DALAGANG STAFF NG TMC BINARIL NG TANDEM

crimeshooting

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY-Inaalam pa ng  Digos City Police Office (DCPO) kung ano ang motibo sa pamamaril at pagpatay sa isang babaeng staff ng Traffic Management Center (TMC), alas 12:00 ng tanghali nitong Miyerkoles.

Batay sa ulat ng DCPO, kinilala ang biktima na si Angelica Lasaga, 23, dalaga, ng Sulop, Davao del Sur.

Galing sa pananghalian ang biktima kasama ang babaeng kaibigan nang barilin habang nakasakay ng traysikel pabalik sa kanilang opisina sa likod ng terminal sa Brgy. Aplaya ng lungsod.

Kabababa lang ng biktima sa entradang parte ng terminal nang biglang paputukan ng mga suspek.

Agad bumulagta ang biktima at binawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa leeg at dibdib.

Binaril ang biktima malapit lamang sa police outpost ngunit nagawa pa ng mga kriminal ang makatakas.

Naaalarma na ang mga residente sa lugar matapos ang sunud-sunod na kasong pamamaslang ngunit wala ni isang suspek sa riding in tandem ang naaresto ng pulisya.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-INA KINATAY NG KALAGUYO SA SELOS

crime34

(NI JG TUMBADO)

DAHIL sa matinding selos ng isang lalaki  kaya’t nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay nito ang isang mag-ina na kanyang kapitbahay sa Davao City.

Sa presinto na nahimasmasan at sising sisi ang 37-anyos na suspek na si Renuel Habillo, dahil sa nagawa nitong karumal- dumal na krimen at handa umanong pagbayaran ito.

Nabatid sa inisyal na report ng pulisya, ang suspek at ang biktima na nakilalang si Evelyn Lapera ay may limang buwan nang lihim na relasyon.

Sinabi ni Davao City Police Office (DCPO) chief Col. Kirby John Kraft, matinding selos ng suspek ang dahilan ng brutal na pagpatay sa biktima at kanyang 11-anyos na anak na babae na si Joy.

Inabutan ng suspek na may kasamang lalaking kainuman na ka-trabaho ng biktima sa labas ng bahay ng huli.

Dito na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa makakuha ng itak si Habillo at pinagtataga ng ilang beses ang biktima gayundin din ang anak nito na naglalaro lamang sa labas ng bahay.

Mahal na mahal umano ni Habillo ang biktima at ayaw niya umano itong mawala sa kanya.

Nahaharap si Habillo ng two counts of murder kaugnay sa krimen.

Please follow and like us:
Read More

NAGWALA SA EROPLANO; PASAHERO KULONG SA BOMB JOKE

(NI FROILAN MORALLOS)

HINULI ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation group ang isang pasahero na nagwala sa loob ng eroplano dahilan upang mag-panic ang mga nasa loob nito at mabalam ang biyahe ng isang oras.

Kinilala ang suspek ng mga tauhan ng PNP Avesegrp na isang Ramon Barrios, pasahero papuntang Cebu.

Batay sa report, nangyari ang insidente bandang alas 9:47 kahapon ng umaga sa runway ng Davao International Airport bago mag-take off ang flight. Biglang nagwala si Barrios sa hindi malaman na dahilan.

Agad na pinigil ng pilot ang pag-take off, at pinababa ang lahat ng mga pasahero, crew at maging ang mga bagahe upang halungkatin ang kinaroroonan ng bomba.

Makaraan ang ilang minuto, sa isinagawang inspeksiyon ng mga tauhan ng PNP sa tulong ng sniffing dogs sa bawat bagahe , walang nakitang bomba, bagkus abala ang naging dulot nito.

Ang flight GAP 2364 ay dapat makaalis dakong alas 9:47 kahapon ng  umaga sa Davao International Airport, ngunit dahil sa idinulot na gulo ni Barrios, delayed ito ng mahigit sa isang oras bago makaalis.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), si Barrios ay sasampahan ng kasong kriminal sa korte dahil ang bomb joke, isang criminal offense, na may kaakibat na pagkulong at maging civil liability .

 

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY SA LANDSLIDE SA DAVAO

(NI AMIHAN SABILLO)

PATAY ang dalawa katao makaraang tamaan ng intensity 6 na lindol sa Davao Del Sur, Sabado ng umaga.

Ayon kay Mark Timbal, spokesperson ng National Disaster Risk Reduction and Mangement Council (NDRRMC), ala-1:00 ng umaga niya natanggap ang report na nadaganan ng lupa ang mga kabahayan sa ibaba ng bundok sa munisipalidad ng Magsagsay.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ni Timbal ang pagkakilanlan at edad ng dalawa.

Sinabi na maliban sa 2 patay, 18 naman ang injured o nasugatan dahil sa landslide sa Brgy. Poblacion at San Isidro.

Inaalam  pa rin  ang kabuuang bilang ng mga bahay na nasira sa magsaysay.

Patuloy din ang clearing operations sa lugar.

Please follow and like us:
Read More

5.3 LINDOL YUMANIG SA DAVAO ORIENTAL

ISA na namang 5.3-magnitude earthquake ang yumanig sa Davao Oriental, Huwebes ng umaga, ilang oras matapos yanigin ng 6.3 magnitude ang ilang bahagi ng Mindanao, Miyerkoles ng gabi.

Bandang alas-4:53 ng umaga nang maganap ang lindol sa 120 kilometers northeast ng Manay town.

Naitala rin ang intensity 3 sa Alabel, Sarangani, intensity 2 sa Tupi at General Santos City sa South Cotabato, at intensity 1 sa Kiamba, Sarangani.

Sinabi ng Phivolcs na ang lindol ay hindi aftershock ng naunang liondol na tumama sa Tulunan, North Cotabato, Miyerkoles ng gabi.

Hindi inaasahang lilikha ng pinsala ang lindol ngunit inaasahan ang mga aftershock.

Ang lindol sa North Cotabato ay naramdaman sa ilang bahagi ng Mindanao at nag-iwan ng apat na kataong patay at higit sa 30 sugatan.

 

Please follow and like us:
Read More

COTABATO, DAVAO NIYANIG NG LINDOL

phivolcs lindol12

(NI DAHLIA S. ANIN)

ISANG 4.6 magnitude na lindol ang tumama bandang alas 7:55 ng Martes ng umaga sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Tulunan, Cotabato.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 12 kilometro.

Naitala naman ang Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato.

Wala namang naitalang pinsala sa nasabing lindol, ngunit, ang mga estudyante sa Kidapawan Citu National High School- Lanao Extension ay naglabasan sa kanilang silid aralan matapos maramdaman ang lindol. Pinag-iingat ang mga residente dahil sa posibleng pagkakaroon ng aftershocks.

Samantala, niyanig din ng isang 4.2 magnitude na lindol ang Davao Occidental bandang alas 9:37 ng umaga.

Ayon sa PhiVolcs, naitala ang epicenter nito sa 126 kilometro TimogSilangan ng munisipalidad ng Jose Abad Santos.

Tectonic din ang sanhi ng lindol na may lalim na 33 kilometro.

Wala namang naitalang pinsala sa lugar dahil sa lindol.

Please follow and like us:
Read More

KUYA PINASLANG NI BUNSO SA AWAY-LUPA

crimeshooting

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY- Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng isang magsasaka matapos mapatay ng kanyang bunsong kapatid na lalaki sa Purok Jacinto, Barangay Coronobe, Maragusan, Compostela Valley, Biyernes ng gabi.

Nakilala ang biktima na isang Marjun Lumikid Magkidong, 32, binata, habang ang suspek ay kinilala na isang Sannyboy Lumikid Magkidong, 30, pawang mga residente ng lugar.

Ayon sa ulat ng Compostela Valley Police Provincial Office, napag-alaman na rumesponde pa ang mga personahe ng Maragusan Emergency Response Team (MERT) sa Maragusan Municipal Police Station upang ipaalam ang nangyari.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nakipag-inuman ang suspek sa bahay ng kanyang tiyuhin ngunit pumunta ito sa bahay ng kanyang tiyahin kung saan kinuha nito ang isang homemade shotgun na nakalagay sa kwarto.

Ayon sa mga otoridad galit na galit na ang suspek na sumugod sa bahay ng biktima na kapatid nito at nag-huhurumentado habang sumisigaw na lumabas ito sa kanyang bahay.

Dagdag ng pulisya na hindi nagtagal ay lumabas ang nakatatandang kapatid at nilapitan ang suspek ngunit sinapak ito ng bunso sa kaliwang parte ng tiyan sabay sa pagbaril sa tuhod ni Marjun.

Pagkatapos ng krimen ay agad na umalis ang suspek papuntang Purok Mandayan kung saan sumuko kay Purok Leader Nolan Subayno sa Barangay Coronobe.

Dinala pa umano ang biktima sa Compostela Valley Provincial Hospital-Maragusan ngunit ideneklarang dead on arrival na ito.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad sa crime scene ngunit tanging homemade shotgun na ginamit ng suspek sa pagpatay ang narekober.

Ayon sa mga otoridad away sa lupa ang naging motibo ng krimen.

Nakakulong ngayon sa Maragusan Municipal Police Station ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

VENDETTA SINISILIP SA PINATAY NA MANAGER NG INVESTMENT FIRM

(NI ORLANDO B. DINOY)

DAVAO CITY- Posible umanong paghihiganti  ang nakikitang anggulo sa krimen matapos na mamatay sa pamamaril ang isang manager ng real estate broker at negosyante noong Lunes ng hapon, sa Purok 3, Peñano Street, Calinan.

Ang biktima ay kinilalang si Elizabeth Lanticse Mantalaba, 29, manager at franchisee ng RTM Investment scheme sa Panabo City.

Dead on the spot ang biktima matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang pasakay na sa kanyang Toyota Hilux na nakapark sa Peñano Street.

Isa sa mga tinintingnang motibo ng mga otoridad ang personal na atraso ng biktima. Tatlong mga basyo ng bala ng isang kalibre .45 na baril ang narekober ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives sa pinangyarihan ng pamamaril.

 

Please follow and like us:
Read More

INDON PUMUSLIT SA PINAS,  ARESTADO

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY–Inaresto ng mga otoridad ang isang Indonesian national sa Glan, Sarangani Province noong Lunes, matapos madiskubre na wala itong mga dokumento sa pagpasok sa bansa.

Ayon kay Police Col. Teody Condesa, tagapagsalita ng Sarangani Provincial Police Office, ang Indonesian national na si Jeffrey Masua ay sinita ng mga otoridad dahil wala itong maipakitang mga papeles at sinasabing dumaan pa sa backdoor ng Malaysia, Indonesia, Balut Island at papuntang Glan, Sarangani.

Si Masua nangingisda sa kanilang lugar.

Nasa kustodiya na ng Glan PNP ang naarestong Indonesian national at nakatakdang sampahan ng reklamo sa immigration law sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Dagdag ni Condesa na mahigpit ang kanilang ipinatutupad na seguridad sa border ng Glan lalo pa’t dito maraming banyaga ang dumadaan sa backdoor ng Pilipinas.

 

Please follow and like us:
Read More

DAVAO OCCIDENTAL, NIYANIG NG 6.4 LINDOL

LINDOL-2

(NI JEDI PIA REYES)

NIYANIG ng magnitude 6.4 na lindol ang Davao Occidental na naramdaman sa maraming lugar sa Mindanao, umaga ng Linggo.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-10:02 ng umaga nang maitala ang pagyanig sa layong 130 kilometro ng bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

May lalim na 60 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.

Naitala ng Phivolcs ang Intensity IV sa General Santos City habang Intensity III sa Tampakan, South Cotabato; Kidapawan City; Makilala, at Magpet, Cotabato; Davao City; Magsaysay, at Sta. Cruz, Davao del Sur; Panabo City; Gingoog City, at Magsaysay, Misamis Oriental; Damulog, at Kalilangan, Bukidnon.

Naramdaman naman ang Intensity II sa Cagayan de Oro City; Balingasag, Jasaan, at Villanueva, Misamis Oriental; Kabacan, M’lang, at Tulunan, Cotabato; Columbio at Tacurong City, Sultan Kudarat

Hindi na inaasahan ng Phivolcs na magdudulot ng pinsala ang lindol ngunit nakapagtala na ng ilang aftershocks.

Samantala, lumikas naman ang mga residente ng residential unit sa Davao City dahil sa naramdamang malakas na pagyanig.

Ramdan din sa bayan ng Malita, Davao Occidental ang lindol kaya’t magsasagawa ng assessment ng pinsala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ruon.

Please follow and like us:
Read More

BOARD MEMBER NA OPERATOR NG KAPA, ARESTADO

kapa12

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY, Davao del Sur – Inaresto ng National Bureau of Investigation 11 ang Board Member ng Davao del Sur na operator ng Kabus Padatuon o KAPA Community Ministry International Incorporated sa Digos City, Ramon Magsaysay, Davao del Sur, kaninang umaga.

Kinilala ang inaresto na si Davao del Sur Board Member Arvin Malaza o mas kilala bilang Jun Blanco.

Ito ay may kaugnayan sa pagbabalik operasyon ng Kapa Community Ministry International Inc. sa Digos City branch kung saan umano’y nagsisilbing media relations officer si Blanco.

Kasabay na inaresto ang tatlong empleyado na naaktuhan ng mga otoridad.

Hulyo ng taong ito nang ipinatigil ng gobyerno ang operasyon ng lahat ng investment firms sa buong bansa.

Noong Setyembre 2, nagpatawag ng orientation ang KAPA sa kanilang mga miyembro sa lahat ng branches sa planong pagbabalik ng operasyon nito.

Sa isang panayam, itinanggi ni Blanco na nagbalik na ang kanilang operasyon at ang tatlong mga tauhan nito na naaresto ay hindi nagtransaksiyon sa KAPA bagkus sila ay mga kawani ng himpilan ng radyo na pinamamahalaan ni Blanco.

Please follow and like us:
Read More

4 PATAY, 16 SUGATAN SA SALPUKAN NG BUS, WING VAN

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY–Apat na ang naitalang namatay habang nasa 16 ang sugatan matapos ang banggaan ng isang pampasaherong bus at isang wing van sa Binugao, Toril nitong lungsod, pasado alas- 3:00 ng hapon, Martes, Setyembre 10.

Ayon sa Toril Police Station, isang Mindanao Star Bus na lulan ang maraming pasahero at wing van na puno ng kargamento ang nagsalpukan.

Wasak ang kabilang bahagi ng dingding ng wing van matapos pumasok sa driver side ng bus at dahilan upang masugatan ang mga pasahero.

Agad binawian ng buhay ang pasaherong si Judy Mejares, 50, habang sa Southern Philippine Medical Center (SPMC) naman binawian ng buhay ang mga pasaherong sina Theresa Gonzales, at mag-asawang Julieta, 53 at Rodrigo Tulin.

Napag-alaman na mayroong 21 pasahero ang bus galing sa North Cotabato at papunta sa Ecoland Terminal dito sa lungsod nang mangyari ang sakuna.

Napag-alaman na nakalabas na kahapon ng umaga ang 11 biktima ngunit nasa operating room pa ang ilan sa kanila.

Kabilang sa mga naiwan sa pagamutan ang 37-anyos na drayber ng bus na si Andro Saiden Abdulwahab; Jeffrey Abarquez, 29; Lizel Ramos, 25; Lucresia Gomez, 74; Patrocenia Gomez, 81; Dorotea Masangay, 81; at Emediline Masangay, 51.

Isa umanong retiradong sundalo ang namatay na si Rodrigo Tulin habang ang asawa nitong si Julieta ay kawani ng Department of Social Welfare and Development sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley Province, na pauwi na sa kanilang lugar galing sa Midsayap, North Cotabato.

Patuloy na ino-obserbahan sa SPMC ang natitirang mga biktima habang patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa malagim na trahedya.

 

Please follow and like us:
Read More

BUS VS WING VAN; 1 TODAS, 8 SUGATAN

accident121

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Isang 50-anyos na babae ang nasawi habang hindi bababa sa walo katao, halos mga pasahero ng bus, ang nasugatan sa inisyal na ulat sa banggaan ng bus at wing van truck sa Mc Arthur Highway, Central 1 Barangay Binugao Toril, Davao City, Martes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Judy Tepacia Mejares, 50.

Sa ulat na nakarating kay Police Col. Alexander Tagum, hepe ng Davao City Police, nangyari ang aksidente ala-1:15 ng hapon.

Ang wing van ay minamaneho ni Nick Barcelona Lopez, 37, ng Purok 9 Livara Compound Tacurong Sultan Kudarat, ay patungo ng Digos na direksiyon habang ang Mindanao Star Bus (M01-15-002647) ay papasok ng Davao City Proper.

Ang bus ay minamaneho ni Zandro Saiden Abdulwahab, 37, ng Cotabato City.

Ayon sa ulat, nasa parehong magkasalungat na direksiyon ang dalawang mga sasakyan na nasangkot nang magkasalpukan.

Dahil sa lakas ng impact, wasak ang unang bahagi ng bus na ikinasugat ng ilang mga pasahero na sina Jeffrey Abarquez, 29,; Theresa Gonzales, 55, Bayugan 1, Agusan del Sur; Lizel Ramos, 25, ng  Bansalan Davao del sur; Lucrecia Aller Gomez, 74, retired teacher at ang kanyang kapatid na si Patrocenia Aller Gomez, 81, kapwa residente ng Ubas compound Matina, Davao City; Dorotea Masangay, 81, ng Mercedez Caraga Davao Oriental at Emediline  Masangay, 51, ng Duha San Rafael Maa, Davao city.

Ang mga sugatan ay dinala sa iba’t-ibang pagamutan sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More

BABY TUMILAPON SA SINASAKYANG TRICYCLE, PATAY

accident121

(NI ANNIE PINEDA)

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang 10-buwan sanggol makaraan lumipad ito mula sa tricycle na sinasakyan nilang mag-ina nang mabangga ng kasalubong na motorsiklo, sa Davao City.

Agad binawian ng buhay ang sanggol nang mabitawan ito ng kanyang ina habang nakaupo sa harapan bahagi ng tricycle.

Nadakip naman ang suspek at driver ng motorsiklo na kinilalang si Christian Joy Tawaay, ng Tugbok, Davao City.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Mintal, Tugbok District, ng lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng Tugbok Police, nagkasabay na nag-overtake sa parehong lane ang dalawang sasakyan. Pero sa bilis ng patakbo ng motorsiklo, nabangga nito ang tricycle.

At sa lakas ng pagkakasalpok, nabitawan ng ina ang karga nitong anak kaya tumilapon palabas ang sanggol at bumagsak una ang ulo na agad nitong ikinamatay.

Nabatid, na nakainom ng alak ang suspek habang nagmamaneho.

Nakatakda naman sampahan ng kasong reckless imrpudence resulting to homicide, physical injuries at damage to property ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

2 LALAKI NALUNOD SA RESORT

lunod1

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY- Dalawang lalaki ang namatay matapos malunod sa isang resort sa Brgy. Daliao, Toril District noong Linggo.

Kinilala ng Toril Police Station ang mga nasawi na sina Laoro Villamor, 48, ng San Gabriel Mintal; at Geovani dela Torre Torres, 48, ng Sanai Village, Purok 22, Mintal.

Ayon sa otoridad, naliligo ang mga biktima sa Vales Beach Resort mga 100 metro mula sa police outpost kung kaya’t napansin agad ito ng mga pulis.

Gayunman, huli na nang mailigtas ang mga biktima dahil malakas ang alon sa dagat kaya’t tuluyan na silang nalunod habang nakitang kumakaway-kaway ang mga ito.

Dumating din ang mga rescuers ngunit dahil sa lakas ng alon ay nahirapan na silang maisalba ang dalawa.

Isang Master Sergeant Lapitan ng Philippine Army din ang nagligtas sa dalawa ngunit nang maisugod sa Saint John Hospital ay idineklara rin ng mga doktor na dead on arrival sa pagamutan.

Paaalala ng mga otoridad na huwag munang maligo sa dagat lalo pa’t malalakas ang mga alon dahil sa habagat.

 

Please follow and like us:
Read More

 LALAKI INAMBUS NG TANDEM SA HARAP NG INA

CRIME12

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY, Davao del Sur–Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Digos City Police Office (DCPO) upang malaman ang motibo ng pamamaril sa isang 30-anyos na lalaki habang ito ay nagmamaneho ng kanyang multicab, alas 4:55 ng hapon ng Linggo.

Kinilala ang nasawi na isang Kevin Zamora, residente ng Brgy. Sinayawan, sa bayan ng Hagonoy, Davao del Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa Rizal Avenue kanto ng Mary Crumb Street sa Barangay Zone 1 nitong lungsod.

Pauwi na ang biktima kasama ang kanyang ina na nakasakay sa harapan ng multicab nang bigla na lang dumating ang dalawang lalaking nakasakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril si Zamora.

Ayon sa mga nakakita sa insidente tumakas ang mga suspek matapos tadtarin ng bala ang biktima.

Agad binawian ng buhay ang biktima ngunit ligtas naman ang ina nito.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang DCPO upang matukoy ang mga suspek at makasuhan sa pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

2 PEKENG LADY DENTISTS, TIKLO

(NI ANNIE PINEDA)

REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng dalawang babaeng pekeng dentista, matapos mahuli ng mga awtoridad sa entrapment operation, sa Davao City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Sheena Mae Zabal at Lorie Jane Cirilo at kapwa ng Barangay Ubalde, Agdao District, Davao City.

Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa ginagawa ng mga suspek sa kabila ng hindi sila lisensyado para bumunot ng ngipin o gumawa at pagkabit ng braces.

Sinabi pa ng awtoridad, matagal na umanong nag-aalok ng murang serbisyo sa pag-aayos ng retainers at braces ang mga suspek.

Isa sa mga pulisya ang nagpanggap na pasyente at ng aktong kunin ng mga suspek ang halagang P500 na marked money agad na dinakma ang mga ito sa pinosasan.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9484 o Philippine Dental Act of 2007 sina Zabal at Cirilo.

 

Please follow and like us:
Read More

3 OPISYAL NG INVESTMENT SCAM WANTED SA P400-M ESTAFA

(NI DONDON DINOY)

DIGOS CITY- Humingi na ng tulong sa Davao City Anti-Scam Unit ang mahigit 1,000 ng umano’y investment scam victims matapos magtago ang mga opisyal ng Crowd Royals Real Estate Services (CRRES) na nakabase sa Davao Region dala ang kanilang pera.

Hindi makapaniwala ang mga investors ng kompanya na matangay ang kanilang pera dahil maayos naman daw ang kanilang pay-out sa loob ng ilang buwan.

Pinaghahanap na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong mga suspek na sina Armando “Max” Oppus, ang Chief Executive Officer (CEO), Edmund Quiῆonez, property custodian at Judy Ann Estrella, marketing manager.

Nabigla na lamang si Jessa, 34, matapos makatanggap ng balita na bigla na lang nawala ang mga suspek at tinangay ang humigit kumulang P400 milyon noong Hulyo 28.

Ayon kay Eric, 42, huli siyang nakapaglagay ng investment sa CRRES nitong Hulyo 27 sa halagang P150,000 matapos mag-promo ang kompanya ng ‘double your money’ sa loob ng 15 araw.

Sinabi nito na ilang beses na siyang nakakuha ng pay-out sa kumpanya matapos mag-offer ng regular na promo na nasa 100 hanggang 300-porsyento sa loob ng 30 hanggang 45 araw.

Ngunit napag-alaman na wala talagang 15 araw na promo ang CRRES at ginawa lamang ito ng mga suspek upang may maipang-baon sa kanilang pagtakas.

Samantala, ipinangako ng mga managers ng kompanya sa iba’t ibang branches na maisasauli ang pera ng kanilang mga investors sa tulong ng kanilang mga traders sa lalong madaling panahon.

Ang operasyon ng Crowd Royals Real Estate Services ay nasa Panabo, Davao del Norte, Mati, Davao Oriental, Butuan City, Malita, Davao Occidental, Bukidnon, Marbel, South Cotabato, General Santos City, Kidapawan City, Cagayan de Oro, Island Garden City of Samal, at Digos City sa Davao del Sur.

Sinampahan na rin ng reklamong “large scale estafa” ang tatlong opisyal ng kompanya.

 

Please follow and like us:
Read More

3 CALL CENTER AGENT PATAY SA ROAD CRASH

callcenter12

(NI BONG PAULO)

TATLONG call center agent ang nasawi habang 11 iba pa ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang tourist van sa highway na sakop ng Sitio Quipasa, Barangay Poblacion sa bayan ng Mambajao, Camiguin, iniulat nitong Linggo.

Sa ulat na nakarating kay Lieutenant Coronel Roy Bahain, hepe ng Camiguin Police, nawalan ng preno ang puting Toyota Hi-Ace van alas-4:45 ng hapon nitong Sabado.

Dahil sa nagka-malfunction ang brake ng sasakyan ay tuluyan itong sumalpok sa open field kung saan sa lakas ng pagsalpok ng sasakyan, tatlo ang naiulat na dead on the spot.

Sa ginawang pagsisiyasat ni Captain Arnold Gaabucayan, hepe ng Mambajao Police, halos lahat ng pasahero ay mga empleyado ng IBEX Global Davao na nagpunta sa Camiguin para sa team building ng kanilang kumpanya.

Ang 10 sa mga sakay ay nagtamo ng serious injuries habang minor injuries naman ang nakuha ng driver ng van na si Joy Sobremisana.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima. Agad dinala ang mga biktima sa ospital ng mga rumpespondeng pulisya.

Papunta umano sa bayan ang mga biktima nang pumalya ang preno at maaksidente ito.

Dumating ang grupo ng Sabado ng umaga at naglibot muna bago magpunta sa Saay cold spring.

Dagdag ni Gaabucayan, walang kasamang tour guide ang mga ito at planong magpunta sa White Island ngunit dahil hapon na ay nagdesisyong magpunta sa Saay.

 

Please follow and like us:
Read More

NPA LEADER SUMUKO, TULONG NG GOBYERNO IBINIGAY

cppnpa12

(NI JESSE KABEL)

NANAWA sa laban at nais subukan ang mga magandang pangako ng Duterte adminsiration, minabuti ng isang mataas na opisyal ng New People’s Army na sumuko na at magbagong buhay, sa Paquibato District, Davao City.

Kinilala ni Capt. Erick Wynmer Calulot, ang Civil-Military Operations Officer ng 1003rd Infantry Brigade ang pagbabalik-loob ni Epifanio Blas, 49, residente ng Barangay Malabog.

Si Blas ang kasalukuyang Assistant secretary ng Hingpit Organisadong Masa ng NPA sa kanilang lugar .

Nauna nang idineklarang insurgency-free ang barangay at naging pilot area ng Peace 911 ng lungsod.

Nauna rito, may 75 mga dating NPA rebels na nagbalik-loob sa pamahalaan ang pinagkalooban ng P3.7 million  halaga ng  tulong ng gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa  San Agustin, Tandag City, Surigao del Sur.

Sa nasabing bilang ng mga nagbalik loob , 38 rito ay mga kasapi ng Indigenous Cultural Communities / Indigenous Peoples (ICCs/IPs).

Pinangunahan ni Usec. Reynaldo B. Mapagu, chairperson ng  Inter-agency Task Force Balik-Loob  na siyang nagpapatupad ng E-Clip sa ilalim ng Local Integration Program  para sa mga dating rebelde.

Tinagurian ni Gen Mapagu ang kanilang programa na Katuwang Sa Pagbabagong Buhay kung saan ay pinagkakalooban ng cash grant na P15,000, bukod sa financial assistance for livelihood and other expenses na aabot sa P50,000 at firearms remuneration base sa katumbas na halaga ng baril na isusuko na ipinagkaloob ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Please follow and like us:
Read More

TAXI NILAMON NG LUPA

cab321

(NI KIKO CUETO)

DAVAO CITY– Nilamon ng lupa ang isang taxi habang dumaraan sa Diversion Road sa Barangay Ma-a sa lungsod na ito sa kasagsagan ng ulan, Miyerkoles ng gabi.

Sinabi ni James Babao, nagulat na lang siya nang biglang natabunan ang kanyang taxi.
Kwento pa ni Babao, natakot sila sa nasaksihan at hindi agad na nakaatras dahil na rin sa mga sasakyan na kasunod nila sa likod.

“Na-stuck ako kasi yung paa ko, hindi ko na maapakan ang brake kasi takot na ako. Nabigla ako eh. Nanginginig na ang tuhod ko. Natagalan pa akong kumilos. May tumalsik na tubig sa gilid ng taxi. Napasigaw na kami lahat.

Bumulwak na yung lupa, may kasamang kahoy,” sabi ni Babao.

Tinulungan si Babao ng Barangay rescue team ng Matina Crossing at pag-rescue ng Central 911 Urban Search and Rescue Team sa pasahero’t driver na na-trap sa loob ng natabunang lupa.

Matagumpay naman silang nailigtas.

Pansamantalang isinara ang bahagi ng Diversion Road na apektado ng landslide habang patuloy ang clearing operations ng Department of Public Works and Highways.

Please follow and like us:
Read More

HEAD-ON COLLISION: 2 BABAE PATAY 

accident12

(NI JESSE KABEL)

DEAD on the spot ang dalawang babae lulan ng kotse na nakasalpukan ng kasalubong na passenger bus, Biyernes ng madaling araw sa kahabaan ng Quimpo Boulevard sa lungsod ng Davao.

Sa report ng Davao City Police Office , nasawi sa insidente ang 27- anyos na si Melody Sotelo Ybañez, ang drayber ng kotse at ang kasama nitong si  Janilou Faye Rosales, 21.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nag-counterflow umano ang kotse at bahagyang nasakop nito ang linya ng bus.

Sinasabing kapwa matulin ang takbo ng dalawang sasakyan at hindi na nagawang maiwasan ng passenger bus ang kasalubong na kotse.

Please follow and like us:
Read More

‘RAPIST’ NA CAFGU RUMESBAK; GINANG, 3 ANAK MINASAKER

davao

(NI NICK ECHEVARRIA)

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng isang ginang at tatlo nitong anak sa kamay ng isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) matapos silang pagbabarilin at pagtatagain dahil sa umanoy paghihiganti ng una matapos siyang sampahan ng kasong rape ng isa pa sa miyembro ng pamilya ng biktima sa Marilog District sa Davao City.

Samantala, napatay din ng mga pulis sa isinagawang manhunt operation ang suspek na nakilalang si Randy Balagisi, 23, miyembro ng Cafgu na nasa ilalim ng 16th Infantry Battalion sa Barangay Gumitan Patrol Base.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina  Liza Ominloy Ponce, 49; Christine Ominloy Ponce, 29; Ana, 14; at Rey, 5-anyos, pawang residente ng Sitio Guilon, Barangay Marilog ng nabatid na lungsod.

Ayon kay Davao City Police Office(DCPO) Director Police Colonel Alexander Tagum, sumugod ang suspek sa bahay ng pamilya Ponce sa Sitio Guilon sa Barangay Marilog nitong Martes ng gabi at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang 5.56 na kalibre ng baril at hindi pa nakuntento ay pinagtataga pa niya ang mga ito dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Matapos ang krimen ay agad itong tumakas subalit dakong ala 1:30 ng hapon ng Miyerkoles ay nasukol ito ng awtoridad sa Sitio Lapinig sa Barangay Marilog pero imbes na sumuko ay nanlaban pa ang suspek at nakipagbarilan sa awtoridad.

Tumagal na 20 minuto ang palitan ng putok hanggang sa mapatay ang suspek.

Napag-alaman pa kay Tagum na paghihiganti ang motibo ng suspek kaya niya pinatay ang mga biktima dahil kinasuhan siya ng rape ng isa pang anak ng pinatay na ginang nitong nakaraang Setyembre.

Tumakas umano ang suspek sa kanilang detachment bitbit ang kanyang service firearms 5.56 na armalite rifle at tinungo ang  bahay ng pamilya ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

BUNTIS KINATAY NG EX-BF SA SELOS

davao

(NI KIKO CUETO)

SANTA CRUZ, Davao del Sur-  Patay sa pananaksak ang isang babae nang magselos ang kanyang dating kinakasama habang nasa loob ng tricycle sa Rizal Street, sa bayang ito.

Kinilala ng pulis ang biktima na si Roann Sapliago.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi namalayan ni Sapliago na nakasakay ang suspek na si Ramil Eblacas sa likod ng tricycle.

Bigla na lamang umano itong nanaksak.

Hindi pa nakontento, muli pang pinagsasaksak ng suspek ang biktima nang nakalabas ito sa sinasakyang tricycle.

Nagbalak pang tumakas si Eblacas pero nahuli ito ng mga residente.

Ayon sa suspek, selos ang dahilan ng krimen dahil nalaman nitong may iba nang kinakasama ang dating nobya at buntis pa umano ito.

Gusto rin umano niyang makipagbalikan pero hindi pumapayag ang biktima kaya sinaksak ang dating kinakasama.

Kinasuhan na ang suspek ng kasong murder.

Please follow and like us:
Read More