DANIEL MAKAKATSAMBA PA KAYA SA BOX-OFFICE?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HINDI box office king si Daniel Padilla, kasi sinasabi ngang may ibang naka-tsamba na kumita nang mas malaki nang kaunti kaysa sa huli niyang pelikula. Ganoon lang naman ang labanan ngayon eh, basta may naka-tsamba, siya ang panalo. Hindi kagaya noong araw na kailangan consistent kang kumikita ang pelikula mo bago ka matawag na box office star. Kailangan masasabi nang legend ka sa takilya para matawag kang box office king.

Kaya nga noong araw, wala namang ibang natawag na box office king maliban kay FPJ at saka si Mang Dolphy. Sila lang naman kasi iyong consistent na basta may pelikula siguradong hit. Noong araw, hindi rin sila pinagsasabay sa Metro Manila Film Festival. Nagkasundo silang hindi magsasabay dahil mahahati pa ang kita ng pelikula. At ang ibang pelikula, wala nang chances.

Noong magkaroon ng isang foundation na nagbibigay diumano ng scholarship, at natural kailangan ng fund raising para maituloy ang kanilang ginagawa, may nagbigay na niyang box office king and queen awards. Naiba na ang criteria. Sa kanila kung sino ang maka-tsambang makagawa ng malaking hit, iyon ang panalo. Kung hindi nila gagawin iyon, taun-taon iyon at iyon din ang mananalo.

Maski iyong box office queen, gumawa si Vilma Santos ng limang pelikulang sunud-sunod, na bawa’t isa lumalampas ang kita sa nauna, bago siya natawag na box office queen. Kailangang lampasan iyon kaya gumawa si Sharon ng pitong sunud-sunod bago siya natawag na box office queen. Pero pagkatapos noon kung sino man ang maka-tsamba, siya na ang box office queen.

Ano man ang sabihin nila, hindi naman natin maikakaila na nitong nakaraang huling tatlong taon, si Daniel Padilla iyong consistent na kumikita nang malaki ang lahat ng gawing pelikula. Hindi lang siya box office king ngayon kasi nga may nakatsamba. Iyon bang kasunod na pelikula noong naka-tsamba makaka-tsamba pa rin? Hintayin natin.

HINDI NATALO NG “ENBALMED BEAUTIES” ANG ALDUB SA ARENA

Marami rin naman daw nanood ng concert ni Imelda Papin noong isang gabi, pero nang tanungin namin ang ilang naroroon kung tinalo nga ba niya ang audience noon ng Aldub, ang mabilis na sagot sa amin ay “ay hindi ha”. Expected naman namin iyon, dahil kung ang crowd ay talo ang Aldub, tiyak na umuusok din iyan sa social media kagaya ng nangyari sa Aldub na umabot nang kung ilang milyong tweets ang nai-rehistro sa web. Siguro rin, mas niliwanagan nila ang upuan ng audience para nakita sa photos at videos ng concert ang malaking crowd.

Si Imelda Papin ay masasabi nga nating isa nang music legend dito sa ating bansa. Sayang dahil parang hindi siya nabigyan nang hustong tribute sa concert na iyan. Nagmukhang musical variety show ni Pablo Vergara noon sa Gala. Dapat sana isang concert na naging showcase ng talents ni Imelda lang. Ang dami kasi niyang guests, nagmukhang palabas sa fiesta.

 

Please follow and like us:
Read More

MALAKING SUGAL ANG DANIEL-SARAH FILM

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NATUTUWA naman daw si Daniel Padilla sa naging success ng pelikula ng kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo, lalo nga’t alam niya kung ano ang hirap na dinaanan noon habang ginagawa ang huli niyang pelikula.

Hindi kasi sanay si Kathryn nang ganoon kabibigat ang ginagawang mga eksena. Proud rin naman daw si Daniel na maganda ang acting talaga ni Kathryn, at naniniwala nga siyang dahil doon ay maaaring manalo ulit ang girlfriend niya ng iba pang awards.

Pero ang kasunod niyang proyekto ay hindi si Kathryn ang katambal. Sinasabing baka nga raw ang simulan niya ay ang matagal nang pinag-uusapang movie nila ni Sarah Geronimo.

May nagsasabing sugal iyan, dahil hindi sila magka-love team. Alam ng mga tao na ang syota niya ay si Kathryn. Alam din naman nila na ang talagang boyfriend ni Sarah ay si Matteo Guidicelli. Pero hindi naman siguro isang matinding love story ang ipagagawa sa kanila kaya ok lang iyan.

Pero mukhang mas tama nga iyang huwag muna silang pagtambalin ni Kathryn, baka kailangang magpahinga muna ang kanilang love team, Medyo sagad na ang kanilang mga fans, Dahil kahit na nga hindi si Daniel ang leading man ni Kathryn sa kanyang huling pelikula, talagang kinumbinsi ni Daniel ang mga fans na suportahan iyon. Kung iisipin, sunud-sunod na ang gastos ng Kathniel sa mga pelikula.

Siguro naman kung silang dalawa ang magkatambal, tiyak na gagastos pa rin ang kanilang mga fans, pero kailangan din namang pagpahingahin sila kung minsan, para mas maka-buwelo sila sa susunod na Kathniel movie.

Ang talagang panalo riyan, napatunayan ng kanilang mga fans na sila nga ay maaaring gumawa ng box office history na hindi pa nagawa ng ibang mga fans kahit na noong araw.

 

Please follow and like us:
Read More

MAY DAHILAN PA BA PARA MA-INSECURE ANG ISANG DANIEL?

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NAPANOOD namin ang isang maikling video mula sa isang Kathniel fan. Binati ni Daniel Padilla si Kathryn at si Alden Richards dahil sa malaking kinita ng kanilang pelikula. Pero hindi natin maikakaila na iyang pelikulang iyan, wala man si Daniel ay napakalaki ang kanyang ginawa. Siya ang nananawagan sa kanyang mga fans na suportahan nang husto ang pelikula. Simple ang dahilan ni Daniel, hindi lang dahil syota niya si Kathryn kungdi dahil gusto niyang kumita naman ang mga pelikulang Pilipino.

Itinutulak niya ang mga fans na panoorin ang pelikula, dahil iyon ang makapagbibigay ng edge kay Kathryn laban sa mga sinasabing kakumpitensiya niya sa popularidad. Nangyari naman iyon, dahil kumita ang pelikula, masasabi ngang wiped out na ang mga kasabayan niya.

Pero may biro si Daniel in the end at sinabi niya kay Kathryn, “siguruhin mo na ako lang ha”.

Nagseselos ba o insecure si Daniel kay Kathryn? Palagay namin tuksuhan lang nila iyon eh. Hindi dapat seryosohin dahil pagkatapos noon nagsipaan pa silang dalawa, na siyempre mga sipang hindi naman pinatatama. Parang biruan lang ng mga bata.

Walang dahilan para maging insecure si Daniel. Alalahanin ninyo kung magkano rin naman ang kinita ng kanyang mga pelikula, at ilang ulit din siyang nanalong best actor. Sa mga kasunod, nominado siyang lagi para sa best actor award kaya masasabing itinuturing siya ng mga kritiko na kasama ng pinakamahuhusay na actor.

Bakit magiging insecure si Daniel? May magsabi mang hindi siya iyon, hindi naman nila maikakaila na sa ngayon si Daniel isa sapinaka poging actor sa pelikula at telebisyon. Basahin ninyo sa internet kung papaanong pagpantasyahan ng mga babae at ng iba pa, si Daniel.

May dahilan ba para maging insecure si Daniel kanino man?

 

Please follow and like us:
Read More

DANIEL NAAWA KAY JOSHUA; JULIA  NAGBANTA?!

(NI JERRY OLEA)

PASABOG  ang tweets ni Roxy Liquigan (head ng ABS-CBN Star Music) kaugnay sa pag-iisa ni Joshua Garcia habang kumakain sa after-party ng ASAP Natin ‘To sa BMW Lounge ng SAP Center, San Jose, California.

Ani Roxy, napansin ni Daniel Padilla na mag-isa si Joshua sa mesa, kaya nilapitan nila ito at tinabihan sa pagkain.

Andaming naawa kay Joshua. Si Julia, na-bash nang bonggang-bongga.

May mga concerned kay Julia, kaya siguro minabuti ni Julia na mag-tweet bilang paliwanag, “I did not leave Joshua alone. He opted & requested to be left alone. He asked to eat & mingle alone.

“Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN? Bakit nanaman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to? Wala kumakawawa sa kanya.

“Masyado nageenjoy tao gawin kawawa si Joshua sa lahat ng bagay, kahit wala na connection sa kahit na ano. May magawa lang na story. “Trust me, the guy is ok. He enjoyed himself last night.

“Wala sila lahat alam. Wait lang kayo.”

Nagbabanta ba si Julia laban kay Joshua?

 

Please follow and like us:
Read More

HINDI TAYO PUWEDENG MABUHAY SA TAKOT –DANIEL

(NI ROMMEL PLACENTE)

SABAY na nag-guest sa Magandang Buhay noong Martes sina Ian Veneracion at Daniel Padilla.

Kaya sabay silang pinag-guest sa nasabing morning show   ay dahil nagging very close sila.

Nagsimula ang friendship nila noong nagkasama sila sa defunct drama series ng Kapamilya network  na Pangako Sa ‘Yo

na gumanap sila rito bilang mag-ama.

Nahilig sa motorbike si Daniel dahil naimpluwensiyahan siya ni Ian na naunang nahilig mag-motor.

Ayon sa mommy ni Daniel na si Karla Estrada ay natatakot daw siya kapag nagmo-motor ang kanyang anak.

“Ang kaluluwa ko! Hindi kayang nagmo-motor si Daniel. Kung hindi si Tito Ian niya, o si Papa ( Rommel Padilla) niya ang makakasama niya (na nagmo-motor), hindi ako talaga (pumapayag).”sabi ni Karla

Patuloy niya,”So kapag magpapaalam siya, tapos dadaaan siya diyan sa kalsada, wala akong pahinga sa nerbiyos ko. Parang you’re in pain, but you just have to be used  to it,”

Sa sinabing ito ni Karla, sumagot si Ian:”Kaya nga sinasabi ko sa kanya (Daniel) lagi, mag-iingat ka.  Kahit ‘yung daliri mo sa paa, hindi pwedeng mabalian. Kahit siguro 50 years old ka na, ‘pag nasugatan ka sa motor, kasalanan ko pa rin ‘yun. Ako ang sisisihin ng nanay mo”

Ayon naman kay Daniel, naiintidihan niya ang nanay niya, kung ganoon na lang itong mag-alala sa kanya.

“Pero lagi ko namang sinasabi sa kanya, “Ma, hindi naman pwedeng lagi na lang tayong natatakot. Hindi tayo pwedeng mabuhay sa takot dahil hindi natin maabot ang  mga pangarap natin,”

Sa sinabing ito ni Daniel, tinanong siya ni Jolina Magdangal, co-host ng mommy niya sa MB, na paano raw kung muling magmahal ang mommy niya, matatakot ba siya? Ang tanging sagot ni Daniel,”Huwag nating pag-usapan ‘yan,”

Sa narinig na sagot ni Daniel, tinanong naman siya ni Melai Cantiveros, kung over-protective ba siya sa kanyang mommy?

“Alam ninyo, lumaki ako na marami akong nakilala rin (na mga minahal ni Karla) and alam naman natin na may darating at darating din. Pero pinag-usapan namin ni Mama. “sabay buntong-hininga ni Daniel at  hindi na itinuloy ang sasabihin.

At ang natatawang reaksyon naman ni Karla sa sinabing ‘yun ni Daniel.

“Ganito na lang anak, mag-compromise tayo. Hindi na ako mag-aasawa hanggang sa pagtanda ko. Pero kasakasama mo ako kahit saan kayo magpunta ni Kathryn (Bernardo) I’m just here anak, kasi hindi mo ako binigyan ng buhay ko,”

 Aminado naman si Daniel na seloso siya kaya hangga’t maari ay ayaw niyang mag-asawa ang kanyang ina.

Please follow and like us:
Read More

‘JAMES IS NOT AS FRIENDLY AS DANIEL’

danjames12

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

NATAWAG ang aming pansin ng isang social media post ng kilalang model na si Patty Betita, na na-link din noong araw at may anak pa kay JV Ejercito. Natuwa si Patty dahil nagpakuha sila ng picture ng matinee idol na si Daniel Padilla, na nangyari noong Binibining Pilipinas pageant.

Mayroon siyang kaibigang nag-comment, “sa susunod naman si James Reid”.  Na mabilis na sinagot ng veteran model na “he’s not as friendly”.

Aywan kung ano ang nangyari at nagsabi siya nang ganoon, pero hindi magandang feedback iyan para kay James. Kung sa bagay maski naman noong araw pa, marami ang nagsasabing mas ma-PR talaga si Daniel. Ugaling Pinoy kasi si Dj. Iyan namang si James, ugaling dayuhan iyan talaga at hindi pa nga siguro siya lubusang nakakapag-adjust.

 

Please follow and like us:
Read More

BASHED PATI ACCENT NI DANIEL SA Q&A NG BB. PILIPINAS

daniel222

(NI ED DE LEON)

PINUNA ng mga bashers pati ang accent ni Daniel Padilla nang magtanong siya sa question and answer segment ng Binibining Pilipinas.

Bakit hindi ba naintindihan ang tanong ni Daniel? Si Daniel naman ay isang Pilipino, hindi naman siya Kano. Bakit kailangang hanapin sa kanya ang accent ng isang Kano?

Ang mas nakatatawa iyong masyadong Kano na bano kung magsalita ng Tagalog. Nasa Pilipinas po tayo.

MALUBHA ANG KALAGAYAN NI MANOY

Kuryente, one hundred percent ang sinasabing inatake sa puso si Eddie Garcia doon sa set ng Rosang Agimat.

Nagkakaturuan na ngayon. Wala naman kasing medical bulletin na inilabas iyong Mary Johnston Hospital dahil humingi ng privacy ang pamilya. Iyon pala doon pa lang alam na nila na hindi inatake si Manoy kung di bumagsak nang medyo masama, at nagkaroon ng severe cervical fracture. May nabaling buto sa gawi ng leeg.

Iyan ay naka-konekta sa spinal column, kaya siya nag-comatose. Apektado na ang nervous system ng kanyang katawan. Nang ma-review namin ang video ng aksidente na naka-slow motion, noon namin napansin na mukhang nasabit nga ang paa niya sa isang cable, at nadapa nga siya.

Nagkakaturuan na ngayon, at mismong ang GMA 7 na nagpalabas din ng ganoong balita, ganoon din ang iba pang media entity, ang nagsabing ang source ng kanilang information ay son-in-law raw ni Manoy na ang pangalan ay Nick. Ngayon hindi na lumabas si Nick. Parang na-Bikoy lahat ng tao.

Anyway, malubha ang kalagayang iyan ni Manoy, at iyon ay pinatotohanan na ng kanyang doctor na si Dr.Enrique Lagman. Siya ay nasa ICU ng Makati Medical Center. Iyon ang totoo. Ipanalangin nating sana nga makabawi pa si Manoy.

 

 

Please follow and like us:
Read More

FRESH DARNA ANG KAILANGAN

darna123

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MASKI pala naman si Liza Soberano naniniwala na mas maganda nga siguro kung isang baguhan ang siyang papalit sa kanya sa pelikulang Darna. Ang paniwala niya, ang kuwento mismo ni Darna ay makagagawa ng isang baguhang star at maganda nga namang mabigyan ng pagkakataon ang isang baguhan, after all kailangan naman natin ng mga box office stars talaga. Tingnan nga ninyo iyong ibang pinipilit na i-build up, maski sa teleserye pang tatlong linggo lang flop na.

Maganda nga namang pagkakataon iyang Darna para maka-discover ng isang may tunay na potentials para maging isang star. Dalawang araw silang nagsagawa ng auditions, aywan kung may nakuha naman sila. May mga datihan na ring artista na nag-audition pa, sa paniniwala siyempre na iyon ang magpapa-angat sa kanilang career.

Iyon naman palang director ng pelikula, payag ding baguhan ang maging Darna, kasi kung mga beauty queen o kaya ay datihan nang artista, medyo matured na sa tingin niya dahil ang paniwala niya dapat ay young looking si Darna, iyong mukhang fresh talaga.

Malaking sugal iyan. Alalahanin ninyo, gumawa ng Darna si Nanette Medved. Gumawa rin ng Darna si Anjanette Abayari. Pero natanim ba sa isipan ng mga tao na naging Darna sila? Kasi nga medyo matured na at saka sexy image eh. Kaya ang naaalala nila sina Angel Locsin, at maging ang star for all seasons na si Vilma Santos, dahil noong gawin nila ang Darna, hindi sila pa-sexy at fresh ang dating.

Palagay namin iyon ang formula riyan. Kung ang ilalagay mo riyan ay nagpa-sexy na kung saan-saan, aba eh halos wala na ring novelty ang pagsu-suot niya ng costume ni Darna, kasi nga nakita na siyang nakasuot nang mas labas pati kuyukot niya.

DANIEL AABANGANG NAKASUOT NG SPANDEX

Sabi ng isang movie writer, “dapat pagawin nila si Daniel Padilla ng isang action film na kagaya ng Avengers, iyong super hero siya. Makikita natin kung ano talaga ang lakas niya sa takilya”.

Noong marinig namin iyon, naisip namin pwede rin. Iyong popularidad ni Daniel at iyong trend na nai-set para sa mga superheroes niyang pelikulang Avengers, aba malaking advantage iyan.

Pero kailangan paghandaan iyan ni Daniel. Baka kailangan siyang mag-gym nang kaunti para mas  mailagay pa sa ayos ang kanyang katawan. Kung sa bagay maaari naman iyong dayain nang kaunti sa costume na gagamitin niya.

At ang sabi pa ng bading na movie writer, “aabangan din nila si Daniel kung nakasuot na ng spandex, alam mo na”. Ganoon ba talaga Tito KC? Iyon ba talaga ang aabangan nila?

 

 

Please follow and like us:
Read More

DANIEL-LIZA SA PELIKULA, TATABO SA TAKILYA?

danielliza12


pwede ed deleon
(NI ED DE LEON)

ANO ang masasabi mo Tito KC doon sa sinasabing dapat daw magkaroon din naman ng ibang leading lady si Daniel Padilla? Kahit na nga sabihing subok na sa box office ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo, hindi mo masasabing iyon na nga ang full potentials ng kanilang pelikula. Kailangan masubukan naman ang iba.

Kagaya nga niyan, itinambal nila si Kathryn kay Alden, at least masusubukan ang lakas nila.

Eh papaano naman si Daniel, matatali na lang ba siya sa love team nila ni Kathryn habang panahon? Hindi naman siguro dapat.

May nagbulong nga sa amin kahapon, palagay daw niya magiging malakas kung ang pagtatambalin ay ang sinasabing “most beautiful girl” na si Liza Soberano, at si Daniel. Kung titingnan mo nga naman sa mukha’t mukha na lang, sino ba ang masasabing makakalaban ni Daniel kung may pipili rin ng “most beautiful boy” sa panahong ito, kagaya noong panahon ni Leonard Whiting? Iba iyong dating ng mukha ni Daniel eh, at mukhang bagay nga sila ni Liza.

Isa pang factor, hindi naman maikakaila na ang popularidad ni Daniel ang nagdadala sa Kathniel. At maikakaila mo rin ba naman na ang popularidad ni Liza ang nagdadala sa Liz Quen? Kung iyang dalawang nagdadala ng kani-kanilang love team ang pagsasamahin, aba matindi iyan. Kailangan na nga siguro nilang pag-isipan iyan.

Inaamin naming hindi rin namin naisip iyan kung di nga lang may nagbulong sa amin, at take note Tito KC, ang nagbulong sa amin ay isang kinikilalang big man sa marketing ng mga pelikulang Pilipino. Aba eh kung silang may mga sinehan ganyan ang paniniwala, hindi ba ako maniniwala?

 

      PIETRO BOSSELLI, KABIBE ANGVTAKIP NG PRIVATE PARTS SA ISLAND PICTORIAL

Natawa kami doon sa isang kuwento na nagulantang daw ang mga netizens dahil sa mga posts noong dating math teacher at naging sikat na modelo ng brief na si Pietro Bosseli. Kasi nga doon sa mga pictures niya ay wala na siyang suot na brief. Tinakpan na lang ng kabibe ang kanyang private parts.

Pero ano nga ba ang bago roon? Kasi natatandaan namin may ganyan na rin siyang picture noong araw na para bang ang nakatakip naman ay radiator yata ng kotse o ano?

Mayroon na ba ngayong nagpo-promote ng kabibe na pamalit sa underwear? O baka naman iyan ay gimmick dahil doon sa diumano ay mga higanteng tulya na hina-harvest ng mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea? Kasi pinapansin ninyo ang gimmick eh kaya ganoon. Sana sa susunod iyong talagang talukap na lang ng tulya, o ng talangka ang gamitin niyang panakip.

 

SEXY ACTOR AT ASAWA ON-THE-ROCKS ANG PAGSASAMA DAHIL SA HINDI TOTOONG KASAL

Mukhang “on the rocks” na naman daw ang relasyon ng isang dating male sexy star sa kanyang pangalawang asawa. Kasi problema nila talaga iyong naunang kasal ng babae sa isang dating young male star na hindi pa pala annulled, kaya lumalabas na ang kanilang kasal ay bale wala rin. Hindi siya tuluyang maipetisyon ng asawa niya na makapanirahan sa abroad, na siya naman niyang gusto kaya nga niya pinakasalan ang pangalawang asawa niya.

Naging obvious lang naman iyon dahil sinasabi ng dati niyang gay benefactor na “panay na naman ang tawag niya sa akin ngayon”.

 

Please follow and like us:
Read More

YOUNG KAPAMILYA ACTRESS DAHILAN NG ‘PAGKAKALABUAN’ NG KATHNIEL

young12

(NI GORGY RULA)

TOTOO  kaya itong nakarating na kuwento sa aming isa ring Kapamilya young actress ang dahilan nang pagkakalabuan noon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo?

Ang hirap lang kasing ibahagi ang kabuuang kuwento dahil wala tayong access kung sino sa kampo ng KathNiel ang puwedeng sumagot sa intrigang ito.

Ang kuwentong ipinarating sa amin, may naka-schedule daw na mag-out of town sina Kathryn at Daniel pero biglang hindi na raw pumuwede ang huli.

Meron daw palang commitment si Daniel, kaya hindi na itinuloy ang lakad na iyun.

Pero bandang huli, may nagparating daw kay Kathryn na nakitang kasama ni Daniel ang isang young actress.

Kaya nagkaroon daw ng tampuhan at nagkaproblema ang magkasintahan. Pero inayos daw ng network, kaya okay na sila.

Hindi rin naman daw ma-reprimand si young actress dahil bongga raw at maganda ang takbo sa ratings ng teleseryeng pinagbibidahan.

Kaya inayos na lang daw sina Daniel at Kathryn, at itong pagdalaw sa Hongkong ay isa sa talagang in-effort ng Kapamilya young actor para magkaayos na silang dalawa.

Mabuti at naayos naman daw ang problema, kaya okay na okay na raw sila ngayon.

Ang tanong; okay na rin kaya itong si young actress na ini-link kay Daniel?

Tingnan na lang natin kung ano talaga ang katotohanan sa kuwentong ito.

Please follow and like us:
Read More

ASIA’S NEXT TOP MODEL MAUREEN ARTISTA NA

maureen12

(NI GORGY RULA)

FINALLY, nag-decide na rin ang Asia’s Next Top Model at Eat Bulaga Dabarkad na si Maureen Wroblewitz na pasukin ang pag-aartista.

Pagkatapos niyang manalo sa ANTP, inalok na siya ni Coco Martin na sumali sa Ang Panday, pero tumanggi muna ang management group na Prima Stella na siyang nagha-handle kay Maureen dahil tingin nila masyado pang hilaw para paartehin ito.

May ibang produksyon na gusto na siyang i-partner sa ilang guwapong aktor, pero hindi pa rin daw talaga handa si Maureen.

Mas type lang niya ang ginagawa niyang hosting sa Eat Bulaga.

Pero naglatag ng career plan ang Reality Entertainment sa kanya, kaya pumirma na si Maureen sa naturang film production nung nakaraang Lunes, April 15 ng gabi kasama ang managers niya sa Prima Stella na sina Chinie Go at Rex Belarmino.

Sina Dondon Monteverde at direk Erik Matti ang pumirma para sa Reality Entertainment, at sinabi ni Dondon na hindi pa raw nila na-finalize kung ano ang first movie na gagawin ni Maureen.

Gusto raw sana nila ang isang young actor na maka-partner niya ay iyung walang ka-loveteam. Pero may mga nagsa-suggest na bagay daw sa kanya si Daniel Padilla o baka puwede si Ruru Madrid dahil open naman itong crush niya ang model/TV host.

May mga nagtatanong din baka i-consider ng Reality si JK Labajo dahil sinasabi naman ng batang rakista na si Maureen talaga ang tinutukoy niyang ‘buwan’ sa pinasikat niyang kanta.

Pero may mga nagri-react ding hayaan na lang daw na sa music na si JK dahil sa attitude daw niyang iyun, hindi raw nababagay sa pag-aartista at lalo na kung i-partner kay Maureen.

So far, ang sure lang daw sila ngayon ay may gagawin ding pelikula si Maureen na ididirek ni Erik Matti.

Three years at 6 movies ang pinirmahang kontrata ni Maureen.

Sabi naman ni Maureen, bahala na raw ang Prima Stella mag-decide kung ano ang una gagawin niyang movie at kung sino ang makakasama niya.

Mas nag-focus daw siya ngayon sa acting workshop at pag-aaral ng tagalog.

Good luck Maureen!

 

Please follow and like us:
Read More

DANIEL, KATHRYN KANYA-KANYANG LAKAD NA TALAGA

kathniel12

(NI DOMINIC REA)

KANYA-KANYANG career  muna ngayon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang latest update, first or second week of April ay lilipad na patungong HongKong sina Kath at Alden Richards para sa isang buwang shooting ng pelikulang pagtatambalan nila under Star Cinema mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Naka-locked-in ito dahil ayon pa sa aming reliable source ay 90 percent ng movie ay kukunan sa HongKong.

Parehong OFW kasi sina Kath at Alden sa movie at kukunan ang 10 percent nito dito sa Pinas.

Si Daniel naman ay waiting nalang ng script ng gagawin niyang movie with Charo Santos.

Ganoon din ang finalization ng kanyang gagawing sitcom with Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Bayani Agbayani! Nakatutuwang ibalita na tapos na ring kunan ang ilang TVC ng mag-inang Karla at Daniel na halos lahat ng endorsements nila ay nag-renew ng kontrata. Bongga! Di ba mga Kapamilya!

Please follow and like us:
Read More

MAHIRAP TALUNIN SI DANIEL PADILLA

daniel padilla1

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

SINO ba ang nagbibigay ng ideya na lalamig ang career ni Daniel Padilla ngayong may iba nang ka-love team si Kathryn Bernardo? Masyado namang ambisyoso ang nag-iisip nang ganyan.

Parang sinabi ninyong kayang talunin ni Gabriel Flash Elorde si Muhammad Ali. Huwag na sa boxing, siguro kahit na sa sumping hindi mananalo si Elorde kay Ali. Ganoon din naman iyan, mahirap talunin si Daniel Padilla.

Bukod sa may box office record, ilang beses na nga bang nanalo ng acting award si Daniel. Kinikilala ng mga kritiko ang kakayahan niyang umarte. Hindi iyan mga awards na galing lamang sa isang grupo ng mga guro sa isang mababang paaralan sa Pangasinan.

Gaano nga ba ang nairehistrong ratings ng mga seryeng si Daniel Padilla ang bida? Hindi pa naso-short cut ang kuwento ng mga serye niya dahil naghihilahod sa ratings ng kalaban.
Iyong mga nagsusulat nang ganyan, maliwanag na niloloko lang ang nagbabasa sa kanila.

Please follow and like us:
Read More

MARCO HINDI NAIINGGIT KAY DANIEL

marco

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

HINDI pinagsisisihan ni Marco Gumabao ang ginawang paglipat sa Viva Artists Agency magdadalawang taon na ang nakalilipas. Matatandaan na dating nasa pangangalaga ng Star Magic ang career ng aktor. “I can’t say that it’s the right decision.

It’s just a good decision maybe na I took myself out of the comfort zone. Then I tried new things even though I knew na there was a risk involved or baka ako malayo sa ABS-CBN. I did it because I believe also in Viva, na may magawa sila sa career ko and thank God naging maganda ‘yung paglipat ko,” pagbabahagi ni Marco.

Sa ngayon ay nananatili pa ring Kapamilya ang binata at patuloy pa rin ang mga ginagawang proyekto sa bakuran ng ABS-CBN. “Ako kasi I’d want to stay in ABS-CBN. I never want to leave siyempre. As of now naman, the projects in ABS-CBN are coming so I’m very happy for it,” giit ng aktor.

Magkasabayan halos nang magsimula si Marco at kaibigang si Daniel Padilla sa show business. Ayon kay Marco ay hindi siya nakararamdam ng inggit sa kaibigan kahit mas malayo na ang narating ni Daniel sa kanya. “Well hindi, I was patient. I trusted my journey because kasabay ko si Daniel, ‘yung mga kabarkada ko. Hindi eh, wala sa akin ang mainggit.

It’s just that you get inspired na abutin mo ‘yung mga kaibigan mo. Instead of pulling them down, humabol ka. Kasi sila may nagawa na sila para mapunta sila sa estadong ‘yan. So what can you do in order to go there and be in that spot?

For the longest time I’ve been in showbiz seven years na pero last year, two years ago lang nag-kick off talaga ‘yung career ko. I’m really thankful because ayoko rin ng overnight success. Ayoko ‘yung tomorrow sobrang sikat ko na agad because for me mas mahirap i-maintain ‘yung gano’n. Gusto ko ‘yung pagdadaanan mo ‘yung every step of the way, slowly and surely,” paliwanag ni Marco.

 

Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

KATHRYN GAGAWA NG PELIKULA WITH ALDEN

kat20

suri(NI THE FIRST NOEL FERRER)

YOU FIRST read it here from THE FIRST NOEL.
Malaking balita ang hatid sa akin ng ating source na hindi nanununog at buo ang kredibilidad pero natuwa ako sa balitang may planong pagsamahin ang Kapamilyang si Kathryn Bernardo at ang Kapusong si Alden Richards.

Bago at fresh na combination yan that is coming at a time when love teams are experimenting and they are being paired with different partners.

Pagkatapos gumawa ni James Reid ng “Miss Granny” with Sarah Geronimo na may Xian Lim na walang Kim Chiu, heto naman si Nadine Lustre doing a project called “Ulan” with Carlo Aquino.
Nagawa naman na ni Enrique Gil na magka- “Dukot” at si Liza Soberano naman ay magkaka-“Darna.”

At habang si Daniel Padilla ay minsan na ring nag sarili sa “Bonifacio”, at si Kathryn Bernardo naman at nagka “Three Words To Forever,” heto at pagkatapos ng “Jack Em Popoy, The Puliscredibles” with Maine Mendoza with Alden Richards, heto na si Alden doing a film project without Maine via Star Cinema with Kathryn to be directed, hopefully by Direk Cathy Garcia-Molina – who seemed to have stuck with Kathryn sa last 2 movies niyang nagawa for Star Cinema.

Alden has already gone solo naman on TV (without Maine) via “Victor Magtanggol” – pero heto na ang rigodon-de-honor at acid test lalo na kay Alden kung may film persona siya apart from the phenomenal AlDub.
Excited ako sa ganitong bagong pairings para naman bagong putahe naman, and mind you, it’s good for the artists’ growth and yes, even audience’s maturity.
And I thank you!

Please follow and like us:
Read More

KARLA 7 TAON NANG LDR SA BF NA NASA CALIFORNIA

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

MASAYA ang buhay pag-ibig ni Karla Estrada dahil pitong taon na ang relasyon ng aktres at kasintahan na kasalukuyang nasa California. Ilang taon pa umano ang aabutin bago muling magkasama ang magkasintahan.

“Tatlong taon bago bumalik. Kasi doon may bagong negosyong tinayo. Bago ‘to (long distance relationship) sa akin kaya sabi ko, walang masyadong expectations. Hindi ko nilalaliman ang pagmamahalan, ang layo eh. Basta okay ako, happy ako, higit sa lahat may love life o wala, sa estado ng buhay ko ngayon. Maayos ang mga anak ko, wala na akong hihilingin,” nakangiting pahayag ni Karla.

Ayon sa aktres ay alam naman ng kanyang mga anak lalo na ang panganay na si Daniel Padilla ang tungkol sa relasyon nila ng nobyo. “Alam niya kasi nakasama ko na nang matagal ‘yung tao na ‘yon. We’ve been together for seven years. Hindi naman kasi ako mahilig magkwento ng aking buhay pag-ibig,” giit ni Karla.

Samantala, masaya rin ang ‘Magandang Buhay’ host para sa estado ng relasyon nina Daniel at Kathryn Bernardo. Kamakailan ay napabalitang nag-propose na ng kasal si Daniel sa dalaga pero alam naman daw ni Karla na biru-biruan lamang ito. “May mga bagay na seryoso na mangyayari sa anak ko pagdating ng panahon and ako ang unang makakaalam no’n,” makahulugang pagtatapos ng aktres.-Reports from JCC-

Please follow and like us:
Read More

MOM NI KATHRYN ANG ATAT MAKASAL ANG KATHNIEL

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

ANG tindi naman ng observation ng isang Kathniel fan. Sinisita niya ang nanay ni Kathryn Bernardo na siya raw laging naglalabas ng mga pictures nina Daniel at Kathryn, at nagsasabi ng kung anu-ano kaya ang relasyon ng dalawa ay nagmumukhang promo lang.

Natatandaan nga namin, may panahon pang sinabi rin ng nanay ni Kathryn na “may alam akong nag-propose sa abroad”, noong panahong nasa abroad ang dalawa. Pareho naman nag-deny later on sina Daniel at Kathryn na parehong nagsabi na hindi pa nila iniisip iyon dahil pareho pa silang naka-focus sa kanilang career.

Sabi pa ng fan, na mukhang mahadera rin, “lumalabas tuloy na si Kathryn ang habol nang habol kay Daniel”.

Siyempre nagpaliwanag naman ang nanay ni Kathryn, mahaba iyon pero kung susumahin mo ang sinasabi lang niya ay buhay nila iyon at walang may pakialam na kahit na sino. In the first place, social media wall nga naman niya iyon. Iyon nga lang, iyong kanyang wall ay nakikita naman ng publiko. Basta binuksan mo ang kahit na anong bagay sa publiko, humanda ka na kung ano ang sasabihin nila.

Kaya nga sinasabi namin eh, mukhang hindi nakakabuti iyang social media sa mga artista at pulitiko, dahil inilalantad pa nila ang kanilang sarili sa kritisismo ng kahit na sino.

Palagay nga namin, it is best na iyong mga private affairs nila ay panatiliin na lang nilang pribado para hindi sila naba-bash sa social media. Kuwentuhan ninyong personal pala iyon eh, di kayo-kayo na lang. Kung ilalagay ninyo iyan sa social media, aba eh binulatlat na ninyo sa publiko ang inyong buhay.

Iyan namang Kathniel, tama nang kumikita ang pelikula nila. Huwag na muna iyang mga ganyang usapan.

Please follow and like us:
Read More

WEDDING PROPOSAL NG KATHNIEL, PLAYTIME LANG

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

HINDI na raw tututol si Karla Estrada kung sakaling gusto nang pakasalan ng panganay na anak na si Daniel Padilla ang kasintahang si Kathryn Bernardo.

Kamakailan ay napabalitang nag-propose na diumano ang aktor sa dalaga nang magbakasyon ang magkasintahan sa Japan. “Before ‘yan mangyari, alam na namin na may biruan na magaganap. It’s not even Kathryn and Daniel, si Do (malapit na kaibigan ni Karla) ‘yon at si Tita Min (Bernardo, ina ni Kathryn), nag-play time sila. I think play time lang, pure play time talaga,” nakangiting kwento ni Karla.

“Okay lang, wala naman akong (tutol), right age na sila. Pero ‘Yon nga ang sinasabi ko, right maturity na ba? Nasa tamang desisyon, dapat dumating lahat ‘yan. Hindi naman parang hiniram mo lang tapos pwede mo isoli after,” makahulugang pahayag ng aktres.

Ayon kay Karla ay siguradong hihingan siya ng payo ni Daniel kung sakaling magdesisyon na itong lumagay na sa tahimik. “Lagi, kasi alam naman niya ‘yon na hangga’t buhay ako, hihingi pa din siya ng advice sa akin. Wala kasi sa right age, nasa right maturity, di ba? Ang mga lalaki alam naman natin na matagal sila mag-mature. So well, lahat naman (ng boys) minsan mayroon tayo, pumapalpak pa din tayo (sa mga desisyon). And yes, hangga’t nandiyan ang parents natin, dapat matuto tayo humingi ng advise,” pagtatapos ng ‘Magandang Buhay’ host. Reports from JCC

Please follow and like us:
Read More

REGINE: MALANDI SI DANIEL

danielp

(NI DOMINIC REA)

DATI-RATI ay ayaw na ayaw ni Daniel Padilla ang kumanta. Gusto niya gitara lang ang hawak niya. Nang tuluyan na nitong pasukin ang mundo ng telebisyon, pelikula at musika, hindi na napigilan pa ang pag-ariba ni Daniel Padilla  sa tatlong larangan ng showbiz na iniikotan ng buhay niya ngayon.

Sa pagkanta, lahat ng apat na concert niya sa Smart Araneta  Coliseum ay jampacked as in filled to the rafters. Obvious na patunay, loyal ang suporta sa kanya ng kanyang tagahanga.

Truly, he’s the Teen King of Hearts,  mapa-telebisyon, pelikula at musika.

Naging tanong ng karamihan, bakit nga ba mahilig sa old songs si Daniel Padilla?

Bakit ang galing-galing niyang humataw sa mga lumang kanta.

Hindi pa siya ipinapanganak nang maging hit ang mga tugtugin yon?

Well, sa katatapos lang na performance ni Daniel this sunday sa ASAP ng Kapamilya Network ay isang lumang tugtugin na naman ang kanyang kinanta.

Swooning ang mga fans sa studio ng ASAP sa galing niyang kumanta ng  classic song.

Ayon pa nga kay Regine Velasquez,  sa  interview sa kanya sa ASAP after the number, ” Ibang klase ang karisma ni Daniel!”

Ibang kilig ang ibinibigay niya lalo na ‘pag kumakanta  na siya sa entablado.

Sey ni Regine, “Ang landi mong  mag-perform.”

“Kaya naman  maraming girls ang kinikilig sa ‘yo DJ! ”

And more so mga gays!

Yun na yun,  Kuya KC! Hilig din kasi talaga ni Daniel ang old songs.

Sa totoo lang, may mga plaka pa siyang collections,  huh!

(Collectors’ items katulad ng nasa blockbuster film ng Kathniel na Hows Of Us!)

Please follow and like us:
Read More