in life.  Prayer ko na makapag-put up ako ng small clinic. Para makatulong sa mga tao na nagsa-suffer from depression, anxiety. Magamit ko ‘yung mga natutuna ko sa school para makatulong sa mga tao” pagbabahagi ni Jodi.

Nasa last semester na ngayon si Jodi kaya nagpaplano namang kumuha kaagad ng Master’s degree kapag naka-graduate ng college sa mga susunod na buwan. “Gusto ko talaga siyang idiretso. Sobrang excited talaga ako,” giit ng aktres.

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ng aktres kaya nahihirapang isabay ang mga trabaho sa pag-aaral. Napapanood tuwing gabi sa ABS-CBN ang telesryeng ‘Sino Ang May Sala? Mea Culpa’ na pinagbibidahan ni Jodi. Bukod dito ay ipalalabas na rin sa mga sinehan simula May 8 ang pelikulang ‘Man And Wife’ na pinagbibidahan naman nina Jodi at Gabby Concepcion.

“Kahit pagod na pagod ka sa ginagawa mo pero pagdating sa school, ‘yung nabubuhayan ang dugo ko. Alam kong hindi madali, minsan may moments na umiiyak ako dahil sobrang dami ng kailangan kong gawin, sumasabay sa trabaho, sumasabay sa pagiging nanay ko. Pero alam mo ‘yung ipu-push ko talaga, talagang nagpi-pray na lang ako na, ‘Lord, bigyan mo ako ng lakas, inilagay mo ako rito, tapusin natin ito,’” nakangiting kwento ng aktres. Reports from JCC

Please follow and like us:
Read More

JESSY NAG-OFFER NG TULONG SA MGA DEPRESSED

jessy12

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

ISA si Jessy Mendiola sa mga artistang nakararanas ng pamba-bash sa social media mula sa netizens lalo na noong mabigat pa ang timbang ng aktres. Kahit maganda na ang hubog ng katawan ngayon ay aminado ang dalaga na mayroon pa rin siyang insecurities dito.

“Kaya ako nag-start na maging fit kasi naging positive na rin ‘yung mindset ko. Doon nagsimula ‘yon and I think ‘yung mental health and your emotions will really do a lot with your fitness. Up to now may insecurities pa rin ako but at this point in my life, I’ve finally learned to accept my flaws, which are my thighs.  I’ve finally accepted my body for what it can do, kung ano ang itsura niya, kung ano ‘yung changes na nangyari,” nakangiting pahayag ni Jessy.

Saksi rin ang aktres sa mga mapanirang mga salita na ibinabato ng online bashers sa social media sa iba pang artistang katulad niya. Nagbigay ng mensahe si Jessy para sa lahat ng nakararanas ng pamba-pash sa social media maging artista man o ordinaryong tao.

“Just keep going. There will come a time that you will just look back ang laugh at it. Kasi ako na-experience ko, I’m still experiencing it now. Walang nakakalusot diyan. It turns into depression, and I’ve experienced that, too. Bullying is for the weak. The reason why they bully you, the reason why they criticize you is because they are weak about themselves. They don’t believe in themselves that’s why they have to bully someone else to feel better about themselves. If you are being bullied, if you feel alone, a lot of people are also experiencing what you are experiencing. If you feel alone, just message me through Instagram. I would be glad to talk to you, to help you, just know that you’ll get through this,” makahulugang pahayag ng aktres.

-Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

PULIS BUMIGAY SA DEPRESYON, NAGBARIL

crime100

(NI NILOU DEL CARMEN)

HINDI na nakayanan ng isang pulis ang paghihirap sa dinaranas na mental depression at tinapos nito ang sariling  buhay sa pamamagitan ng pagbabaril sa Bauan, Batangas Lunes ng tanghali.

Isang tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ni PO1 Mandael Manalo, 26, miyembro ng Alitagtag Municipal Station at residente ng Barangay Alagao, Bauan.

Natagpuan ito ng kanilang caretaker na duguang nakahandusay sa kanilang farm dakong alas 11:30 ng tanghali.

Nasa tabi pa nito ang isang kalibre .45 baril na ginamit nito sa pagpapakamatay.

Ayon sa pamilya ng biktima, ilang buwan na ring dumaranas ng matinding depresyon ang biktima pero hindi nila akalain na hahantong ito sa kanyang pagpapatiwakal.

Please follow and like us:
Read More

NADINE: “I JUST WANTED TO KILL MYSELF…”

nadine lustre1

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NAGING kontrobersyal ang biglaang pagpanaw ng nakababatang kapatid na lalaki ni Nadine Lustre magdadalawang taon na ang nakalilipas. Nagbalik-tanaw ang aktres tungkol sa biglaang pagkawala ni Isaiah noong 2017. “I was completely destroyed when my brother passed away. It was super sudden. I was talking to him the day pa before he passed away. I just felt like as his big sister I was blaming myself. Actually the whole family, we were all blaming ourselves. We could have saved him. We could have done something. Or sana I nagged him a bit more to open up to me,” pagbabahagi ni Nadine.

Natuklasan ng aktres na nakaranas ng depresyon ang kapatid na posibleng dahilan ng pagpapakamatay nito. Para kay Nadine ay importante sa pamilya na palaging  nagkakausap-usap at pinakikinggan ang isa’t isa. “He was really going through a lot based on what he was writing down. But he never opened up to us. I think the most important thing you can do to a person na mayroong depression is to talk to them. Just always let them know that you have their backs. Just talk to them all the time. Be a good friend or family. You have to be a good listener. There was pressure. I was really insecure. I had a lot of issues with myself. I didn’t know who I was. I was so lost,” paglalahad ng aktres.

Maging si Nadine ay aminadong nakaranas din ng depresyon noon bago pa man mawala ang kapatid. “I never said this to anyone. I was also a little bit suicidal before. Parang I can’t take it anymore. I just wanted to kill myself,” pagtatapat niya.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng dalaga sa kasintahang si James Reid dahil malaki ang naitulong ng aktor sa kanyang pagkatao. Mula nang naging magkarelasyon ang dalawa ay maraming mga pananaw ni Nadine ang nagbago. “It’s not just because we were in love, he’s also going through things. I think kaming dalawa nagtulungan kami. He would just enlighten me and say, ‘It’s gonna be okay.’ It’s on a different level talaga. I think that’s why maybe I’m blooming because I stopped thinking about it. I stopped stressing out. Before, little thing lang po I would get really stressed,” nakangiting  pahayag ni Nadine. -Reports from JCC-

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAKASYUNISTANG NURSE NAGBIGTI SA KUSINA

suicide

ISANG nurse na umano’y ilang linggo nang balisa at malungkot ang tinapos na ang buhay nang makita itong nakabigti sa Tuguegarao City sa Cagayan.

Wala nang buhay nang makita si Ever Dakelan ng kanyang mga kaanak sa kisame ng kanilang kusina.

Sinabi ng mga kaanak na sa tuwing tatanungin nila ang biktima ay lagi itong nagsasabing wala siyang problema at ‘ok’ lang siya.

Si Dakelan ay nagbabakasyon lamang umano sa bahay ng kanyang pinsan matapos mag-leave sa pinapasukang ospital sa Conner, Apayao.

Please follow and like us:
Read More

COUNSELLING PARA SA MGA TAONG DEPRESSED TUNGKULIN DIN NG SIMBAHAN

DRUMMER

Mag-aalas diyes ng umaga noong Martes, Enero 16, nang magulantang ang mga tao sa Vito Cruz (ngayonpwede ed deleon ay Pablo Ocampo Street na) nang bumagsak mula sa 24th floor ng Cityland Condominium ang isang lalaki. Bumagsak siya sa canopy sa ground floor. Wala namang tinamaang iba. Walang nasaktang iba, pero patay on the spot ang lalaki. Habang nagkakagulo sila sa pangyayari, nagkakagulo na rin ang iba pang mga taong nakasaksi noon sa live streaming sa internet.

Iyong lalaking naka-long sleeves na puti, naka-sunglasses, ay nagbilin pa sa isang tinatawag niyang “Mel” na alagaan ang isang tinutukoy niyang si “Pochito”. Tapos ay sinabi niyang “here we go. Here I go”, sabay talon sa terrace ng building. Siya ay nahulog mula sa 24th  floor ng condo, at habang nahuhulog, hawak pa niya ang cellphone na nagsisilbing camera sa live streaming, kaya kitang-kita ang kanyang pagpapatihulog hanggang sa siguro ay nabitiwan na niya iyon. Kinilabutan ang lahat ng mga nakakita noon.

Lumabas sa imbestigasyon ng Manila Police, na ang lalaki ay si Brian Velasco,41, drummer ng sikat na rock group na Razorback. Noong una, ayaw magdeklara ng suicide ang MPD dahil walang suicide note na nakuha, hanggang sa nakausap nga nila ang kapatid na lalaki ni Brian, na umaming iyon ay nagkakaroon ng depression at nang lumutang na nga ang mga nakakita ng live video.

Dinala ang mga labi ni Brian sa Funeraria Paz sa Paranaque, ayon sa reports, pero humihingi ng privacy ang kanyang pamilya sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

Kasunod noon, bumuhos ang pakikiramay at panghihinayang mula sa mga personalidad sa music industry, ganoon din ang paulit-ulit na paalala na ang DOH ay mayroong tinatawag na Helpline, upang tumulong sa mga taong nakakaranas ng depression.

Hindi lang dapat ang gobyerno. Hindi lang dapat ang DOH ang magkaroon ng counselling para sa mga taong depressed. Palagay namin tungkulin din iyan ng simbahan. May mga simbahan kung saan may mga trained counsellors na humaharap sa mga taong may mga problema, pero bihira pa iyon dahil sinasabi nga nila, hindi naman madaling maghanap ng may kakayahan sa counselling. Pero dapat kumilos na. Now na.

Kailangan ding kumilos iyang mga nasa city engineers’ office. Kailangan nga siguro ang mga safety engineers para tingnan ang safety ng mga condo at iba pang matataas na buildings na ganyan. Kailangan lagyan nila ng harang para maiwasan ang mga ganyang bagay. Hindi iyan first time.

Ilang taon na ang nakararaan, sinasabing “nahulog” doon sa Victoria Towers sa Timog ang male dancer at model na si Benjie Peralta, kapatid ng male star ding si Hiro Peralta. Noon lamang nakaraang taon, nahulog din mula sa isang condo ang isa pang male model na kinilalang si Enrique Dehesa sa Quezon City rin. Sinasabing si Dehesa naman ay nakainom nang mahulog sa bintana sa 9th. floor ng condo ng kanyang girlfriend, kung saan niya binalak na mag-selfie.

Ilang buwan lamang ang nakakaraan, nahulog naman mula sa third level parking sa Greenhills ang sasakyan at biyenang lalaki ni Senador Grace Poe, na kinilalang si Teodoro Llamanzares.

Palagay namin panahon na rin para masigurong iyang mga itinatayong high rise na ganyan ay siguruhing may harang para walang mahulog, at wala na ring makakatalon. Hindi puwedeng counselling lang iyan eh, kailangang gawin natin ang lahat ng posibilidad para ang mga ganyang pangyayari ay hindi na maulit pa. (ED DE LEON)

Please follow and like us:
Read More

NA-DEPRESS, BAHAY SINUNOG, MAG-AMA PATAY

fire

(NI NICK ECHEVARRIA)

PINANINIWALAANG sinadyang sinunog ni Agusto Duque ang kanilang sariling bahay sa Purok 1, Brgy. Cabaloaon, Guinobtan, Albay noong Biyernes ala-1:00 ng madaling araw na kanyang ikinasawi kasama ang kanyang anak na si Bea Mae, 11, at ikinasugat naman ng isa pa na si Abegail, 14.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nagising si Abegail na nagliliyab na ang bubungan ng kanilang bahay na gawa sa light materials, nakuha nitong makaligtas sa nasusunog na tahanan bagama’t nagtamo ng mga paso sa kanyang katawan.

Hindi naman nakaligtas ang kanyang ama at kapatid  na kasamang tinupok ng apoy habang mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang nasunog na bahay.

Pero sa salaysay ng mga kaanak ng mga biktima, posibleng sinadyang sunugin ni Agusto ang kanilang bahay dahil bago pa man mangyari ang insidente, naririnig nilang sinabi nito na wala ng halaga ang kanyang buhay at mas mainam pang wakasan na.

Ayon sa kaanak na si Marilyn Brito y Preconcillo, napansin nila na tila dumaranas ng emotional depression si Agusto na madalang maglalabas ng bahay simula ng umalis ang asawa nito noong November 2018 para magtrabaho sa Maynila.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Municipal Police Station ng Guinobatan para alamin ang pinagmulan at  tunay na sanhi ng na sunog.

Please follow and like us:
Read More

CALL CENTER AGENT NAGSAKSAK SA DIBDIB 

call

(NI Luisa Leigh Niez)

PATAY ang 37-anyos na  call center agent matapos  nitong  saksakin ng kitchen knife ang kanyang kaliwang dibdib  kung saan ay nahagip ang puso nito Huwebes ng  gabi   sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival  sa Diliman Doctors Hospital  ang biktimang kinilalang si  Enrique  Hugo, 37,  may asawa ,  call center employee ng  13 B Fine St.,  Hobart Homes, Brgy. Old Balara, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) , bandang alas 10:00 Huwebes ng gabi nang  marinig ang malakas na sigaw  ng biktima  ng  isa sa kasambahay nito na si  Catrina  Jingo, 33, mula sa ibabang bahagi ng kanilang bahay.

Agad namang pinuntahan ni  Catrina ang pinagmulan ng malakas na sigaw at doon ay nakita nito ang biktimang si Enrique na aktong  nagsaksak  ng kitchen knife sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Ayon kay Dr. Angeles ang biktima ay namatay  sanhi  ng tinamong saksak  sa tapat ng kanyang puso.

Sinabi naman ni Batasan Police Station 6 Commander, PSupt. Joel Villanueva,  na depresyon umano ang sanhi ng pagpapakamatay ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

SUICIDE SA VAN

suicide

(NI LOU DEL CARMEN)

DAHIL umano sa matinding depresyon dulot ng mga problemang pinansyal at pampamilya, nagbaril sa sarili ang isang dating empleyado ng isang food chain sa loob ng van sa Bgy. Coral na Munti, Agoncillo, Batangas nitong bisperas ng Bagong Taon.

Nasawi sa loob ng sasakyan ng kanyang bayaw na pulis ang biktimang si Allan Glen Refomanta, 41, dating HR manager ng isang fastfood chain. Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo mula sa ginamit na kalibre 9mm na baril ang biktima.

Ayon kay PO2 Joseph Alconez, dakong alas- 2:30 ng hapon nang magbaril sa ulo ang biktima habang nakaupo sa driver’s seat ng nakaparadang Toyota Innova van na pag-aari ng bayaw nito na si SPO1 Arnold Magpantay, ng Alitagtag Municipal police station. Baril din umano ng pulis ang ginamit ng biktima na nakuha nito sa center console box ng sasakyan.

Ayon kay Alconez, dumadaan umano sa matinding depresyon ang biktima na natanggal sa kanyang trabaho at nagkaroon pa ng malaking pagkakautang.

Problemado din umano ito sa kanyang asawa na umalis at nagtrabaho sa ibang bansa.

Please follow and like us:
Read More