BUGAW NG MGA NENE HULI SA ANTIPOLO HOTEL

ARRESTEDHAND12

(NI KIKO CUETO)

ANTIPOLO City — Timbog ang isang babae na itinuturong bugaw umano sa pitong dalagita sa Bgy. Mambugan.

Sa imbestigasyon ng PNP Women and Children’s Protection Center, inilalako umano ng bugaw ang pitong dalagita sa isang hotel.

Unang nagpanggap ang isang pulis na kukuha ng babae. Nang i-aabot ang bayad ng nagpanggap na customer, agad inaresto ng Luzon Field Unit PNP-WCPC ang target nilang babae sa hotel.

Nabatid na ang mga nasagip na mga babae 13-17 taong gulang.

“Iyung sistema niya, may kakilala siyang estudyante, tina-transact niya sa mababang presyo pero ang presyo niya sa asset namin ay napakataas. Basta may pera, businessman man o empleyado ng gobyerno, yon ang mga parokyano niya,” sinabi ni P/Lt.Col. Samuel Mina, hepe ng Luzon Field Unit ng PNP-WCPC.

Ayon naman sa PNPWCPC, sa social media ang unang transaksiyon ng suspek, saka ipaparada ng suspek ang mga bata sa mga customer at doon pagpipilian.

“Through Facebook talaga, o social media account ang contact system niya,tapos magmi-meetup sa isang lugar doon niya ipapakilala sa would be kustomer niya ang mga alaga niya, and then that’s the time na pipili ang mga customer,” sinabi ni Mina.

Nagbabala naman ang PNP sa ganitong kalakaran lalo ngayong summer vacation at walang pasok sa eskuwelahan.

“Iyung ung iba, nag-iipon ng pang enroll sa eskuwela, mga rason na dapat na obligasyon ng mga magulang. Madali silang maimbita ng inom-inom, saka mga party-party na sa bandang dulo ay may kasabay na transaksiyon,” sinabi ni Mina.

Ayon sa WCPC, umaaligid ngayon ang mga bugaw sa mga eskuwelahan.

Payo rin nila sa mga kabataan, mamili ng kaibigan at mag-ingat din sa mga dadaluhang kasiyahan.

Please follow and like us:
Read More

14-ANYOS PINATAY SA HATAW

aklan12

(NI JESSE KABEL)

IPINAG-UTOS ng Aklan PNP na isailalim sa medico legal examination ang bangkay ng isang 14- anyos na dalagita na natagpuan sa Barangay Pagsanghan sa bayan Banga, ayon sa pulisya, Lunes ng umaga.

Sa report, nadiskubre ang duguang bangkay ng 14-anyos na Grade 8 student. May malaking sugat ito sa ulo na posibleng hinataw ng matigas na bagay.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Sabado, ayon sa Banga Municipal Police Station.

Isasalang sa autopsy ang bangkay upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito maging kung hinalay ito bago paslangin.

Patuloy ang pangangalap  ng mga ebidensya at paghahanap ng mga testigo na posibleng makapagbigay daan sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Please follow and like us:
Read More

DALAGITANG VARSITY PLAYER NILURAY NI TSERMAN

batangas1

(NI NILOU DEL CARMEN)

INIREKLAMO ng isang 16-anyos na dalagita ng kasong panggagahasa ang kanilang barangay captain na umano ay makailang beses na humalay sa kanya sa Tanauan City,  Batangas.

Kasama ang kanyang nanay nitong Biyernes, dumulog sa Tanauan City police ang biktimang si Dane, grade 11 senior highschool student at miyembro ng softball team ng kanilang paaralan.

Base sa pahayag ni Dane, 2017 pa umano, nang simulan siyang pagsamantalahan ng suspek na si Ramil Mercado, barangay captain ng Barangay Altura Bata,  Tanauan City sa tuwing meron silang laban sa local at national softball competition.

Ang suspek ang head coach at manager ng kanilang team.

Ayon pa kay Dane, tinatakot siya ng kapitan na tatanggalin sa varsity team at mawawala din ang kanyang scholarship sa eskwelahan kapag hindi siya pumayag na makipagtalik dito.

Nangyari  umano ang panggagahasa noong mga buwan ng August,  September,  October at November noong 2017 at pinakahuli ay nitong November 2018.

Dinadala umano siya ng kapitan sa isang bahay sa Barangay Altura Bata at sa Jasmine hotel sa Barangay Pagaspas,  Tanauan City.

Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa chairman.

Please follow and like us:
Read More