25 PATAY SA DENGUE SA BULACAN

dengue12

BULACAN – Umabot na sa 25 katao ang namatay mula sa naitalang 10,307 kaso ng dengue sa lalawigang ito, noong taong 2019.

Bilang suporta sa National Zero Waste Month, pinaalalahanan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang publiko sa pamamagitan ng Provincial Health Office-Public Health, na ipagpatuloy ang paglilinis ng kapaligiran upang hindi na dumami pa ang kaso ng dengue sa lalawigan.

Sa pinakahuling datos ng Dengue Surveillance, may 10,307 na hinihinalang kaso ng dengue ang naitala sa iba’t ibang disease reporting units sa Bulacan noong 2019, sa bilang na ito ay 25 na ang namatay, mas mataas ng 41 porsyento kumpara sa 7,312 na kaso sa kaparehong panahon noong 2018.

Sinabi ni Governor Daniel Fernando, kilalang sumusuporta sa mga proyekto at programang pangkapaligiran para sa mas malusog na mga Bulakenyo, naniniwala siyang ang malusog na mamamayan ay produktibong mamamayan, dahilan upang ang kanyang mga Executive Order ay naka-angkla sa Republic Act No. 7160 na naglalaman nang pagpapaigting ng mga batas kontra polusyon gayundin ang pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman.

“Patuloy tayong maglinis ng paligid natin, para sa atin naman ito, lalo ngayon na ang daming kumakalat na sakit. Ang kaso ng dengue sa atin ay pataas hindi pababa kaya magtulungan tayo, maglinis tayo upang wala nang pamahayan ‘yang mga lamok na ‘yan,” ani Fernando.

Idinagdag din niya na ang paggunita ng Zero Waste Month sa unang buwan ng taon ay isang magandang istratehiya upang simulan ang taon nang tama at isang mahalagang paalala na maging maalam hinggil sa pagbabawas ng basura at kahalagahan ng malinis na kapaligiran. (ELOISA SILVERIO)

Please follow and like us:
Read More

1 PULIS PATAY, 77 NAOSPITAL SA DENGUE

(NI AMIHAN SABILLO)

PATAY ang isang kawani ng Philippine National Police (PNP) habang naospital ang 77 pulis makaraang tamaan ng dengue.

Ito ang isiniwalat ni BGen. Joseph Luglug, hepe ng Health Service ng Philippine National Police.

Aniya, isang staff sergeant ang pulis na namatay na nakadestino sa Western Visayas.

Habang ang 24 sa mga pulis na nagka-dengue ay isinugod sa General Hospital sa loob ng Camp Crame, ang 54 iba naman ay naisugod sa iba pang mga ospital sa buong bansa, simula lamang ng buwan ng July hanggang August ngayon taon.

Sinabi naman ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na para maprotektahan ang hanay ng mga pulis mula sa dengue ay regular silang nagsasagwa ng fumigation sa mga kampo.

Matatandaan, na dahil sa tumataas na kaso ng dengue kaya nagdeklara ang Department of Health (DOH) nitong August 6 ng National Dengue Epidemic kung saan mahigit 600 na ang nasawi sa mahigit 100,000 na kaso ng dengue mula January hanggang July 20.

Please follow and like us:
Read More

KIDAPAWAN CITY NASA STATE OF CALAMITY SA DENGUE

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN City — Isinailalim na sa State of Calamity dahil sa dengue

ang lungsod ng Kidapawan City makaraang aprubahan ng Konseho ang rekomendasiyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council na ideklara ang siyudad dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Nabatid na umabot na sa 235% ang pagtaas sa kaso ng nasabing sakit na naitala sa Kidapawan City simula Enero 1- Agosto 21, 2019.

Nasa 686 kaso ng dengue ang naitala sa Kidapawan City kumpara sa 190 sa kaparehong panahon noong 2018.

Lumagpas na sa Dengue Epidemic Threshold ang bilang ng kaso sa 10 barangay ng lungsod na kinabibilangan ng: Poblacion, Birada, Amas, Balindog, Lanao, Sudapin, Manongol, Paco, Magsaysay at Singao.

Dalawa ang naitalang namatay dahil dito sa Poblacion at Barangay Birada.

Dahil sa pagkadeklara sa Sangguniang Panlungsod ng State of Calamity, inaasahang magpapalabas na ng P2.8 milyon na pondo ang CDRRMC.

Gagamitin ang pondo na pambili ng tatlong fogging machines, 300 litro ng Permethrine, Larvaecides at Deltametrine na mga kemikal panlaban sa pagdami ng lamok at Mosquito Repellants.

Nasa bahagi ng Health Services Program Dengue Outbreak Response ng CDMMC ang aksyon kontra dengue.

Pinapayuhan naman ang lahat na sumunod sa kampanya ng pamahalaan para malimitahan ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Councilor Lauro Taynan kung saan napunta ang pondo ng Quick Response Fund dahil wala na umanong magagamit sa state of calamity matapos na noong ikalawang quarter ng taon ay nagdeklara rin sila ng state of calamity dahil sa El Niño.

 

Please follow and like us:
Read More

MARIKINA NAKATUTOK SA PAGSUGPO SA DENGUE

(NI MAC CABREROS/PHOTO BY ITOH SON)

PINATUTUTUKAN ni Marikina Mayor Marcelino  “Marcy” Teodoro ang nakamamatay na dengue sa kanilang lungsod.

Sa pagbisita ni Mayor Teodoro sa Amang Rodriquez Memorial Medical Center, hiniling nito kay Director, Dr. Imelda Mateo, na ipagkaloob ang lahat na medical attention sa mga pasyente dito kung saan nailista na sa 26.

“I told the director of the hospital to accommodate all dengue patients, even they are not residents of Marikina City,” pahayag Mayor Teodoro. “Also, I told the hospital administrators to take good care of the dengue patients and to strictly monitor their conditions, and to provide all necessary help that they could give.”

Naunang idineklara ng Department of Health (DoH) ang national dengue epidemic matapos maitala sa 146,062 kaso simula Enero taon kasalukuyan saan mahigit anim na raan nang nasawi. Magagamit na ngayon ng mga LGUs ang kanilang Quick Response Fund para kalusugan ng mamamayan.

Bukod sa clean up drive, nagbabahay-bahay ang mga barangay officials at health workers para sa malawakang anti-dengue information campaign.

Please follow and like us:
Read More

DENGUE PAANO MAKAMAMATAY?

DENGUE-DEAD

(Ni Edzer Lanuza / Huling labas)

ANG malubhang dengue ay potensyal na may nakamamatay na komplikasyon dahil sa pagtagas ng plasma, pagkaipon ng fluid, kahirapan sa paghinga, matinding pagdurugo at organ impairment.

Nagaganap ang warning signs 3–7 araw matapos ang ­unang mga sintomas  kasabay ng pagbaba ng temperatura (below 38°C/100°F) kasama ang  matinding pananakit ng tiyan;

Tuloy-tuloy na pagsusuka, mabilis na paghinga, pagdurugo ng mga gilagid, pagkapagod, pagkabalisa at may dugo sa suka. Ang susunod na 24–48 oras ng critical stage ay maaaring makamatay.

Kailangan ang tamang pangangalagang medikal sa isang taong nagdurusa sa dengue para maiwasan ang mga komplikasyon at panganib sa kamatayan.

WALANG KARAMPATANG LUNAS SA DENGUE FEVER

Para sa malubhang dengue, ang mararanasang medical care mula sa mga manggagamot at mga nars mula sa mga epekto ng sakit ay maaaring makapagligtas ng buhay.

Maaaring mabawasan ang mortality rates mula sa mahigit  20 porsiyento hanggang sa bumaba sa 1 porsiyento. Ang maintenance sa body fluid volume ng pasyente ay panganib sa matinding pangangalaga sa dengue.

Ang dengue ay may kaugnayan sa Zika Virus, Yellow Fever, West Nile Virus, at Japanese Encephalitis. Maaari itong ma-misdiagnosed sa Chikungunya, Zika Virus o Yellow Fever.

PAG-IWAS SA DENGUE

Ang Pilipinas ay nahaharap sa pagdaluyong ng dengue cases, kung saan mahigit 100,000 dengue cases ang naiulat ng Department of Health (DOH) simula January 1 hanggang June 29, 2019.

Kung saan 85  porsiyento ang itinaas sa mga kaso mula sa nakaraang taon, na may mahigit  450 naiulat na namatay. Idineklara noong July 15 ng Department of Health ang National Dengue Alert.

Hinihimok ang regional DOH offices na magsagawa ng surveillance, case management at outbreak response sa health facilities at hospitals, community at school-based health education campaigns, clean-up drives, at logistics support para sa dengue control.

Ang mga manlalakbay ay kailangang maging maingat at umiwas sa mga kagat ng lamok sa  araw. Gumamit ng mosquito repellent, i-apply ayon sa direksyon ng manufacturer.

Mahalagang magsuot ng neutral-coloured (beige, light grey) na damit. Hangga’t maaari, magsuot ng long-sleeved at breathable garments.

Alisin ang mga water ­container sa paligid ng inyong tinitirhan na pinamumugaran ng mga lamok, at tiyaking sarado ang mga pinto at bintana at ­ayusin ang screens ng mga bintana.

Maglagay muna ng sunscreen sa balat saka sundan ng repellent makalipas ang 20 minuto. Mahalagang magkaroon ng mga kaalaman kaugnay sa insect bite prevention.

Please follow and like us:
Read More

DENGUE PAANO NAISASALIN?

DENGUE-8

(Ni Edzer Lanuza / Ikatlong labas)

ANG Aedes aegypti mosquito ang pangunahing nagdudulot ng dengue. Naipapasa ang virus sa tao sa pamamagitan ng mga kagat ng infected female mosquitoes.

Matapos ang virus incubation sa loob ng 4–10 araw, ang infected mosquito ay may kakayahan nang makapagsalin ng  virus sa kanyang buong buhay.

Ang infected ­symptomatic o asymptomatic humans ang pangunahing tagapagdala at nagpaparami ng virus, ­nagsisilbing pinagmumulan ng  virus para sa uninfected mosquitoes.

Sa mga pasyenteng ­infected ng dengue virus, makakapagsalin na sila ng impeksyon  sa loob ng  4–5 araw;  pinakamatagal ang 12 sa pamamagitan ng Aedes mosquitoes matapos lumitaw ang unang mga sintomas.

Nakatira ang Aedes ­aegypti mosquito sa urban habitats at kadalasang nagpapalahi  sa man-made containers. Hindi katulad sa ibang lamok, ang  Aedes ­aegypti ay day-time feeder.

Ang  peak biting periods nito ay sa umaga at sa gabi, bago magtakipsilim. Kayang mangangagat ng maraming tao ang babaeng Ae. aegypti sa ­panahon ng bawat  feeding period.

Maaari naman silang manatiling tuyot sa loob ng mahigit isang taon sa kanilang breeding habitat at nangingitlog kapag sila ay nagkakaroon ng kontak sa tubigan.

Ang Aedes albopictus, ang pangalawang tagapagdala ng dengue sa  Asya, ay kumalat sa  North America at mahigit  25 mga bansa sa European Region, malawak dahil sa  international trade na ginagamit sa mga gulong.

Ginagawang breeding habitat ng Aedes albopictus ang mga gulong at iba pang mga bagay gaya ng lucky bamboo. Sila ay highly adaptive at kayang mabuhay sa cooler temperate regions.

Nagkalat ang mga lamok na ito dahil sa kakayahang mabuhay sa ilalim ng nagyeyelong temperatura, tulog sila sa panahon ng taglamig, at may kakayahang magkanlong sa microhabitats.

Sintomas ng dengue

Ang dengue fever ay isang malubhang flu-like illness na nakakaapekto sa mga sanggol, young children at  adults, bagaman bihirang pagmulan ito ng kamatayan.

Kung may dengue, maaari kang magkaroon ng mataas na lagnat (40°C/104°F)  na may kasamang dalawa sa sumusunod na mga sintomas:  matinding pananakit ng ulo, likod ng mga mata, muscle at joint pains; pagduduwal, pagsusuka, pamamaga ng  glands o rashes. Nagtatagal ang mga sintomas ng 2–7 days, makalipas ang incubation period ng 4–10 days matapos makagat ng infected mosquito.

Please follow and like us:
Read More

PAGKALAT NG DENGUE

DENGUE-7

(Ni Edzer Lanuza /Ikalawang labas)

BAGO sumapit ang 1970, tanging siyam na bansa lamang ang nakakaranas ng matinding epidemya kaugnay sa  dengue. Ngayon, regular na itong nangyayari sa mahigit  isandaang (100) bansa.

Kadalasang apektado ang World Health Organization regions ng  Africa, sa Americas,  Eastern Mediterranean, South-East Asia at sa Western Pacific. The America, South-East Asia at Western Pacific regions.

Sa ibayo ng America, nagdusa sa dengue ang South-East Asia at Western Pacific kung saan umabot sa 1.2 milyon ang kaso noong 2008 at mahigit  3.34 milyon noong  2016.

Base ito sa official data na ipinasa ng Member States. Ang bilang ng reported cases ay nagpatuloy sa pagtaas. Noong 2015,  2.35 milyong kaso ng dengue ang naiulat sa  America pa lamang kung  saan 10, 200 kaso  ang na- diagnosed dito na may malubhang dengue at pinagmulan ng 1,181 pagkasawi. Sinundan pa ito ng explosive outbreaks ng dengue virus.

Ang  posibleng banta sa  pagdaluyong ng  dengue fever ay nasa Europa dahil sa naiulat na local transmission sa unang pagkakataon sa  France at Croatia noong 2010.

Samantalang ang imported cases ay natunton sa tatlong iba pang European countries. Noong 2012, isang outbreak ng dengue sa Madeira islands of Portugal ang nagresulta ng mahigit 2,000 kaso.

May imported cases din ang natunton  sa mainland Portugal at 10 iba pang  bansa sa Europa. Sa naglalakbay na bumalik mula sa low and middle income countries, ang dengue ang ikalawa sa sanhi ng kanilang paglalagnat kasunod ang malaria.

Sa Delhi, India, naitala ang pinakamalalang outbreak simula 2006 kung saan may 15,000 kaso. Ang Island of Hawaii, United States of America, ay apektado rin ng outbreak na may 181 kaso noong 2015.

Patuloy ang transmission ng dengue virus pagsapit ng 2016. Ang Pacific island countries ng Fiji, Tonga at French Polynesia ay patuloy din sa pamamayagpag sa record cases.

2016, Naglarawan Ng Large Dengue Outbreaks Worldwide

Sa American regions, naiulat ang 2.38 milyong kaso noong 2016, kung saan sa Brazil pa lamang nagkaroon ng 1.5 milyong kaso. Umabot sa 1,032  ang namatay sa dengue base sa ulat.

Nag-ulat naman ang Western Pacific Region ng mahigit 375,000 suspected cases ng dengue noong  2016, kung saan ang Pilipinas ay nakapagtala ng  176, 411 at sa Malaysia 100, 028 cases.

Kahalintulad na pagdurusa sa dengue ang dinaanan ng mga bansang ito sa nakaraang mga taon. Ang Solomon Islands ay nagdeklara ng outbreak dahil sa 7,000 suspected cases.

Sa African Region, nag-ulat ang Burkina Faso ng localized outbreak ng dengue matapos ang 1,061 posibleng mga kaso ng pagkakasakit sa mga mamamayan dito.

Matapos bumaba ang bilang ng mga kaso noong 2017 hanggang 2018, muling tumaas ngayong 2019.  Sa Western Pacific region, dumami ang mga kaso sa Australia, Cambodia, China, Lao PDR, Malaysia, Philippines, Singapore, at Vietnam.

Tinatayang may 500,000 katao na may malalang dengue ang nangangailangan ng hospitalization taun-taon, na may  2.5 kaso ng mga namatay taun-taon.

Gayunpaman, maraming mga bansa ang nabawasan ang case fatality rate hanggang mababa sa  1 porsiyento at sa  buong mundo, 28% porsiyento  ang  ibinaba sa kaso ng mga namatay noong 2010 at 2016.

Please follow and like us:
Read More

DENGUE, ISANG MALAKING PANGANIB SA MUNDO

WORLDWIDE DENGUE

(Ni Edzer Lanuza / Unang labas)

UMABOT na sa 106,630 ang mga kaso ng dengue sa bansa. At ang nakakaalarmang bilang ay posible pang tumaas dahil sa ngayon ay panahon ng tag-ulan.

Sa ulat ng Philippines Integrated Disease Surveillance and Response (PIDSR) system, simula January 1 hanggang June 29,  2019, mayroon ng 456 ang namatay kaugnay sa dengue.

Ang kasalukuyang  kaso ng dengue  ay mas mataas ng 85 porsiyento kaysa  noong 2018.  Subalit ang  Case Fatality Rate (CFR) na 0.43 porsiyento noong  June 2019 ay mas mababa  kaysa noong 2018  na  0.55 porsiyento.

Kaya nagdeklara ang Department of Health (DoH) ng National Dengue Alert noong July 15, 2019. Hinimok na itaas ng regional DoH offices ang dengue surveillance, case management at outbreak response sa pangunahing health facilities at hospitals.

Gayundin pinaiigting ng gobyerno ang mga kampanya kaugnay sa edukasyon sa pangkalusugan sa mga komunidad, paglilinis ng mga kapaligiran, at  surveillance activities.

Nagsasagawa rin ng case investigations, vector control, at logistics support para sa dengue control gaya sa insecticides, RDTs, medicine, at iba kaugnay sa  Advisory on Dengue Preparedness and Outbreak Response.

Itinaas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang code blue alert, para buhayin ang national Health Cluster, sa pangunguna ng DoH.

Ayon sa DOH, sa median age na 12 years, ang pinakaapektadong age group sa dengue cases ay  5-9 years old   na may 23%. Gayundin ang affected age group sa dengue deaths ay 5-9 years  old  na 39%.

Samantalang ang majority sa dengue cases ay  buhat sa mga lalaki  na may 53%, pero ang majority ng dengue deaths ay nagmula sa babae na may 52%.

Ang pinakaapektadong mga rehiyon ay  II, IVA, V, VI, VII, VIII, IX, II, BARMM at NCR. Iloilo, Capiz, Aklan, Antique at Guimaras provinces  sa Region VI kung saan nagdeklara ng out-break.

Marami sa munisipalidad dito ang humingi ng tulong sa gobyerno para sa idineklarang state of calamity  nang sa gayon, makakuha ng access  sa emergency funding sa pag- mobilise sa dagdag na resources.

BUONG MUNDO APEKTADO SA DENGUE

Ang dengue ay isang mosquito-borne viral disease na mabilis na kumakalat sa lahat ng rehiyon, ayon sa World Health Organization.

Naisasalin ang dengue virus sa pamamagitan ng female mosquitoes pangunahin ang species Aedes aegypti at Ae. albopictus. Nagdadala rin ang lamok ng chikungunya, yellow fever at Zika infection.

Ang saklaw ng dengue ay kapansin-pansing lumalaki sa buong mundo sa nakaraang mga dekada. Karamihan sa mga kaso ay asymptomatic , o  walang ipinapakitang mga sintomas.

Kadalasan din sa actual numbers ng dengue cases ay under reported at  marami sa mga kaso ay misclassified. Ayon sa WHO, tinatayang may 390 million dengue infections per year.

Sa ulat ,  95% ang credible interval ng 284–528 million, kung saan sa 96 million (67–136 million) naipahahayag clinically sa actual patients na may kalalaan sa sakit.

Isa pa sa pag-aaral sa paglaganap ng dengue, kung saan tinatayang 3.9 billion katao, mula sa 128 mga bansa, ang nanganganib sa pagkakaroon at impeksyon sa dengue viruses.

Regular na nag-uulat ang mga kasaping bansa sa  tatlong WHO regions para sa annual number ng mga kaso ng dengue. Tumaas mula 2.2 million noong 2010 hanggang sa mahigit  3.34 million noong 2016.

Bagaman ang full global burden sa  sakit ay di tiyak, ang pagsisimula sa activities sa pagtatala sa lahat ng dengue cases ay nangangahulugang mataas ang mga kaso noong 2018.

Please follow and like us:
Read More

BATANG MAY DENGUE DINALA SA ALBULARYO, PATAY

bacolod city12

(NI ANNIE PINEDA)

SA pag-aakalang maligno ang may kagagawan sa madalas na paglalagnat ng apat na taong gulang na paslit na babae ay dinala ito ng kanyang mga magulang sa albularyo para ipatawas sa Bacolod City.

Subalit ilang araw lang ay binawian ng buhay ang bata at lumabas sa kanyang katawan ang mga sintomas ng sakit na dengue.

Ang hindi na pinangalanang paslit ay mula sa Barangay Mansilingan at pinakahuling nadagdag sa mga namatay dahil sa dengue sa Bacolod ngayong taon na umabot na sa apat.

Batay sa datos mula sa Bacolod City Health Office, namatay ang bata nitong Hulyo 5.

Ayon sa ulat, tatlong araw na umanong nilalagnat ang biktima kaya’t dinala ito ng kanyang mga magulang sa albularyo para ipatawas sa pag-aakalang nabati ito ng mga engkanto. Ngunit lalong lumala ang lagnat ng bata hanggang magkumbulsiyon ito kaya dinala na ng mga magulang sa ospital.

Gayunman, hindi na naisalba ang biktima dahil malala na ito.

Ayon sa mga awtoridad, mula Enero 1 hanggang Hulyo 6 ng taong ito, umabot na sa 561 ang kabuuang dengue cases sa siyudad.

Ito ay mas mataas ng 57 percent kumpara sa 353 cases na narekord sa parehong period nakaraang taon kung saan tatlo ang patay.

Mula sa 61 barangay sa lungsod, ang Estefania pa rin ang may pinakamaraming kaso na umabot sa 67, sinusundan ng Tangub at Pahanocoy na may tig-39, habang pangatlo naman ang Taculing na may 38.

Please follow and like us:
Read More

PAULEEN MAY PHOBIA  NA SA DENGUE

poleng12

(NI GORGY RULA)

MEDYO okay na ang pakiramdam ni Pauleen Luna nang naka-text namin noong kamakalawa lang dahil nawawala na raw ang lagnat niya.

Isang linggo rin kasi siyang hindi nakapag-Eat Bulaga dahil sa on and off ang lagnat niya na napakataas pa naman.
Ipinost nga ni Pauleen sa kanyang Instagram account na magpa-blood test siya dahil sa inabot ng 40 degrees ang lagnat niya.

Ang kinatatakutan niya ay baka Dengue na naman ito na pag nagkataon bale pangatlong Dengue na niya ito.

Muntik-muntikan na nga siya sa pangalawa niyang Dengue na iyak nang iyak na ang Mommy niya sa akin.

Sabi ni Pauleen, mas fatal daw ang pangatlong Dengue kaya idinadasal niyang huwag naman sana. Para matiyak lang magpapa-blood test daw siya uli nung
kamakalawa lang, at sana hindi na raw bumalik ang lagnat niya.

Ang isa kasi sa kinaiinisan niya, hindi na raw niya maasikaso ang mag-ama niyang sina Vic at Talitha kaya idinadasal niyang gumaling na siya.

Ang isa pang gusto na ring tumulong si Pauleen sa pagpili ng magandang material na isa-submit ni Vic para sa Metro Manila Film Festival.

Gusto ni Bossing Vic na sumali pero naghahanap daw siya ng magandang material na kakaiba at never pa niya nagawa noon. “Sa kasalukuyan eh may mga pini-pitch sa akin na mga konsepto. Nagdidesisyon pa kami ng mga konsepto kung ano ang aming gagawin. It has to be different kasi  sa huli kong ginawa, sa iba kong nagawa. Dapat iba naman. Parang Pasig lang yan, iba naman,” napapangiti niyang pahayag nang nakapanayam namin kamakailan lang.

Please follow and like us:
Read More

DASMARINAS CITY, CAVITE, NANGUNA SA KASO NG DENGUE 

dengue12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NANGUNA ang Dasmarinas City, Cavite sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue sa buong CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon).

Sa ipinalabas na pinakahuling datos ng Department of Health (DoH)-CALABARZON, mula January 1 hanggang March 27, 2019, nagtala ang Dasmarinas City ng 355  kaso sumunod ang Bacoor City (275); Imus City (224)  General Trias City (176); Carmona (120) Silang (100) Trece Martires City (90);Tanza (78); Rosario (78); Gen Mariano Alvarez (78); Naic (77) at Kawit (45).

Naalerto naman si  DoH-CALABARZON Regional Director Eduardo Janairo sa pagtaas ng kaso ng dengue sa naturang lungsod kung saan ipinag-utos nito  pagpapakalat ng  Regional Vector Control spraymen sa barangay kung saan napaulat na mataas na kaso ng dengue.

“We have deployed Regional Vector Control spraymen to barangays with high incidence of dengue cases and also trained sanitary inspectors and spraymen  and the top 10 municipalities/cities with dengue cases on the preparation and application of insecticides for dengue control such as misting/fogging and residual spraying, for outbreak response,” ayon kay Janairo

Ipinag-utos rin ni Janairo na magsagawa ng pagsasanay ng mga  spraymen  kung papaano ang tamang paraan ng paghalo nang kemikal at tamang oras  ng pag-spray at tamang kasuotan ng mga spraymen upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan laban sa masamang epekto ng mga ginagamit na insecticide.

Target ng DoH ang may 70 participants sa isinasagawang training na tututok sa pagpuksa ng lamok kung saan noong Martes ay nagtapos ang 35 na mga sanitary inspector at spraymen sa isinagawang Training on the Insecticide Application and Introduction of Degue Indoorand Outdoor Residual Spraying.

Hinikayat din ni Janairo ang LGUs  na ipagpatuloy ang pagpapatupad at pagpapalakas  ng Enchance 4S – search and destroy mosquito breeding sites, secure self-protection, seek early consultation at  support fogging/spraying para maiwasan ang pagkalat ng outbreak.

Please follow and like us:
Read More

280% ITINAAS SA KASO NG DENGUE SA NORTH COTABATO

dengue12

(NI BONG PAULO)

SUMAMPA ngayon sa lima katao ang patay dahil sa sakit na dengue sa Rehiyon 12, tatlo rito ay mula sa North Cotabato.

Umabot naman sa 3,211 na kaso ng dengue ang naitala ng Department of Health (DoH) Region 12 , batay sa report ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU.

Ito ay ayon kay DoH-Center for Health and Development Dr. Imelda Quiñones sa isinagawang press conference, nitong Sabado, sa Kidapawan City.

Karamihan sa mga nagkakasakit ng dengue ay mga kabataan at mga sanggol.

Sa nasabing bilang, lima ang naiulat na nasawi  kung saan tatlo rito ay mula sa North Cotabato, partikular sa Kidapawan City-1, Libungan-1 at isa din sa Makilala, isa sa Malapatan, Sarangani province at isa sa Tampakan sa South Cotabato.

Ipinaliwanag naman ni Quinoñes na may tatlong uri ng dengue ito ay ang without warning signs, with warning signs at severe dengue.

Inihayag naman ni North Cotabato Integrated Provincial Health Office Head Dra. Eva Rabaya na umaabot sa 1,162 na kaso ng dengue ang naitala mula buwan ng Enero hanggang sa unang bahagi ng buwan ng Marso.

Sinabi ni Rabaya na nasa 306 lamang na kaso ng dengue ang kanilang naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Ibig sabihin nasa 280% ang itinaas ng kaso ng dengue sa probinsiya.

Dahil dito pinakikilos na ni Dra. Rabaya ang mga health workers at partners sa 17 mga bayan at isang lungsod sa probinsiya para na mapuksa ang kaso ng dengue.

Please follow and like us:
Read More