PRADO PANALO NG GINTO

(NI ANN ENCARNACION) IBINUHOS ni Jermyn Prado ang lahat ng kanyang lakas upang masungkit ang inaasam na ginto sa women’s individual road race ng cycling event sa 30th Southeast Asian Games na Tagaytay City. Tinawid ni Prado ang matarik na ruta mula sa Nasugbu, Batangas tungo sa Praying Monument sa ituktok ng Tagaytay City sa loob ng 44 mintuo, 44.742 segundo upang hablutin ang karagdagang gintong medalya para sa bansa at kinaaanibang Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling). Muling nakuha ng isang Pinay ang naturang karangalan na unang inuwi…

Read More

3 GOLDS SA CYCLING, DUATHLON

(NI ANN ENCARNACION) TATLONG ginto ang inambag ng pambansang koponan sa cycling at duathlon sa pagsisimula ng ikalawang araw (Lunes) ng 30th Southeast Asian Games kahapon. Ginulat ni Lea Denise Belgira ang mga kalaban nang sungkitin nito ang kanyang unang gintong medalya sa women’s downhill sa Tatlong Bungo sa Barangay Niyugan,  Laurel, Batangas. Hindi inasahan ng marami ang panalo ni Belgira lalo’t ito ay una pa lamang na pagsabak niya sa women’s downhill event sa biennial meet. Noong Linggo ay kabilang siya sa mga nagpartisipa sa mountain bike cross country…

Read More