DAGDAG-PRESYO SA OIL PRODUCTS IPINATUPAD

(NI ROSE PULGAR) NAGPATUPAD ng dagdag-presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong umaga. Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell at Seaoil ang dagdag presyo na P0.40 kada litro sa diesel at P0.60 naman sa kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga. Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa…

Read More

DAGDAG-PRESYO SA LPG ASAHAN BUKAS

(NI ROSE PULGAR) BUKAS, (Disyembre 1), ay may dagdag na presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ipinatupad ang ilang kumpanya ng langis sa bansa. Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng pagtaas ng P0.25 kada kilo sa presyo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.75  na dagdag presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito na epektibo mamayang alas-12:01 ng hatinggabi (Disyembre 1). Bukod dito, tinaasan din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi. Aasahan naman ang pagsunod ng iba…

Read More

PAGKATAPOS NG ROLLBACK; TAAS PRESYO ULIT SA GASOLINA

LANGIS-2

(NI ROSE PULGAR) MAGPAPATUPAD na naman ang mga kompanya ng langis sa bansa ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod linggo matapos ang magkasunod na linggong rollback. Sa abisyo ng ilang insider sa oil industry, ang panibagong dagdag presyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. Ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas sa pagitan ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro. Habang aabot naman sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng diesel samantalang P0.70 hanggang P0.80 rin kada…

Read More